Mga Sumasampalataya

Dec 9, 2008

2 KWENTONG WEEKEND

Medyo maraming kaganapang hindi masyadong kaaya-aya ang naganap sakin noong nakaraang weekend. Yung taong sinulatan ko ng 'Goodbye Letter' noong nakaraang buwan eh nagpaparamdam nanaman ngayon.

Hindi ko masyadong idedetalye ang mga kaganapan dahil baka maging emo nanaman ako. Pero sa totoo lang, medyo napipikon na ako.

Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhanang gaguhin ako o kung kami ay 'meant to be' talaga. Seryoso, malapit na akong mapikon.

Nag-aaya nanaman siya na lumabas kami kasama ng isa pang kaibigan. Wala lang catch up on things lang. Lampas isang taon na rin kasi nang huli kaming magkita. Hindi ko rin naman kasi nasabi sa kanya na di ko kayang ipagpatuloy na friends lang kami, dahil iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

Ang plano ko sana, ay umoo sa imbitasyon niya, tapos indianin sila pagdating ng araw na tinakda. Ang mature no?

Hay, sinabi sa akin ng isang kaibigan ko na " lahat ng scheming, pretending and wishing means na in the end, you're still hoping--which means niloloko mo yung sarili mo na kaya mo na to let it go"

Tanga. Yun lang ang masasabi ko sa sarili ko.

***********

On a lighter note, nung Linggo, laban nga ni Pacquiao diba? At dahil gustong maging tight ng pamilya ko, eh niyaya niya ang mga pinsan at tita ko na sa bahay na manuod ng fight dahil sayang naman yug inorder nila na puto para sa bisita naming umalis noong Sabado.

Di ako masyadong naging interesado sa laban dahil alam ko na kung sino nanalo bago pa man ito magsimula.

Ang nakakatuwang panuorin ang mga opinyon ng mga kamag-anak ko tungkol sa labang ito ni Pacquiao... Talagang hindi sila nagbukas ng radyo, at ayaw ng spoilers, gusto mapanuod nila mismo yung laban. Sabi ko nga, manuod na lang sila sa sinehan, pero ayun nagkukuripot. Mas gusto nilang gumastos maghanda para sa mga bisita kesa manuod sa sinehan ng LIVE.

Round 6 pa lang.

Pinsan 1: Alam niyo, luto itong laban na ito... kasi win or lose si dela Hoya, millions ang mekukuha (ganyan siya talaga magsalita).
Tatay: Anong luto, papayag ba na magpabugbog yan si dela Hoya ng ganyan, wasak ang mukha kung luto yan (avid fan siya ni Pacquiao... as in!!!)?
Pinsan 1: hay naku, ok lang yan, kaya ng 1 million dollars na ayusin ulit yung mukha niya.
Tatay: Hindi... Hindi kayang lokohin ni Pacquiao ang mga Pilipino...
Pinsan 2: Lam niyo Uncle, sa US may mga mob na nagdedesisyon kung sino ang mananalo o matatalo... Binayaran nila yan si dela Hoya para magpatalo... alam mo naman ang powers ng mga mob mob na yan...
Ako: Panalo si Pacquiao, 8 rounds. Sumuko si dela Hoya.
Tatay: Loko, di susuko si dela Hoya, sabi niya sa interview niya, igaganti niya lahat ng pinatumba ni Pacquiao.
Ako: Okay...
Pinsan 1: Uy, patay na daw si Marky Cielo?
Tatay: Sino yun?
Pinsan 1: Yung artista sa channel 7...
Nanay: Bakit daw?
Pinsan 1: Hindi ko alam eh... basta binalita lang...
Tatay: Ah talaga...

Hindi na ako manunuod ng mga laban ni Pacquiao kasama ang pamilya ko...

17 comments:

UtakMunggo said...

eh ano ngayon ang react ni fatherloo nang makita niyang talagang sumuko sa round 8 si dela hoya?

hehe

gillboard said...

di ko na napansin... engaged sila sa chismis tungkol sa isa ko pang pinsan na malapit na daw makipaghiwalay sa asawa...

ewan ko ba, parang simula nung sinabi ko yung nanalo, nawala yung interes nila sa laro... hahaha

Chyng said...

ay, dapat magkahiwalay sila ng kwarto. INGAY!!!

gillboard said...

actually... ang himbing ng tulog ko nung hapon na yun... nabulabog nang dumating ang buong tropa!!!

. said...

Hindi ka pa nga naka-move on repa. Ang hirap no. Ikaw ang bahala kung ano ang desisyon mo. Ang sa akin niyan, distansya amigo ang drama ko.

Saya naman ng mga kamag-anak mo. Hindi mangyayari sa amin ang ganyang bonding.

Anonymous said...

bading si dela hoya.. boo!

pinanood ko yan ng live pero hindi sa sinehan sa streaming chuva ko pinanood.. astig talaga ng internet..

at tungkol sa pag ibig mo.. sabi ko naman sayo ishave mo na lahat ng pwedeng ishave dyan sa katawan mo.. LOL

gillboard said...

mugen: hehe... lam mo, kahit mukhang makulit yung post nung sa mga pinsan ko... sa totoong buhay, medyo di siya kaaya-aya pakinggan... masyado nila sineseryoso yun... ako lang natatawa

ferbert: masakit... ayako mangyari yung sa 40 year old virgin... ouch!!! hahaha

Abou said...

naibigay mo ba ung gudbay letter sa kanya?


bakit kasi nakisabay si marcky ke pacquiao e.

paperdoll said...

kala co dramahan. . dumudugo na kasi mata co kakabasa ng mga entry tungkol kay pacman. . wew! anywayssss, ang hirap talaga makipag usap sa matanda, kahit tama ka na eh tama pa rin sila. . hehehe. .

MysLykeMeeh said...

Ganyan talaga sa atin ano? Kung hindi ikaw yung topic na ganito ka, ganyan-- eh, yung nasa tabloid naman or kung sino yung sikat! Pakialamira baga!---hahaha!

Anyway, Congratz kay Pacquiao! The best man won!

Eh, baka may pagtingin siya sayo! yung sinasabihan mo ng goodbye letter---!

Anyway, take care!

gillboard said...

abou: di pa. wala ako actually plano ibigay sa kanya... kasi wala naman siya talagang ginagawa.

paperdoll: wag naman sana akong tumandang ganun... hehehe

lyk meeh: ayoko nang isipin yung ganun... sasakit lang ulo ko.

UtakMunggo said...

weee! spoiler pala ang role mo non. haha

wicked, wicked gilberto.

Anonymous said...

ahahaha, ayus yan ah, hindi lang si manny ang naapgusapan. haha

tatay ko naman pinapahanap na 9am pa lang sa net kung sino nanalo. hahah

x's - ang hirap magmove on lalo na kung lagi ka ginugulo no? heheh. nasa sa iyo nama ang desisyon=]

escape said...

hahahaha... kakatuwang usapan. kung saan pa pumunta. pero ganyan nga ang mga pinoy. kami naman nasa MOA at nakinood na lang sa Netopia kasi dapat nag online kami kaya lang sarado na lahat ng forums at free sites.

Kosa said...

oo nga.. madai akong narinig na balita tungkol sa lutong laban na yun..pero tama yung sinabu ni TATAY mo.. bakit nman mgpapabugbog ng ganun si delahoya kung kaya nya..

tapos yung dalawang huling rounds talagang parang puching bag and dating ni delahoya... hindi manlang gumaganti.

gillboard said...

munggo: nang matahimik lang sila... nagbackfire nga eh... lalong umingay... hahaha

ced: di naman laging nanggugulo.. wrong timing lang siya talaga palagi..

the dong: sa sinehan, tsaka sa mga bars, ang saya manuod kasi sobrang nakakadala ang reaksyon ng mga kasama mo...

kosa: ang point ng pinsan ko.. ok lang magpabugbog, kasi win or lose daw si oscar, sure na millions pa rin makukuha niya...

Anonymous said...

"Ang plano ko sana, ay umoo sa imbitasyon niya, tapos indianin sila pagdating ng araw na tinakda. Ang mature no?"

yeh, mature nga.

in other news, magulo talaga pag kasama ang pamilya, magulong masayang nakakainis ang ingay, at least may saya..;)