Dahil special edition ito, hindi ito talaga yung tipo na paglalabanin ko ang dalawang kasarian katulad ng mga nakaraang BOTS posts. Dalawa lang naman ang tanong ko ngayon...
BUHAY PA BA SI MARIA CLARA?
AT MAY MGA LALAKING TUNAY NA MAGINOO PA BA TALAGA?
Ang Pilipinas sa matagal na panahon ay kilala bilang isang konserbatibong bansa. Pero ngayon, napapansin ko na ang pagiging konserbatibong ito, lalo na sa mga taong kaedad ko, eh lubusang nawala na. Sa totoo lang, matagal ko nang napansin na wala na talaga, ngayon ko lang naisip na isulat.
Mangilan-ngilan na lang talaga ang mga taong naniniwala na ikakasal muna sila bago talaga ibigay ang kanilang sarili sa mahal nila. Minsan nga, naiisip ko ang mga taong ganito na lang mag-isip eh yung mga taong panget na walang pag-asang makahanap ng syota... Pero naprove na akong mali iyon.
Hindi sa mababa ang tingin ko sa mga taong handang maghintay, actually saludo ako sa kanila, dahil kaya nilang makatiis ng walang nangyayari sa kanila kahit na ang lahat ng makikita mo sa paligid eh puros suggestive sa sex. Naisip ko, kung nagsasariling-sikap ba sila?
Itong mga batang ito ba, lumalabas pa para makipag-date. Sa sobrang advanced ng teknolohiya natin ngayon, marami pa bang dumadaan sa mga ganung ritwal, o dumidiretso na sila sa kwarto pagkatapos magkita? Kinikilala pa ba nila ang mga kinakasama nila?
Naisulat ko ito, dahil ang isa sa mga pamangkin ko eh nabalitaan kong nahihilig nang makipaglaro sa mga babae. Kakatungtong lang niya ng katorse ngayong taon kung hindi ako nagkakamali. Ayokong makialam dahil hindi kami gaanong close nitong batang ito. Pero nakakagulat lang talaga. Kunsabagay, halos ilang taon rin lang naman ang naging lamang ko sa kanya nung una akong nagkaroon ng karanasan.
Hindi ko alam kung kasing-edad niya ang babae, pero feeling ko kung ganun man ay maling-mali. Sa pagkakaalala ko sa mga kapitbahay namin, noong mga kaedad namin sila, eh puros laro pa ang mga ginagawa namin. Mas bata man kami nang makakita ng mga video at litrato ng mga nagtatalik, eh hindi pumasok sa isip namin na gawin iyon (well syempre hindi sa isa't-isa). Pag nag-uusap kami nun, tungkol sa kung ano ang usong pelikula, sapatos, damit, mga laro. Pero ngayon, ang mga bata iba na.
Pagtanda kaya ng mga batang ito, eh matututo silang maging maginoo? Sa panahong iyon ba, eh may babaeng Maria Clara pa? Sobrang tanda ko na ba, at namamangha ako sa mga napapansin ko?
Ewan ko ba. Ngayon, dalawa lang ang kakilala kong nasa age range na 21-25 na birhen pa. At least sila lang ang honest na nagsasabing wala pa silang karanasan. Lahat ng kakilala ko eh naging maligaya na at one point in their life.
Ang babata na kasing magsimula maging aktibo ng mga tao ngayon. Ganun din naman siguro noon, pero dahil laro pa ang inaatupag ko, kaya siguro hindi ko siya napapansin. Noong nasa kolehiyo ako, nagugulat ako, noong tumatambay kami ng mga kaklase ko sa may yosihan na may mga high school students na tahasan kung maghalikan sa mga corridors. Take note, ang San Beda noon ay all-boys pa. Parang, sa liit nung mga batang iyon, naisip namin, kung tuli na ba yung mga yun, at ang lakas ng loob nilang gawin ang mga yun.
Ayokong mangaral dahil wala naman akong karapatan. Unang-una dahil ginagawa ko rin naman yun. Ang kaibahan lang naman, eh noon mahabang proseso ng pakikipagdate ang ginawa ko, bago ako nakahome run. Although di na masyado ngayon... hehehe. Hence, the question.
Siguro, naiinsecure lang ako, at baka maunahan pa akong magkaanak ng pamangkin ko. Shet, pagnagkataon magiging lolo na ako!!! Siguro, kelangan kong makealam sa batang ito... Sa totoo lang, may pamangkin na akong may anak na... Pero mas matanda siya sa akin. Tsaka medyo malayong pamangkin ko yun. Pero pag itong pamangkin kong binata ang nagkaanak, yun ang hinding-hindi ko matatanggap!!!

17 comments:
hahahaha. you know what, pareho tayo ng observation. iba na talaga ang mga kabataan at generation ngayon. depende na lang siguro yan sa environment at family ng isang tao.=)
para sakin walang masama kung Konserbatibo ka man o liberated basta lam mo ginagawa mo at kaya mong labasan anu man gusot na napasukan----pero sa totoo lang---inis ako sa mga kabataang parang nagmamadali at nauubusan na ng lalaki o babae---what's the rush?
we in the Philippines needs to learn a lot about BALL CONTROL.....
Hmnn..., napaisip tuloy ako...!!! Nakszz--nging serious tong post mo ngayon ah!--pero nagdudulot ng aral.
Moving kasi ngaun ang teknolihiya and our culture seem to adapt the Westernize ways and thinking...Mas' medyo maganda kc ang buhay kung free yung tao. Yung freedom ba. Well, depended kc yan sa babae tsaka lalaki. When they want each other and love really existttt ----they could no longer wait..
Tsaka yong pamangkin mo, nakss--maghanap ka na kc, ---maunahan ka toluy non!
sa tingin ko meron pa namang mga taong nakakahintay, gud things happen for those who wait ika nga... kung mauna man magkaanak ang pamangkin mo saiyo, eh di nauna siya, magkakaron ka rin lang naman... huli nga lang... atleast u believe na magkakaanak ka... dnt get me wrong i mean that in a gud way....
Ano nga ba ang basehan ng pagiging conservative? Yes, it's tru pabata nga ng pabata ang mga nabubuntis agad or na-eengage sa premarital sex, pero sa palagay ko madame pa din tayong traits na conservative- nde lang sa aspect na yan.
Respeto/values ng family.
Pagiging discreet o never say vulgar words.
PDA, oh come on, wala niyan saten, kung meron ma super minimal lang.
Bukod sa environment, nasa pagpapalaki tlga ng magulang ang magiging breeding ng anakk.
*parang lola ko magsulat!* and for the record, im not engaged with that "S" word. Nde pa. But soon! Heheh
masyado ng mabilis ang panahon ngayon, kaya lahat ng tao nagiging mabilis na rin. lol!
tumatanda na talaga tayo. =)
gravity: i agree. everywhere else makakakita ka ngayon ng something na may sexual undertones... idagdag mo pa ang internet.
pusang gala: yep...tong mga batang ito, parang ayaw enjoyin ang buhay nila... gusto ata agad magkaroon ng mga responsibilidad... hay
lyk meeh: pero diba, love is being able to wait din? hay naku... lust yun talaga... kunwari love lang...
rens: di ko maimagine tinatawag ako lolo, wala pa akong 30!!! wala pa nga ako sa late 20's eh.. waaah!!!
chyng: as for respect, my opinion is, you won't do something that'll give your family more burden if you really respect them. Di lang sa pagmamano at pagsasabi ng po at opo ang respeto. So if you really respect your family, di ka gagawa ng kalokohan... opinion ko lang yun
coldman: sign of maturity na ba to? nakakalungkot lang na hindi na ako masyadong nakakahabol sa panahon...
i have the same observation,kanina nga lang sa simbahan,ang daming mga teenagers,mga couples, kala mo nagsisimbang gabi, pero "simbang tabi" naman pala,ginagawang excuse ang simbang gabi para mag date..sabi nga nung isang katabi ko kanina,pagkatapos daw ng 9 mornings,magbilang din ng 9 months,dahi panigurado may mabubuntis sa mga nagsisimbang mga bata na yun.lols! Iba na talaga ang mga kabataan ngaun,though khit pano ay meron pa rin ilan na intact pa rin ang values.Yun nga lang,prang mas marami na ata ang wala.
on a ligther note,di kaya bitter ka lang kaya kasi mukhang mauunahan ka pa ng pamangkin mo? hahaha! joke lng.
Nakatikim ako ng luto ng diyos nung ako'y disinuebe anyos... not bad?
hihi
tama ka sa post mo na toh. Ang hirap ng ng huntingin este hanapin ang mga birhen. Wala ng Maria Clara ngayon. Maria Clara ang pananaw i mean.
Ang babata na ng mga najojontis ngayon. Meh kapitbahay ako, 13 yrs old ngpa-abort. Tsk, tsk, tsk.
Uso pa ba date ngayon? Oo naman. Pero yun nga, depende na yun sa inyong dalawa.
Ayii!
napansin kong maling entry ang na-commentan ko.hahaha!
BUHAY PA BA SI MARIA CLARA?
AT MAY MGA LALAKING TUNAY NA MAGINOO PA BA TALAGA?
oo, may pitong kakilala pa ko na ganyan.
ako 25 yrs old nung ginahasa ng isang sexy at magandang babae. kahit dini-dikit nya ang kung ano anong parte ng katawan nya sakin, pinilit kong gawin ang lahat para di sya magtagumpay. ngunit nakuha nya pa din ako sa dahas.
ibig sabihin, kasama pa din ako sa mga tunay na maginoo? o ibig sabihin, puro kasinungalingan lang ang mga sinasabi ko? hahaha!
at tingin ko, di ka dapat ma-insecure pag nagkaanak na yung pamangkin mo. isipin mo na lang, dahil bata pa sya, ikaw ang bubuhay sa apo mo. lolo na, instant tatay pa. congrats! hahaha!
ito na rin siguro ang panahon ng pagbabago... inevitable ang mga bagay na ganito. walang dapat sisihin,hindi kailangan pigilan...
pagbabago...
Buhay pa naman si Maria Clara.. but as what one blogger has said here, it is really inevitable.. And it is so inevitable to stop the changing times. There's a constant change everywhere in the world, and so as the world and the people itself.
These things are quite saddening. But let's just face it with the hope that things will still get better.
ibang iba na nga ang generation nila ngayon. kumpara sa genereation natin. napakaaccessible na kasi gillboard ng mga data kung san nila natutunan ang mga kung anu anuman.
siguro nga tumatanda na tayo. pero pwede naman wag magpahuli. juk! heheheh
earliest dito sa great britain is 11. may mga 12 year old mums na rin dito dahil sa kapusukan. ang curicullum sa sex ed ng mga batang nasa pre-adolescent age ay nakakagimbal! covered na nila ang oral sex, among other things.
tungkol sa sex before marriage, pinaghintay talaga ako ni sarge ng wedding night namin bago niya binigay ng buo ang sarili niya saken. hehe.. (may ganon?)
YEP!I totally agree with you on this post. To be honest I am still on the conservative side when it comes to relationship. My boyfriend isn't. Liberated ika nga. Though i try to open my mind, its just hard! I guess because of the traditions that I grew up with. And yes...I am still wondering kung meron pa nga bang mga ginoo dyan. But don't get me wrong, Im glad my boyfriend respects me in terms on what I think...and decide
Post a Comment