Mga Sumasampalataya

Apr 27, 2009

BY THE NUMBERS

0 - bilang ng kapatid ni Gillboard
1 - bilang ng gintong medalyang napanalunan ni Gillboard sa contest noong kolehiyo
2 - bilang ng mga contestant na sumali dun sa contest kung saan nanalo ng medalya si Gil.
3 - mga kalaro niya sa bahay pag walang magawa... bilang ng mga aso niya...
4 - round sa The Weakest Link nang natanggal ako sa game... tarantadong Strongest Link yan.. threatened!!!
5 - bilang ng kras ni Gillboard sa kasalukuyan...
6 - bilang ng araw na tinagal niya sa isa sa naging trabaho niya.
8 - slice ng pizza na kayang ubusin ni Berto pag sobrang gutom na siya.
15 - bilang ng oras ng tulog ni Gil ngayong iniinsomnia siya... sa isang linggo!!!
16 - ang ranking ni Gilbert na may pinakamataas na IQ sa kanyang graduating class.
18 - bilang ng oras na kayang itagal ni Gilbert sa telepono pag gusto niya kausap niya.
27 - ang edad ni Gillboard ngayon
68 - bilang ng kaibigan niya sa Multiply
69 - ang paboritong numero ni Gillboard... joke lang
96 - pinakamataas na score na nakuha ni Gillboard sa Magic Sing (Goodnight Girl ng Wetwetwet)
99 - bilang ng kaibigan ni Gillboard sa Myspace.
100 -bilang ng oras na ng paglalaro ni Gil ng Grand Theft Auto IV at Elder Scrolls IV.
160 - ang binabayaran ni Gil sa taxi mula labasan nila hanggang opisina.
188 - bilang ng kaibigan ni Gill sa Facebook.
329 - bilang ng post ni Gillboard sa blog niya.
394 - bilang ng friends ni Gilbert sa Friendster.
1489 - bilang ng mga naisulat ni Gil sa kanyang journal bago naisip magblog na lang.
1982 - taon kung kailan pinanganak si Gillboard
2000 - nilalagay ni Gilbert sa kanyang Singapore fund buwan-buwan.
2000 - ang budget ni Berto sa isang buwan pambili ng comics.
16000 - ang budget ni Gil noong bisor pa siya pambili ng pabango.
50 - ang budget ni Gil ngayon pambili ng isang bote ng Green Cross Rain na cologne.

30 comments:

The Scud said...

stress-reliever post mo gilbert! hayup. from 16000 naging 50 na lang budget mo sa pabango.

A-Z-3-L said...

16000 na perfume??? may glitters ba un.. ginto???

hahahaha! Gilbert, berto, Gil...

daming account ah.. FS, multiply, my space, Facebook... blogger... aba! pano mo pa naa-update lahat? natutulog ka pa ba????

Eben said...

naks naman talagang may Singapore fund!

escape said...

18oras sa telepono? hehehe...

astig ang 5 ah.

wow! 16000 na pabango!

6 na araw sa trabaho. hehehe...

admin said...

pare ayos ka ha..akalain mong ang tyaga mo magbilang..hehehe

Anonymous said...

Uy talaga! Matalinaw, este matalino! Ilan naman kayong graduating class?
Buti nabibilang mo pa crush mo? Wahahaha! Okay ah..

Pero 18 hours sa telepono??? Oh mah ga! C'mon!?

Hang daming accounts... Yung multiply ko naiwan na sa ere, yung friendster ko, once a week na lang nabubuksan.. Bukod sa email ko at blog, wa na.

Ron Centeno said...

Pare! wow! 394 na ang post mo! Galing mo talaga! Puede ba maging 395th friend mo sa friendster? :-)

Nice to know magaling ka palang singer!

poging (ilo)CANO said...

whaaattt...:p

16000 budget mo sa pabango lang?..astig! diba natatanggal amoy niyan kahit sira na damit mo....hehehe

Hoobert the Awesome said...

hehe.

cool ang post. magaya nga. hehe

EngrMoks said...

Hayopka..alam mo ADIK ka!
Natawa ako sa mga pinagsususlat mo sa post na ito..lalo na yung una 1 & 2..umpisa pa lang tatawa ka na...
Galing pare..dami mo palang social network account..myspace, friendster, facebook...multiply na lang ang kulang ah!!! hehe

The Pope said...

You really amazes me my friend, even in numbers you can give so much meaning and really worth posting, I never thought about it.

Nice post and God bless.

gillboard said...

scud: stress reliever ba? salamat!!!

azel: for the year naman yun... 1 bote a quarter... tsaka dati pa yun.. hehehe

eben: or hong kong.. la lang.. gusto ko lang pangalanan para may goal ako for next year..

gillboard said...

the dong: pag gusto ko lang yung kausap ko.. pero la pa naman ako ganun ngayon.. college days pa yun

crisiboy: di rin... i hate math!!! lolz

dylan: in fairness 598 kami na grumaduate noong 2003...

gillboard said...

ron: sure add mo na lang ako.. di ako masyado nakakapagfriendster ngayon.. di naman ako singer... alam ko lang yung kanta... hehehe

ilocano: masyado nga malaki... kaya nga nagtiyaga nalang ako ngayon sa green cross rain..

poot: sure...

gillboard said...

mokong: may multiply ako.. andun nakapost yung ibang blog dito.. di ko na nga lang siya masyado nabibisita...

the pope: thank you po.. but this is not my original idea.. gaya ko lang to sa mga nababasa ko sa magazine..

Chyng said...

hinanapan ko pa ng pattern yung number. yunug what's next series. meron ba? or random lang?

nwey, congrats sa pagkakapanalo mo ng medalya dahil 2 lang kayong naglaban! woohoo!

alex said...

16000 budget for pabango! ang sosyal!!!!

anong perfume yun?

bibili din ako! ^^

pusangkalye said...

haha---pag maigsi ang kumot---matutong bumaluktot ika nga---katuwa namn tong post na to---at wl kapalang kapatid ha---now I know...keke

pareho tayo na di makatagal s phone---pero subra namn atang iksi ng attention span mo---gusto mo na kausap mo nun ha---keke

pusangkalye said...

kelan ang Singapore ha?

gillboard said...

chyng: nasayang nga yung bronze medal dun sa contest na yun eh... hahahaha... pero seryoso... totoo yun...

alex: di apat na pabango naman yun.. la ako pera at la ako balak bumili ng pabango na ganun kamahal.. hehehe

pusang-gala: early next year pa yun... sana matuloy...

Anonymous said...

Uy, galing ah, pang 42 lang ata ako nun at 500+ din kaming graduate.

Mas maganda daw ang Singapore.. hehe.. Pwede sumama, sa bagahe mo, kasya naman ata ako, lolz

The Gasoline Dude said...

16K? Anong pabango 'yan???

Naka-100 na ko sa Bijoke. Eye of the Tiger ang kinanta ko. O-ha! O-ha! = P

At kelan ka punta Singapore? Bilisan mo na habang andito pa ko. *LOLz*

len said...

Halos lahat ng social networking sites, may account ka. hehe

Jerick said...

ayos ah! weakest link?

bampiraako said...

waah buti may singapore trip ka. Ilang bilang ng araw bago ang trip?

Natawa ako sa difference ng number sa pabango at green cross cologne. pero sabagay dapat yung mga mahal na pabango sa mga pambihirang okasyon lang

MakMak said...

2000 - ang budget ni Berto sa isang buwan pambili ng comics.

*****

Hahaha. P2,000 was just my average weekly expenses for my comic books back then. Buti nagkakasya sa'yo ang ganoong halaga for an entire month.

gillboard said...

dylan: sure... kahit wag ka na lang magpakarton... sama ka.. kung sakali enjoy kasama mga friends ko... mas masaya pa sila kasama kesa akin... hehehe

gas dude: sana andun ka pa.. next year pa yung plano namin... pinag-iipunan pa lang namin ngayon...

gillboard said...

bampiraako: ganyan talaga... yng singapore next year pa yun... cross fingers at kung may magandang promo ang PAL o Cebu Pacific...

makmak: yan ang ideal budget ko... pag may buwan na may tpb na maganda... over over na.. hehehe

Anonymous said...

i like the word. NUNSYAMI.

UtakMunggo said...

malaki pa ang budget mo sa comics kesa cologne? at 50 peysus na ang greencross? naks pagalis ko ng pinas nasa 28-30 peysus lang ah.