At dahil wala naman masyadong nagboblog na ngayon dahil maraming nag-hiatus sa blogosperyo, at wala rin naman akong topic na maisip isulat ngayon. Magkukwento na lang ako. Tutal naman punung-puno ng aksyon ang weekend ko. Hindi nga lang aksyon na inaasahan ko.
BIYERNES... 80's CHRISTMAS PARTY
Ang pinakahihintay ng halos lahat sa opisina namin... ang Christmas Party!!! Ito ay ginawa sa Chili's sa Greenbelt. Naging matagumpay naman ito... Medyo maraming kumarir sa 80's theme namin. Medyo hindi ako masyadong tumayo, dahil maraming tao dun na hindi namin kilala at nakakahiya ang suot ko... jumper!!! Buti na lang wala akong cap, kundi nagmukha akong si Bondying.
Ayos naman siya... nakapag-uwi ako ng P200 na gift certificate sa Max's Restaurant!!! Yay!!! Sapat na kaya ito para makabili ako ng pang Noche Buena at Medya Noche namen?! Biro lang... Pero sa totoo lang, mukhang mas tahimik ang Pasko namin ngayon kesa nung nakaraang taon. Na para sa akin eh mas makakabuti para sa aking mental health.
SABADO... ANG DATE
At dahil paguran at puyatan ang drama ko noong Biyernes, Sabado ng umaga ay nagkasakit ako. Just in time para sa aking date with Cee!!! Ako po ay nilagnat. Pero syempre hindi papayag ang lolo niyo na maudlot ito dahil ilang buwan na rin akong hindi lumalabas upang makipagdate!!!
Kaya noong gabi ring iyon, kahit na late na ng gabi at medyo sinisipon at inuubo ako, eh dagli akong sumugod ng Mall of Asia para ituloy ang date na ito.
Obviously, hindi masyadong naging maganda ang kinahinatnan ng lakad na ito, dahil limampung porsyento ng date na ito, puros bahing at ubo ko ang maririnig ninyo. Syempre hindi nangyari yung inaasam ko na magshare ng milkshake at magsubuan. Sino ba naman ang lalapit sakin, na tulo uhog, di ba?!
Kung ang tanong ninyo eh kung may kasunod pa itong date na ito? Hindi ko alam. Sa tingin ko naman eh medyo maayos naman ang lakad ng usapan namin. Nag-effort naman ako para maging isang gentleman, at hindi ko naman ata siya hinawahan.
Lilinawin ko lang... Hindi ako umaasa na magiging kami ni Cee, dahil bago pa man kami lumabas, eh napagkasunduan naming, wala sa usapan ang magstep forward muna. Friendly dates lang. Pareho kaming naghahanap lang ng mapaglilibangan, at hindi ng sakit sa ulo. Okay?!
LINGGO... HOLD-UP
Bumisita ang pinsan ko at ang pamilya nila sa bahay namin dahil ang Uncle ko mula sa probinsya ay dito magpapasko. Kasama nila ang pinakauna kong pamangkin, at dahil mabait ako na Tito, at dahil masunurin siyang bata at Kuya lang ang tawag niya sa akin, eh nahold-up ako.
Tatlong daan lang naman. Sabi ko, pambili niya ng shorts, pero knowing him... mukhang sa RF Online lang mapupunta yung binigay kong pera (kung anuman yang RF Online na yan).
At babalik pa yun sa Pasko para arborin ang nag-iisang gameboy ko. Hindi ko alam kung mabibigay ko, dahil remembrance ko yan mula sa isa kong dating katrabaho na nakita ko sa commercial ng Mcdo dati. Iniisip ko kasi, kung sumikat yun baka pwede ko ibenta ng mahal yun.
Ano pa ba, syempre as usual umiral ang pagiging chismoso ko, at kahit pa binisaya ang pamamaraan nila ng pagsasalita ay talagang pinakinggan ko sila at pilit iniintindi. Tungkol sa mana nilang magkakapatid, kung hindi ako nagkakamali.
Napaisip ako. Buti na lang, hindi ko magiging problema ang ganyang mga bagay kung sakali. Ang tanong nga lang, pagdating ng panahon na yon, may mamanahin pa kaya ako?! Hmmm....
LUNES NG MADALING ARAW... CHISMOSO
Papasok kanina, sa fx na sinasakyan ko... Puros maton at mukhang mga sanggano ang mga nakasabay ko... Nakakatakot dahil sa tanang buhay ko, eh hindi pa ako nakakaranas na mahold-up. Walang nagkakamali, dahil mukha daw ata akong nagdarahop. Tsaka tama sila, dahil hindi ako mahilig magdala ng pera. Kadalasan ay isa o dalawang daan lang ang laman ng wallet ko.
Anyway, so yun nga, sa likod ako ng fx nakaupo dahil medyo may kalakihan ang mga nakaupo sa harap at gitna, at ayaw kong masiksik.
Noong una, wala akong pinapansin sa mga kasabay ko at balak ko talagang matulog. Pero nung napansin kong medyo lumilikot yung mga taong nasa gitna, wala na akong nagawa kundi tingnan kung anong nangyayari sa aking harapan.
Hayun, yung dalawang kuya na nasa gitna, patagong naghaharutan. Noong una, iniwasan ko talagang umupo sa gitna dahil mukhang mga holdaper yung nakaupo sa gitna. Nagulantang ako sa nakita ko at nagising. Si unang kuya, yung nasa gitna ng tatlong nakaupo dun eh pinapalakad ang daliri sa likod ng katabi niya. At ito namang isang manong pinipisil pisil ang hita ng katabi niya.
At dahil distracted na ako, pati si lolong katabi ko eh pinansin ko na rin. Di naman siya talaga lolo. Siguro mga tipong 50's na ang edad. Ang napansin ko sa kanya eh tingin ng tingin sa cellphone niya. Eh di syempre naintriga nako...
Kaya nang may dumating na text message sa kanya, dagli akong nakibasa. Buti na lang farsighted si lolo, at kelangang nasa baba ang phone kaya easy access para sakin. Ang text message ni Laura (basa ko sa text... di ko sure kung yun yung name niya)
"Paano kita makikilala? Ano ang suot u?"
Ay, makikipag eyeball ang lolo mo!!! Hindi ko kinaya!!! Nasuka ako sa loob-loob ko. Ang harot ni lolo... Ang harot ng brokeback construction workers. Tapos ako walang kaharutan... Tulog na si Cee.
KWENTONG PASKO
At dahil nung Biyernes at Sabado, ay medyo nasa bahay ako ng mga 7-9pm. Naghanap ako ng mga nangangaroling. Napansin ko kasi na ngayong taon parang ang trend eh non-Christmas. Sa kalye namin, 2 o 3 lang ata ang bahay na may mga Christmas lights. Lahat wala... Madilim. Ours included.
Noon, September pa lang makakakita ka na ng mga naggagandahang ilaw na umaadorno sa mga tahanan sa village namin. Pero ngayon, sobrang kakaunti na lang. Dito mo mararamdaman ang krisis. Lahat talaga todo tipid.
Tapos, nasabi ko sa ibang kumento sa blog na binibisita ko, na wala ako masyadong naririnig na nagkakaroling. Napansin ko nung Sabado at nung Linggo, marami rin pala... Hindi lang sila dumadaan sa bahay namin dahil takot sa aso namin.
Si Figaro kasi, eh kahit askal eh malaki, at mukhang kayang lumapang ng bata... Kaya hayun, walang dumadaan sa bahay namin. Ayos na rin yun... At least di nababawasan ang barya ko.
Sisikapin kong magsulat ng marami ngayong linggo, kahit walang nagbabasa... Para naman magkaroon ng kaunting activities ang blogosperyo... Pero kung hindi ko magawa iyon...
MERRY CHRISTMAS & A HAPPY NEW YEAR SA LAHAT!!!
17 comments:
pwede bang maging tito na din kita? bigay mo na sakin yung napanalunan mong 200 petot n gc.. haha..
pahiram na din muna ng aso nyo. ang daming nangangarolling dito eh pabalik-balik.
at anong klaseng paglilibangan yung sa inyo ni Cee? hmmmm *evil grin* haha
anyway Merry Christmas sayo Gilbert!
wag kang maghihiatus.. iilan na lang tayong natitirang nagbablog ngayong season na to.. haha
haha.. aliw ang kwento mo. talagang bored ka dun sa FX ah. hahaha.
ako ayokong mag blog hiatus. iniisip ko na nga ang year-ender post ko eh. hehe..
at talagang yung aso nyo eh FIGARO ang pangalan. hahaha
lastly, pansin ko rin.. yng kumpanya namin eh parang nag cost-cutting ngayong pasko. taghirap yata talaga lahat. huhuhu wala kaming bonus :(
ferbert: di rin... walang tumatawag saking tito... di pwede... hahaha!!!
la pa naman ako balak mag hiatus... at di siguro mangyayari dito yun...
kuya jon: ako, sa dati kong work sanay akong walang bonus, so okay lang sakin yun... buti na lang mayaman ang kumpanyang pinagtatrabahuan ko... ngalang... ubos na yung 13th month at xmas bonus ko... tapos 6 na gifts lang nabili ko... waaaaah!!!
Naksszz---Yeah? Talaga?
Oi--para ka namang insider or reporter dito...tsaka naging observant ka yata sa loob ng Fx!--
Anyway, nakakatuwa naman ung kuento mo, ini0rganize mo ung sasabihin---
Anyways..take care!
Napansin ko lang walang masyadong details 'yung date with Cee. Mas madami pa 'yung sa mga brokebackan ng construction workers at EB ni Lolo. *LOLz* So ibig sabihin hindi ka talaga nag-enjoy. Hehe. = P
lyk meeh: salamat po...
gas dude: observant... pero dahil ayokong ipahiya pa sarili ko, kaya di nako masyado nagkwento... kumain lang kami nun... tapos sinamahan ko siya mamili ng konting gifts for friends daw... tapos most of the time... bahing ako ng bahing at ubo ng ubo
Waaaag mo bigay yung gameboy! Sayang. haha.
Yung isa kong friend, 70s naman ang theme ng party nila. Wala lang. Sa min, weird, Halloween ang theme ng Christmas party namin, KUMUSTA NAMAN YUN?!?! Hindi kasi kami ng Halloween party. wahaha.
merry christmas din!!!
tito...tito....tito!!!
ako ang iyong nawawalang pamangkin... hehehe...
pansin ko nga din naka christmas break din ang mga tao.
lols.. tito,
maligayang pasko!
amin na regalo ko
Nye!! Anong walang nagbabasa, marami kaya. Hehehe.
Daming activities ah. Ayus si Lolo. Ariba pa rin kahit kelangan na magviagra.
ayiii! may date na sya,lols!
kaso,minsan na nga lang ata makipag date,nakisawsaw pa si ubo't sipon,haha!
minsan talaga mas chismoso pa mga guys kesa girls.haha! pati text ni lolo,binasa pa..kaw ha!
at ang brokebakan,kaloka! mukhang maton tapos gnun? hahaha!
meery x-mas and happy new year!
at sana ndi typo ung merry x-mas and happy new year ko.lols!
yoshke: dahil sabi mo, itatago ko yung gameboy ko... hehehe
ewwik: wala akong kapatid!!! kaya di kita pamangkin... bwahahaha
kosa: ikaw ang nasa ibang bansa!!! ako dapat may pamasko from you!!! lols
joms: honestly, interesado akong makita si Laura, ano kaya yun, matandang babae rin? hmmm
teresa: kaya nga eh, baka sign yun na di ako for dating... wag naman sana... Meery Christmas din sayo!!!
Uy, bagong format ng blogroll! ;)
Merry Christmas Gilbert! (--,)
hinanap ko raw ang comment ko. hindi nga pala ako nakapagcomment dito.
talo ka ba sa mga "da moves" ni cyber lolo? buti pa siya may eyeball pang nalalaman ano. hehe
merry chismax!
chyng: Merry Christmas Chyng!!! Yung blogroll na yan pinagod ako nung Sabado ng umaga... hehe salamat sa pagpuna..
munggo: oo, walang wala ako kay lolo na sa Baclaran nakikipag EB. ala namang malapit na motel dun... hahaha
Post a Comment