Mga Sumasampalataya

Dec 29, 2008

NGAYONG BAGONG TAON...

- ako ay magsisimula na talagang mag-ipon.
- bibisitahin ko ang mga lugar dito sa Pilipinas na di ko pa napupuntahan (Boracay!!!)
- papayat na talaga ako... promise!!!
- magiging masaya ang love life ko...
- mareregular ako sa trabaho ko. At pagbubutihan ko ang ginagawa ko.
- makikipagkita ako sa mga blogger friends ko!!!
- magsusulat ako ng mas maraming posts na may katuturan.
- di na ako magiging suplado.
- matututo akong tumanggi sa mga gastos na di ko naman kailangan.

Tumatanda na ako. Kelangan naman siguro na matuto na akong mag-isip para sa kinabukasan ko. Simula ngayong 2009, ika nga I'll start acting my age na. Wala na munang impulse purchases. Bawas-bawasan ang mga comics, video games at bisyo ko sa buhay.

Hopefully 2009 will be as good to me, if not better as 2008.

Happy New Year everybody!!!

10 comments:

kuri said...

HAPPY NEW YEAR FROM ME, WIFEY and LILO!

wanderingcommuter said...

owsss. sinabi ko din yan. nyahahaha! hindi naman encouraging para maiba lang. hahaha. biro lang gill!

kosa said...

lols.. bakit sa 2009 pa... simulan mo na ipraktis ngayun pareko.. hehehehe para pagpasok ng 2009 sanay ka na..

hapi nu yir din pareko

PUSANG-gala said...

okay ang new years resolution u...makatutuhanan at very practical sayo. Sana, kasama ako sa mga blogger friends na mami-meet u this year...keke

at---isa pa---importante talaga ang mag-ipon. resolution ko rin yan---save save save , esp krisis pananalapi next year---we sshould brace for it....

mikko said...

happy new year!

may plano kang makaroon ng E.B. ng blogger friendly friends mo? asteeg..

gillboard said...

kuri: Happy New Year kuya Kuri!!! Hope you'll have a good 09... I'm sure it'll be great with the arrival of Lilo...

ewwik: naku, pag nagdilang anghel ka, ikaw sisisihin ko... hahaha

Happy New Year!!!

gillboard said...

kosa: in fairness naman yung pag-iipon, nung isang buwan ko pa nasimulan.

Pusang-gala: Sure, masaya siguro kung magkakaroon ng eyeball... hehehe

gillboard said...

mikko: wala naman, kung may mag-aya, baka sumipot ako... hehehe

MysLykeMeeh said...

so..e-me-meet mo ako dito? Makipagmeet ka sa akin dito sa may snow?

Tsaka---new years resolution mo--eh, pag-aasawa? O lovelife muna...,

Nakzz---suplado ka pala? Hahaha

gillboard said...

lyk meeh: love life muna...