Mga Sumasampalataya

Sep 27, 2010

HALO HALONG KWENTO

Isang taon na pala akong panggabi. Ano na ba naidulot nito sa buhay ko?

Unang-una naging sakitin ako. Napapadalas ang lagnat ko. Migraine. May bato na ko sa kidney. May mga araw na di na ako masaya.

Pero mahal ko pa rin ang trabaho ko. Sabi nga, dapat the more responsibilities given, mas lalo akong matutuwa. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan ako. Pero di ko alam, hindi ako natutuwa sa mga nagaganap sa opisina.

Dapat maexcite ako dahil sa pagsisimula ng bagong taon next year makakaranas nanaman ako ng isa pang promotion (pag pumasa), pero wala. Parang ayoko siyang dumating. Gusto kong lumipat. Sa ibang schedule. Sa ibang department. Gusto kong mamuhay ulit ng normal.

Napapabukas na ulit ako ng jobstreet na di ko naman gawain.

***************
Marunong nako gumamit ng torrent!!!

Di nako aasa sa officemate ko para sa mga downloads ng mga paborito kong palabas sa tv. Kaya ko na gawin ito mag-isa.

Yay!!!

Natutunan ko ito kay kasintahan. Kaya yiiiiiiiiiii.

Sensya na ha. Tatanga-tanga talaga ako pagdating sa teknolohiya.

***************
Apat na buwan na pala kami ni kasintahan. Sa apat na buwan namin, ni minsan hindi ko pa siya pinapakilala sa inyo.

Di ako magkukwento ngayon, kasi gusto ko pag magpost ako sa kanya yung sa kanya lang wala nang iba.

Minsan nagbabasa siya dito. May mga instances pa nga na nakapagkumento na siya sa ibang post ko.

Pero kung nais niyo siyang makilala, dun sa isang bahay ko, halos isang taon na akong nagkukwento sa kanya.

***************
O siya, saka na ulit ang kwentong buhay ko. Pupunta pa ako ng ospital, baka dengue na ang dahilan ng rashes sa katawan ko.

Sep 23, 2010

QUICK HITS VIII

I'm sick. Just found out I have kidney stones.

It sucks being unhealthy. I hate it.

And it's really expensive to get sick these days. Stupid clinic doesn't accept medicard. Plus meds. Ugh, I'm bankrupt.

**********
A blog friend recently asked me which of my two blogs is my main blog.

I don't think I have one. Both blogs have different purposes. The other one's almost five years old, and this one's where I can talk about myself more openly without the fear of being misunderstood.

While my sexuality isn't a secret anymore on both blogs, I still don't think the two blogs aren't redundant.

**********
I saw the first episode of Glee yesterday and man did it give me so much goosebumps. The episode itself wasn't really that awesome. But Charice was excellent. I love her Telephone battle with Rachel and Listen.

Makes one really proud of being Filipino.

Too bad she's not going to be a member of New Directions. I hate Rachel.

KIM AND GERARD

“Pabum naman isang stick?” tanong ni Kim sakin.

Nasa labas kami pareho. Kaming dalawa lang. Sa may garden kung saan kami’y napapaligiran ng mga makukulay na ilaw. Sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin.

“Sure,“ sagot ko. “Ayaw mo rin tumambay sa loob no?”

Tumawa si Kim. Nakakatuwa siyang tingnan pag tumatawa. Parang bata. Ang ganda ng kanyang ngiti, at ng kanyang mga mata. Nakakatunaw.

“Yeah. Na-OP ako sa loob, puros happy people. Parang di ako bagay. Hehehe” sagot niya.

Kasal ng aming katrabaho. Hindi naming siya kalapit, pero dahil galling sila sa angkan ng mga mayayaman, kaya nilang imbitahan lahat ng gusto nila. Hindi na ako tumanggi, kasi alam kong may mga kaibigang modelo ang aking katrabaho. Gusto ko rin siyempre makita yung kasal nila, at syempre, matikman na rin ang libreng pagkain. Buffet.

“You don’t look like a person na umiiwas sa mga masasayang bagay,” pambobola ko.

“Of course. When you’re miserable, di mo papahalata, diba?”

“Bakit ka naman miserable?”

“Well, hindi naman. I’m happy naman. I’m getting used to being single. In fact, I’m starting to enjoy it. It’s just siguro, I don’t want to see too many happy people muna.”

Naalala ko, kakahiwalay lang pala ni Kim, sa kanyang kasintahan mga ilang buwan ang nakakaraan. Walang dahilan, kung bakit sila naghiwalay. Napalayo lang siguro ang loob ng dating kasintahan. Pero ayaw ni Kim pag-usapan ang nakaraan.

“Gusto mo pa isang stick?” habang inaabot ang isang kaha ng yosi.
Kumuha siya ng isa, “thank you.”

Malinaw ang langit ngayong gabi. Kitang kita ang mga bituin.

Tumabi si Kim sa akin at tumingin din sa langit. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Siguro dahil matagal ko nang gusto si Kim. Siya ang bumubuo ng araw ko, ang una kong hinahanap pag dumarating ako sa opisina. Matagal ko na nga siyang kilala, pero ngayon lang kami nagkausap at nagkatabi. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Tinitigan ko ang mukha ni Kim habang siya’y nakatingin sa langit. Nakangiti siya, pero halata sa kanyang mata na siya’y hindi talaga masaya.

Gusto kong pawiin ang lungkot na nakikita ko kay Kim. Pwede kaya ? Pag niyakap ko ba siya, hahayaan niya lang ako ? Pag hinawakan ang kanyang kamay ? Kapag hinalikan ? Papalag kaya siya, o hahayaan niya ako ?

Ito lang ang aking pagkakataon.

Tatalon ako. Hayaan mo nang mahulog.

Ang mahalaga, sumubok ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Kim.

“What the fuck, dude?!” sigaw ni Kim. Galit na galit. Namumula ang mukha. Mukhang handa makipagsapakan. “Bakla ka ba Gerard?! Tang ina! Sorry- but please stay away from me!”

“Oh my god, I’m so sorry bro. I don’t know what came over me. Shit, I’m sorry Kim.”

Tinulak ako ni Kim at iniwang mag-isa. Umuwi siyang hindi nagpapaalam sa bagong kasal.

Ano ang ginawa ko?

Fuck.

Sep 18, 2010

TYPE MO AKO

Pagdating sa standard ng kagwapuhan, walang sinabi sakin si Bentong. Di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya. Kahit pa si Bayani Agbayani. O kahit si Dexter Doria (ay babae pala yun).

Pero seryoso, pagdating sa hitsura, ang kagwapuhan ko di masyadong stand-out (oo paninindigan kong pogi ako). Ako yung “pero guy”. Yung tipong sasabihin nila, ‘pogi siya pero…’ ‘may hitsura siya… pero’. Meaning kagaya ng pagiging low profile blogger ko, low profile pogi din ako.

Paninindigan kong hindi ako panget kasi alam kong kahit ganito ako, merong mga nilalang na nagkakagusto sakin. Meron namang mga taong natitipuhan ako. Siguro ikaw, gusto mo din ako, di mo lang maamin. Sige na wag ka nang mahiya, aminin mo na.

Kaya lang dahil nga low-profile pogi lang ako, pati ang mga nagkakagusto sakin, low profile din. Mga tipong, di mo lilingunin pag nabangga mo sa kalsada. Mga commoners. Kagaya nila:

INDAY
Ilang taon na ang nakakaraan, yung kapitbahay naming, may katulong. Malandi siya. Pokpokish. Medyo ambisyosa din ng kaunti, kasi ang mga natatypean niya eh mga sir sa kalye namin. Unfortunately, isa ako sa mga sir nay un. Sa una kong trabahong call center, madalas umaga ako umuuwi, saktong kakagising lang niya at nagdidilig. Tuwing dumarating ako, lagi siyang kumakaway sakin at bumabati ng ‘good morning!’ Pero isang umaga, pagdating ko ng bahay, ayun na siya sa labas. Nakangiti. Kumakaway. “Kuya, gusto mo ng monay ko? Spanish bread?” Syempre ngumiti lang ako, kahit gusto ko ng spanish bread, baka ginayuma pa niya yun. Di siya masyado nagtagal sa kapitbahay namin, dahil makalipas ang ilang buwan, nakipagtanan siya sa construction worker sa kabilang kalsada. Ang landi lang.

SI ATENG
Di ko alam, kung pinagtitripan nila ako, dahil naaamoy nilang kagaya nila ako, pero noon, ay sa tingin ko pinagnasahan ako ng isang parlorista sa amin. Di ko alam ang pangalan ni Ateng, pero noon, tuwing nag-aabang ako sa kanto para sumakay ng traysikel, eh palagi siyang lumalabas at nagbu beautiful eyes sa akin. Minsan pa nga, nahuli ko siyang nag flying kiss sakin. Nakakaloka!!! Never kong nakita ang sarili ko na pumapatol sa parlorista (no offense meant), pero medyo natakot ako nun. Baka bigla na lang isang madaling araw ay rapein nila ako. Buti na lang 2 buwan lang nagtagal yung parlor sa kanto samin.

SI DABYANA
Siguro dahil medyo malaman din ako, kaya nakakaattract din ako ng mga malalamang kababaihan. Walang masama dun. Pero kakaunti na nga lang ang mga babaeng nagkakagusto sakin, di pa yung mga kagandahan (feeling pogi talaga). Meron akong katrabaho noon, na slight lang na obsessed sakin. Tipong kinakandong ako sa opisina (ako yung umuupo sa kanya), tapos ibe-bear hug. Medyo payat pa ako nun, pero dinadalhan niya ako ng pagkain, dahil gusto niyang tumaba din ako gaya niya. Nagtagumpay naman siya, actually. Natutuwa ako sa atensyon, noon, pero sana naman yung pwedeng kumandong sakin nang hindi nadudurog yung buto ko. Again, no offense meant, tsaka gusto ko, yung magkakagusto sakin yung mas hahaba pa yung buhay sakin at di yung iiwan ako dahil naimpatso.

SI GEEK
Malamang dahil geek din ako kaya ako nagugustuhan ng kapwa ko geek. Pero that one time talaga, nahulog ako sa silya. Gago kasi ako. Mahilig mangulit ng mga ahente ko noon, so meron akong bagong ahente na tuwang-tuwa akong ibully. Mukha kasi siya talagang nerd (with matching glasses and BO). So palagi ko siyang inaaligaga. Kinukulit ko kung sino crush niya. May nagtsismis kasi sakin na may crush siya sa department naming. So ayun, ilang linggo ko siyang kinulit. Mantakin mo, bumigay!!! Sinabing ako!!! AT kinarir ito!!! Tuwing may benta siya, tumatayo at hinahanap ako para lang sabihin meron siya nito. Tas nung pasko, niregaluhan ako ng pabango. Sa lahat ng manliligaw ko, siya pinakasweet, kaya di ko siya malilimutan. Sarap talaga magmahal ng mga geek, kaya lang sayang at babae si ate.

Di ako nagrereklamo. Ang kapal naman ng mukha ko, pasalamat nga ako at may nagkakagusto pa sakin. Sinaniban lang ako ng espiritu ng mga maldito.

Masaya sana kung yung mga nagkakagusto satin eh gusto din natin diba? Wala lang.

Buti na lang nakatyamba ako’t gusto ako ng gusto ko.

Yiiiiiiiiiiiiiiiii.

Happy Weekend Everyone!!!

Sep 15, 2010

THAT ONE NIGHT

"Why do you love me?" he asked, pushing me a bit further when I attempted to kiss him.

It made me think. We've only really known each other for two weeks. "Hmmmm. Because you're nice. You're funny. You make me smile everyday. And look at you, you're gorgeous."

He hugged me.

"Let's do this," he said. He started kissing me in the neck. My arms. My cheeks.

I like the way he smelled. Like the scent cigarette smoke lingered on his body. I kissed back. His neck. His chest. His torso. His armpits. His body was poetry made flesh. My fingers played with every curve brought about by his muscles. I licked his neck. My fetish. He giggled. I must remember to shave my beard the next time.

"You like that?" I asked.

He moaned. He pushed my shoulders down.

I obliged.

It was the night I've ever had. What we had was great. What we had was real. What we had was beautiful. It was magic.

It was not just sex. It was love-making. Passion and heat making music.

I knew then we were in love.

We held hands when we slept. I was secure sleeping inside his hugs.

This was the most unforgettable night I've ever had.

If only I knew, I'd ask for this evening to never end. For this feeling to last forever. For time to stand still.

Because after that night, I never heard from him again.

********************
This is fiction. Was thinking of actually posting this on pex, but I wanted to post this here first. Haven't really written an english fiction in a loooooong time.

Hope you like it.

GILLBOARD BAGO MAGLUNCH

Ano ang iniisip ko?

Nagugutom ako

Gusto ko nang bumili ng cd ng Halo Reach sa Xbox 360

Medyo Masaya ang sweldo ko ngayon, bibili ba ako ng Move sa PS3?

Ang sakit sa tenga pakinggan ng boses ni Richard Gutierrez sa Survivor.

Kumakalam na sikmura ko

Ang tagal ng break… wait break na pala… pero di pa kami pwede umalis kasi di pa tapos yung order.

Nasa isip ko si kasintahan.

Yiiiiiiiiii

Magkikita kami sa Sabado… yata.

Date namin… sa lamay ng tatay ng kaibigan niya.

Ang sweet.

Gutom ba ‘to o natatae ako? Masakit ang tyan ko.

Saan ko kaya gagastusin ang pera ko?

Mag-out-of-town kami next month. Mag-Baguio din kami ng barkada ko.

Teka, may mga bills din pala ako. Shet.

Ang tagal mag-12:30. Gusto ko na maglunch.

Teka, tingnan ko muna kung may pumasok akong trabaho…


















Wala.

Balik blogging.

Ang dumi ng lamesa ko.

Inaalikabok.

Parang hindi nililinis kapag weekend.

Nauuhaw ako.

Ahhhhhhhh.

Ang haba na nito. May magbabasa kaya ng post ko?

Sensya na, walang kwenta.

O siya, lunch ko na.

Yellow Cab. Tara kain tayo.

Sep 14, 2010

IN SPITE OF THE DIFFERENCE

Funny how sometimes you see how couples are such a mismatch, yet they are still able to keep a lasting relationship.

When you look at me and the kid, I’m pretty sure you’d think the same way. This couple’s a real mismatch. I’m 28, he’s 19. I’m a simpleton, while he’s a bit classy (coniotic). He’s really smart, while I’m just smart. I’m kind of big, while he’s kind of small. I don’t even want to take a photo of the two of us together because I look like his uncle.

But we’re still together. Four months in the relationship this month, and one year of being friends the next. After all we’ve been through, who would’ve thought? But we still made it work. We are making it work.

We sometimes talk about why we work out. Why in spite of our differences we get along really well. Here are some of them:
  • We talk. We talk a lot. We talk twice or three times everyday. We talk about everything. We don’t keep things to each other. I let him know that someone once flirted with me in the bus. He tells me whenever I say something stupid. I tell him when he’s wrong. We argue, we bicker and we fight, but we always talk.
  • Speaking of fighting, not that we always do, but when we argue, we make sure that it get fixed the same day or at least the next. We never had an issue that lasted longer than one day. The kid has some anger management issues, and I often just leave him alone when he’s not in the mood. I don’t provoke because the tendency is we’ll just say something that will hurt the other. But at the end of it all, we talk about the problem and we compromise.
  • We don’t see each other often. Because of our schedules, mine with work and him with his school, we rarely get to meet. That’s also the reason why we don’t get tired of each other. Absence does make the heart go fonder. It’s because of that, that every meet-up we have becomes something really special.
  • I guess most importantly, we just love each other. And we let each other know that everyday.
I make him a better man, just as much as he more than completes me.

Sep 10, 2010

PARA DUMAMI ANG BLOG HITS MO

Wala akong masyadong tinatrabaho ngayon sa opisina kaya't naisipan kong mag-ikut-ikot sa blogosperyo. Napansin ko kasi na nitong nakaraang mga araw, ay iisa ang tema ng mga nagsusulat ngayon... tungkol sa blogging. Nainspire tuloy ako magrepost ng isang lumang katha.

Di ito direktang tugon sa mga nabasa ko nitong nakaraang mga araw. Basahin ninyo ito ng buo para di mamisinterpret ang nais kong sabihin.

*******************

Matagal tagal na akong nagsusulat dito at naisulat ko na rin lahat ng mga napapansin ko tungkol sa mundong trip na trip kong balikan tuwing nagtatrabaho ako. Pero eto lang napapansin ko, lalo na sa mga baguhang mga blog... kadalasan sa kanila ay nais agad na sumikat sa blogosperyo. Yung tipong mahalaga ang bilang ng hits sa isang araw. O binibilang ang dami ng kumento sa kanilang post.

Hindi ko sila pupunahin, dahil minsan naging ganun din ako. Naging mahalaga ang mga numero para sa akin. Di pa rin nawawala yung ebidensya, dahil di ko pa tinatanggal yung hit counter ko hanggang ngayon. Actually, tutulungan ko pa nga sila sa pamamagitan ng post na 'to. Gaya ng titulo... eto ang kelangan niyong gawin para tumaas ang hits ng blog ninyo.

1. MAKISAKAY SA ISYU
Tuwing may bagong balita na sasabog sa bansa o sa mundo, tiyak sikat ang mga yan, at maraming mga taong maghahanap ng mga balita tungkol dun, sa google na lalo. Kaya pag may lumabas na bagong iskandalo, bagong virus, bagong hostage taking, beauty pageant o kaya'y mga isyu sa showbiz isulat ninyo. Kahit wala kayong alam tungkol sa problema sige go lang, lumabas lang sa link sa search engines yung blog ninyo. Tiyak ko madami bibisita senyo.

2. KUMENTO LANG NG KUMENTO
Magblog hop kayo tapos magkumento kayo sa mga post ng mga binisita ninyo. Kahit di niyo na basahin yung sinulat nila, magsabi lang kayo ng "nice blog... visit mine..." siguradong may bibisita sa inyo... eventually. Kung tinatamad ka namang magclick ng mga comments page kasi masyadong pahirap magpacomment ang ibang mga blogger, eh maghanap ka ng cbox at dun ka maglagay ng mga mensahe mo gaya ng "just checking your blog... visit mine too". Wag kakalimutan ilink yung blog mo... At habang andun ka na rin at naglalagay ng comment, itanong mo na rin kung pwede kayo mag link exchange, kahit di mo ilalagay yung sa kanya, makasiguro ka lang na nalink sa blog niya yung page mo. Dadami talaga magiging mambabasa mo, lalo na kung sikat yung pinagpaalaman mo.

3. PAGANDAHIN ANG BLOG
Lagyan mo ng kung anu-anong widget yang blog mo. Decoratan mo ng kung ano-anong litrato, makaattract ka lang ng mambabasa. Kahit tig-isang paragraph lang mga sinusulat mo, ayos lang basta maganda tingnan yung blog mo. Lagyan mo ng pichur ng mga hubad na artista. Tapos ikabit mo na rin yung twitter widget mo, para masabi ng mga tao na techie ka at hindi nahuhuli sa uso. Lagyan mo rin ng mga kanta yang blog mo. Para hindi boring at masaya basahin pag may naririnig na musika. Kung fan ka nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ilagay mo litrato nila... yung mga nakahubad para panalo talaga.

4. MAGKWENTO KA TUNGKOL SA $3X
Aminin man ng karamihan o hindi MARAMING MAKAKATI sa blogosperyo. Kahit wala ka pa karanasan... isulat mo na lang yung mga pantasya mong mangyayari sa'yo ng kras mo o ng pinagpapantasyahan mo. Kung may mga bidyo kang nahagilap ilink o kaya naman ipost mo dyan. Kung gusto mo naman, bidyohan mo ang sarili mong nagsasarili o may kasama at ilink mo dun sa blog mo. Maaaring kumita ka pa. Isa sa pinakamadalas hanapin sa Google eh mga kwentong ganun. Siguro 3/4 ng nakakarating sa blog ko na galing sa google, jack0l ang word na hinahanap. Kaya sigurado ako dadami bibisita sa'yo niyan.

5. MANGHAMON NG AWAY SA IBANG BLOG
Hindi lang darami ang mambabasa at bibisita sa blog mo, pag-uusapan ka pa. Nothing brings more hits to your blog than a good controversy. Punahin mo ang grammar ng ibang blogero o kaya'y salungatin mo ang paniniwala ng isa pa, siguradong di lang kontrobersya ang papasukin mo, sisikat ka talaga!!! Madami nga lang makakaaway mo. Pero for the sake of hits, sulit naman ito.

**********
Malamang merong mga tinamaan nito. Di ko nais na mang-away o mamuna. Naiintindihan ko kayo. Gaya ng sinabi ko, ako man dumaan sa ganyang stage. Pero over time, pag may mga naging kaibigan ka na. Kapag meron nang regular na bumibisita sa iyo, o kapag may mga nawawalang mga mambabasa, marerealize mo, di nila binibisita yung tahanan mo kasi maganda yung mga larawan na nakapost dito. O kaya'y naghahanap din sila ng magkukumento sa mga sinusulat nila. Bumabalik sila kasi nakakarelate sila sa sinusulat mo.

Sa mundo ng blogosperyo naman, hindi mahalaga ang sikat ka. Madami ka ngang tagahanga, pero di mo naman kayang isustain yung mga ideya mo, masasapawan ka lang ng ibang mas magaling na magsulat sa'yo.

Darating din ang point na dadami ang magbabasa sa blog mo, basta naging totoo ka lang sa mga sinusulat mo. Ang tunay na dahilan naman talaga kaya naimbento ang blog ay para ilabas ng isang tao ang saloobin nito. Hindi para pasikatin ang sarili, kundi upang gawing outlet ng mga frustration, kaligayahan, lungkot, galit at kung anupamang hindi kayang sabihin sa mundo.

Ang hits darating din yan. Hindi mahalaga na napakaganda ng blog mo, kung ang nakasulat naman walang saysay. Parang lobo lang na magandang tingnan pero hangin ang laman.

Sep 9, 2010

MULA SA YEARBOOK

Noong high school ako, ang hula sa akin sa yearbook, ay magiging sikat na author ako. Nakapagsulat daw ako ng best selling novel na pinamagatang “Alikabok sa Ilalim ng Karagatan” (di ko maalala yung English title, pero ganyan yung idea). Sino ba mag-aakalang pagkatapos ng labing-isang taon ay magkakatotoo yung isang bahagi ng hula sa akin noong high school. Na magiging sikat ako!!!










Pasensya na, tinamaan lang ng kidlat.

Hindi ko naman pinangarap na maging sikat na manunulat noon. Yun lang yung hula nila sa akin kasi noon, ginawan ko ng epiko yung buong klase namin. Sumikat yung kwento ng isang linggo kasi medyo nakakatawa naman ito kahit papaano.

Bakit ba ako napapaisip ng ganito? Medyo matanda nako para dumaan sa quarter life crisis at ang bata ko pa para magkaroon ng mid-life crisis. Sumagi lang ito sa isip ko dahil sa Disyembre ay magkakaroon ang batch naming ng high school reunion.

Wala sa plano kong sumali dito dahil nung huling pumunta ako, na out-of-place talaga ako. Hindi ko close kasi yung mga sumipot at yung mga kaibigan ko naman, umuwi nang maaga. Napachip-in pa ako ng 500, eh isang bote ng beer lang naman yung tinira sa akin. Kaya ayoko na. Hindi rin naman talaga ako nag-enjoy noong high school ako. Hindi masyado.
  • Wala akong masyadong mga kaibigan noon. Konti lang, nilalapastangan pa ako.
  • Hindi ako sikat noon. Hindi ako matalino. Hindi ako gwapo. Hindi ako star.
  • Puros Math and subject namin noong high school. At kung di Math ang homework, History naman kung saan kelangan i-rewrite yung buong History book with matching colors at drawings.
  • Noong mga panahon na natututo na sa mga makamundong Gawain ang mga kaklase ko, ayun nasa kwarto pa rin ako’t nagsasariling sikap (except nung 3rd year noong nagka gelpren ako).
  • Matatalino man ang mga katabi ko, ang damot ng marami sa kanila pagdating ng mga test. Ayaw magpakopya.
  • Halos lahat ng mga kaklase ko, may computer na noon, tapos ako nagsisimula pa lang mag-aral gumamit ng typewriter (at least dun ako natutong magtype ng mabilis).
  • Nabarkada ako noon sa mga emo.
  • Tapos sabayan mo pang magkaroon ng mga aktibistang guro bawat taon. Yung mga nang-aaway talaga. Yung ibabagsak ka dahil trip niya lang. Yung mga sikat ang caricature (sinungayan o nagbubuga ng apoy) sa yearbook.
  • Puros Math ang mga subject namin noong high school.
  • At di ka makasali sa mga sikat na clubs gaya ng Math Club, Teatro, Speech Club dahil may mga admission exam o audition. Mapipilitan ka tuloy sumali sa Eucharistic Chrusade (religion club).
Natatawa lang ako nang maalala ko yung isinulat na write-up sa akin sa yearbook na magiging manunulat daw ako. Siguro nga, noon pa lang ito na ang nakahiligan ko. Pero paano kaya kung talagang yun yung hinabol kong larangan noong nagkolehiyo ako? Magiging sikat na manunulat kaya talaga ako, o sadyang sikat lang?

Sep 8, 2010

THE MALE MISTRESS

I was chatting the other day with Kane about being the third party in a relationship. I was then asked if I ever was one, the other man. I said no.

That night, I was still bothered by that answer. I don’t know why, I was sure during that time I was telling the truth. I’ve never been the other man.

And then it hit me. I did. I was. I’ve been the other man. I’ve been a male mistress. I entered into a relationship before knowing that I am not the only guy in someone’s life. It was with the good time guy.

Third party isn’t even accurate. I was the fourth party. The guy hag a girlfriend and a boyfriend at the same time he had me. But that time, I knew I had the upper hand because we were working together. We see each other all the time, and the sex was great.

The relationship did not last long. I had to let go of the awesome sexy time, because apart from that, the two of us had nothing. We have nothing in common. Every time we try to start a conversation, talk about each other, we always ended up fighting. Plus add the fact that back then, I wasn’t ready to tell the world who I was, and that was his problem. He wanted us to hang out in public places where my subordinates then would easily see us. I can’t do that. He was sweet and all, but once 5pm comes, he cuts all communications with me to be with his number one or number two (I don’t care to remember anymore).

It was a crazy one month, what we had. But I don’t think I’d ever do that again, being the third party. Even if let’s say they tell me they’re in an open relationship. I wouldn’t want to hurt someone intentionally (and myself if that person decides not to choose me in the end).

And then there’s karma.


I hear she’s a bitch.

Sep 6, 2010

KUNG ANU-ANO LANG

Oo, magpapakakeso muli ako. Walang maisulat. Pasensya na.

Sa buhay natin, pagdating sa puso, ilang beses tayong masasaktan. Masusugatan. Ilang beses tayong mag-aakalang nakilala na natin ang tunay na magmamahal sa atin. Pero sa huli, mababasted. Iiwan. Tatalikuran.

Pero gayunpaman, masaktan, madapa, o masugatan man tayo, sa lahat ng taong dadaan at mananahan sa puso natin, natututo tayo. Tumatapang. Nalalaman kung kelan gagamitin ang puso at ang utak.

Ito ang mga natutunan ko...
  • Mag-ingat sa pagbitiw ng mga salitang "mahal kita" o "i love you". Ito ang mga salitang madaling sabihin, pero mahirap pangatawanan.
  • Lahat nagsisimula sa kilig. Pero minsan hindi nagtatagal yan. Pag mahal mo ang isang tao, kahit matagal nang walang kilig, magiging masaya ka pa rin sa piling niya. Ang honeymoon stage, sa simula lang yan, at di dyan nasusubok kung gaano katatag ang pagmamahalan ninyo.
  • Ang isang pagmamahalan, di dapat kumplikado. Pag mahal mo mahal mo. Pag hindi pwede, pakawalan mo. Sasaktan mo lang ang sarili mo pag pinagpilitan mo sa isang taong di naman nagmamahal sa'yo.
  • Bago pa ang ibang tao. Ang unang dapat mahalin mo ay ang sarili mo.
  • Walang masamang ibigay ang lahat ng makakayanan mo para sa mahal mo. Wag ka lang umasa na palagi niyang maibabalik ang lahat ng pagmamahal na maibibigay mo.
  • Kapag may problema ka sabihin mo. Wag mong itago. Hindi manghuhula ang mahal mo. Di lahat ay nalalaman niya. Pag tinatago mo sa sarili mo mga kinaiinisan mo, pag nag-away kayo... naku asahan mong may masasabi ka lang na di mo na mababawi.
  • Iappreciate mo ang lahat ng ginagawa ng kasintahan mo sa'yo.
  • Wag mong iasa sa kasintahan mo ang lahat ng trabaho sa pagpapalago ng relasyon ninyo. Dapat may ginagawa ka rin. Wag kang susuko sa unang senyales na may problema kayo.
  • At kung single ka pa at wala pang nakikilala. Minsan kailangan ikaw ang gumawa ng first step para mapalapit sa gusto mo. Minsan hindi narerealize ng isang tao na gusto ka nila kung hindi ka nila napapansin. Hindi kalandian ang tawag dun. Diskarte.
Hay. Para ito sa aking kaibigang nabigo sa pag-ibig. Mahahanap mo rin yung taong magmamahal sayo. Yung walang sabit.

Ngiti lang, kaibigan.

Sep 3, 2010

THE DRIVE

We were on our way home from our man-date in Tagaytay when we arrived on an intersection.

The light was red. We stopped.

It was an awkward moment. The first time we went out after the big friendship fallout. Save for the music playing on the radio, we just kept silent. Everything that need be said, was said. Except for that one thing.

“How did you feel when I told you I love you?” I asked.

Joy laughed. This was the first time we talked about it, since we became friends again. I thought the topic was taboo, as there was too much drama that happened after the huge revelation.

"Honestly bro, I felt betrayed. During that time, ang bigat ng loob ko diba, with the whole break-up thing, and ikaw yung isa sa mga nagbibigay lakas sakin nun. And then you had to do that."

He was already moving on when that incident happened. He was going out on dates again. I thought that I was losing him. And one drunken evening I made the mistake of texting him how I felt.

But he didn't have to know that. It's all over. Behind us. What we're doing, why we went out is rebuilding the friendship. It's been two years since we last saw each other, there's no need for drama.

"I'm sorry," I ended.

He smiled. Punched me in the arm and stepped on the gas. "Don't worry about it."

Suddenly, it's not awkward anymore.

*********************
There are two guys that I write alot about here in my blog. One's of course "my kid." And the other one is Joy.

To those who are new here, Joy was the one who got away. The love that was not meant to be (well he's straight, that's why). The friend I almost lost. One of my best friends.

He celebrated his birthday yesterday, so here I am posting my tribute to him.

Belated Happy Birthday my friend!!!

Sep 1, 2010

MY TOP FILMS: SUMMER 2010

2010 is not a good year for films. To tell you honestly, I haven't seen that many movies since January. I don't even make as much film reviews here in my blog as before. It's really disappointing.

This year's list is really difficult. So difficult that I have to extend my category from when Philippine summer started.

Terrible.

**Sorry I can't edit the images. I'm so stupid. Will work on this one again maybe tomorrow or later. When I have free time.

10 TEKKEN
Worst. Video. Game. Adaptation. Ever. I knew coming in that this film sucked. But I still bought the ticket. That's 132 bucks I'm never going to get back. I didn't even bother to start the movie again (I came in about 14 minutes after the film started). That's how bad the movie was. And I loved Tekken the video game. Why'd Hollywood have to ruin great video games, we'll never know. Good thing buses sometimes play the latest films. That's where I saw the first 15 minutes of the film.

9 SORCERER'S APPRENTICE
You're not going to see mindless popcorn flicks in this list. You're not going to see Prince of Persia or Salt or The Last Air Bender or whatever movie Michael Bay produced this summer. I did not see any of them. Why? I read reviews before I watch movies, and all of them got bad reviews, and mostly they're right. I'm trying to save money these days, and cutting back on the bad films is one way for me to save them. I also knew this film would suck prior to watching, but there were not many choices when I saw this film. It's either this or Inception (which I saw with my friends). It's higher only because it's got all those cool special effects.

8 GROWN UPS
I haven't seen alot of good Adam Sandler films lately. The last one I really liked was Chuck and Larry, but the past few summers, not so much. I don't know if he's not funny anymore, or I'm getting tired of their kind of comedy. Or it may be because American comedies are getting stale aside from ones that have Tina Fey's name attached to it. Grown Ups isn't that great. I don't remember alot of the things in the movie, save for that lifeguard scene. It sucks because I really like Sandler, once upon a time he made me laugh my ass off.

7 DATE NIGHT
This film isn't really that funny. It's kinda cute. But I ranked it higher because this film made me laugh alot more than Grown Ups did. I like Tina Fey and Steve Carrell together. They''re really funny. They're a bit cheesy and corny in some parts. And cliche in most, but it's fine with me. I still like it over the farting grandma from the previous movie on this list. By the way, this film's about an upwardly mobile couple who decides to go out on a very disastrous date.

6 THE KARATE KID
Jackie Chan and Jaden Smith star in the reimagining of the 80's cult classic. Wax on wax off is replaced by jacket on jacket off. I don't know why they still named it karate kid when it's all about kung fu, but it's all good. This was a surprisingly lovable movie. The kid was annoying, but he had great moves. Oh, and China's really beautiful. I wish I could visit that place one of these days. Well, when they don't hate us anymore, that is.

5 IRON MAN 2
I was really disappointed in this film. I loved the first movie. This was like my number one film of the summer two years ago. This movie wasn't bad. Hell, it deserves being on the number five spot. It just went on too long, I guess. Or maybe it just stayed safe. Nothing new. Nothing fresh. Nothing too exciting. Or it could be I've been expecting too much. Oh well. Let's hope part three ain't gonna be as disappointing as this film was. Still a great film though.

4 INCEPTION
This is the start of the films I'm having a hard time ranking. I loved all of them. If I can make all of these movies number 1, I will. They're all alot of fun to watch. But sadly, they have to be ranked. This is number four because honestly I did not see this movie properly. We saw Inception during the last full show. When we were all exhausted, distracted, sleepy. I did understand the film though. Was wowed during the zero gravity fight scene and was mesmerized by the beauty of the story. It's just sometimes there's only too much a sleepy mind can take.

3 HOW TO TRAIN YOUR DRAGON
I loved this movie. Everything about it shouts fun and original. I love Hiccup. I love Toothless. I love all the other dragons. I love the aerial fight scenes. The effects. I hate Hiccup's dad. But I love everything else. This was a fun movie. It's funny. It's touching. It's everything you love about a Pixar movie. Wait. This ain't a Pixar film!!! Well, it doesn't matter, it sure ain't no Shrek 4 (and that's awesome!!!). Oh and if you're asking why it's not on this list, I didn't see it.

2 TOY STORY 3
Ahhh, the obligatory Pixar entry. I've written everything I wanted to say about this movie in my review, so I'll keep it short. Films that make me teary-eyed are films that are well made. And this one. Perfection.

1 KICK ASS
Some of you might ask why this film is number one, I'd say it's the only movie in this list that made me stand up and shout "hell yeah!!" "coolness" and "awesome" all in the span of an hour something something minutes. Mindy beats out all the badass chicks in cinema and this movie is just outrageous. I think this is the most kick ass movie I've seen in a looooooong while. Just great mindless popcorn flick. Well, it's not that mindless, it actually has a little heart. You remember movies not because of their story or the effects or the actors. You remember them because of how they make you feel after seeing them. And after seeing Kick Ass, I felt awesome. That's why it's number one.

Agree? Disagree? What's your top film of this summer.