Mga Sumasampalataya

Dec 30, 2008

SA BILANG NG TATLO

Wala na akong nagawang tama. Siguro panahon na para tapusin ang lahat ng ito.

Sa bilang ng tatlo.

Isa.

"As you all know, everyone's affected by this crisis. Even America. Unfortunately, one of the companies that's being hit hard by this event is our account. We're only given until the end of this week before our account becomes dissolved. I'm sorry guys. Some of you'll be floating, and I guarantee you, I will work with HR so that you'd find a program as soon as possible. But for those who are not yet regularized, I'm afraid there's nothing we can do about you. I WILL try to find a program who's in need of people and see if we can put you there. But for now, you'll have to speak with HR."

Putang-inang buhay to oh, call center na nga lang ang trabaho ko, mawawala pa! Bakit kailangan ngayon pa?

Ganun ba talaga ako kamalas?

"Eh paano na yung mga babayarin natin? Sunud-sunod na dumating yung bills sa kuryente, sa ilaw, sa telepono!!! Alfred paano natin babayaran yan?!" sambit ng nanay ko. Nakikita kong inutil ang tingin niya sa akin. Tama ang hinala niya na wala siyang mapakikinabangan sa aming mga anak niya. Lahat kami talunan.

"Nay ano magagawa ko, hindi pa ako regular!!! Malamang mas papaboran nila yung mas matagal na dun sa kumpanya! Maghanap muna kayo ng mauutangan."

Dalawa.

Humihithit si Teresa ng huling stick niya ng yosi. "ayoko na Alfred. Nagsasawa na ako."

"Nagsasawa saan?"

"Dito. Sa atin. Wala naman patutunguhan tong relasyon natin diba? Hindi ko kayang hintayin na makaipon ka bago mo ako pakasalan. Hindi ka naman nakakaipon. Puti na ang buhok nating dalawa, nandito pa rin tayo. Ayoko ng ganun!"

"Ano ba Teresa, sa tingin mo gusto ko na ganito lang tayo? Akala mo ba wala akong ginagawa?" Teresa, wag ka nang makisali sa mga problema ko please. "Teresa, ikaw na lang ang nag-iisang tama dito sa buhay ko, wag kang mawawala, please!"

Hindi nagsalita si Teresa. Umalis na lang bigla.

Pagsara ng pinto, alam kong hindi na siya babalik. Hindi ko na siya makikita.

Wala nang tama sa buhay ko.

Sa mga oras na ito, ang itutok ang baril na ito sa gitna ng mga mata ko ang nag-iisang tamang gagawin ko sa buhay ko. Tatapusin ko na ang lahat. Tutuldukan ko na ang lahat dito sa madilim na kwarto. Wala rin namang nagmamahal sa akin. Ayaw ko nang masaktan. Hindi ko na kaya.

Pihitin mo na ang gatilyo, Alfred. Tapusin mo na. Sabi ng demonyo sa utak ko. Tatlo na. Sige na.

Rrrriiiiiiiiiiing! sigaw ng cellphone ko.

Putang ina, bakit ngayon pa.

"Hello..."

"Alfred, si Dan 'to. I heard, may problema ka daw..."

"Dan, hindi ko na kaya..."

Tatlo.

Click.

**********

I know, not necessarily the best post to end the year. But let me assure you, contrary to how the lead character in my story, I am feeling great. I don't have any suicidal tendencies or anything. I'm fine.

I just wrote this because this was what's on my mind earlier. Now I didn't want the idea to escape me so I immediately posted it here. I'll try to post one more time before the year ends to at least end on a more positive note, and not a somber one. I guess I haven't written any fictional stories for awhile now.

Promise next year I'll try to write more positive posts. Just indulge me with this one.

12 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Nyahahaha! Akala ko true-to-life story mo! *LOLz*

gillboard said...

di rin!!! Wala ako plano kahit kelan magsuicide...

Magcommit ng murder siguro, oo!!! Lols!!!

my-so-called-Quest said...

wow! bat mo kaya naisip yan? hala ka! pero ang malas naman nung alfred, at least may baril sya. kung ako un, baygon na lang. hehehe.

gillboard said...

di ako makatulog... ganun talaga ang utak ko... morbid. lols!!!

wanderingcommuter said...

pero lam mu, gusto ko na dating magresign sa work ko tapos may natanggal na officemate na nagpapaaral ng mga kapatid at tumutulong sa magulang.

naisip ko pucha kung sino pa yun ayaw na ng work niya siya naman yung hidni natatanggal...

tsktsk. ang lame pala ng excuse ko na for my growth and my whimsical idea of love to my work. hindi ko naisip madaming nangangailangan ng trabaho tapos ako tinatake for granted ko lang. haaay

nice post andami kong narealize

Miss G said...

Got me scared there for a bit! HAHA HAPPY NEW YEAR!!!

Anonymous said...

sana bumalik pa rin si teresa. pabalikin mo sya, pls?

escape said...

that's good gillboard. at least we can also look forward to those positive thoughts that our world needs.

if we think we'll fail, we'll really fail that makes optimism a good vibe. hindi naman nawawala ang problema. hehehe...

abangan namin ang last post mo para sa taong ito.

hehehe... astig si teresa dito ah.

gillboard said...

ewwik: sa tingin ko kelangan maghanap ng malalim na dahilan para iwan yung trabaho mo.

Miss G: nah... I'm not suicidal. Not yet.. hehe

gillboard said...

gravity: tapos na tong kwento na to. hehe...

the dong: salamat... ako po pala ay isang eternal optimist!!! hehe

superboi said...

sorry hindi ko binasa lahat kasi medyo madaling araw na huhuh pero naapektuhan ako sa litanya about the dissolvement (if there is such a word) ng mga may trabaho. hhuhuh nasad naman ako.

leche, sino ba nag imbento ng pera, ng trabaho at ng lahat na. kalamutin ko un eh. hahaha

gillboard said...

superboi: ibagsak ang mga imperyalistang kano!!! hehehe Happy New Year!!!