Mga Sumasampalataya

Dec 5, 2008

BIGYAN NIYO AKO NG KAHIHIYAN

At dahil magpapasko na, eto nanaman ang mga balikbayan moments sa aming tahanan... This year, ang bisita namin eh ang pinsan ko sa mother side na galing Saudi. Syempre pag may mga ganung moments, puno nanaman ang bahay namin ng mga kamag-anak na hindi ko kilala o huli kong nakita eh wala pa akong ulirat.

Syempre di mawawala ang mga wow-I-miss-you-pero-di-ko-ipapahalata kind of comments tulad ng:
"Wow ang laki-laki mo na, naaalala mo ba nung bata ka, ako naghuhugas ng pwet mo pagkatapos mo tumae?"
"Ang taba mo na, dati parang tingting ka lang, ano na nangyari sa'yo?!"
"Ang pogi mo naman hijo, may gelpren ka na? Kelan ka mag-aasawa? Bakit di mo gayahin si Kuya ganito mo, may anak na ngayon?"

Gusto ko silang lahat walk-outan nang matigil na ang aking kahihiyan. Lalo na pagnagpapabibo ang nanay ko para ibida ako, ayoko nang ikwento kasi ito'y mga bagay na hindi dapat malaman ng publiko.

**********

Heto ang mas matindi, sa bahay ng mga magulang ko, meron kaming mga atribidang mga kapitbahay. One time, etong si Ate nagdala sa bahay ng irereto sa akin para gawing gelpren. Hindi sa nanghahamak ako, pero mas maganda pa yung katulong namin. Hindi sa papatulan ko yung katulong namin, sinasabi ko lang.

Graduate daw siya ng EAC. At proud na proud itong si dalaga. Syempre super build up ako from my ina, at lalo na atang nahulog sa akin itong si Criselda o Cris for short.

Mabuti na lang at inaya ako ng kaibigan kong lumabas nung araw na yon. Kaya di na ako nagstay pa sa bahay. Nilayasan ko sila, at sabing itetext ko si Criselda kahit di ko kinuha yung number niya.

Sinabi ko sa nanay ko na sabihan si Ateng kapitbahay na kung ihahanap ako ng syosyotain eh yung medyo may dating naman at hindi yung kung sinong nakasalubong sa kung saan. Hello, may standards din naman ako?! Di ako pumapatol sa anak ng undin!!!

**********

Naiisip ko tuloy, parang gusto ko na ulit magsarili... Magrenta ng apartment, nang hindi nabubulabog ang buhay ko ng mga ganitong eksena. Hay.

18 comments:

aajao said...

layasan mo lang nang layasan. hehe.. chillax! ;)

ewan ko ba sa mga pinoy (i-generalize ko na) parang atat na atat makita ang mga kamag-anak, kapamilya, kapuso at kabarkada na magkaro'n ng syota, tapos mag-asawa, tapos magka-anak. walang bukang bibig kapag nagkita-kita kundi (actually by stage yan e):

1) kelan ka ga-graduate?
2) may syota ka na?
3) kelan ka mag-aasawa?
4) o ano, nakabuo na ba kayo?

hayyy... gulay!

MysLykeMeeh said...

Hahaha...lol:_)

Natatawa ako sa post mo! hahaha...ganun ba? Para bang kinonkontrol ka ano? Hindi ka naman makapagsalita kasi ang respeto ba ga> , tsaka, gagawa ka pa ng dahilan...haha!

tsaka yung ni link ng sister mo sau---, baka may pag-asa ka pa sa kanya (haha) joke lang)...naks--tinakbuhan mo pa ha! Hmnn-- who knows? (lol:_)

Anyways, ganyan talaga sa atin, hindi nila alam ang hirap sa aboad! Yet, financially rewarding naman diba?

Take care!

The Gasoline Dude™ said...

Anak ng Undin? Ampf. Sino nakabuntis? *LOLz*

Naalala ko 'yung ex-GF ng barkada ko na kaibigan ko din. Nag-bitter bitteran sabi eh mukha daw Undin 'yung bagong GF nung barkada ko. Hahaha. = D

paperdoll said...

ang init ng ulo ah. . hayaan mo na lang. . ganyan talaga. magsisi ka kasi pinoy ka. . ugali ata kasi talaga ng pinoy yan eh. sakin din minsan kung sino sino ang nagpapanggap na daddy na nag alaga saakin nung bonjing pa aco. . pota! mga hangal! ahahaha.

dapat pinagtripan mo na rin si cris. . since wala ka namang libangan, pinaglaruan mo sana at pinagulong mo sa bubog. oh di kaya palanguyin mo sa lawa baka makita nya ang nawawala nyang mga kapatid. . lol

pusangkalye said...

parang hirap nga ng ganyan sitwasyun. sa tingin ko mas maganda nga na humiwalay ka. that way, marami kang matututunan----especially how to to say no.

Kosa said...

oo nga mga pinoy talaga mahilig magbida ng mga nakaraang bagay-bagay.. past is past yun dapat ang isagot mo..lols.. sabay hu u?

natawa ako dito:

One time, etong si Ate nagdala sa bahay ng irereto sa akin para gawing gelpren. Hindi sa nanghahamak ako, pero mas maganda pa yung katulong namin. Hindi sa papatulan ko yung katulong namin, sinasabi ko lang.

baka nman boypren ang gusto mo pareko? lols joke joke joke..

Hello, may standards din naman ako?! Di ako pumapatol sa anak ng undin!!!

sabi ng mga mga pogi, unding man yun, laman tyan din yun.. hehehehe..peace...

Anonymous said...

in-hell,ex-hell
relax lang..hehe!

Randy Santiago said...

MAsarap na mahirap ding magsarili. May mga advantages at disadvantages. Sundin mo kung ano nasa puso mo. Kaya lang , syempre, timbaingin mo, ika nga ang sitwasyon. Good luck sa iyo!

Anonymous said...

wahaha. ang taray.

nakakainis talagang masabihan ng mataba tas ico-compare ka sa iba mong kamag-anak na payat.

eh hello! hindi naman kumakain yung mga yun. ahahha. sorry, na-carried away ako. masyadong naka-relate. ahahah!!

sana maging maligaya naman ang pasko mo, kahit maraming tao na nagi-invade ng privacy. ahihi. pag-alam mong kakausapin ka na nila, magtago ka na sa kwarto mo at mag-xbox. wahahha.

FaerieTeL said...

ngayon alam ko na kun bakit ang aking big bro eh nagdecide magsarili sa apartment.ehhee:D

Anonymous said...

wow yabang.hindi pumapatol sa anak ng undin.burger burger

. said...

kahit yung undin este tsik eh may sasakyang bmw at nakatira sa the fort, hindi mo pa rin papatulan? :P

Anonymous said...

naku dami bang lumalabag sa karapatan mo sa matahimik na buhay. hehe.

my-so-called-Quest said...

hahaha!
pwede ba next time mag record na lang tapos iplay na lng paulit ulit ang sagot sa mga tanong na ganyan? nyahahaha

kakaasar tlaga!

wow may taste ka rin pala sa gels. ahhaha. loves it!

sinabihan ko nanay ko na dito ko sa dorm magpapasko pag may kontrabida sa bakasyon ko! hehe

UtakMunggo said...

hahaha naaalala ko ang best friend ko sa iyo. hehe ang tagal nag-gelpren non, kamuntik ko nang itanong sa kanya kung iniintay ba niya ako, o kung bading ba siya. hehe

ganyan pala ang pakiramdam niya noong mga panahong nirereto naming magbabarkada sa kung sino sinong anak ni undin. kawawa naman pala siya. makapag-sorry nga.

ponCHONG said...

anlupit naman non. talagang anak ng undin! bagay na theme song jan, silvertoes gn parokya.

Anonymous said...

fan kase sya ni manilyn kaya nagmukha syang undin.. haha

nagtatago ako pag may reunion.. sus! payabangan lang naman yung alam gawin ng mga pinsan ko..

Anonymous said...

grabeh to makalait! undin!

haha! well yeah, we do have the same experiences when it comes to that.. absolutely the same. may nireto din sakin si inay noon, pati nga yung naikwento ko.. hayun, talo sila.

pati yung mga tanong ng mga kamag anak na kung pwede wag ka na nila makita o wag ka nang magpakita para tigilan ka na.. nakakainis kng minsan.

hayz, natatawa ako! pinaalala ng post mo ang pangyayari sa buhay ko..

hang tagal kong nawala dito ah..kape tayo!hehe..