Mga Sumasampalataya

Dec 26, 2008

2008 YEAR-END REPORT

It's that time of the year again... I'm sure simula ngayong araw na ito, marami nang maglalabasan sa blogosphere ng mga yearender posts ng mga tao. Hindi ako magpapahuli, at makikisali ako.

Last year, during these times, uso yung mga manghuhula na nagbibigay ng prediksyon sa mga taong pinanganak sa kanilang zodiac signs. Ang karamihan sa sabi nila, na ang mga taong katulad ko na ipinanganak ng year of the dog eh hindi masyadong papalarin ngayong taon.

Actually, maniniwala na sana ako, dahil honestly I really didn't start the year right. I hated my job, and after leaving it, was jobless for a few months. Ala talaga... feeling ko, wala akong pag-asang makarecover.

Pero nung dumating yung second half of the year, things started to pick-up. So ngayon, nais kong ilista ang 5 highlights ko ngayong taon.

5. BLOG HITS
Believe it or not, wala talaga akong pakialam sa numbers. Pero noong time na wala pa akong trabaho, itong blog na ito talaga ang pinakanakakuha ng mga benepisyo. Dati, hindi ko magawang sulatan to. Pero ngayon... Actually, natutuwa ako, na kahit iisa pa lang ang talagang blogger na nakita't nakausap ko, eh dito sa blogosperyo eh marami akong naging kaibigan. Na kahit walang kakwenta kwenta kong opinyon eh binabasa at kinokomentuhan ninyo. Maraming salamat, nakakataba ng puso yung simpleng malaman mo na may nagbabasa ng post mo. Nung isang araw nga, di matanggal yung ngiti ko sa mukha, nung makita kong, sinearch sa google itong blog ko.

4. CARLSON MOMENTS
Carlson ang pangalan ng account na hinawakan ko as a Supervisor noong isang taon. At kahit na mahigit na isang taon na akong wala sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko, eh minsan lang akong maging absent sa mga moments at celebrations na nagaganap. Laging masaya yung mga araw na lumalabas kami, sabihin nating, manunuod lang ng A Very Special Love o kaya'y inuman at videoke. O kaya'y tambay lang sa Food Choices sa Glorietta, memorable na sakin yun. Dahil siguro sobrang malalapit na sa puso ko ang mga naging katrabaho ko noon, kaya't hanggang ngayon eh hindi pa rin kami tuluyang maka move-on kahit wala na kami sa Carlson. Mamaya, reunion namin... malamang madaming happening nanaman dito sa bahay ulit.

3. BUSINESS CLASS
Nakasakay na ako ng eroplano, maraming beses na. Pero, noong August 23, noon palang ako nakasakay sa Business Class Seats ng isang eroplano. Oo na't karamihan ng inihanda saming pagkain ay puros keso. Nakakatuwa kasi at least hindi Goldilocks mamon at Zest-O ang kinain namin sa buong biyahe patungong Australia. Tsaka may free movie pa. Sobrang nakakaaliw. Parang pagkatapos nun, ayoko na ulit sumakay ng hindi business class.

2. DAY ONE SA BAGO KONG WORK
Kung nasubaybayan ninyo ang blog kong ito ngayong taon, alam ninyong sobrang torn ako sa trabahong pinagpipilian ko. Iba talaga ang gusto kong pasukan na trabaho noon, at nang mag-unang araw ako sa Kumpanya ng Langis na pinapasukan ko ngayon, hindi ko iniisip na tatagal ako doon ng mahigit sa isang linggo. Hinihintay ko lang ang tawag sakin nung Marketing Company na gusto ko talagang pasukan. Pero bago pa man matapos ang unang araw ko doon, may pangyayaring talagang magbabago ng isip ko. "the 4 of you have been chosen to do the training in New Zealand."

1. NEW ZEALAND
Halos isang buwan din ang pinalagi ko sa bansang iyon. Pero sobrang napamahal na ako doon. Lahat ng tao ay friendly. Ang linis ng paligid. Ang sarap ng Ice Cream. Ang lamig!!! Sabihin man nating ang snow lang na nakita ko, eh yung sa bundok sa kalayuan, kahit na winter noong dumating kami doon, eh ayos na yun. Hindi matatawaran ng anumang bagay sa mundo ang mga naranasan ko sa bansang iyon. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko lahat ng nangyari sa amin sa loob ng 24 na araw ng pananatili namin sa Aotearoa (lumang pangalan ng New Zealand). Dapat kasi nag TNT na lang ako doon. Lolz

Anim na araw na lang at matatapos na taong ito. Sobrang excited ako sa mga mangyayari sa akin sa susunod na taon. Sana maging kasingbait sa akin ng 2008 ang 2009

19 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Nyahaha. Hindi ko alam kung baket, pero natawa ako sa title ng post mo na 'to. *LOLz*

Madami ding nangyari sa 'kin ngayong taon. Hmmm... makagawa nga din ng Year-ender Report, at mai-present sa Board of Directors. Hahaha. = P

gillboard said...

hehe... parang pang opisina lang ba...

pusangkalye said...

looks like it was really a good year for you......sabi nga bila, All's well that ends well diba? I am happy for you............

Kosa said...

wow... sa dami ng malas nga nman may mga bagay pa rin na talagang babalanse sa mga pangyayari.

pero dun lang ako nawindang sa
1.new zealand mo.. wag ka nang magtangkang magTNT dun o kahit na saan mang bahagi ng abroad.. masaya pa rin ang pinas lalo na ngayun palubog ang ekonomiya ng mundo..lols

tapos i bet may maganda ka nmang trabaho so. wag ka nang dumagdag sa brain drain ng pinas.. sayang nman.

happy nu year GILLBOARD

MakMak said...

Ooh, nice things for you this year ah. :)

Happy Holidays Gillboard! :)

MysLykeMeeh said...

Wow--grateful naman na post na to... naka-motivate. Thoughtful pa!

Anyway, glad to know ur adventure in life! Thanks for sharing it!

gillboard said...

pusang gala: it was a very good year for me... parang highlight na para sakin... hehehe

kosa: di ko kayang gawin yun noh... ala akong balak tumira sa ibang bansa... luv ko pilipinas!!!

gillboard said...

makmak: Happy New Year and Merry Christmas din!!!

lyk meeh: thanks for reading it as well!!! Its always nice to meet new people sa blogosphere

Anonymous said...

congrats sa lahat ng achievements mo this year gil..pareho tayo swerte this year when it comes to career hehe..sana nga next year ulit swerte pa din..

kainggit ung party kagabi..wish i was there..kakamiss grabeh..sana meron ulit sa summer..try ko kc magleave nun..pero bahala na..hehe!

since christmas naman (feeling ko christmas pa din kahit 27 na hehe) i want to thank you and the rest of the group for the good times and bad times (thank god wala mashadong bad times), for the friendship, for the parties, for the memories, for everything..im really thankful and grateful to have friends like you..and this is the reason why i always look forward to spending time with you everytime im in manila..un nga lng pag wala tlgang time phone call nlng db?

sana this coming 2009..in touch pa din tayong lahat at maging stronger pa un friendship =) cheers! miss you all! luvyah!

gillboard said...

awwwww...

salamata jaja!!! nakakatouch... sobrang thanks sa message mo!!!

Anonymous said...

happy new year,gil!

ilang buwan ko na ring sinusubaybayan ang blog mo,isa ito sa mga palagi kong binibisita 6 times a week,hehe! isa rin ito sa mga paborito kong basahin kasi alam kong may sense ang mga nakasulat at halatang matalino ang nagsulat.

congrats sa mga achievements mo ngaung taon, sana mahigitan pa yan ng magiging achievements mo neks yir.

happy new year ulet!

. said...

Pangako dude, hindi ako sasali sa bandwagon this time. Lol.

UtakMunggo said...

hindi pa ako nakakasakay ng bisnis klas. pero kung pero keso lang din papakain saken, wag nalang. mas gusto ko yung goldilocks. hihihi

tsalap tsalap talagang magkaron ng madaming blogger friends, at madaming natututunan sa bawat blog na binibisita.

tulad nito. malay ko bang aotearoa ang lumang pangalan ng nz. parang areola lang, yung parte ng suso. hehe

Anonymous said...

wow! new zealand! kaya pala dati nung binabasa ko blog mo, alam ko nasa ibang bansa ka, tapos after a while, nasa pinas ka na ulet. naconfuse ako. labo ko. haha. anyway, let's all look forward to more fruitful 09!

gillboard said...

teresa: naku salamat sa kind words... meron palang nakakakuha ng impression na matalino ako!!!

Mugen: okay lang yan... hehehe... sumali ka man o hindi sa bandwagon, babasahin ko pa rin posts mo... magaling ka kasi magsulat... idol!!!

gillboard said...

munggo: naku ate bechay, walang tatalo ng goldilocks, pero masarap ding uminom ng wine, baileys at kung anu ano pa... tapos may lounge for business class na maraming masarap na fud!!!

gravity: looking forward to 09!!! hopefully it will be good to my lovelife... hahaha

escape said...

kakatuwa naman. daming magandand memories pala sa 2008. siguradong mas maganda ang 2009. challenging man ito pero siguradong kayang kaya ng mga pinoy.

hirap lang kasi election kaya daming issues pero dami ring projects na gagawin. hehehe...

tinatapos ko na rin ang year ender post ko. lapit na nga ng new year.

aajao said...

ang ganda ng year-ender post mo. brief, concise, and very positive. abangan mo yung sa akin. medyo ma-drama yata... hahaha :P

gillboard said...

the dong: Happy New Year!!! Hopefully, tulad mo next year, makakatravel din ako.

aajao: ikaw, madrama ang 08?! Kinasal ka nga ngayong taon eh!!! Happy New Year kuya Jon!!!