Mga Sumasampalataya

Dec 1, 2008

DATELESS

Kelangan ko siguro lumabas at makipagdate... May ilang buwan na rin akong hindi lumalabas at nakikihalubilo. Actually, sa totoo lang, mas matagal pa sa ilang buwan nang huli akong lumabas, para kumain o manuod ng sine na may kasamang hindi kabarkada. Hindi ko na yata alam ang mga rules of dating. Meron pa ba nun?

Hindi naman ako nagrereklamo, kasi nga hindi naman ako naghahanap. Narealize ko lang ngayong weekend, kasi wala akong ginagawa talaga kundi tumambay sa bahay.

So ano ba talaga ang punto nitong post na ito?! Hindi ko rin alam. Naisip ko kanina, isulat ang mga pwedeng gawin kapag weekends at wala kang date. Kaya lang, feeling ko pag tinuloy ko yun eh napakaloser ko, dahil ilang buwan ko na ring ginagawa yun... ang hindi makipagdate.

Di naman sa hindi ako talaga naghahanap, ginagawa ko rin naman yan paminsan-minsan. Kaya lang hindi ako nakakakita ng taong makakasundo ko. Meron akong mga katext, kaya lang parang walang kwentang kausap. Hindi kami pareho ng gusto. Taong bahay ako, siya palaging nasa labas. Feeling ko tuloy, ang tanda-tanda ko. Kunsabagay, medyo bata pa naman siya, pero ayoko ng ganun. Di ako makakasabay.

Meron pang isa, mukhang matalino at mayaman. Pero mukha ring high maintenance. Yun pa naman ang ayoko. Kaya kong makipagsosyalan kung sosyalan lang ang labanan, pero mas gusto ko yung pag kasama ko yung tao, eh pwede akong magpakajologs. Feeling ko kasi, kapag aayain kong lumabas kami nito, eh mapapasubo akong gumastos. Hindi sa nagkukuripot ako, pero ayaw ko muna gumastos ng malaki ngayong mga araw na nag-iipon ako.

Hindi naman ako pihikan. Hindi ako mapili. Wag ka lang obese, okay ka sakin. Siguro, kelangan ko lang ng matinong makakausap, yung tipong hindi takot makipagbuno ng utak.

Hindi ako nagpapakadesperado. Nag-eenjoy pa rin naman ako sa buhay ko. Easy lang, walang gastos, walang sakit sa ulo. Walang pinoproblema.

Nilalabas ko lang ang nasa isip ko.

24 comments:

Anonymous said...

no comments yet?
uno mi kumento ei..

feeling loveless ka lang,maghanap ka man o hindi darating yan, wait and see. I don't know if you're just feeling lonely and emo but there are things in life na pwede ka namang maging masaya kahit wala, pa.

pero mas madalas sa hindi, having no one beside you really makes you feel alone. dateless ba kamo? hindi ko pinoproblema yan, yung mga taong nasa paligid ko yan ang problema nila. saka ko na iisipin, right time will come.;)

in my not so humble opinion, mas madali mong makikilala ang mga taong nakakasalamuha mo kesa sa text, lang. iba kasi yung iniisip muna ang sinasabi kesa sa nakakausap mo ng personal..

teka, di na naman ako maubusan, sensya na, inabuso ko lang ang sandaling ako ang first na mag-comment..lolz

The Gasoline Dude™ said...

Ako din walang GF ngayon. I don't even go out on dates. Pero I'm planning to network soon para naman may mga bago akong makilala. It's good to not limit ourselves dun sa mga nakasanayan nating circle of friends. Malay mo nandiyan lang si Soulmate sa tabi tabi. *LOLz*

gillboard said...

dylan: hindi naman ako nagrereklamo na wala akong lovelife or date. hindi rin ako emo today. naisip ko lang.

gas dude: correct. feeling ko dapat minsan sumama ako sa mga eyeball ng mga blogger dito... hmmmm...

Anonymous said...

couldn't help it..eyeball. ng mga blogger???

really? how nice.

UtakMunggo said...

go out with friends, gill. the best relationships (sabi nila) often start out in friendship.

MysLykeMeeh said...

Oi...nasa isip mo pala yan? Hmnn...

One day darating siya, tsaka mag sparks yan, aye naku hindi ka makawala!Mahirap na pag puso ang tumitibok! Kahit hindi mo gusto, gagawin mo!

Kosa said...

hahaha.. taena... sumasang-ayon ako kay dylan.. lols baka nman si dylan nghahanap din ng kadate.. atleast nasabi mo na lahat ng puntu mo dito parekoy..lols

pero sa aking napandaliang pang huhula, parang hindi GF ang hanap mo eh... lols $@$#%%* o di kaya NANAy? lols
joke peace..

good luck sa buhay single..
masaya nman ang single eh.. ako din kase single pa..

nga po pala, bata pa ako kaya ako nababaliw pa rin sa wii.. hehehe

sige EB ng mga blogger.. masaya yun

gillboard said...

dylan: diba? it would be nice to finally put a face sa lahat ng nababasa mo.

munggo: kasi sa friends ko, alang pag-asa magkafuture dun kaya naghahanap ako ng ibang kasama... hahaha

gillboard said...

lyk meeh: ano ba yan? hehehe... date lang hanap ko... activity partner ba? Not necessarily relationship agad.

kosa: di ako naghahanap ng nanay o gf!!! gud luck dun!!! hahaha
masarap mamuhay single

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

well, pwede ka naman gumala mag-isa. That's what I do when I feel alone, or do you? hahaha, try mo mag window shop, manood ng sine, or mag shopping na nga lang mag-isa. I really find it calming and masaya.. not that I'm a loner. Basta, bastA. try mo lang dude.. eheheh

paperdoll said...

apir tayo jan parekoy! haha! aco din ayoco makipagdate. . kasi wala naman aco makkakadate eh. . haha. . wala din acong panahon. . mas masarap parin talaga ang singgol. . tikim tikim pwede pa.. . dibadiba? haha

. said...

Mas madali makahanap ng makakadate kung ituturing mo ang bawat labas niyo bilang hang-out. No frills, no expectations, just plain fun, and perhaps even more. :P

Nung straight ako, marami akong nailalabas na tsiks kapag nag-aaya ako ng "labas tayo, ako ang taya." Hindi nila alam, ang labas na iyon ay maaring ma-interpret rin bilang isang date.

gillboard said...

bien: actually, gawain ko yun... medyo nagsawa lang lumabas ng mag-isa. parang gusto ko naman itry yung iba... hehehe

paperdoll: tikim tikim... gusto ko yan... hahaha

mugen: yun nga problema, ako na nag-aaya lumabas, ala naman sumasama... hays!!!

Chyng said...

Ako ayain mo! Nde ako obese, tapos nde ko pa hobby kumain. Tipid ka saken. (charot!)

Why push something to happen? Ok lang yan. Singularity mode ka muna. Besides wala ka naman time, busy ka masyado sa XBOX mo ryt? winks*

gillboard said...

chyng: i'm not pushing naman... panget pag pilit... di naman ako nagrereklamo na single ako... I LOVE being single. i guess i'm just bored.

Anonymous said...

dahil ilang beses mo na sinasabi na you love being single at dahil nasabi na nilang lahat ang mga sasabihin ko kung naunahan ko sila, eto na lang iko-comment ko: get a pet.

oha. para di ka naman ma-bore. may kausap ka pa, may kasama ka kumain, at nasa bahay ka lang din. you can resume playing videogames whenever you want, iwanan mo na lang yung pet mo sa isang tabi. hehehe.

kung ayaw mo ng hassle ng having to bring your pets to the vet and feeding them, get a Tamagotchi. ahihihi!

mwahugsz. sana hindi ka na lonely and bored ngayon.

--Tisay

gillboard said...

tisay: hahaha best idea ever!! nung sunday nga, nag-iisip akong bumili ng isda... o kaya dalhin sa bahay namin yung parrot namin. hmmm...

di naman ako lonely... thanks!!!

pusangkalye said...

naniniwala ko that a relationship is an investment----and like any other investment, it requires money, hardword, careful planning and most specially ---TIME. coz it takes time to nourish and nurture it.....

...not that I am telling you na magmadali but you have to start soon. better start early, it is a jungle out there....basta, just don't rush going to the homebase just in case nakahanap ka,..hehe

Anonymous said...

ano pang hinihintay mo. labas na at makipagdate. hehe

Iriz said...

usapang singular dito a. sali ko!

mahirap talagang ipilit, masarap pa ring lumabas kasama ng isang taong alam mong komportable ka. ako, halos ipagtulakan na ko ng nanay ko para lang makipagdate, kaso ala talga e, puro pa-cute kasi, iba pa rin ung taong natural sayo at pde ka ring magpakanatural.ung ok lang tumawa kahit lumuwa buong lalamunan mo.ung isa nagyaya sakin, um-oo na nga ako, aba e inabot kami ng higit sa isang buwan kaka-re-schedule ng date. hanggang sa nawalan na ko ng interes at pinili ko na lang magpahinga sa bahay.lol. saya diba?

ok lang yan. darating din yan. pero pag masyado ka nang matagal nag-aantay. hanapin mo na!

warfairy said...

WHAHHAHA! bakit senti time ka Engilberto! Wag ka na mag date ilibre mo na lang kme mga freinds mo!

gillboard said...

pusang gala: di naman gelpren ang hanap ko... date lang... at di ako nagmamadali pumasok sa relasyon... ayoko muna ng sakit sa ulo

joshmarie: oo sa weekend, mayaman ako... lalabas talaga ako... may date o wala!!! hahaha

gillboard said...

iriz: parang tinamaan ako dun sa reschedule ah... hahaha

florzelech abriol-santos: LECHE ka!!! manlibre ka muna, ikaw tong galing Tate at Macau!!! bwahahaha

Kris Canimo said...

magpapasko na. kasama ka ba sa samahan ng malalamig ang pasko?

17 years na akong member :P