Mga Sumasampalataya

Dec 23, 2008

ANG 'DATING' DAAN

Oo na, ang corny ng title. Wala akong maisip eh.

Nakikipagdebate ako sa sarili ko kung kelangan ko bang sumulat ngayong tungkol sa rules of dating. Medyo matagal-tagal na rin akong nawala sa sirkulasyon na iyon, at tila'y hindi na sanay na lumabas na isa lang ang kasama. Usually kasi mga kabarkada ko lang ang kasama ko pag umaalis kami. Salingkit ba. So nakalimutan ko na kung paano nga ba kung dalawa na lang kaming lalabas ng kadate ko.

Kung nabasa mo ang post ko kahapon (iscroll mo na lang pababa pagkatapos mong basahin nito... o basahin mo muna yun bago mo ipagpatuloy ang pagbasa nitong post na ito), malalaman mo na noong Sabado ay lumabas akong kasama si Cee. At malalaman mo rin na hindi masyadong naging successful yung date naming iyon dahil lumabas kami na may sakit ako.

Nagkakausap pa rin naman kaming dalawa hanggang ngayon sa awa ng Diyos. Ngunit ito ay marahil dahil sa usapan naming magkaibigan muna kami at bawal munang mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa pagpasok sa kung anumang dapat pasukin. Pero siguro, kung walang ganung usapan, malamang ni ha o ho, wala nakong maririnig sa kanya.

At dahil ayaw ko naman na kayo'y makaranas ng mga ganung pangyayari sa buhay niyo, at para na rin marefresh ako sa rules of engagement este dating... eh naisip kong magsulat ng tungkol dito. Eto eh aking gawa-gawa lamang, kaya kung sa tingin niyo ay flawed ito, gumawa kayo ng sarili niyong Rules of Dating.

WAG PIPILITIN KUNG HINDI TALAGA KAYA
Oo na, matagal ka nang walang sex, este date, at ito ang unang pagkakataon na ikaw ay makakalabas kasama ang isang taong pinagkakagaanan mo ng loob. Pero kung may sakit ka, at kailangan mo talagang magpahinga, eh magpahinga ka. Huwag mong pipilitin ang sarili mo, dahil hindi ito makakabuti para sa inyong dalawa. Number one, kung ikaw yung tipong humahalik sa unang date, yung kasama mo siguradong hindi ka hahalikan nun. Takot lang niyan mahawahan mo, diba? Walang masama na magreschedule (wag lang paabutin ng 3 reschedule). Mas maganda ang kalalabasan ng date niyo kung pareho kayong masigla.

SHOPPING IS NOT EQUAL TO DATE
Unless mahilig din magshopping ang kadate mo (siguro pareho kayong lalake, o babae), hindi magandang date activity ang shopping. Ilang beses ko nang naisulat sa blog na ito, na ang mga lalake hindi gustong umiikot sa loob ng malaking mall para maghanap ng mga bagay na walang kinalaman sa kanila. Kung gusto mong maulit ang date ninyo, manuod na lang kayo ng sine, o gawin mo sa ibang araw ang pamimili ng mga kikay kit, belt at dresses. Dahil kahit ngumingiti sa'yo ang kasama mo. Sa loob-loob nito, hindi na mauulit ang date ninyo. Saka niyo na utuin ang mga lalakeng sumama sa inyo magshopping, pag kayo na.

HINDI MASAMANG MINSAN IKAW NAMAN ANG MAKIKINIG
Rules of Dating ko lang ito, hindi lahat ng sinusulat ko dito ngayon eh mga napansin ko sa lakad ko noong Sabado. Ika nga, naka-generalize ang lahat ng ito. This rule applies sa mga taong self-centered at narcissistic. Huwag naman ganun. Alam ko na kung gusto mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat nang maimpress siya sa'yo. Natural lang yun, walang masama dun. Pero wag naman to the point na palagi na lang ikaw ang nagsasalita. Ipakita mo rin sa kasama mo na interesado ka sa kanya. Tanungin mo siya ng mga hilig niya, kumusta naman ang araw niya, o kaya nama'y tungkol sa pamilya niya. Unless pipi yung kadate mo, hindi maganda na ikaw lang ang nagsasalita.

Pero, hindi rin maganda na palagi lang siya ang pinagkukuwento mo. Yung tipong sa kakatanong mo sa kanya tungkol sa buhay niya, pwede nang ikaw ang sumulat ng liham kasaysayan niya sa Maalaala Mo Kaya. Tapos siya walang alam sa buhay mo. Give and take lang yan.

PATUNAYANG CHIVALRY IS NOT YET DEAD
Ipakita niyo sa mga babae na chivalry is not yet dead. Oo, gusto ng mga makabagong babae na pantay ang turing sa kanila, pero hindi ibig sabihin nun na ayaw na nilang pinagbubuksan sila ng pintuan o kaya nama'y tinutulungang magbuhat ng bag o mga pinamili. Kung magandang first impression ang hanap ninyo, walang kwenta ang mga magagandang kwento ninyo sa sarili niyo kung lumalabas na hindi kayo considerate kapag kinakailangan. Kung sa tingin ng babae ay OA ang ginagawa ninyo, okay lang yan. Maaaring hindi siya yung tipong nakakaappreciate ng effort. Makakahanap rin kayo ng ganun. At least masasabi ninyong sa mga date ninyo eh gentleman kayo... kahit sa totoong buhay eh manyak kayo.

TANDAAN ANG MGA BABAE MADADALDAL
Kung ayaw ninyong maging tampulan ng chismis kung yung kadate ninyo eh nasa circle of people you know, pag may date kayo eh behave lang kayo. Marami akong kaibigang babae, at nagkukuwento talaga sila kapag hindi nila nagustuhan yung nangyari sa lakad nila. Kung nag-enjoy yang mga yan, quiet yan, kunwari di sasabihin, pero pag konting pilit bibigay din. Pero pag badtrip ang lakad ninyo, kahit hindi niyo tanungin idadaldal niyan!!! Kaya mag-ingat kayo, and make sure na lagi kayong best foot forward sa mga date ninyo. Pansinin niyo, pag maganda ang labas ng date niyo (kunwari officemate mo kadate mo), iba ang tingin sa inyo ng mga nasa paligid niyo. Pero pag panget, wala, kuliglig lang ang maririnig mo.

17 comments:

Kosa said...

taena.. agree ako sa mga sinabi mo parekoy!

pero dapat nman nilahat mo na.. o di kaya may 2nd part pa ba to? lols

nabitin ako ehhhh..

gillboard said...

tingnan natin kung sipagin ako.. dagdagan ko... hehehe

Miss G said...

Impressive, you've pretty much got it point on! I like this blog.

pusangkalye said...

Have yourself a merry little Christmas, Let your heart be light~~~

MysLykeMeeh said...

Lolzz--sa title- akala ko "Dating Daan" --eh, ur talking about religion. Diba may religion na Dating Daan? Nakzz--akala ko tuloy u become religios--dating pala? Hahaha

HMnn...mahirap makipagdate pag walang spark sa loob or no attraction. U need to be respectful so that ur date will not get offended but well? Surely, knowing each other make sense.

But, yung date mo---surely,may second base pa yan! --hmnn...let's see! SHall we?

my-so-called-Quest said...

i therefore conclude... stressful ang dating! hahaha


more more more!

teka, mamamasko ko sayo! hehehe

gillboard said...

miss g: thank you... i like this blog too... lolz!!!

pusang gala: from now on your troubles will be... uhmmm... nakalimutan ko na yung lyrics

gillboard said...

lyk meeh: sana, christmas date... kaya lang may lakad ako buong christmas vacation.

ced: sure... may gift ako sa'yo... punta ka samin... lapit lang... hahaha!! Merry Christmas Doc Ced!!!

Chyng said...

Korek, dapat marunong makinig, at magsalita. Wag agree ng agree!

Basta kahit pano magprepare naman. Ayaw ng babae ng:

boy: San mo gusto kumain?
girl: Kaw na bahala.
boy: kahit saan ako...
girl: ikaw na nga mag-isip dba?!?!?!

Ayoko niyan!
Merry Christmas Gilbert! ;)

gillboard said...

chyng: ang problema kasi dyan minsan, kapag kami pumili, yung babae after, magrereklamo kasi di kumakain dun... ala lang...

Merry Christmas!!!

. said...

Kaya dapat, lahat ng date ay opisyal na gawing hang-out. Sa paraang ganun, makikilala mo ng husto kung sino ang iyong kasama.

Maligayang Pasko!

UtakMunggo said...

SHOPPING IS NOT EQUAL TO DATE

totoo yaan!!! away ang hinahanap ng mga lalaki kung makikijoin sila sa shopping activities ng kanilang gelps, dahil karamihan sa girls would rather shop on their own. hehehhee

merry christmas gill!!! thanks for all the give and take. ( oh ha parang magshutaytels ah. hehe..)

Anonymous said...

nice.. i jus started my blog.. visit my blog we u r free..

Anonymous said...

haha! korek, dapat minsan matutong makinig. nakakainis yung mga ka-date na halos hindi ka na makasingit kasi puro tungkol na lang sa kanya ang topic =)

hey, i linked you up nga pala hehe =)

Anonymous said...

later ko na babasahin heheh. pero for now, MERRY CHRISTMAS muna. :D mwahugsz.

Dabo said...

heehe..title pa lang very commanding na..

merry xmas gill!

Anonymous said...

naku, as much as i can, i avoid dating officemates. medyo mahirap kasi e. ang hirap kapag pumalpak ang date; at mahirap din kapag naging ok. hehehe.

nice rules. :-)