Mga Sumasampalataya

May 5, 2008

ANG GOAL KO NGAYON!!!

Ang nais ko lang eh muling makasali sa isang gameshow. Wala akong pakialam kung ito man ay Game Ka Na Ba o Wheel Of Fortune, pero gusto ko talaga sumali doon. Napipikon ako na hanggang ngayon eh di pa rin ako tinatawagan. Yung katulong namin dati, 1 beses lang nagtext, tinawagan agad ng Wowowee at Wheel Of Fortune!!! Tapos ako, simula pa lang na mabalitaan ko na may bagong game show, nagtetext na ako. Dahil ba Globe ang phone ko at Smart siya?!

Buti pa dati, tatawag ka lang. Mas malaki pagkakataon nun na tawagan ako. Haay... Gaano kahaba ba dapat ang pasensya sa mga ganung bagay? Seryoso. Pakiramdam ko pa naman na kung makakasali ako dun, mananalo ako.


Nasabi ko na ba sa inyo na nakasali na ako noon sa isang game show. Yun tipong may 8 manlalaro, at pagkatapos ng bawat round ay mamimili ka ng patatalsikin. Si Edu din yung host noon.

Nakaabot ako ng 4th round, bago ako pinagtripan nung strongest link nung panahon na yun. Ayun, napatalsik tuloy ako. Sayang... Pero tapos na yun...

Maraming nagsasabi na kung makakasali lang daw ako dun, eh maaaring manalo ako kasi matalino raw ako. Tapos kung maririnig niyo kung gaano ako kalutong magmura kung ang isang contestant ay tatanga-tanga. Siguro, gusto nilang makaganti kapag magkakamali ako. Seryoso, wala akong pakialam sa pera, pero gusto ko lang makapaglaro.

Di ko ba alam kung bakit ko naging obsesyon ito ngayon?

**************

May isa akong katext ngayon. Di ko alam kung paano niya nakuha yung numero ko, pero pinatulan ko na rin, dahil wala akong magawa. Ewan ko ba, naghahanap din siguro ako ng kilig ngayon. Medyo isang taon na rin nang huli akong nagkaroon ng sininta. Matagal na iyon.

Sa mga nais mag-apply (naks), meron akong entry kung bakit ako ay magiging isang mahusay na karelasyon. Basahin niyo na lang iyon. Hehe magcomment na lang kayo kung gusto niyo mag-apply. Hahahaha!!!

***************

Pasensya na at wala akong mahusay na mga tala nitong nakaraang mga araw. Medyo balisa ang utak ko ngayon. Di gumagana nang tama dahil ang laman lang nito ay puros Elder Scrolls IV: Oblivion. ITo marahil ang isa sa napakaraming dahilan kung bakit ako ay hindi natatali sa ibang tao ngayon. Hindi na ako lumalabas ng bahay dahil nasa harap lang ako ng telebisyon, at naglalaro ng XBox 360.

Sa mga naging interesado sa inilathala ko kanina, eh wag kayo mangamba. Marunong ako magprioritize. Hahaha!!!

6 comments:

Anonymous said...

ayos sa goal ah..good luck! basta pag manalo ka..ishare mo ang prize! hehe!

aajao said...

gusto ko ring sumali sa tv game shows... wow naman! manalo-matalo, compensated na ako sa exposure pa lang on national tv. hahaha! problema, camera shy ako. :P

Anonymous said...

text lang ng text pare.ako since nagsimula ang GKNB nagttext nako.after ilang years, nitong april lang ako nakalaro.

"patience is a virtue"

arvin said...

Ako rin, nagtext na ako dati pa pero ala pa ring tawag. Hmmm, simula sa who wants to be a millionaire, ninais ko nanag sumali sa isang gameshow, grabe ba naman, ilang jackpot question na kaya ang nasagot ko, hahaha:)

me-an said...

sali ka sa singing bee!!!

gillboard said...

jaja: manlibre ka muna ms. flight attendant!!! hehehe

aajao: pero kuya mas maganda kung panalo di ba? easy money...

kuri: buti ka nga isang taon lang naghintay, ako nung panahong tatawag ka lang para makasali 2008 na. oh well.

komski: naku ako din... kung makakasali lang talaga ako... naku siguro milyunaryo o libunaryo nako.

ann: talo ako dun agad... kung name that song, pwede pa... hehehe