Mga Sumasampalataya

May 26, 2009

BAKIT DI KO NAGIGING FRIENDS ANG MGA EX KO

Linggo ng gabi, sa gitna ng migraine, may nareceive akong text. Nangangamusta. Mahigit isang taon na rin mula ng huli ko siyang makita o makausap man lang. Ex ko.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. Kunsabagay, di rin naman kasi talagang maganda ang naging dahilan kung bakit naging kami. Dala ng pangangailangan ng katawan. Never kong inexpect na magiging magkaibigan kami ng ex ko.

Nakikibalita lang siya kung ano na ang nangyayari sa buhay ko. May iba na ba ako? Kumusta na trabaho ko? Ano na hitsura ko ngayon? May sex life pa ba ako? Mga ganung tanong.

Meron naman siyang naibalita sa akin. Kakahiwalay lang nila ng boypren niya. Mag-aaral na daw siya ulit, nag-iipon lang ng pambaon niya sa pasukan. Meron pang iba, di ko na lang maalala, masakit kasi talaga ulo ko nun.

Napapansin ko lang, nitong mga nakaraang linggo, karamihan sa mga multo ng aking nakaraan eh nagbabalik sakin. Yung dati kong kaibigan, na friend ko na ulit na si Francis. Yung closest friend ko sa una kong trabaho na si Flor. Yung dati kong boss na si Ms. Joh. Tapos ngayon, yung ex ko. Sign ba ito? Meron bang pinaparating sa akin ang tadhana? Baka naman kailangan ko nang maghanap ng syota ulit. Ipasok ang sarili ko muli sa merkado.

Ex: nyc to know that ure doing okay. Ngpapyman k n h.
Gillboard: d nman. bti nman napatxt k. tgl dn tyo di usap.
Ex: actly... hhngi sna ako favor...
Gillboard: ?
Ex: Do u have 5k i cud borow. kelngn k lng tlga. kkenrol k lng kc, la nako pmbyad s crdt crd k. Pay u s 30.

Akala ko pa naman namiss niya ako. Naalala ko na kung bakit kami naghiwalay.

41 comments:

Kosa said...

mayt dalang good at bad na sign yan parekoy...
yun eh kung kakagat ka.

alam na alam ko yung mga style na mga yan..(lols nagmamagaling lang..)

hanep naman ang style ni EX.. taena sana naman hindi muna sinabi ang tungkol sa pera..lols
nagmuka tuloy pera lang ang gusto sayu..pero UTANG naman eh, kaya pagbigyan mo na..hahaha

bampiraako said...

haha. di ko alam kung ano dapat maging reaksyon ko kung ako ikaw.

gillboard said...

kosa: ok lang... wala naman siya napala sa akin eh... harharhar

bampira: pagkayamot!!!

The Gasoline Dude said...

Ampf! Uutang lang pala.

Hmmm medyo naka-relate ako dito (minus da utangan part LOL). Lately nagparamdam 'yung ex ko na s'yang rason kung bakit ako andito sa Singapore (pero nasa Pinas na siya ngayon).

Usapan sa YM:

X: OK ka ba jan?
GD: (surprised) K naman.

(Dead silence)

Gagawan ko sana ng entry, kaso wala naman kwenta ang pag-uusap namin kaya dito na lang. LOL

The Scud said...

haha. kaya pala. i dont have contacts with my exes. heck, i dont even have their numbers on my phone. :D

gillboard said...

gasdude: ako madami din ganyan, kahit di ex, daming dead silence pag ako kausap... hehehe.. salamat sa kwento!!!

scud: ako naman, kahit di ko itext, i still keep their numbers... for just in case moments...

Badong said...

ayun nman oh! Ang sweet na ex naman niyan. Garapalan na.

YanaH said...

alam mo bang meron talagang punto sa buhay natin na talagang nagbabalikan ang mga nakaraan...nakakagulat ung mga ganun.. usually pa gna nagbabalikan sa eksena ang mga XYZ kapag ung sitwasyon mo eh ok na ok ka na...

Mokong™ said...

Hahaha...akala ko may pagtingin pa sa iyo... no offend pare..lakas yata ng loob ng ex mo..hahaha!!!

Jinjiruks said...

frens can be lovers but lovers cant be frens kung hahayaan mong umabot sa ganun!

gillboard said...

badong: oo sobra sweet niya.. nakakamiss.. parang sarap sakalin... hehehe

yanah: nothing wrong naman sa pagbalik ng ex.. wag lang para mangutang.. diba?! lolz

moks: not offended... totoo naman eh.. hehe... kala ata niya sugar daddy ako.. nyak!!!

gillboard said...

jin: yup... kaya siguro 1 lang ang kaibigan ko na ex ko.. hay!!! sablay moment nanaman...

Knox Galen said...

Sobrang textmate kami ng ex gf ko. Minsan binabalak ko ngang lumabas kami just for old time sake eh. Pero taon rin ang dumaan bago kami nagkaayos ulit. Saka ako naman ang may kasalanan kaya kami nagkahiwalay eh.

Sa case mo dude, ampanget naman ng entrada niya. May mga babae palang ganyan.

EǝʞsuǝJ said...

eh dapat pinatagal nia man lang yung pangungumusta bago siya nangutang...
hahaha...
pasaway din minsan ang mga EX...

walang dalang sign yan pare..
dala lang ng migraine yan..malamang..haha

gillboard said...

knox galen: sa defense naman niya, pinaabot naman ng mga tipong 12 txt exchanges yan, bago siya nag-attempt mangutang... hehehe

jen: maaari... may punto ka dyan jen.. siguro nga... hehehe

aajao said...

ako friend ko halos lahat ng ex ko. may isa (o dalawa yata) na hinde. :p

ayus din ex mo ah. nakakaalala pag may kailangan. salbahe. LOL

Dhianz said...

ganon? mangungutang lang palah... tsk!... naalala koh... isang ex kong ghost may utang pah saken ahh... tsk! ganonz den... tanga naman akoh pinautang... tapos makuha ang kelangan... wala na ren akong balitah... actually nakausap koh one time... pero nagka-amnesia atah... lolz... nde koh na siningil... kanya na 'un.. nde koh na ren kc maalala magkano eniweiz... lolz. ingatz. Godbless! -di

Dhianz said...

nabasa koh ibang komentz sau d2... oo nga... sana binolah ka muna.... sinabing na-miss kah... kunyari magkukuwento sa situation nyah... paawa effect... hanggang kaw na mismo ang mag-volunteer magpautang... ganon dapat... lolz =) peace out...

DRAKE said...

Tlagang mukhang nagiging desperado ka ng magkasyota ah gill! Pati yung music mo binago mo, may pagkasenti!

Ayos din si ex, talagang nangutang. Eh malay mo tinatawag ka na pala ni Lord para maging pari!!hahahah. Pwede

Hayaan mo matatalisod mo rin ang tamang babae para sa iyo.

^_edSie_^ said...

ayos tong si ex mo ha.. may opening spiel pa. ahehehe.. at least naalala mo kung bakit kayo naghiwalay.. pampatalas ng isip.

Aris said...

ang kapal naman. kainis. nangungumusta pa kunwari. buti na lang iniwan mo na siya. :)

A-Z-E-L said...

ayun... nagpalit ng profession... bangkero na! hahahahaha!

nag LOVE indi namimili ng panahon yan.. bigla na lang yang dumadating. may sign man o wala.

wag kang mainip... may nakalaan para sayo. magpautang ka muna!!!! lolz!

Chyng said...

Eeww. ang bobo mo lang kung aasahan mong babayran ka nya! haha

12 kame sa team, 10 lalake. lahat ng lalake inutangan din ng ex. nagpaloko lahat! haha

MkSurf8 said...

watda $#&@!!!! pinautang mo na sana. pero yung tipong payb six!

ako rin in-add ko sa frienster ko yung exGF ko, dinecline. bitter! pero ex BF ko, inapprove naman. haha

gillboard said...

kuya jon: lam ko na matagal na na medyo brat sya.. sanay nako dun.. hehehe

dhianz: lam mo, kahit magkwento at magpaawa effect pa siya, di rin ako magpapautang.. kuripot kaya ako.. hehehe

gillboard said...

drake: di naman ako desperado magkasyota... sa tingin ko lang baka time na para maghanap ako... hehehe

edsie: oo nga.. pero lam mo, minsan matutuwa ka rin na kahit papano, naaalala ka ng mga tao.. ngalang kasi may kelangan sila.. tsk tsk

gillboard said...

aris: noon pa naman, may ugali na yun.. di ko lang pinapansin.. kasi... wag na lang.. hehehe

azel: ganun ba yun, pag nagpautang ako, darating siya? hehehe... di naman ako naiinip.. di naman kasi ako naghahanap...

gillboard said...

chyng: mga lalake kasi, natural na mabait yan... wag ka kokontra!!! lolz

mksurf8: honga no? kumita sana ako... bat di ko naisip yun?
hehehe

[R]e[N]s said...

desperate times needs desperate measures...
desperado siya... baka OO...
desperado ka ba??

PUSANG-gala said...

haha---naalala ko tuloy yung dati kong friend---saka lang sya maka-alalang mag-tx sakin pag mangungutang sya---hehe


sama naman nun----di maganda---kung ako---lalo sasakit ulo ko---mahirap talaga kasi kung alam nila na marami kang pera---inuutangan---hehe

Theonoski said...

parang may patago shang pera ah!
crazy ex gf!

Waterbased said...

Tama. Tama.
Ex is an ex. Past tense.
Di na dapat balikan.

Prof. Yodz said...

he he, naalala ko yung ex ko sa post na to...
nakiki comment lang pow...
nice blog..

Mac Callister said...

haha kainis naman un nakaalala lang mangungutang pala!

Allen Yuarata said...

Haha. Well at least naalala ka. Pero badtrip nga kung naalala ka just to ask for something. Mga ex nga naman oh.

the donG said...

ahahaha... hirap nga pag ganun. naalala ka lang kung may kailangan.

ako naman best friend ko pa rin yung isa ko ex pero yung isa wala ng communication.

Bingkay said...

hahaha...akala ko ano na.. hihiram pala pera..hehe..kaya pala na Ex.

gillboard said...

rens: di ako desperado?! bakit ba ganun ang basa ng tao sa post na 'to? sigh

pusang-gala: tanggapin na lang natin na meron talagang mga ganung tao... fair weather friend...

theonoski: honga.. wala nga akong nakuha dun dati..

gillboard said...

waterbased: di naman sa di dapat balikan.. wag lang sana utangan.. hehehe

yodz: salamat sa pagbisita... buti yang may naaalala ka pa.. ibig sabihin malayo ka pa sa alzheimers... lolz

maccallister: yep.. lalo sumakit ulo ko nun, dahil sa kanya.. hehehe

gillboard said...

allen: onga, mga ex nga naman... di makamove on!!! lolz

the dong: ako halos lahat, wala talaga communication.

bingkay: di naman yun necessarily yung dahilan kaya kami naghiwalay... di lang talaga kami compatible.. hehehe

Anonymous said...

haha
laughtrip!