Nagsimula akong makaramdam noong bata pa ako.
Noong buhay pa ang pinsan ko, madalas siyang nanggugulat. Tatalon sa kama namin sabay mangingiliti. Mang-aasar lang. Namatay siya dahil nahulog sa condo unit na tinitirahan nila ng kapatid niya.
Ilang araw makalipas nang siya ay ilibing, madalas na siyang nagpaparamdam. Minsan, habang nanunuod ako ng tv, bigla na lang lulubog ang kama ko, na para bang may tumalon. Tapos, minsan habang pinipilit kong matulog, bigla na lang parang may tumatabi sa akin. Hindi ko nakikita, pero alam kong yun yung kuya ko, nagbabantay sakin.
**********
Bakasyon noong hayskul ako, at nagbababad sa telepono nang hatinggabi. Kausap ko ang kaklase ko, at nakikibalita sa mga kaganapan sa buhay-buhay nito.
Dahil hindi naman talaga ako makwento, tahimik lang ako na nakikinig sa mga pinuntahan ng kaibigan nang nagdaang linggo.
Gising na gising pa ako, at mulat sa lahat ng nangyayari sa paligid nang biglang hindi lang iisa ang naririnig kong nagsasalita. Sa kabilang tenga ko, may bumubulong ng kung anu-ano na hindi ko naiintindihan. Nanginig ako, at nabagsak ang telepono. Walang tao sa paligid.
Nang itanong ko sa kaklase kung may narinig siya, wala raw. Baka daw nakatulog lang ako. Pero alam kong gising na gising ako.
**********
Isang linggo pa lang akong natutulog sa bagong kwarto ko sa bagong bahay namin. Isang gabi, nanaginip ako ng masama.
Pilit kong ginigising ang sarili ko. Alam kong gising na ako, ang kulang na lang ay imulat ang mata, pero hindi ko magawa. Nararamdaman kong may nakapatong sa akin at pinipigilan akong bumangon at gumising. Alam kong madilim, pero may naaaninagan akong anino ng bata na hinihila ang mga paa at kamay kong pataas. Pero nakaupo siya sa dibdib ko. Naririnig ko yung batang tumatawa.
Nagsimula akong magdasal ng Ama Namin. Ang bigat ng mata ko, pero salamat sa Diyos, naibuka ko ito.
Malakas ang bentilador, at malamig ang panahon, pero basang-basa ako ng pawis.
**********
Sa kwarto ng Tita ko madalas ako matulog kapag tag-init dahil yun lang yung kwartong may aircon.
Minsan, nagigising ako ng madaling araw dahil maingay sa labas ng bintana ko. Ang harap ng kwarto nila ay terrace.
Madalas akong nakakarinig ng mga batang naghahabulan sa labas ng bintana namin. Ni minsan, eh inisip kong kapitbahay lang ang mga ito, dahil kahit bakasyon, walang matinong bata ang maglalaro ng habulan alasdos ng madaling araw.
Hindi na ako bumabangon, at pinapatugtog ko na lang ang radyo ng telepono ko nang hindi na marinig ang mga bata sa labas ng bahay ko.
**********
Hindi ako nakakakita ng multo, at ni minsan hindi ko pinapangarap na makakita nito. Wala akong balak. Wala akong lakas-ng-loob. Pero minsan, sa gilid ng mata ko, may nakikita akong mga aninong gumagalaw, kahit ako lang mag-isa sa bahay.
Sabihin man nating hindi ako naniniwala sa mga multo, sadyang meron talagang mga bagay na magbibigay ng dahilan upang tayo ay magdalawang-isip.
Happy Halloween!!!
16 comments:
Hindi rin ako naka kita ng multo. Pero ang nanay at tatay ko, katulong namin, lahat ng kamag-anak at kaibigan ko ay nakakita ng babae sa bahay namin. Maputi at mahaba daw yung buhok. Pero ako, 19 years akong nakatira sa bahay namin doon sa Pilipinas, hindi ko sya nakita or naramdaman. Mabuti naman.
Happy halloween din..
gusto kong umuwi pagmagnonovember na.tsk tsk.. :(
skron: wag mong pangarapin na makakita ng white lady... yiii... nginiig...
nudz: sa pasko ka na umuwi para masaya!!!
Sabihin man nating hindi ako naniniwala sa mga multo, sadyang meron talagang mga bagay na magbibigay ng dahilan upang tayo ay magdalawang-isip.
Wushooo, sa dinami dami mong kinuwento eh hindi ka pa rin naniniwala sa multo. Ahahaha.
Seriously, tumayo ang balahibo ko, what you felt is exactly what I felt, when I had close encounters with things I cannot explain.
mugen: hahaha.. ang isip ko kasi, baka gutom lang yun...guni-guni.. tsaka i need to see to believe...
taena! panghalloween tlga ah! nakakatakot ung sa pinsan mo. . nalubog ung kama. . ngeeeeeee. .
masaya din halloween dito sa pinas noh! hindi lang pasko. . basta may okasyon. .
ang ganda lang ng kwento mo pero
hindi naman aco matatakutin:-P
nagtayuan ang balahibo ko...
be careful for what you wished for.. "i need to see to believe..."
paperdoll: nakikibagay sa season... wala kasi ako originality eh... hehehe
dabo: di ko siya winiwish... at wala ako balak iwish yan!!! masaya nako sa buhay ko... hehehe
i kept looking for a disclaimer saying the stories here are fiction.
i remember having read one of your posts wherein a man falling to his death had his life flashing before him with every floor he falls past.
siya ba?
i don't usually read or watch horror stories, but it's broad daylight here so MATAPANG AKO. hehe
yung bata sa dibdib mo, i would say that's called the "old hag syndrome", or sleeping paralysis. sabi it's commong to see, hear, things while coming out from REM sleep.
munggo: yep, that was my cousin...
ok na yung sleeping paralysis kesa sa multo... hehehe...
@ mam yutekmunggow, nabasa ko rin yooon. ang creepy kaya non! :(
eto pang entry na to creepy rin! naman eeeeeeeh! hwuaaaaaaaaaaaaah.. *iyak*
buti hindi ka nakakakita
i have friends who have that third eye thingie, nagpi-freak out ako sa mga nakikita nila pag kasama ko sila
i hate it when a friend starts telling creepy things sa isang lugar. nakakspoil ng fun. heheh
pero oks lang sya lang naman nakakakita.
baka niyya ka nila maglaro?
hala ka! taguan daw!=]
happy halloween gb!
nde pa din ako nakakakita, pero i respect those other elements na andito lang sa paligid.
tlga, namatay pinsan mo dahil nahulog sa condo? sadness!
you have a "gift", my friend... pero at least, mabuti na lang at hanggang pakiramdam lang...
sabi nila "trapped energy" day yung mga nararamdman natin. halimbawa, pag may namatay sa isang kwarto (e.g. rape o murder) sa sobrang tindi ng hirap at emosyon nung tao ay na-absorb ito ng bawat sulok ng kwarto. at ito yung nararamdaman natin. ngiiiiiii.
Post a Comment