Mga Sumasampalataya

Oct 3, 2008

BAKIT DI KO MAMIMISS ANG NEW ZEALAND

Ito ang huli kong panulat para sa aking New Zealand chronicles. Tawagin natin itong sourgraping and bitterness post. Dito, aking ilalathala lahat ng dahilan kung bakit hindi ko mamimiss ang bansang aking binisita.

Marahil marami akong naisulat na magaganda noong nakaraan tungkol dito, ngunit hindi iyon ang buong katotohanan. Marami ring kapintasan itong bansang ito.

Tara, bilangin natin...

  • Malungkot ang mga gabi. Walang magawa, dahil lahat sarado na pagtungtong ng alas-5 (alas-3 kapag linggo!!!)
  • Hindi ko mamimiss ang ice cream ninyong tuluyang nagpataba sa akin. Hindi ko mamimiss and gingernut at spicy apple flavored ice cream ninyo na pagkamahal-mahal!!!
  • Hindi ko hahanaphanapin ang reverse bungee ninyo, dahil di ko naman ito nagawa (sobrang nalasing ako sa wine para gawin pa yon nung huling gabi namin).
  • Paano ko mamimiss ang NZ eh hindi naman kami lumabas ng Wellington!!!
  • Natutuwa ako at malayo na ako sa mga mamahaling mga pagkain. P300 para lang sa matabang na tustadong tadyang ng manok!!! Ang tabang pa!!! Kung tutuusin, karamihan ng kinain namin dun, kami rin ang nagluto...
  • Sobrang hindi ko rin mamimiss ang inyong mga drayber na walang personalidad!!! Di tulad dito na irate ang mga ito!!! Di pa kami mapipilitan na magpasalamat pagkatapos ang aming kasamahan ay sigawan!!!
  • Hinding hindi ko din mamimiss ang inyong mga tupa. Dahil ang baho ng karne nila. Hindi na ako nakapag-ihaw sa stove dahil sa tuwing binubuksan ang stove, eh ang masangsang na amoy nito ang una kong napapansin.
  • Hindi ko din mamimiss ang Parliament House ninyo dahil hindi kami pinayagan na makapag picture-taking sa loob nang ito'y nagkaroon ng open house!!!
  • Hindi ko mamimiss ang mall ninyong ubod ng laki.
  • At ang bansa ninyong nuknukan ng lamig.
  • Hindi ko mamimiss ang maglalakad lang papuntang opisina, hotel, supermarket, arena at kung saan saan pa. Mas gusto ko bumiyahe sa sasakyan!!!
  • Hindi ko mamimiss ang manuod ng rugby kahit di ko naiintindihan ang mga rules ng laro!

Hindi ko mamimiss lahat ng yan. Masaya ako sa Pilipinas. Ang mainit, kurakot, magulo, matao, at matraffic na Pilipinas. Dito lang ako...

**********

This is all a lie... I so miss New Zealand!!!

11 comments:

lucas said...

sabi nga ni dorothy...

"there's no place like home..."

:)

feedalvin said...

Not a bad defense mech there. Masubukan nga sa next na bakasyon ko.

. said...

Hangkulet hindi ko tuloy maintindihan kung namiss mo ang NZ o hindi. Hehe. Wala naman racial discrimination dun no?

gillboard said...

roneiluke: yeah. i agree... kahit mainit dito, mura naman halos lahat...

alvin: itry mo... effective yan, kahit papano...

mugen: wala... ang friendly ng lahat ng tao.. everyone's helpful if you need it... and dami smiling faces...

wanderingcommuter said...

ang new zealand ay parang isang hot, mayaman at matalinong EX na kailangang imove on... hahaha!

gillboard said...

ewwik: exactly!!!

The Dork One said...

bumigay sa huli

but still pilipinas is a wonderful place minus the kurakot system and bad mentality, hay sana maabutan ko pa ang progress ng bansang ito

anyways gilbert can you change my url leviuqse.blogspot.com (retarded's notebook) to www.retardedsnotebook.com on your linklist??

thanks thanks thanks!

Dabo said...

huhuhu.. nalungkot ako sa post na ito...

gillboard said...

dabo: bakit naman?

the spool artist said...

i have a lot of kiwi firends here who are saying a big chunk of the same things you just posted! hahaha

Anonymous said...

hahaha! reverse psychology! biterbiteran ka nmn.. u may be in the coolest place in the world.. pero and2 sa pinas ang frens and family mo.sa huli e2 din pipiliin mo dahil mamimis mo kmi! hmm aminin..