Mga Sumasampalataya

Oct 5, 2010

SI KASINTAHAN

Di ako masyado makapagkwento dito ng tungkol sa personal kong buhay, dahil alam niyo naman na hindi pangkaraniwan ang aking sitwasyon. Hindi normal. Hindi pa gaanong tanggap ng nakararami.

Pero, tutal naamin ko na naman lahat dito, naisip ko na ikwento na rin sa inyo ang tungkol sa amin ng aking kasintahan. Di ko lang magawa noon, kasi mahaba ang kwento namin. Sobrang haba at sobrang komplikado.

SI KASINTAHAN
Kung tutuusin, sa unang tingin hindi niyo mapagtatanto na magkasintahan kami. Malaki ang pagkakaiba naming dalawa sa isa’t-isa. Unang-una sa listahan ay ang agwat ng aming mga edad. Para lang akong cougar dahil walong taon ang tanda ko sa kanya. Tapos saksakan pa ng talino si kasintahan. Pilosopo. Eh ang babaw ko kaya. Minsan di maiiwasang nagnonosebleed ako sa kanya. Tapos marami pang iba.

Anyway, nagkakilala kami mga halos isang taon na ang nakakaraan. Nagsimula kami bilang phone friends. Araw-araw kaming magkausap. Nagkukulitan sa phone. Kinikilatis ang isa’t-isa. Kinikilala. Tuluy-tuloy kaming ganun ng isang lingo, hanggang may pumasok sa eksena. Nung una parang wala lang, may girlfriend siya noon, kaya’t hanggang kaibigan lang. Pero noong pumasok sa eksena si blogger, medyo may nag-iba.

Naging kami ni blogger noon, mabilisan yung pangyayari. Nagkakilala noong linggo, nagging kami noong lunes. Pinaalam ko yun sa kanya. Sa umpisa ayos lang, magkaibigan lang naman kami. Pero may something talaga. Dumating sa punto na minsan, kahit magkausap kami ni blogger, pag nagtext na siya, ibababa ko na yung phone para tawagan si kasintahan. Oo, aaminin ko, medyo niloko ko si blogger. Kaya hindi ko na rin pinatagal, matapos ang isang buwan iniwan ko siya.

Pero alam niyo naman ako at si karma. Best friends. Dahil bata pa nga si kasintahan, medyo di pa niya alam ang gusto niya. Kaya pagkatapos ng Pasko noong nakaraang taon, bigla siyang nawala. Naputol ang komunikasyon naming sa isa’t-isa. Matagal na niyang hinihingi noon na maghiwalay kami ng landas, kasi nga naguguluhan siya. Minsan pumapayag ako, pero bumabalik din siya matapos ng ilang araw. Pero pagkatapos ng Pasko, tuluyan siyang nawala. Karma ko sa panloloko kay blogger.

LIGAWAN
Halos tatlong buwan din kaming walang narinig sa isa’t-isa. Paminsan nagmemessage sa ym, pero wala lang. Di na tulad ng dati. Medyo mabigat sa dibdib noong nawala siya, kasi syempre lumalim na yung pagtingin ko sa kanya noon. Hindi man direktang aminin alam ko may nararamdaman na kami noon sa isa’t-isa. Pero hinayaan ko lang, bata pa eh. Di ko dapat ipinipilit ang sarili ko, kasi ako lang naman ang masasaktan. Nasasaktan na nga ako nun eh. Kaya kung mapapansin niyo, medyo madrama ako noong nagsimula ang taon.

Marso, nang muli siyang bumalik at nangulit sa buhay ko. Wala na sila kasing pasok kaya’t nabored at kinausap ulit ako. Pero noong panahon na yun, klarong ang nais lang namin ay maging magkaibigan lang. Napapanindigan naman namin yun. Lalo na siya, dahil tinatawag niya akong weirdo tuwing magsisimula akong maglambing sa kanya.

Hinayaan ko lang, kahit masakit. Tawagin ka ba naman na weirdo. Pero meron talagang pagkakataon na siya naman ang naglalambing. Hinahayaan ko na lang. Ayoko na noong umasa, baka lalo lang akong masaktan. Nung unang beses kasi, sobrang bigat sa pakiramdam, ayoko nang maulit. Hindi ako noon iyakin, pero shet, tuwing umaga na lang bago ako matulog para akong tanga na nagdadrama sa kwarto.

Pero ganun talaga siguro pag mahal mo ang isang tao, kahit gaano mo pilit itago. Kahit gaano mo pilit itanggi, lalabas at lalabas din ang mararamdaman mo.

KUMPLIKADO
Isang araw, nagtext siya. Nagsabing may ginawang kagaguhan. Meron daw nangyari sa kanila ng isa niyang kaibigan. Syempre ako drama king, nasaktan. Nagalit. Walang dahilan alam ko, pero syempre pag nakarinig ka ng ganung kwento sa taong mahal mo, diba masasaktan ka din. Medyo nagsawa na ako na umasa sa kanya. Feeling ko wala naman kaming patutunguhan kaya kinausap ko siya.

Sinabi ko na di ko na kaya. Tinanong ako noon kung kaya kong maghintay, magtiis hanggang sa dumating yung panahon na marealize niya na mahal niya ako. Sinabi ko oo. Na magiging sulit yung paghihintay na yun. Pero noong panahon na iyon, naisip ko di na darating yun. Naghihintay lang ako sa wala. At dapat ko na siyang kalimutan. Nagpaalam ako noong araw din na yun.

May ilang araw din akong hindi nagparamdam. Minsan nagtetext siya, pero di ko pinapansin. Sinasagot ko pero wala na. Ayaw ko na.

HAPPY ENDING?Isang Sabado ng gabi, nililibang ko ang sarili ko dahil nga gusto ko nang makalimot nang nagtext siya. Hindi daw niya ako malimutan. Nahihirapan siya, dahil alam niyang mahal niya ako, pero di niya kayang panindigan. Natatakot siya na kapag dumating ang panahon na handa na siya ay hindi na niya ako mahanap ulit. Sinabi niya gusto niya ako.

Hindi ko natiis, nag-usap kami noong gabing iyon. Nag-iyakan. Naglabas ng sama ng loob. Sinabi ko sa kanya na naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Bago siya sa ganitong klase ng relasyon at di ko siya pipilitin na gawin ang hindi niya kaya. Sinabi kong handa naman akong maghintay, basta alam ko lang na mahal niya din ako. Yun yung mahalaga.

Naging kami noong gabi ding iyon.

Naisip naming bakit kailangan pang patagalin. Alam naman namin ang nararamdaman namin sa isa’t-isa. Paninindigan na namin. Hindi naman magbabago yung nararamdaman namin. Wala nang dahilan para itago pa.

Pitong buwan din yun bago naging kami. Ang daming nangyari. Ang daming pinagdaanan. Pero sulit. Sobrang sulit ang lahat. Di kayang ipagpalit ng kahit ano ang kaligayahang nararamdaman namin ngayon.

Minsan nag-aaway kami (actually medyo madalas yun pareho kasi kaming may topak), pero kinakaya namin. Minsan lang kami magkita dahil medyo mahirap pa maghanap ng oras, pero natitiis namin. Minsan nakukulitan kami sa isa’t-isa pero pinapahaba namin ang pasensya namin. Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao.

Sabi ko nga, ginagawa ko siyang mas mabuting tao, sa parehong paraan na kinukumpleto niya ako.

************
Sorry, mahabang post. :)

37 comments:

glentot said...

Nice you found your match!

Maldito said...

at talagang nag sorry sa mahabang post sa huli?ahahahhahhaa...


ayeee...its a love story baby just say yes! ahahhahaa..

kinilig ako.potah.lols..totoo pala na may premyo for being patient...at sa paghihintay..

sige maghihintay parin ako.

Mac Callister said...

napatili naman ako!

finally,may bf ka na at kinuwnto mo pa dito!

congrats!sana tuloy tuloy na yan,so ilang months na kayo anyway?

EngrMoks said...

Sa unang part, malungkot ang nagyari, sa huli bumawi, sana tumagal at magkatuluyan pa kayo...

Sabi sa comment ni Mac, BF? boyfriend o bestfriend? naguluhan ako tol

my-so-called-Quest said...

ong sweet sweet nomon! :D
good at nakahanap ka ng magpapatame sayo GB. :D

The Gasoline Dude™ said...

Ayown o! Pwede ng gawing pang Primetime Bida ang story ah. LOL. Kidding aside, ang mahalaga eh masaya ka.

Axl Powerhouse Network said...

wow... thats so nice to heard :D
sana maging oki kayo :D

chingoy, the great chef wannabe said...

happiness! :p

John Ahmer said...

Awts naman dun sa Blogger.

jayvie said...

dalawang taon na kitang kaibigan dito sa blogosphere, at medyo nasubaybayan ko na kahit papaano ang buhay mo hehe. kaya, sobrang masaya ako para sayo!! matagal ko din hinintay na makapagkwento ka ng ganyan, at wapak! panalo! ikaw na, ikaw na ang may makulay na lablayp!!! :)

Rico De Buco said...

wow congrats paberger ka hehehe!!

Eben said...

kaya pala! i remember nagcomment ka sa blog entry ko entitled "B-I-N-G-O" at ang sabi mo ay ganito:

ako may hinihintay na di dapat hintayin... nakakalungkot... nadepress nanaman ako... hay!!!

Ngayon, hindi ka na depress... naging sulit ang paghihintay. :) i'm so happy for you gillboard!

Coldman said...

Ayaw ko ng mga ganitong storya, kasi bitter ako! Hahaha!

I'm happy for you gb!

sunnystarfish said...

haaaaay....pagibig nga naman!!!

ang sweet!!! kainggit hihi :D

Shenanigans said...

hang sweet sweet naman!

happy valentine's day!

Traveliztera said...

awwww congrats! naku okay lang mahaba ung post (natawa ako nagsorry ka pa haha!)--masaya namang basahin e! ang sweet :)
patience nga naman tlg ;)

lee said...

mas detalyado ata ang pagkakakwento mo dito kaysa sa kabila hehehe

kilig naman nito! :)

gillboard said...

lee: tagalog kasi. mas madali isulat kesa english. lolz.

traveliztera: patience is a virtue, ika nga. :)

shenanigans: happy halloween!!! hehehe

gillboard said...

gincie: asus, okay lang yan, habulin ka naman. :P

coldie: weh. bitter, o nagseselos?! hahaha joke!!!

eben: at naalala mo pa talaga yan. tagal na nun eh. iba pa hinihintay ko noon. lolz

gillboard said...

rico: wala pangberger. naubos sa gamot. hehehe

jayvie: asus, ang balita ko ikaw kaya ang may makulay na lovelife. di mo lang kinukwento masyado. :)

ahmer: sus, okay lang yun. eh yung pinalit naman sakin nun, eh pinagkakaguluhan. :)

gillboard said...

chingoy: of course. always naman. :)

axl: salamat.

gasul: yup. masaya naman. pero mas inaabangan ko pagdating mo, kasi alam ko manlilibre ka!!! hehehe

gillboard said...

doc ced: oo nga, natatameme ako dun, nosebleed yun minsan pag philosophy pinag-uusapan namin. feeling ko ang babaw ko. :)

moks: syempre best friend. si kasintahan best friend ko ngayon. :)

mac: ano ba mac, matagal mo na kaya nababasa love story ko. promise!!!

gillboard said...

maldito: naku, mukhang may hinihintay ka ah. andito ba sa manila yun? hehehe... parang may ikukwento ka next week. hehehe

glentot: aminin mo, nag skip read ka no? hahahaha

pusangkalye said...

si gillboard mababaw? hmmm---napaisip ako don ah. e napaka-cerebral mo nga sa mga blog posts mo. so I dont buy it parin.....

Anonymous said...

at talagang tinamaan na po ang aming kaibigan! yeeeeeheeee! mas makulay talaga ang buhay pag may kasama, naks!

sunnystarfish said...

habulin oo habulin kaya nga ako tumatakbo eh

Diamond R said...

first time ko dito, walng connection sa post ang comment ko. napa wow lang ako na 5 years ka ng nag bloblog. 5 years ako grabe ni hindi ko alam ang word na blog.
saludo ako sayo.

kikilabotz said...

bwahahahaha. ang haba nga. ahaha. aniwei naku ibig sabihin lang yan mas mahaba pa ang magiging love story niyo. ^_^

an_indecent_mind said...

i can sense liberty sa post mo na to sir gil! am happy for you!

senti, emo, mahaba, but panalo ang post na to.

fiction na ulet! hehe!

gillboard said...

indecent: may nakahanda na akong fiction. hinihintay ko lang maghalloween. hehehe.

kikilabotz: sana magdilang anghel ka. salamat. :)

diamond: welcome to my blog. balik balik lang. :)

gillboard said...

gincie: choosy ka lang kamo. :P

prinsesamusang: medyo lang. ganun talaga. tinamaan na eh. hehehe

anton: ako, cerebral? naku, maglibut-libot ka pa sa blogosperyo, then marerealize mo napakababaw ng blog ko. :D

Spiral Prince said...

mahaba pero maykabuluhan :) congrats!

Chyng said...

ayun pala ang labistori nyo.
go na agad, para san pa kung patagalin. enjoy lang, deadma sa iba.

sunnystarfish said...

woi,hindi ako choosy!!!

Raft3r said...

cougar ka pala, ha
hehe

Anonymous said...

ang landi. yun lang. heehee.

Anonymous said...

lately, narerealize kong fan na ako ng makesong post.. anu baaaaaaa! hahaha! kinikilig ako sa last line much! hihihi!

congrats!

walangya... MORE! =P