Hindi ako eksperto pagdating sa mga kababaihan. Siguro, kung ganun nga ako, eh malamang hindi ako single ngayon. Pero dahil, medyo naaliw ako sa pag-aanalisa ng mga gusto ng mga lalake sa mga babae, eh ngayon gusto ko namang isulat kung ano sa tingin ko ang hinahanap ng mga babae sa ating mga lalake.
Ang inyo pong mababasa eh pawang mga opinyon ko lamang, mga sagot ng ilang babaeng katabi ko at mga isinumbat sa akin ng ex ko noong hiniwalayan niya ako. Nasabi ko na ba sa inyo na minsan na akong nasabihan na hindi marunong magmahal? Wala lang, gusto ko lang sabihin. May kwento yun, pero saka na lang.
Gaya ng nakaraan kong post, alisin na natin ang mga obvious na hinahanap ng mga babae, mga pisikal at materyal na bagay. So out na ang guwapo, maganda ang katawan at mayaman.
Gusto ko sana ilagay ito sa 'battle of the sexes' na label, kaya lang wala naman atang papatol. So anyway, ayun... simulan na natin to...
PERSONALIDAD: Mas naniniwala ako kapag babae ang nagsasabi na hindi importante ang looks para sa kanila, kesa sa lalake na nagsasabi nun. Pansin ko ang mga babae eh mahilig sa mga lalakeng malakas ang personalidad. Mapakomedyante, bad boy, o kahit nerdox basta kaya nilang dalhin ang sarili nila, eh ok sa mga babae yun. Maglakad lakad ka sa mall, makikita mo, andaming mahuhusay na mga kababaihan nakikipag holding hands sa mga lalaking mataba, pandak, nakakalbo o panget. Siguro, yung ibang lalake eh ubod ng yaman, pero kadalasan, kapag nakikita mo sila, ang mga babae eh masayang masaya, kahit di kaguwapuhan ang kasama nila. Ang mahalaga kasi, eh napapatawa sila. In short, hindi boring.
SPONTANEOUS: Minsan may mga magsing-irog na matagal na ang relasyon, yung tipong higit sa limang taon nang nagsasama, kulang na lang yung papel para sabihing talagang mag-asawa na sila, pero nagkakahiwalay pa rin. Ang madalas na sinasabing dahilan ng babae eh nagsasawa na sila sa isa't isa. Wala kasing bago. Masyado nang nasanay sa isa't-isa na nakakalimutang minsan kelangan lagyan ng anghang ang kanilang pagsasama. Yung tipo bang, minsan sa isang taon eh lumabas ng Maynila, o kaya nama'y gumawa ng activities kapag may date. Dagdag pogi points sa lalake ang marunong manurpresa ng kanilang girlfriend. Na kahit sampung taon na kayong nagsasama, eh may mga bagay pa rin na noon niyo pa lang magagawa.
MAY EFFORT: Siguro kahanay na ito ng pagiging spontaneous, hanap ng mga babae ang mga lalakeng marunong mag-effort. Ang kaibigan ko, kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya, kadalasan ang dahilan ng away na iyon eh wala siyang nakikitang effort sa kanya na iparamdam na mahal niya yung babae. Yung simpleng bigyan siya ng pasalubong kapag may lakad ito sa labas ng Manila o kaya'y paminsan gastusan naman ang mga date nila (yung tipong di na sa Chowking at SM Cinema ang lakad nila). Yung kapag may tampuhan sila, yung lalake yung manunuyo kahit minsan yung babae ang may kasalanan. Siguro, pwede nating isulat dito eh yung lalakeng responsable.
MAGALING SA KAMA: Ang mga babae, tahimik man ang mga yan, sa totoo eh malilibog din yan. Nasa loob ang kulo. Naku, kung naririnig niyo lang ang mga girl talk ng mga yan, kapag hindi sila nasatisfy... kawawang lalake. Dahil nga inherent sa mga babae ang pagiging chismosa, eh kelangan mo talagang magperform sa kama. May kakilala ako na nakipaghiwalay sa asawa at sumama sa tibo dahil yung asawa niya ay hindi siya nasatisfy sa kama (of course, hindi lang yun yung dahilan). Pero mahalaga talaga na kaya mong paligayahin ang isang babae sa kwarto. Guys, minsan hindi masama makinig sa mga girl talk, kasi minsan, tuturuan ka pa ng mga niyan ng technique na ginagawa sa kanila ng partner nila.
MAHABA ANG PASENSYA: Siguro jackpot ang mga babae kung ang nahanap nilang boyfriend eh kaya silang samahan na mag-ikot ikot sa mall ng walang naririnig na reklamo. Bibihira kang makakakita ng lalakeng papayag na magspend ng tatlo hanggang limang oras para samahan ang gelpren na mamili ng damit at sapatos. Tapos wala namang bibilhin. Feeling ko nga ang mga lalakeng kayang gawin yun eh nawiwili ring magsukat ng damit ng babae sa sarili nila. Biro lang po. Ang punto ko, ang lalakeng mga ganito eh mahahaba ang pasensya. Hindi lang naman sa pamimili, makikita ito. Alam naman nating lahat na minsan sa isang buwan, ang mga babae ay
nagiging aswang. So sa mga panahon na sila'y may sungay, dapat kami'y makakapagkumbaba. O kaya naman kapag hormonal. Actually, kahit sa paghingi ng mga desisyon (pabagobago kasi ng isip ang mga babae) kailangan din mahaba ang pisi namin, para walang away.
Alam ko madami pa. Si Bridget Jones nga, ang haba ng listahan. Dagdagan niyo na lang, kapag may naisip kayong bago.
16 comments:
super natuwa tlga ko d2... :)
Lahat tama.... ehehe
basta aco kahit sino lang:D
ang galing ah.. gusto co sana magpost ng about din dito kaso walang napasok sa utakzz co:D
So, so trulalu Ü
salamat sa mga babae sa buhay ko... at nalaman ko kung ano ang mga pagkukulang ko... hehehe
ahahah! magaling! magaling. natatawa ako dun sa kasama mag-shopping. oh how true it is. :D
ako attracted ako sa mga matalino. kahit ano pa itsura nya, basta napapa-wow ako sa mga sinasabi nya. ayus! hahah! pero ayoko din yung masyadong matalino na ang yabang na akala mo sila na pinakamagaling sa buong mundo. yish.
eto pa idagdag mo, most girls like a man who can cook. hindi lang sa babae applicable yang trait na yan. kapag marunong magluto ang boylet ten million ++ pogi points na yun. heheh!
tisay: so may 5million pogi points na pala ako.. hehehe
gusto ko yung may effort. hindi yung pag sinungitan mo at tinarayan mo ng isang beses bumibigay at sumusuko na. haha.
natawa naman ako sa magaling sa kama. in fairness....tama ka. hahahaha. :) winks!
looks don't matter, totoo yan. yung nakakapagpatawa sa amin, totoo rin yan. yung nage-effort, totoo rin yan.
pero yung tungkol sa happy hour, 50-50 siguro. mas masaya nga ako kung walang happy hour. ahihi.. ewan. karamihan sa mga babaeng married na kakilala ko eh mas masayang nagka-cuddle nalang sa harap ng tv kesa mag-happy hour.
mahaba ang pasensya? hahaha... i've learned to live with the fact na useless ang mga lalake pagdating sa malling. kaya nga mas gusto ko naiiiwan nalang si sarge sa bahay pag nag go-grocery at shopping ako kasi sagabal lang siya sa kaligayahan ko. hahahhaa
ang sama. haha
agree ako kay tisay,plus pogi points talaga pag marunong magluto ang guy.hehe!
agree ako sa lahat ng nabanggit mo.
para sa personalidad: masarap talaga kasi kasama ung tao na kaya ako patawanin sa mga simpleng hirit,pero siyempre hindi puro hirit na lang,dapat matalino din.
may kilala ako na matalino pero panalo ang sense of humor,hehe! mgndang kumbinasyon..at pasensyoso rin,kaya kasing sakyan ang mga trip ko,haha!
Kunwari babae ako. Pipiliin ko tsong yung maginoo na medyo bastos. Ahahaha.
Seriously, nung straight pa ako, isa sa strongest asset ko eh protective ako saka gentleman pagdating sa babae. Mahilig pati ako mambola.
josh marie: kaya masarap makipagkaibigan sa mga babae, daming matututunan... hehehe
munggo: yeah, sobrang useless kami pag shopping pinaguusapan, kaya wag kayo magpapasama samin sa mall!!!
teresa: hindi naman rare yung matalino at magaling magpatawa, minsan kasi kelangan mo ng utak para mabilis makaisip ng hirit... gaya ko...
mugen: alala ko nung high school ako, gumagawa ako ng love letters para sa nililigawan ng kaibigan ko.. galing ko daw kasi mambola... looking back, ang jologs ko noon!!!
hahaha.. natuwa ako dito ah..
kelan talagamagaling sa kama?
nyahahahaha!!! asteg!
i agree. but can i add?
CONSISTENCY!
hehe! kakatuwa nmn 2.. at tlgang ngiging aswang ang mga girls once a month ha.. hehe!
mrmi nmng check jan sa ksma ko ngaun.. pero ung chaga sa mol.. susko! pg mgksma kmi.. xa plgi nsa parking ngpapalamig ako bibili ng fud,ng grocery.. etc.. bt b wala hlig sa mol mga lalake?! ah dpat athlectic din.. eh tnatamad lng nmn mglakad yang mga lalake na yan eh! hehe!
shamito: si hansi lang yun!!! bibili lang ng yelo sa kapitbahay (3 houses away from our apt), kelangan pa magkotse!!!
sex ba ang gs2 nyo d2 lng ako . .
Post a Comment