Mga Sumasampalataya

Oct 7, 2008

BREAK-UP


NOTE: Before you read this, make sure you read PROPOSAL first.

*****

Nakatayo ako sa harap ng salamin. Nag-iisip ng mga dapat sasabihin. Tama ba itong aking gagawin? Mahal ko siya, pero hindi ko na kaya.
"Miguel, iparamdam mo naman sakin na proud ka na girlfriend mo ako!!!" eto ang madalas naming pinag-aawayan. Siguro nga paranoid lang ako. Pinapakilala naman ako ni Miguel sa mga kaibigan niya. Pero minsan nararamdaman ko na may kulang.
Hindi seloso si Miguel. Pinapayagan niya akong gawin kahit ano gusto ko. Hindi nga dapat ako nag-iisip na makipaghiwalay, pero hindi na ako masaya. Nagsasawa na ako.
"Mahal ka ni Miguel, nakikita naming lahat iyon," sabi sakin ng mga kaibigan ko. Malaki daw akong tanga pag pinakawalan ko pa ang isang katulad niya. Siguro nga tanga na ako. Pero kailangan ko ng oras para rin sa sarili ko.
Pwedeng sabihin na perfect gentleman si Miguel. Matalino. Gwapo. Mayaman. Siguro hindi ako makakabisita ng Europe kung hindi dahil sa kanya.
**********
Nagdadrive ako papuntang Tinoko Park. Doon ko siya sinagot almost 5 years ago. Mahirap magfocus sa ginagawa ko. Madaming gumugulo sa isip ko.
"Ang gusto ko lang naman sabihin mo sa akin kung ano yung problema mo."
"Stop nagging me Mitch. Wala akong problema!"
"I'm not nagging you. Nahihirapan lang ako na nakikita kang ganyan!"
"Leave me alone!!!" padabog na lumabas si Miguel.
Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Noon ko lang nakitang sobrang galit si Miguel. Ganito siya madalas kapag may problema siya sa opisina. Hindi maiiwasan na ako madalas ang pinagbubuntungan niya ng galit niya. Minsan natatakot ako na baka saktan niya ako ng pisikal.
**********
'Nasaan ka na?' text niya sa akin. Siguro naiinip na siya. Late na naman ako.
**********
"Stop it Miguel, masakit ang ulo ko." tinutulak ko siya palayo.
"Ngayon lang Mitch. Aalis ako next week, di tayo magkikita ng dalawang linggo." hinihigpitan ni Miguel ang pagyakap niya sa akin.
"I'm not in the mood." hinahalikan niya ako, pero pilit akong lumalayo.
"God, Mitch, stop being a bitch!" tumayo siya mula sa kama, and iniwan ako mag-isa.
**********
Naglalakad ako papunta sa meeting place naming dalawa. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. Although maraming tao, dinig na dinig ko ang bawat bagsak ng paa ko sa lupa. Kaya ko bang gawin to kay Miguel?
**********
"I really admire you." nakangiting sabi sa akin ni Ron.
"Thank you... I-" napahinto ako. He's flirting with me, pero hinahayaan ko lang siya na gawin to sakin. "May boyfriend na ako... 4 years na kami."
Matagal din kaming nagtitigan. Mga ngitiang mata lang ang nagkakaintindihan.
"He must be really lucky, yung boyfriend mo."
"Yeah... ako din... lucky sa kanya."
**********
"Special night natin ito wifey. Happy anniversary." hinatid ako ni Miguel papunta sa table na hinanda niya. He made this night special for us. Sumisikip ang dibdib ko.
"Mitch, 5 years. I don't remember a time na hindi ako masaya sa loob ng limang taon na magkasama tayo. You make me happy, and you make me feel complete. Hindi ko nakikita ang sarili ko na malayo sa iyo.
"I love you, Mitch. Please make me the happiest man. Say yes. Marry me?" lumuhod siya at naglabas ng isang maliit na box. Nang binuksan niya yon, nasa loob yung ring na nakita namin sa England.
Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Hindi ko na kayang gawin to sa sarili ko at sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya. I know I'm going to break his heart.
Hinawakan ko ang kamay ni Miguel. I closed my eyes. "I'm sorry Miguel. I don't want to do this anymore... We- we need to talk..."
I closed the box...
*****
to be concluded...

5 comments:

Bloom said...

eh shet pala yung guy eh! x( NOW IM HATING!

wanderingcommuter said...

minsan may pinag huhugutan ng realidad ang mga fiction... uyy, intriga. hahaha!

gillboard said...

bloom: di pa tapos yung story...

ewwik: walang pinaghuhugutan na personal experience to... actually personal experience ng iba to... hehehe

Anonymous said...

awwww... asan na yung kasunod? atat na ko..lol

gillboard said...

kosa: malapit na... kelangan ko lang ayusin yung pagkakasunud-sunod.