Mga Sumasampalataya

Jun 13, 2009

PARA DUMAMI ANG BLOG HITS NIYO

Gaya ng napapansin ng karamihan, maraming mga blog ang nagsusulputan sa world wide web ngayon. Mayroong mga blog kung saan nilalathala ng mga manunulat ang ginawa noong araw na yon ng iniistalk nilang artista. Meron ding mga makabayan. Maraming nagpupumilit na maging kagaya ni Bob Ong magsulat. May mga bumabalik mula sa pansamantalang pagkawala. At merong mga manunulat na naglalabas ng kanilang tunay na saloobin.

Matagal tagal na rin akong nagsusulat dito at naisulat ko na rin lahat ng mga napapansin ko tungkol sa mundong trip na trip kong balikan tuwing nagtatrabaho ako. Pero eto lang napapansin ko, lalo na sa mga baguhang mga blog... kadalasan sa kanila ay nais agad na sumikat sa blogosperyo. Yung tipong mahalaga ang bilang ng hits sa isang araw. O binibilang ang dami ng kumento sa kanilang post.

Hindi ko sila pupunahin, dahil minsan naging ganun din ako. Naging mahalaga ang mga numero para sa akin. Di pa rin nawawala yung ebidensya, dahil di ko pa tinatanggal yung hit counter ko hanggang ngayon. Actually, tutulungan ko pa nga sila sa pamamagitan ng post na 'to. Gaya ng titulo... eto ang kelangan niyong gawin para tumaas ang hit ng blog ninyo.

1. MAKISAKAY SA ISYU
Tuwing may bagong balita na sasabog sa bansa o sa mundo, tiyak sikat ang mga yan, at maraming mga taong maghahanap ng mga balita tungkol dun.. sa google na lalo. Kaya pag may lumabas na bagong iskandalo, bagong virus, o kaya'y mga isyu sa showbiz isulat ninyo. Kahit wala kayong alam tungkol sa problema sige go lang, lumabas lang sa link sa google yung blog ninyo. Tiyak ko madami bibisita senyo.

2. KUMENTO LANG NG KUMENTO
Magblog hop kayo tapos magkumento kayo sa mga post ng mga binisita ninyo. Kahit di niyo na basahin yung sinulat nila, magsabi lang kayo ng "nice blog... visit mine..." siguradong may bibisita sa inyo... eventually. Kung tinatamad ka namang magclick ng mga comments page kasi masyadong pahirap magpacomment ang ibang mga blogger, eh maghanap ka ng cbox at dun ka maglagay ng mga mensahe mo gaya ng "just checking your blog... visit mine too". Wag kakalimutan ilink yung blog mo... At habang andun ka na rin at naglalagay ng comment, itanong mo na rin kung pwede kayo mag link exchange... kahit di mo ilalagay yung sa kanya, makasiguro ka lang na nalink sa blog niya yung page mo... Dadami talaga magiging mambabasa mo, lalo na kung sikat yung pinagpaalaman mo.

3. PAGANDAHIN ANG BLOG
Lagyan mo ng kung anu-anong widget yang blog mo. Decoratan mo ng kung ano-anong litrato, makaattract ka lang ng mambabasa. Kahit tig-isang paragraph lang mga sinusulat mo, ayos lang basta maganda tingnan yung blog mo. Lagyan mo ng pichur ng mga hubad na artista. Tapos ikabit mo na rin yung twitter widget mo, para masabi ng mga tao na techie ka at hindi nahuhuli sa uso. Lagyan mo rin ng mga kanta yang blog mo. Para hindi boring at masaya basahin pag may naririnig na musika. Kung fan ka nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ilagay mo litrato nila... yung mga nakahubad para panalo talaga.

4. MAGKWENTO KA TUNGKOL SA $3X
Aminin man ng karamihan o hindi MARAMING MAKAKATI sa blogosperyo. Kahit wala ka pa karanasan... isulat mo na lang yung mga pantasya mong mangyayari sa'yo ng kras mo o ng pinagpapantasyahan mo. Kung may mga bidyo kang nahagilap ilink o kaya naman ipost mo dyan. Kung gusto mo naman, bidyohan mo ang sarili mong nagsasarili o may kasama at ilink mo dun sa blog mo. Maaaring kumita ka pa. Isa sa pinakamadalas hanapin sa Google eh mga kwentong ganun. Siguro 3/4 ng nakakarating sa blog ko yun yung hinahanap, kaya nakatitiyak ako na pampataas ng hits mo yan.

5. MANGHAMON NG AWAY SA IBANG BLOG
Hindi lang darami ang mambabasa at bibisita sa blog mo, pag-uusapan ka pa. Nothing brings more hits to your blog than a good controversy. Punahin mo ang grammar ng ibang blogero o kaya'y salungatin mo ang paniniwala ng isa pa, siguradong di lang kontrobersya ang papasukin mo, sisikat ka talaga!!! Madami nga lang makakaaway mo... pero for the sake of hits, sulit naman ito.

Malamang merong mga tinamaan nito. Di ko nais na mang-away o mamuna. Naiintindihan ko kayo. Gaya ng sinabi ko, ako man dumaan sa ganyang stage. Pero over time, pag may mga naging kaibigan ka na. Kapag meron nang regular na bumibisita sa iyo, o kapag may mga nawawalang mga mambabasa, marerealize mo, di nila binibisita yung tahanan mo kasi maganda yung mga larawan na nakapost dito. O kaya'y naghahanap din sila ng magkukumento sa mga sinusulat nila. Bumabalik sila kasi nakakarelate sila sa sinusulat mo. Minsan pa nga, nagkakaroon ka ng mga tagahanga.

Sa mundo ng blogosperyo naman, hindi mahalaga ang sikat ka. Darating din ang point na dadami ang magbabasa sa blog mo, basta naging totoo ka lang sa mga sinusulat mo. Ang tunay na dahilan naman talaga kaya naimbento ang blog ay para ilabas ng isang tao ang saloobin nito. Hindi para pasikatin ang sarili, kundi upang gawing outlet ng mga frustration, kaligayahan, lungkot, galit at kung anupamang hindi kayang sabihin sa real world.

Ang hits... darating din yan... Hindi mahalaga na napakaganda ng blog mo.. kung ang nakasulat naman walang laman. Parang lobo lang na magandang tingnan pero hangin lang ang laman.

47 comments:

gillboard said...

ngapala tinanggal ko na yung music sa blog ko.. kasi naiirita na ko tuwing binubuksan ko yung blog ko't sabaysabay tumutugtog yung mga kanta sa iba pang site na binubuksan ko... hehehe

Jinjiruks said...

hehe. tama ka sa sex na yan ah. mag kwento ka lang sa mga sexcapades mo maraming dadalaw sa site mo.

mang-away ka ng ibang blogger sikat ka dahil susubaybayan ka.

aray ko naman hindi naman siguro lobo yung blog ko dahil nagsusulat ako ng aking mga kwento at hindi dahil dikta ng tao kung anu ang isusulat ko. wala naman akong pakialam sa kanila dahil blog ko iyon.

bampiraako said...

aawayin ko mamaya si jin para sumikat ako.. haha. blog hopper talaga ako. mas nauna ako naging hopper kaysa blogger.

siguro me kanya-kanyang dahilan kung bakit nagawa ang blog at me kanya-kanyang interpretasyon din sa mga nagsulputang blogs o nagawang posts.

Lagi ,pa rin kita dadalawin at magcocomment kung gusto ko ang blog entry mo. haha. magsusulat pa rin ako, sasakay sa mga isyu at di magsasawa sa blog hopping. dahil yun ang gusto ko at hindi pinipilit ng iba. I DON't OWe anyone an explanation.

Apir tayo pareng gillboard!

by the way, nice post..exchange link tayo? hahaha...lol

aajao said...

panalo yung number 4. hahaha.. tingin ko nga dyan din dumami ang hits ng blog ko eh. may kaugnayan kase sa condoms at kauri nito ang karaniwang post ko tungkol sa trabaho. :p

Kosa said...

nice blog...
exchange links? lols

taena parekoy... pinakagusto ko yung number 5! yung ang the best para sumikat pero lahat yan kakasa..lols

apiiiir!

gillboard said...

jin: uy, di naman ikaw yung pinatatamaan ko nito... dami lang ako nabisita noong mga nakalipas na araw...

bampira: di pinipigilan ng post na to ang gusto gawin ng mga blogger.. hehe.. wag ako seryosohin.. hehehe

gillboard said...

aajao: haha panalo nga yang trabaho mo... penge pa epektos!!! hahaha.. joke!!!

kosa: salamat.. magawa nga yang number 5!!! hehehe

EngrMoks said...

Ouch...tinaman ako tol ah...hehehe!
Pero tama ka nga daming blogsite ngayon ang nagko-comment sa kaka-bloghop, tapos sa dulo ng comment may plugging pa ng blog link nila...
Dami ngang blog ngayon ang natutulad sa style ni Bob Ong...pag tagalog ang isinusulat mo sa blog nahahawig ka kay Bob Ong.

Salamat din at inalis mo na rin yung music player mo..kasi ako din naiinis..hehehe!
Thanks for this post man!!!

EngrMoks said...

Pahabol..may kilala kong blogger...nasa link ko nga sya...di ko na sasabihin kung sino... halos lahat ng issue about sex scandal nasubaybayan nya sa blog...puro sex scandal na nga yata ang blogsite nya... hehehe

EǝʞsuǝJ said...

wahahah!

epektib yan..
lalu na yung no. 5
proven and tested ;)

Anonymous said...

"... gawing outlet ng mga frustration, kaligayahan, lungkot, galit at kung anupamang hindi kayang sabihin sa real world."

Yan din ang pananaw ko sa purpose ng blog..

Pag hindi ko nagustuhan yung nabasa ko, it's either magtatanong ako o aalis ako ng walang bakas. Mahilig at mahaba akongmag kumento depende sa topic na nabasa ko, lalo pat malaman at makabuluhan. Madalang na lang ang mga sensible ang sinasabi ngayon.. Pero site nila yun, choice ko naman kung bibisitahin o babasahin ko di ba?

A-Z-3-L said...

effective ang no. 5... sabi nga nila... hehehehe!!!

pero maganda din ung no. 4... kaso baka-mablock ang site sa Arab countries pag ganun ng ganun ang topic.. lolz!

Wayne said...

Nice. Link exchange? LOL! Joke lang.

Agree ako sa lahat ng yan. Sa dami ba naman ng blogs na naglipana sa world wide web ngayon. Aba, kelangan talaga ng kanya-kanyang gimik para lang mapansin ang mga blogs nila. :D

Pero wag naman sanang mawala yung tunay na essence ng pagba-blog dahil lang sa mga numero na ito. ;)

DRAKE said...

yUP yUP! if you write for a wrong reason, darating ang araw na kakatamaran mo ng mag-update ng blog mo. Kaya nga back to basic tayo. Bakit ba tayo nagsusulat?Ito ay para magpahayag ng ating saloobin. May bumasa man nito o wala ang mahalaga nailabas mo ang hinanakit, kasiyahan at lungkot mo sa buhay.

Sa huli hindi nman mahalaga kung ilan ang dumaan at bumasa sa blog mo, ito ay kung gaanong tao ang naniniwala sa iyo, kung gaano tao ang nabigyan mo ng aral at napasiya mo sa pamamagitan ng mga natutunan mo sa buhay at karanasan mo sa araw araw

Ingat
Drake

arvin said...

sa 141 ko pa lang na sinulat na kuwento, poems, at tula ay ipinagmamalaki kong basahin mo ang new post kong PINAGTIBAY NG PANAHON at www.arvin95.blogspot.com

tama ka dadami nga ang counter sa blog kapag gumanun..madami talaga tatamaan nito sa post mong ito..kasama na siguro ako..hehe..sana ma add mo ang blog ko sa blog list mo..

Dhianz said...

don't wori kuya most of d' time naka-mute ang volume kah kaya most of d' time wala akong naririnig na music... wehe...

hmmm... syempre isa akoh sa mga suki nang blog moh.... naalala koh pa noong bago den lang akoh... 'ung advised moh na inadvised den sau na write to express not to impress... so 'unz... 'un ang isang nakatulong saken para magsulat lang nang kahit ano sa blog koh... may kwentz man or walah... pero ti think most of d' time eh walah.. wehe...

natawa akoh sa number 2. ang dmeng ganyan.. walang ginawa kundi mag-blog hop lang... loz...

sige nah... dme pa akong hihiritz pero hwag nah.... yeah minsan outlet koh ren tong blog na toh... therapy... nagpapasmile saken kapag emo akoh and stuff... so yeah... ingatz kuya... uy! touched naman akoh follower na kitah... ang famous Gillboard... saya... sige.. hanggang sa muli...

Godbless! -di

Dhianz said...

oh yeah number 2 works den palah... totoo 'un... magkometn ka lang nagn magkomentz... kahit la kwentz ang koment... magkomentz ka pa ren... gaya nga nagn sabi moh kahit nde moh basahin at kahit walang connection ang komentz moh sa post eh magkomentz ka pa ren... so basically magkomentz ka lang... gaya nitoh... wehe... ingatz! =)

gillboard said...

mokong: mukhang gusto kong bisitahin yang sinabi mong kablog mo... hehehe... basta... bato bato sa langit ang tamaan wag magagalit.. hehehe

jenskee: yang mga nababasa ko sa mga blog niyo inspirasyon dyan!!! hehehe

gillboard said...

dylan: actually may point ka din... hehehe... ganun din naman ginagawa ko pag di ko gusto nababasa ko... wag na lang pansinin... mahirap lang manahimik.. hahaha

azel: buti na lang nasa pilipinas ako... hahaha.. parang marami akong kwentong ganun!!!

gillboard said...

wayne: ang hirap lang kasi may mga taong ginagawa business blog nila.. anyway gaya ng sabi sa taas... la na tayo pakealam sa kung ano dapat isulat nila dun.. kanila yun eh...

drake: sumasang ayon ako sa lahat ng sabi mo 100%

Badong said...

ako rin medyo tinamaan dito! pero medyo mabait pa rin naman ako at hindi nang-aaway ng ibang bloggers o kayaay nagku-kwento ng ng mga kamunduhan.

@mokong: at talagang nag-chismis pa o! haha

gillboard said...

arvin: sige bisitahin ko blog mo.. heheh

dhianz: lam mo ikaw favorite commenter ko.. hehehe... madalas mas mahaba kasi comment mo sa post ko... hahaha!!!

gillboard said...

badong: dapat di kayo umaamin... napaghahalata tuloy kayo!!! hehehe

Badong said...

haha! oo nga. next time pag sapul ako, comment na lang ako kunwari hindi affected. lol.

Tristan Tan said...

I agree. When I started I was not even aware that other people read my blog pero now I am. :)

Mac Callister said...

aray ko!!!andami ko na bukol kasi sapul ako laht ng sinabi mo!LOLLLLLLLLLLL

haha buti wala na sound ayoko din ng may sound un blog na visit ko kasi im listening to my own music while browsing e naghahalo halo

Mugen said...

Tara Gillboard, Blog War tayo. Hahahahaha.

an_indecent_mind said...

di ko pa nasubukan manghamon ng away at seyosohin ang pagpapaganda ng pahina ko.. bagong sibol pa lang ako dito e..

nice blog! ex-links? LOL

salamat kung seryosohin mo.. add na kita, sunod lang ako sa tip mo e... wehe!)

Jinjiruks said...

nakakatawa lang talaga yung mga bloggers na nag-aaway ngayon. parang hayden kho scandal. buti na lang at taga-lupa lang ako.

PABLONG PABLING said...

gagawa sana ako ng ganitong post eh pero napadaan ako dito kaya hindi na

hahaha...

nice post po very helpul..

makagawa nga ng sexperience story lolz

ingat palagi parekoy

kua thedz said...

nice blog,,, .. exchange Links_..? hehehe...



ayos ka pareng gillboard..

ACRYLIQUE said...

Hahaha. Nadale mo dude!

Magawa nga ang lahat ng ito. di ko alam to eh. haha

At iyon din ang dahilan kung bakit walang music ang blog ko. kairita kapag sabay-sabay kumakanta ang ibang blogs. :)

NICE! VISIT MINE! :)

gillboard said...

tristan: i think you're pretty much a popular blogger... hehehe

mac: ayan less panggulo sa music mo... tinanggal ko na..

gillboard said...

knox: i'm never going to fight with you... i'm not ever going to win.. dami ka kakampi... hehehe

indecent mind: sige check ko din blog mo..

gillboard said...

jin: yeah... buti pa tayo.. low profile.. wala mang-aaway satin.. dahil ala mapapala yung magkakamali..

pablo pabling: ayos lang gawa ka ng katulad na post... usually naman pansin ko nagkakaroon ng pareparehong theme ang mga post sa blog..

gillboard said...

kua thedz: sure.. pag may link ka papunta sa blog mo... hehehe

acrylique: sure sure..

PABLONG PABLING said...

wahahay!

eMPi said...

Whew! tama! magawa ko nga yang mga sinasabi mo parekoy... :)

Dhianz said...

huli kah! online kah noh? aheheh... nakitah lang kitah sa page ni Marco Paolo... musta kuyah? 'la eh.. 'la kang cbox eh... nanggulo lang d2... ingatz! Godbless! -di

len said...

Kaya ba nakuntento na lang ako sa pagbabasa ng blog ng may blog. hehehe

The most important is to blog to express yourself rather than to impress everyone. :p

MakMak said...

Nyahaha. Effort ang number 5.

Magsulat nalang. Kung magaling ka talaga, madidiscover ka naman talaga. :-)

escape said...

hahaha... kulit. yung number 5 hindi ko pa ginagawa. parang astig nga yon. kaya lang pag ganun intriga blog na ang labas ng blog mo para maging consistent. hehehe...

tisay said...

hahaha! natawa ako sa no. 3, lalo na sa last sentence. (lmao)

at natamaan naman ako sa no. 5. hohoh.

i miss reading your blog! (hug)

The Scud said...

based on experience ba yan? nagawa ko na ata lahat yan pero milder. purpose ko lang mag-comment at di para bisitahin nila ang blog ko. naks. baka tamaan ako ng kidlat. umuulan pa naman. :D

Raft3r said...

ganito ba:
just checking your blog... visit mine too
=P

Rouselle said...

Ganun?? :P

patola said...

hihihi.. nakakatuwa naman.. informational tz medyo nakakatawa... testing testing nga...

nice blog... visit mine too... wahahahaha... =)