Mga Sumasampalataya

Oct 17, 2008

ANONG GUSTO NG MGA LALAKE


Kakatapos ko lang i-upgrade ang blog ko. As it turns out jurassic na pala yung template ko, at madami na palang nagbago!!! Mahirap talagang maging bobo sa internet at sa mga html na kalokohan na yan!!!

So ngayon, may bago nang kaunti sa blog ko, naisip ko rin na magkaroon ng bagong post dito. Unti-unti nang bumabalik ang mga inspirasyon ko para magsulat. While hindi pa ito todo-todong bumabalik, at least nakakapagsulat na ako ng madalas muli. Isa-isa kong lalagyan ng entry ang mga natenggang labels ko, at ngayon siguro ay dapat lagyan ko na rin ang guy stuff na label. Wala lang.

Habang nag-iisip ako kanina ng magandang topic, nabanggit ng aking katabi na si Denise na magsulat ng mga bagay na nagugustuhan ng mga lalake sa mga babae. Ano bang dapat meron sila para masabi namin na sila ay attractive?

NGUNIT!!! Obvious na ang magandang mukha, malaking boobs, at mahusay na katawan ay kasama na sa mga listahan, pagbigyan naman natin ang mga hindi pinalad. Ang mga ililista ko eh yung mga katangian ng pagkatao na gusto namin sa opposite sex. Yung mga dahilan kung bakit nasasabi nilang LOVE IS BLIND.

O siya sige, ang haba na ng opening ko, simulan na natin ito...

MAY PAGKAMISTERYOSA: Meron kasing mga taong, unang kilala mo pa lang, eh ikukuwento na sayo ang buong life story niya, ang history ng pangalan, ang buong kwento ng mga kanunu-nunuan, at kahit ang kwento ng alaga ng kapitbahay ng pinsan ng aleng nagtitinda ng yosi sa harap ng building ng dati niyang pinagtatrabahuan (whew)... in short chismosa at madaldal. Ayos lang naman ang makwento, pero gusto rin namin na minsan ay gumamit ng detective skills upang makilala ng mabuti ang isang babae. Yung tipong pwede mong gamitan ng Socratic Method para malaman ang mga sikreto nila. Pero siyempre, pagnalaman naming may pagka-serial killer type pala sila... ibang usapan na yan.

BABAENG GAME: Not necessarily sa kama. Ang ibig kong sabihin, eh yung madaling mayaya. Game siya mag-go kart, manuod ng sine, kumain sa labas, magbasketball, kumain sa karinderya, magfishball. Sa madaling-salita eh hindi maarte. Koboy ika nga. Yung pwedeng one of the boys. Ang isa sa hinahanap ng mga lalake sa kanilang magiging girlfriend, eh yung tipong makakasundo ng kanilang mga kabarkada. Kung jologs ang barkada ko, eh jologs din siya. Kung sosyal, eh sosyal din. Hindi yung tipong, kapag kasama ng mga kaibigan namin, eh uupo sa isang tabi. Tapos pag pauwi na kami, saka ako aawayin.

SYEMPRE MABAIT: Nauunawaan namin na once a month, nagbabago pagkatao ninyo, pero kung araw-araw ang ugali mo eh parang lagi kang may tagos, eh isa kang malaking turn-off!!! Masarap maging single, masarap din yung may kapartner ka. Pero, kung ang girlfriend namin, eh hahayaan kaming mamuhay na para bagang single kami, eh nakajackpot kami... Eto ay mga babaeng di dapat pakawalan. Pag sinabi kong, mamuhay parang single, hindi yung tipong mambababae. Ang ibig kong sabihin, yung tipong hahayaan akong sumama sa mga boys night out. Hindi maldita. Papatawarin ka, kung minsang makalimutan mo ang birthday niya o monthsary ninyo. Hindi naman martir o linta. Pero yung tipong bukas ang isipan baga.

APPRECIATIVE: Ang gusto ng lalake eh minsan, napapansin at inaappreciate yung mga magagandang ginagawa namin. Hindi yung puros talak na lang ng mga kabalbalan namin ang naririnig namin. Ang isa pang ayaw namin eh yung kapag nag-aaway, eh iuungkat pa lahat ng kasalanan na nagawa namin noong previous life namin. Yung tipong hindi ko na nga naaalala na nangyari, inuungkat pa rin.

HINDI INSECURE: Siguro, lahat ng away ng magkasintahan, eh nagmumula sa pagiging insecure ng mga kababaihan. Nagseselos kapag tumitingin kami sa mukha (o dede) ng ibang babae. Yung tipong palaging nagtatanong kung tumataba ba sila (hindi cute yun, kung hindi kayo maniniwala sa sagot namin!!!). Iba ang pacute, iba rin ang insecure. At nakakairita ang mga babaeng walang tiwala sa sarili, lalo na kung namimihasa na. Ang sinasabi ko lang, eh kung ikaw ay babaeng confident, mataas ang plus points mo sa amin. Yung tipong, kaya mo kaming pahabulin at kaya mo kaming paglaruan. Madalas, nagiging bobo kami sa mga babaeng ganito, pero okay lang. Gaya nga ng sabi ko, us guys welcome the challenge. Kaya uso ang mga cougar ay dahil sa mga babaeng ganito.

MATALINO: Eto, personal choice ko. Ang gusto ko, eh babaeng kaya makipagsabayan sa mga usapan namin. Yung tipong may laman ang mga sinasabi, at hindi puros hangin lang. Hindi halata, pero tahimik akong tao, pero kapag ang babae, ay napagkwento ako tungkol sa mga bagay-bagay, kung hindi man kami magkatuluyan, eh kinikeep ko siya bilang isang kaibigan. Ayaw ko talaga sa mga bobo, dahil maikli ang pasensya ko. Ayokong kausap yung mga tipong, ang habahaba ng kwento ko, tapos ok lang yung sagot nila tapos change topic agad. Nakakasira ng mood.

Alam kong hindi makikita ang lahat ng ito sa iisang babae lang, pero ang mahalaga eh meron sila kahit at least dalawa o tatlo man lang sa mga katangiang ito, okay na ako. Hindi ko na pakakawalan ang mga ganito.

30 comments:

tonskie said...

it all boils down on how a woman could satisfy a man from the outside to the inside. :)

Myk2ts said...

sabagay. threat talaga ang mga girls sa katulad namin :)

ingat :)

Anonymous said...

well, now ko lng narealze mga ugali ng girls at kung anu mga gusto ng boys... :)

gillboard said...

hehe, i just realized... ladies, you should take note, baka pag di nahanap ng guys yung hinahanap nila sa inyo, eh baka mahanap nila to sa kapwa lalake.

alex said...

minsan nga kahit walang reason mahal natin yung isang tao di ba???

that's the mystery of life i guess we have preferences but sometimes there comes someone who's totally the opposite but rocks our world

hay life...

teresa said...

aus ang post mo.."educational" hahaha!tipong, NOW I KNOW,haha!

NGUNIT!!! Obvious na ang magandang mukha, malaking boobs, at mahusay na katawan ay kasama na sa mga listahan, pagbigyan naman natin ang mga hindi pinalad.

hahaha! dito na lang ako sa mga di pinalad babagsak. sa anim na katangian na nabanggit mo, awa naman ng diyos eh nka 31/2 ako,haha! 1/2 lng sa dun sa matalino,di naman ako gnun katalino pero atleast masasabi ko na di ako boring kausap.(wag na komontra,kanya kanyang pagbuhat ng bangko lang yan,haha!)

Tisay said...

hohmayzeusdemet. sa kapwa lalaki? hahaha.

hindi ako nagbibilang ng monthsary. i think it's too high school. kahit nung high school hindi ako nagbibilang ng months. b-day nga ng mom ko di ko ma-remember, yung monthsary pa. sos, anyway...

hindi naman effective yung one of the guys, minsan feeling ko talagang super one of the guys na talaga ako. na naka-pink and skirt. single pa din ako. ayus lang naman, pero sinasabi ko lang, hindi effective yun! nagtuturo ka ng mali. j/k. haha! :(

ayoko din sa mga taong ang dami ko ng na-kwento hindi pala nakikinig or ang nasasabi lang eh "uh-huh" bwishitz.

UtakMunggo said...

tsk.. sayang gill,
all of the above ako kaya lang
i'm taken na eh.

*tinamaan ng kidlat*

gillboard said...

alex: true true, pero i think yung point nito is to find out kung pano una mapapansin ang isang babae, not necessarily love agad.

teresa: ok lang yan... sabi ko nga, di mo makikita sa iisang babae lahat ng katangian na yan.

tisay: baka kaya ka di naliligawan eh puros lalake kasama mo. kasi syempre takot din yan lumapit sayo. baka bugbugin lang ng kasama mo.

munggo: swerte ni sarge!!! hmmm...

FerBert said...

mahirap maghanap ng babaeng nagtataglay lahat ng qualities na nakalista dyan..


pag nakahanap ka.. sabihan mo ko.. hahaha.. makikipagpatayan ako para sa babaeng yun.. hehe

gillboard said...

ferbert: hehehe... good luck na lang..

Paper Tilapia said...
This comment has been removed by the author.
Paper Tilapia said...

MAY PAGKAMISTERYOSA: check
BABAENG GAME:(koboy) check
SYEMPRE MABAIT: check
APPRECIATIVE: check
HINDI INSECURE: check!!!
MATALINO: check



LIAR:check
LYING ABOUT BEING A LIAR:check
LYING ABOUT LYING ABOUT BEING A LIAR: check


Ahahaha. :P Langya.



Pero seriously. Friggin' agree with your post. Manaka-nakang sabunutan ko na nga at kaladkarin ang mga babae kong kaibigan na natataranta dahil lang sa lalaki. Yung isa kong friend. Aysus --- nagregalo ba naman sa bday ng lalaki right after he knew she likes him. Aherm. Anong sabi nya? She's just being a "friend" to him. DUH!!! What that makes her of? What would the guy think she is like? Ay naku ang luka luka. Ayaw makinig sakin. Sha din ang mapapahamak at masasaktan.

Mga ineng, been there - done that.

Kaya ngayon. Sa mga lalaking mejo hinahangaan at hinangaan ko dito sa opisina. Ahaha. Di nila alam. Magaling na ako ngayong magtago.

Ay isa na lang pala ang lalaki na yon. Mejo hindi kahanga-hanga ang mga tao dito sa opisina.


Re dun sa mga taong puro "okay", "ahhh", at "oo" lang ang sagot. Haha. Kung ka-date ko yan sasabihin ko lang, "Ay inaantok na ko, uwi na tayo." Kung kasama ko sa mall uuwi na din ako.

Tapos manonood na lang ako ng sine mag isa :)

Hahaha.

gillboard said...

tilapia: ok.

joke hehehe... parang mas interesado ako dun sa hinahangaan mo sa opisina? para namang kilala ko... hehehe.

di na kita nakikita sa office. busy na eh.

mikko said...

"Ang isa pang ayaw namin eh yung kapag nag-aaway, eh iuungkat pa lahat ng kasalanan na nagawa namin noong previous life namin."

ang tawag jan ay nagiging-hitorical. bwahahahhah! XD

basta ako ang gusto ko sa isang babae (aside sa "Obvious na ang magandang mukha, malaking boobs, at mahusay na katawan..") eh yung masasabayan ang kapraningan ko. yung maiintindihan nya kung papaano tumatakbo ang utak ko at masasabayan nya. mejo retarded kse ako eh. hehe.

shamito said...

hmm interesting 2 ah.. kada characteristic, napapaehem ako..haha!

pero lamo 22ong iba ang dting pg confident ka sa srili mo. ung tipong hndi nmn kagwapuhan ang bf tpos ung gf eh naknakan ng ganda..sa sobrang confident ni lalake, c gf halos mpraning kakaselos kay bf na kala mo eh kung cnong kgwapo pra pgkaguluhan ng ibang babae.. mramirami dn akong kilalang gnyn. hehe!

paperdoll said...

misteryosa: ewan co lang. . bulgar acoe. .
babaeng game: o.A. na nga:D
syempre mabait: hindi talaga aco sigurado kung mabait talaga aco. .
appreciative: 100%. . hindi rin aco nakakatanda ng kasalanan. .:D
hindi insecure: nasobrahan na nga ata aco sa yabang:D
matalino: syet! aco ba kinakausap mo? wala acong alam sa mga nangyayare dito!

ang galing. . ngayon alam co na bakit nila aco iniwan:D hahaha. .

Chyng said...

whew.. lemme see.

thanks sa tips.

cocomment pa ko sa recent post mo. ;)

rise said...

heheh.. gaun...

hindi naman ng babae perpekto..

baka anghel na yung hinahanap mo...

Anonymous said...

wow. may ganun pala XD
if that's what guy wants then why am i single. i have that all =))

Anonymous said...

sino ba yung babae?

Anonymous said...

wow ang ganda naman nito:)))

Anonymous said...

KATE :

may pagkamisteryosa ako ..
Game kpag pinapayagan ng parents ..
mabait ?? pano ko ba malalaman
kung mabait ako ??
appreciative .. hmmmm ..
eh aapply ko pa yan ..
gusto pala ng mga boys yun ahh ..
di talaga ako insecure ..
nevah .. matalino .. alam niya na yun ,,

so ?? mgugustohan kaya ako ng bf ko ?? pano ko ba mlalaman ??

Anonymous said...

well said, even pangit basta smart pasado sakin,though there are few negative traits,basta intelligent at ,magaling sa debate,may common sense,is enough din,tsaka magaling magdala nang damit at mabango ok na siya ,perfect lover na sa kin,hihi

Anonymous said...

Ako gusto ko sa lalaki may banda. PAG LONGHAIR NA GUY PASAONG PASADO. pero ayoko ng mga pasibol na banda. gusto ko mga mttgal na ngbbndatlga at professional hindi posero. BASTA BANDA OKAY

Anonymous said...

Turn off sken mala Danielle padilla prang baklalang eh hehehe

Anonymous said...

Ayaw namin sa bisayang babae turn off hahahahahaha. MALALAman kasi agad kung bisaya o trying hard yun babae eh. ayaw ko s pngit xmpre. gusto ko din edukada. ayoko ng mga babae na ngttrabaho sa bar japayuki kadiri! gusto ko yun maipgmmlaki ko at hahangaan ng mga kbgan ko

Anonymous said...

kung meron k lahat nyan tpos ayaw k pdin ng guy well cguro pangit ka o di kaya hindi attractive yan mukha at katwan mo bka kasi maitim ka o sobrang payatot. ayaw ng lalaki ang payatot. gusto namin chubby makinis at maputi.

Anonymous said...

Well ang masasabi ko lng nmn lhat ng babae my kanya kanyang..atractive sa kanilang katawan.pero ako hnd ako perpekto lhat doun sa binanggit 50% lng.ang maipagmalaki ko lng hnd ako salawahan...

Anonymous said...

...ahm..ang swerti nmn tlga ng guy kng ma eperfect nya ung lhat ng katagian na mkhanap ng gnun..
for me.. Hwag tumingin sa panlabas ng hitsura.ang alm ko kadalasan ngyun yun yung hinahanap .ang kalabasan naging sunud sunuran.wawa nmn