Mga Sumasampalataya

Oct 4, 2008

PROPOSAL


Perfect. Kailangan ang gabing ito ay maging perpekto. Walang anumang bagay sa mundo ang makakasira sa mga plano ko ngayong gabi. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng pagsasama namin ng aking kasintahan.

Limang taon. Hindi man matiwasay ang buong limang taon na iyon, alam kong masaya kaming dalawa. Alam kong marami akong pagkukulang, pero pilit ko itong pinupunan dahil hanggang ngayon, ay pilit pa rin akong nagbabago. Lahat ng sa tingin niya ay hindi kaaya-aya sa aking ugali, ay tinatanggal ko sa sistema ko. Nagiging mabuti akong tao dahil sa kanya.

"You are the perfect couple!!!" ang madalas sabihin sa amin ng aming mga kakilala. Pareho kaming may hitsura. Maganda siya. Guwapo ako. Pareho kaming matalino. Parehong may kaya sa buhay. Maraming naiinggit sa kung ano man ang meron sa aming dalawa. Ang kulang na nga lang raw ay magkaroon ng bubuo sa aming pamilya.

Wag kang magmamadali. Darating tayo diyan. Pero ang una, kailangan kong maibigay sa kanya ang singsing na ito na matagal ko ring pinag-ipunan. May anim na buwan na ring nakatago sa akin ang singsing na ito, na nakita namin sa ibang bansa. Naaalala ko kung paano niya tinitigan itong singsing noong isang gabing naglalakad kami sa kalsada ng Ingglatera. Nakita ko ang ningning sa kanyang mga mata.

"Mahal na kita, Mitch. Sana maging tayong dalawa na." hindi ko inakalang masasambit ko iyon, noong araw na nagtapat ako sa kanya. Dalawang linggo pa lang kaming lumalabas. At kahit na marami kaming pinagkakasunduan, hindi pa rin ako sigurado na ako ay talagang gusto niya. May iba pang mga nanliligaw sa kanya.

"Ikaw din. Mahal na din kita." ang sagot niya. Isang linggong hindi nawala ang mga ngiti sa aking mukha.

Ngayon, nakahanda na ang lahat. Ang park kung saan ako sinagot ni Francine noong nasa huling taon ng kolehiyo pa kami ay binago namin. Nilagyan ng lamesa. Pinuno ng mga rosas. Mga paborito niya. Naghahanda na ang banda para patugtugin ang awitin naming dalawa.

I'm on my way. Ang nakasulat sa text niya. Ilang minuto na lang, ay masasabi ko na ang dapat kong masabi.

Debut ng kaklase ko noong una ko siyang nakita. Isa siya sa mga labingwalong dalagang magsisindi ng kandila at magbibigay ng mensahe sa may kaarawan. Isa ako sa labingwalong magbibigay ng rosas. Simple lang ang suot niya. Hindi magara katulad ng ilang babaeng dumalo nung gabing iyon. Pinsan siya ng kaklase ko, na nag-aaral din sa pamantasan namin. Iba lang ang kurso niya. Sinabi ko sa sarili ko na siya lang ang babae na para sa akin.

Dumating na rin si Mitch. Maganda pa rin. Hindi nagbago kahit ilang taon na ang nakalipas nang una ko siyang nakita. Mas maganda pa nga ata siya ngayon.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko ngayong gabi. "Special night natin ito wifey. Happy anniversary," hinalikan ko siya at hinatid sa kanyang upuan.

Tahimik siya. Sa tingin ko, alam niya kung ano ang susunod.

"Mitch, 5 years. I don't remember a time na hindi ako masaya sa loob ng limang taon na magkasama tayo. You make me happy, and you make me feel complete. Hindi ko nakikita ang sarili ko na malayo sa iyo.

"I love you, Mitch. Please make me the happiest man. Say yes. Marry me?" lumuhod ako sa harap niya at binuksan ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing na alam kong gusto niya.

Nagsimulang tumulo ang luha niya.

Hindi ko alam kung masaya o malungkot ba siya.

Hindi siya makatingin sa akin.

Hinawakan ni Mitch ang kamay ko at sinara ang kahon.

"I'm sorry Miguel. I don't want to do this anymore. We need to talk..."

********************

Bitin, right? The story is not yet finished. I know this may seem as a cruel thing that the girl did. When we hear break up stories like this, it's easy to side with the person that got dumped. We feel, that their story is the full one. We forget that there's another side to it. And more often than not, when this happens the other person becomes the villain of the story.

One day, I'll write her side of the story. What led to her doing what she did. And the end of the conversation.

Now if you're wondering what led me to write this story. I just got dumped. But I'm not depressed. I'm not even sad. It was entirely my fault what happened. This thing, although it's fiction really happened to one of my friends. It was the hardest thing that he had to go through. And I thought, this may be a good story to tell. Of course I have to tweak some things.

Anyway, earlier this week, I saw One More Chance, and I liked it. It was the first time I saw the movie. So yeah, being dumped, watching One More Chance, and doing nothing this weekend gave the inspiration to write this one.

Hope you like it.

8 comments:

Bloom said...

arrrrgh. i was IN the story already. haha. kainis! akala ko ikaw! :p

UtakMunggo said...

ay naibulsa mo na sana ako ah. hehe..

not everything ends the way we want it to, but whoever said it's the end?

anong malay natin... may one more chance pa pala kayo.

. said...

Magandang opener ito. Reminds me of time I wrote something only to end it when the action was about to start. :)

gillboard said...

bloom: how i wish na meron akong pagpoproposan... oh well... saya maging single...

munggo: i heard na nagkabalikan yung dalawa... di pa confirmed...

joms: thanks. i have the girl's side in mind, i just don't know how to put that down in writing.

Anonymous said...

wow. like blo,, i was already IN the story. part 2 soon?

Bienthoughts [a.ride.to.life] said...

waaaaaah! ituloy mo! na hook na ako tapos may pambibiting nagaganap! waaaaah! ano nagyari sa guy, pano sya nag react dun?
hayst! ;-)

gillboard said...

eks: part 2 soon...

bien: part 2 yung side naman ng girl.

things&thongs said...

Akala ko true story mo. Haha. Bitin naman. Napanood ko din yung One More Chance and I'm glad to know hindi lang ako ang crybaby dito lolz.