Mga Sumasampalataya

Mar 31, 2009

MIGRAINE

Ano ba ang sinusulat ng mga taong may sakit? Madami akong nakaplanong isulat para sa mga susunod na araw, pero wala. Hindi ako makapagsulat ng matino. Masakit ang ulo ko. Nilalagnat ako. Di ako pumasok kanina. Dala na ito siguro ng panahon, at sa ikli ng tulog ko nitong mga nakaraang araw, siguro gumanti na yung katawan ko sa kapabayaan ko. Ang sakit ng ulo ko.

Sa kakabloghop ko kanina, nalaman kong meron palang pelikulang I Love You, Man... Ito'y kwento ni Paul Rudd, na ikakasal sa gelpren niya. Pero wala siyang best man, kaya ayun, naghahanap siya ng kanyang bebesprenin na lalake. At dahil comedy yung pelikula, riot yung mga mangyayari.

Dahil nga may sakit ako, medyo depress-depressan ang drama ng lolo niyo. Don't get me wrong, madami akong kaibigan, wala akong reklamo sa kanila. Kasama ko lang sila noong Biyernes. Maituturing ko sila na mga best friend ko. Pero, yung tipong bestest friend, na tipong araw-araw nakakausap mo. Kapag nabuburaot ka sa bahay mo, pupunta ka lang sa kanila, magvivideo games lang kayo buong araw. Tapos kasama mo maghanap ng makakana kapag weekend.

Yung tipong marami talaga kayong kapareho. Hindi syota ha. Kaibigan lang. Wala ata akong ganun.

Dala lang ito ng Tylenol siguro at Biogesic. Itutulog ko na lang ito. Mabuti na lang at matatapos na ang buwan ng Marso. Ang buwan ng pagpapakakeso. Pagpapakaemo. Pagiging sentimental.

Isip ko, baka kelangan ko muna ngayong mag reading mode... Andami kong gustong isulat na di ko magawa dahil walang inspirasyon... Hay.

33 comments:

EǝʞsuǝJ said...

hmm..
uso tlaga sakit ngayon...
ako nga nahatulan ng pahinga ng bongga ni doc..
pero napasok ako sa work dahil mas nkakabaliw sa haus dito..
prang interesting yung pelikula ahh..
makahanap nga ng pirated copy nian sa tabi tabi..hehe
pagaling ka gil..:D

UtakMunggo said...

at gano ka ka-syur na hindi magtutuloy tuloy ang keso mode mo sa abril? ahaha

sus. bakit ka ba naaabala sa pagka keso eh ibig sabihin lang non isa kang lalaking sensitive. type yun ng mga garls, anuba.

pusangkalye said...

"hello---ngapala----sama tayo sa bloggers summit sa May 9---Sat yun--nakaregister na kami---here link"

MkSurf8 said...

pareng gill ipahinga mo lang yan. ako 2 weeks na singa ng singa pa rin. na allergy daw yong ilong ko.

wag ka mag-alala. pwede naman ata babae yung best man sa kasal. or kung hindi gawin mong palabunutan sa lahat ng mga friends mo.

hehe pagaling ka!

gillboard said...

jen: mukha ngang interesting eh... yaan mo, pag napanuod ko na yun, isusulat ko dito.

munggo: meron pa akong semi cheesy na keso na naiisip isulat... pag natapos na ang read mode ko... aka hiatus mode... hehehe

gillboard said...

anton: la naman link... ano meron dun?

mksurf8: di ko muna poproblemahin ang best man.. syota muna... hehehe

abe mulong caracas said...

wag mo na munang problemahin ang best man parekoy...

mas madaling humanap nun kesa sa bride hehehe!

gillboard said...

mulongkis: di naman... matagal ko pa poproblemahin yun... hehehe

Anonymous said...

Ahaha, tama si Mulong. Pero mahirap din talaga humanap ng bestest friend..

Tapos na ba pagpapakeso mo? Naka- So Close ka pa.. Hmm. Yan ba ang walang inspirasyon?..lolz Instrumental pa ata.. Ang ganda!!!

I have a friend, na madalas kong nakakasama dati pero di ko rin nasasabi sa kanya lahat.. Ewan ko, pero mas kampante ako sa boy friends..

Mawawala din yan, wag ka na masyado nag-iiisip.

Yung sinasabi ni Anton, free daw yun.. heto woh, http://iblogph.org/

gillboard said...

dylan: hmmm... pinag-iisipan ko pa... so far wala naman akong naiisip na kesong post pa.. pero di naman natin masasabi yan...

sige, kung sakali, see ya there!!! no promises though.

The Scud said...

gillboard > same here. pwede ba magpa-advertise na lang. sarap ng may bestest friend. :-D

gillboard said...

advertise away... at totoo yan.. pero masarap din yung madaming good friends...

onatdonuts said...

hay oo nga no? ako rin walang ganun. hehe

ok lang yan, lilipas din yan..pagaling ka. :-)

Chyng said...

nagkakasakit ka din pala. dame kna workload jan? rejoice! haha

get well! :D

Gram Math said...

i love you, man
hmm haven't heard of this movie
im going to check this out

gillboard said...

onat: onga.. lilipas din yun.. pero mas naappreciate ko mga kaibigan ko ngayon... parang basta... i'm in a good place now..

chyng: rejoice?! di na nga ako makapagblog... hehehe... pero gagaan din yan... next week... ganyan talaga pag masipag, hanap ng pagkakaabalahan... hehehe

grammath: yeah, it looks funny... tas maganda pa yung reviews about the film.. hinahanap ko nga siya sa youku.. hehehe

yoshke said...

okay lang magkasakit paminsan minsan para feeling mo tao ka talaga. ahihi.

Grabe, naiinggit ako sayo Gil, nakakapagpost ka talaga sa blog mo regularly. haha

len said...

I have migraine, too. Almost lahat ng sick leave ko iisa lang ang reason -- migraine.

What's bad about it is that the pain can be controlled but it can't cured. You'll have it forever. That's what I've read.

len said...

I have migraine, too. Almost lahat ng sick leave ko iisa lang ang reason -- migraine.

What's bad about it is that the pain can be controlled but it can't be cured. You'll have it forever. That's what I've read.

gillboard said...

yoshke: para maiba naman, naisip kong magblog leave muna...

len: that's too comforting to learn... hehehe

Leoj said...

ngayon na lang ulit ata ako nakapagcomment dito. haha.

ako kapag may sakit ang daming pumapasok sa isip ko, pero di ko yun maexploit para makapagsulat.

my-so-called-Quest said...

alam kong hindi maiiwansan ang stress dahil sa work mo. at kulang talaga ang rest dahil din sa work. siguro mas oks kung papahinga ka ng 2-3 days. heheheh

baka madami ka din kasing naiisip kaya naooverwork ang utak mo. heheh.

pusangkalye said...

maganda nga magkaroon ng bestfriend na ganyan----sigh----

pero yun nga---siguro kailangan mo ng tulog-yan kasi --sa kakablog e.keke--peace

poging (ilo)CANO said...

tulog mo lang yan..ako din laging bitin ang tulog dahil sa blog hopping...pero ala akong migrain....antok lang sa trabaho meron...hahahaha

escape said...

byahe byahe muna habang wala pang inspirasyon. hehehe... this works for me.

Dhianz said...

tapos na ang buwan nang marso kuya gilbert. at abril na akoh nakarating d2. wehe. hmm... feelin' better na bah?... hayz ganyan tlgah kapag kulang kah sa tulog... isang araw eh sisingilin ka na lang nang katawan moh... itz kinda like havin' a debt... one day eh u gotta have to pay for it... parang pareho lang ata sinabi koh ah... lolz... so 'unz... ingatz lagi kuya gilbert! Godbless! -di

Jez said...

di bale, haba haba ang bakasyon next week, pwede kang magpahinga at matulog at matulog at matulog (yun eh kung wala ka ngang pasok sa work)


pagaling ka,
,, ingat! (sabi ni john lloyd sa biogesic commercial nya)

nga pala, nilink kita ahh,
kita kits..

kcatwoman said...

bakit marso ang buwan ng pagpapakeso?

Hoobert the Awesome said...

wawa ka naman kuya gill. basta ipahinga mo na lang yan.

Dabo said...

napanood ko nga sa you tube yung trailer nun.. hahaha riot sa kakulitan.

--- --

subukan mo muna wag mo muna mag-isip!

Anonymous said...

gusto ko rin magsulat... kaya lang nadidistract ako lately...

Mac Callister said...

sino ba naman di magkakasakit di mo na maintindihan ang panahon hehe iinit tapos lalamig tapos biglang uulan.may amnesia na ang weather nakalimutan niya na summer na!LOL

ako din wala masasabing bestfriend talaga,i have tons of friends pero un pinaka super friends talaga,wala pa.

ipanood mo lang yan ng porn magkakainspirasyon ka na ulit hehehe

mingkoy said...

malamang nga dala yan ng bayodyesik..

Sige pre. "Ingat!"

-John (mongol)Lloyd.

Hehe.

Pahinga lang konti o kaya damihan mo na para solve na solve.

Cheers!

Mingkoy.