Mga Sumasampalataya

Oct 5, 2006

ENTRY 61: ADHD

Matapos ang isang malalim na pagtatanto ko sa sarili ko... Napagdesisyonan ko na ako ay may ADHD...

Huh? ADHD? Yeahbuhwhat?

ADHD or Attention Deficit Hyperactivity Disorder... Wala lang... Feeling ko lang... Madalas kasi ngayon eh hindi ako maka-concentrate sa mga gawain ko... Hindi ako mapalagay sa isang lugar ng walang ginagawa... Tapos may mga bagay na madali akong pagsawaan... Siguro noong bata pa ako ay may sakit na akong ganito... Ngayon lang talaga siya nadevelop... Ang saklap... Supervisor pa naman ako...

Ano-ano ba ang simtomas na ang isang tao ay may sakit na ganito?
  • Inattention - madali akong magsawa sa isang bagay... maliban sa bago kong cellphone...
  • Hyperactive - sa opisina, hindi ako mukhang supervisor dahil mahilig ako maglaro sa floor... para akong bata na makulit at pasaway...
  • Impulsive - madami kang makikita sa kwarto kong mga bagay na hindi ko kailangan, na binibili ko... lalo na kapag malaki ang sweldo ko... ika nga, impulsive buyer ako...

Waah!!! Hindi ako tama sa pag-iisip... abnormal ako!!!

2 comments:

garytarugo said...

dude, baka naman kulang ka lang sa... you know? hehe.

gillboard said...

not really... kahit matagal nakong walang ganun... or sabihin pa nating madalas ako meron nun... topakin pa din ako.