Mga Sumasampalataya

Oct 15, 2006

ENTRY 65: SARI-SARI

Tutal, gusto kong mag-update tungkol sa buhay-buhay ko dito sa mundo kaya ngayon nagsusulat ako (isa na ring dahilan ay kailangan kong makapagsulat ng 100 entries ngayong taon).

Ang kwento ko lang ngayon eh mga sari-saring bagay tungkol sa buhay ko. Alam ko hindi siya gaanong kainteresante. Pero blog ko ito, kaya walang pakialaman.

*****

Noong kabataan ko, madalas akon malink kung kani-kanino. Hindi ako artista, pero halos lahat ng tao, gusto ako ipareha ng mga kapitbahay, kaklase at kaibigan sa mga taong hindi ko gaano kakilala. Ang una ay sa kaklase ko noong Kinder at Prep... si Katrina (di ko na maalala yung apelyido niya). Crush ko din naman siya dati. Hindi ko na siya nakita mula noong nagtapos ako ng pre-school.

Ang una kong naging crush (as in patay-na-patay talaga) eh nung grade 2 ako. Ms. Marianne de Leon yung pangalan niya. Science and Math teacher ko siya dati. Hindi na ako dumadalaw sa paaralang pinasukan ko nung bata pa ako kaya hindi ko na alam kung Mrs. na siya ngayon. Pero maganda yun. Kahit bading samin nagka-crush doon dati.

*****

Una kong girlfriend high school ako, Love Ramirez ang pangalan niya. Uso pa noon ang mga phonepal kaya doon ko siya nakilala. Mas matanda yun sa akin ng isang taon. Ilang buwan lang kami nagkasama dahil siyempre nagkolehiyo na siya. Siguro hindi kasi masyadong naging matatag yung pundasyon ng relasyon namin noon kaya hindi na kami nagkatuluyan. May asawa na siya ngayon. Canadian. Himala nga na hindi pa namin natatawagan yung tahanan nila sa Canada ngayon.

*****

Noong bata ako, mayroon akong kaibigang dwende. Hindi siya talaga nag-eexist, pero yung mga kalaro ko noon, paniwalang-paniwala na totoo yun. Weirdo ako dati, pero hindi na masyado ngayon. Siguro, ano lang yun, dala ng pagiging nag-iisang anak ko. Nasa tamang katinuan naman ako kaya di na kailangang magpadala ng psychologist para tingnan kung maluwag ang turnilyo ko.

*****

Ngayon, hindi na ako masyadong nakakapanuod ng telebisyon. Pero noong nasa kolehiyo ako lumiliban ako sa mga klase ko para lang malaman kung nagkatuluyan ba si Pacey at si Joey sa Dawson's Creek. Panggabi kasi ang mga klase ko noon kaya hindi ko napapanoon ang mga paborito kong palabas. 9 ang uwian ko, 8 ang Dawson's Creek. Ewan ko ba kung bakit patay na patay ako sa palabas na yun.

*****

Yun lang naman muna... Wala na akong maisip ngayon eh. Sa susunod na lang ulit.

1 comment:

ianuarius said...

ano na link ka sa dwende?