Mga Sumasampalataya

Oct 22, 2006

ENTRY 69: GAYA-GAYA

Kung nabasa mo yung mga previous entries ko, alam mo na isa sa mga paborito kong bisitahing blog ay ang kay Cofibean. Nakakatawa kasi siya. Ang nakakaasar lang, ang DAMI-DAMIng gumagaya sa kanya. Ano ba? Hindi kaya nakakatawa yun.

Mahilig ako na magbasa ng mga blog ng ibang tao, kaya bumibisita ako sa mga blog ng ibang tao. Pero kapag nakita ko na ang paraan ng pagsulat ng tao na ito eh parang kay Cofibean, sinasara ko na yung internet ko, o kaya lumilipat ako ng website.

Una sa lahat, walang sense ang sinasabi ng mga taong ito. Pangalawa, hindi ka cool kung mura ka ng mura. Lalo ka nagiging parang squatter. Pangatlo, blog ang sinusulatan ng mga taong ito, hindi cellphone, hindi ka kailangan magsulat na parang nagtetext ka, lalo kang lumalabas na bobo.

Parang nawawalan tuloy ako ng gana na bumisita na sa blog ni Cofibean. Hindi ako naooffend sa mga sinasabi niya tungkol sa industrya na pinapasukan ko ngayon, pero ngayon, para kasing saturated na masyado yung paraan ng pagsulat niya dahil sa dami ng gumagaya. Hay.

3 comments:

Hasson Marque said...

tama ka diyan!

garytarugo said...

ang dami dyan. ang badtrip pa dun, ayaw nilang aminin na ginagaya nila si cofibean eh obvious naman.

mei said...

hahaha..napansin ko rin...