Mga Sumasampalataya

Jan 31, 2011

ANG TANONG (UPDATED)

Perfect. Kailangan ang gabing ito ay maging perpekto. Walang anumang bagay sa mundo ang makakasira sa mga plano ko ngayong gabi. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng pagsasama namin ng aking kasintahan.

Limang taon. Hindi man matiwasay ang buong limang taon na iyon, alam kong masaya kaming dalawa. Alam kong marami akong pagkukulang, pero pilit ko itong pinupunan dahil hanggang ngayon, ay pilit pa rin akong nagbabago. Lahat ng sa tingin niya ay hindi kaaya-aya sa aking ugali, ay tinatanggal ko sa sistema ko. Nagiging mabuti akong tao dahil sa kanya.

"You are the perfect couple!!!" ang madalas sabihin sa amin ng aming mga kakilala. Pareho kaming may hitsura. Maganda siya. Guwapo ako. Pareho kaming matalino. Parehong may kaya sa buhay. Maraming naiinggit sa kung ano man ang meron sa aming dalawa. Ang kulang na nga lang raw ay magkaroon ng bubuo sa aming pamilya.

Wag kang magmamadali. Darating tayo diyan. Pero ang una, kailangan kong maibigay sa kanya ang singsing na ito na matagal ko ring pinag-ipunan. May anim na buwan na ring nakatago sa akin ang singsing na ito, na nakita namin sa ibang bansa. Naaalala ko kung paano niya tinitigan itong singsing noong isang gabing naglalakad kami sa kalsada ng Ingglatera. Nakita ko ang ningning sa kanyang mga mata.

"Mahal na kita, Mitch. Sana maging tayong dalawa na." hindi ko inakalang masasambit ko iyon, noong araw na nagtapat ako sa kanya. Dalawang linggo pa lang kaming lumalabas. At kahit na marami kaming pinagkakasunduan, hindi pa rin ako sigurado na ako ay talagang gusto niya. May iba pang mga nanliligaw sa kanya.

"Ikaw din. Mahal na din kita." ang sagot niya. Isang linggong hindi nawala ang mga ngiti sa aking mukha.

Ngayon, nakahanda na ang lahat. Ang park kung saan ako sinagot ni Mitch noong nasa huling taon ng kolehiyo pa kami ay binago namin. Nilagyan ng lamesa. Pinuno ng mga rosas. Mga paborito niya. Naghahanda na ang banda para patugtugin ang awitin naming dalawa.

I'm on my way. Ang nakasulat sa text niya. Ilang minuto na lang, ay masasabi ko na ang dapat kong masabi.

Debut ng kaklase ko noong una ko siyang nakita. Isa siya sa mga labingwalong dalagang magsisindi ng kandila at magbibigay ng mensahe sa may kaarawan. Isa ako sa labingwalong magbibigay ng rosas. Simple lang ang suot niya. Hindi magara katulad ng ilang babaeng dumalo nung gabing iyon. Pinsan siya ng kaklase ko, na nag-aaral din sa pamantasan namin. Iba lang ang kurso niya. Sinabi ko sa sarili ko na siya lang ang babae na para sa akin.

Dumating na rin si Mitch. Maganda pa rin. Hindi nagbago kahit ilang taon na ang nakalipas nang una ko siyang nakita. Mas maganda pa nga ata siya ngayon.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko ngayong gabi. "Special night natin ito wifey. Happy anniversary," hinalikan ko siya at hinatid sa kanyang upuan.

Tahimik siya. Sa tingin ko, alam niya kung ano ang susunod.

"Mitch, 5 years. I don't remember a time na hindi ako masaya sa loob ng limang taon na magkasama tayo. You make me happy, and you make me feel complete. Hindi ko nakikita ang sarili ko na malayo sa iyo.

"I love you, Mitch. Please make me the happiest man. Say yes. Marry me?" lumuhod ako sa harap niya at binuksan ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing na alam kong gusto niya.

Nagsimulang tumulo ang luha niya.

Hindi ko alam kung masaya o malungkot ba siya.

Hindi siya makatingin sa akin.

Hinawakan ni Mitch ang kamay ko at sinara ang kahon.

"I'm sorry Miguel. I don't want to do this anymore. We need to talk..."


************************
Repost pala ito. Nakalimutan ko trilogy nga pala siya. Isa ito sa mga pinakauna kong isinulat na kathang-isip post sa blog na ito. At isa sa mga pinakamahabang kwentong isinulat ko.

Sundan niyo na lang kung ano ang naging dahilan ni Mitch kung bakit niya tinanggihan si Miguel. At kung ano ang kasunod matapos isara ni Mitch ang kahon.

Part 2
Part 3

Inspired ito noong una kong napanuod yung One More Chance. Wala lang, trivia lang.

19 comments:

chyng said...

perfect timing! haha
sayang ang singsing!

(nice on Gilbert!)

bulakbolero.sg said...

aray.

YOW said...

SAKIT! Amp.
Yan pa naman kinukwento ng speaker namin sa review last time, nakaka-demoralize at nakakapahiya kapag akala mo nagmamahalan kayo, you make a proposal tapos biglang tatanggi. Awtss..

eMPi said...

Shit! Hindi tinanggap ang singsing meaning... maghihiwalay sila. ouch!

Neneng Kilabot said...

hmm kakalungkot..

Anonymous said...

ay bitin... waaaaa next next!

chut said...

ouch limang taon..

Kamila said...

aray naman. touch na touch na ko eh!

Anonymous said...

akala ko naman kung ikaw na 'to, gill. fiction pala. hehe.

kung minsan kasi, hindi nasusukat sa tagal ng panahon ang isang relasyon. mas mahalaga pa rin kung kahit saglit na panahon lang ang pinagsamahan niyo eh alam niyo sa sarili niyong masaya kayo sa piling ng isa't isa.

quality over quantity; substance over form. \m/

my-so-called-Quest said...

mga mitch talaga. hehe

goyo said...

Ang sweet ni mitch. Fuck. Haha.

Noong una, akala ko ikaw talaga to. Hehe.

CheeNee said...

kla ko totoo.buti nalang hindi .nakakastress ang ending...hahaha,,next chapter na!

Superjaid said...

oo nga akala ko totoo anyway..bitin next!

Klet Makulet said...

akala ko kwento ng buhay nyo ni kasintahan ito hehehe

Anonymous said...

hahaha... ayus to sad ending na naman... bitin ang batman.. dapat may mamatay.. hahaha...

Jayvie said...

huy! anak ba ni Miguel at Mitch si MJ? mahina ako sa math! hahaha. :D

-ssf- said...

nakow baka mapafiction na naman ako niyan haha

Raft3r said...

wifey?
hala
para lang ke janet ang wifey
hehe

Ruselle said...

ost: marry me by train..
omg! sad...
add me to your blogroll.. thanks..