Mga Sumasampalataya

Jan 13, 2011

LAB STORI

"Paano ba tayo naging magkaibigan?" tanong ni Sofia kay JP. "Seryoso JP, nagtataka ako kung paano tayo naging close, eh napakaantipatiko mo."

"Loko. Ako rin nagtataka kung bakit ako nagdididikit sa'yo, eh parang hindi ka nagsisipilyo!" sagot ni JP. Kolehiyo pa lang nang magkakilala ang dalawa. Hindi sila nagkasama sa iisang pamantasan, pero naging magkaibigan dahil sa iisang barkada. Parehong nanggaling sa maykayang angkan ang dalawa. At dahil pareho ng mga hilig, kaya't naging magkalapit ang isa't-isa.

"Gago! JP ipapaalala ko lang sa'yo babae ako kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo," mahilig pagtripan ni JP si Sofia, kaya't madalas mag-away ang dalawa. Gayunpaman, sa kanilang barkada, silang dalawa ang pinakamagkadikit.

"Babae ka dyan? Tingnan mo nga braso mo, mas malaki pa kesa akin!"

"Sira! Bakit ka nga pala pumunta dito?" nakaupo ang dalawa sa bubong sa labas ng kwarto ni Sofia. Malamig ang gabi. Tanaw mula dito ang makikislap na Christmas lights na umaadorno sa mga bahay sa paligid nila. Makukulay, sumasayaw, masarap titigan.

"Wala lang. Wala akong magawa sa bahay eh. Dapat sasama ako kina Dino, kaya lang magdedate daw sila ni Carla, ilang naman kung makisingit pa ako. So naisip ko, may pagkaloser ka, kaya sasamahan na lang kita."

"Eh kung tinutulak kaya kita dito sa bubong nang mabalian ka?!"

"Wag naman, mababawasan ka ng gwapong kaibigan!" biro ni JP.

“Weh, kalalaki mong tao, ang arte mo!”

Napatigil si Sofia. Ngayon lang niya napansin na maganda pala ang ngiti ng kaibigan. Mukhang masaya siya ngayon. Noong una niya itong nakilala, may pagka-emo ang drama nito. Palaging galit sa mundo, at hindi marunong ngumiti. Walang ibang alam kundi magreklamo, at hindi nakukuntento sa anumang ibigay dito. Marami nang nagbago sa loob ng dalawang taon. Lahat nang ito'y napansin niya noong gabing iyon.

"Alam mo ba na kapag bilog ang buwan, minsan nag-iiba ang ugali ko?" sabi ni JP.

"Ano ka werewolf?!" biro ni Sofia kay JP. Napalakas ang tawa nito.

"Hindi ganun. Yung tipong pag masaya ako, mas doble yung saya ko. Pag tinotopak ako, sobrang kulit ko. Kapag malungkot ako, parang suicidal ako."

"Naku, ipatingin mo sa abugado yan. Delikado.” sabay tawa. Napansin ni Sofia na hindi tumatawa si JP. Tumingin ito sa buwan. Bilog ito noong gabing iyon. Maganda, napapaligiran ng mga makinang na bituin. Lumingon ulit si Sofia kay JP at napansin na nakatingin din ito sa buwan.

"Ano naman ang nararamdaman mo ngayon?" tanong ng dalaga.

Nakatitig pa rin sa buwan si JP. Nakangiti. Lumingon kay Sofia. Huminga siya nang malalim na parang nag-iipon ng lakas.

Tumabi ito kay Sofia at hinawakan ang kanyang kamay sabay sabing "masaya."

***************
Ito ang isa sa mga pinakaunang fiction na naisulat ko. Share ko lang, wala kasing laman ang utak ko ngayon.

21 comments:

Maldito said...

magbabago ba pagtingin mo sakin kung sasabihin kong kinilig ako sa huling part?aahahahhaa.......wala lang...kinilig talaha ako weh..aaahha..ang arte.

Madz said...

Awwww like na like ang last part...parang bumalik ako sa highschool sa kakiligan...haha

goyo said...

hehe.masarap talagang mainlove sa isang kaibigan, yung tipong surpresa ang pagtatapat ng nararamdaman. kinilig ata ako? HAHA.

Axl Powerhouse Network said...

pambihira.... are u inlove in this moments hehehe.... ang ganda.. reminisce the past thing.. :D

bulakbolero.sg said...

nice. galeng mo talaga magsulat GB.

eMPi said...

sana may karugtong nito... *kilig* Lol

Rah said...

na MOMENT silang dalawa :) Pero dito palang sa point na to, nappredict ko na kung anong mangyayari sa kanila.

Magiging magshota sila, pero may posibilidad na hindi sila magkakatuluyan.

Una, magkaibigan sila, pero hindi sila sexually attracted sa isat isa. Pansin ko na nagmumurahan sila, like really close friends. Normally, hindi ko yon kayang gawin sa crush ko.

Second, Impulsive tong si lalaki at kailangan niya ng buwan para marealize or maalala na gusto niya si girl.

In short, maaring magkaibigan lang sila. maari din na maging sila. pero I doubt it kung maging sila. Kung maging sila man, maaring hindi sila magkatuluyan in the end.

imho. hehehe

Anonymous said...

hahaha parang ako lang o kung walang laman ang utak maraming fiction story ang magagawa...hehehehe... weee... mga idol ko talaga o magaling magsulat... huhuhu sana ganyan din ako.. nyaks....

Superjaid said...

eeeh!kilig naman gustong gusto ko ng mga ganito..may kadugtong ba to?more more kuya please!hehehe =)

Unknown said...

Nice! May continuation ba 'to?

Kosa said...

awww..
bitin!

kaye said...

wow. kilig much. =)

Neneng Kilabot said...

aww.. nice nice.. ganda.. aylabet!

Blakrabit said...

*kilig* *kilig* pwedeng gawing short film 'to!

CheeNee said...

inlove?

Kamila said...

Ang ganda pramis... waaaaaaaaaahh... Gusto ko pa..more more more!!

Sean said...

kinilig naman ako dito. parang high school gurl lang.

YOW said...

Eh? Eh bakit ang galing.. Haha. Ang galing mo talagang magsulat ng mga ganto Sir. Palakpak poryu. :)

Ang ganda ng pangalan na Sofia, dapat Yow na lang yung lalaki. Nyahahaha.

Jayvie said...

wahahaha! akala ko nga bampira o taong lobo si JP haha :D

kikilabotz said...

yun oh parang alam ko na next mangyayari dito. sex. ahahaha

ZaiZai said...

hangswit naman :) ganda ng setting sa huli. captured mo ang feelings :) galing!