Mga Sumasampalataya

Apr 14, 2009

DOWNER

I'm not writing again as much as I want because this time, I feel I'm too much of a downer. Ironic, because my previous post, I said that I am happy. Masaya naman ako ngayon, it's just that feeling ko may kulang. Di ako nagpapakaemo, at hindi ako naghahanap ng syota. That's not the reason I'm feeling sad at the moment.

The truth is, hindi ko talaga alam. Di ko mapinpoint kung ano yung problema. HIndi ako lonely. Di rin ako longing na magkasyota. My job is all fine. Marami nang ginagawa, pero ayos lang.. it's work.

I spoke with a friend the other day, tapos may nasabi siya sa akin that made me realize something. It could be the reason. Actually, marami akong naisip na dahilan kung bakit hindi tama pakiramdam ko ngayon... Bare with me...

  1. Mainit masyado. Naaapektuhan katinuan ng pag-iisip ko ng sobrang init.
  2. Nalulungkot ako't patapos na ang 5-day vacation ko, at wala akong masyadong nagawang exciting.
  3. Bored na bored ako sa buhay ko...
  4. Sabi ng kaibigan ko, I'm a nice guy... it might mean that I'm a doormat.
  5. Nahawahan ako ng depression ng nabanggit na kaibigan dahil hindi sila nagkatuluyan nung babaeng inireto ko sa kanya.
  6. Isa lang ang set of friends ko.
  7. 17 episodes lang yung binili kong DVD ng season 2 ng Gossip Girl.
  8. 3 araw na akong hindi nakakapaglaro ng Pet Society at Restaurant City.
  9. Babalik na ako sa trabaho mamaya.
  10. Tumataba ako.
  11. Nanuod ako ng T2 at hindi ako masyadong natakot dun sa pelikula.
  12. Hindi ako nakapag-out-of-town noong long weekend.
  13. Maaaring dahil wala akong masyadong ginagawa nung nakalipas na mga araw, kaya nakapag-isip ako.
Ang babaw noh? Hindi naman talaga ako sobrang depressed. Ok naman ako. Medyo feeling ko lang na parang may kulang. Hindi ko alam. Hay. Lilipas din ito.

32 comments:

angel said...

hmmmmm..
may time talaga na dumarating sa isang tao ang ganyang feeling nasa tingin ntin halos ok nman na ang lahat wala ng dahilan pra maging sad or empty yung life, pero minsan feel pa rin ntin na di tyo kontento, di masaya, na para laging me kulang.. kung ano man yon alam ntin na sarili lng ntin ang makahanap ng sagot.

have a good day :)

Anonymous said...

Hays, sayang naman yung bakasyon mo, well at least nakapag pahinga ka ng ilang araw sa trabaho.. Hehe

Ok lang yan lilipas din yan.. Pero dapat bang nakakatakot yung T2?
lolz

Dylan D

A-Z-3-L said...

dapat ma-overcome mo yan... sigurado after that sudden emptiness... eh magiging ok ang lahat...

i suggest, mag-out of town ka kaya... para masaya....

MkSurf8 said...

14. kulang sa tulog
15. kulang sa sex
16. kulang sa toma

hehe....chill ka lang. may katapusan ang lahat! ;-)

verif: baren
(tigang daw!)

Xprosaic said...

Hahahahhaha ayos yung 4 ah! Jijijijiji anong gossip girl?! Tamang tama yun comment ni MkSurf8...Sang-ayon ako dun! jijijijiji


Word verif: Buchi---> baka din gutom lang yan...kain tayo! jijijijij

EngrMoks said...

Pare...isang malamig na san mig light, tamang tulog at panglipas ng init at li*** ng katawan... hehe

Minsan ganyan din ako, hindi naman ako kulang sa tulog, nasobrahan pa nga sa alak kaya nagka-gallstone..jijijiji..at lalo namang hindi kulang sa sex.

Minsan talaga ganyan ang mood ng tao. Yaan mo..tama nga sila lilipas din yan.

Maganda pare yung gossip girl..favorite yun ni misis ng 2 kong kapatid na babae, wala pang complete season nun kaya hindi ko pa rin napapanood yung season 2 nyan. Ako naman nabwisit sa nabili kong 24 season 7 dahil 6 episodes lang ang laman nadaya ako pare, 24 episodes yun kaso per episodes hinati sa apat na chapter sa menu... mas badtrip ako tol kaya tahan na...inuman na lang tayo pag magaling na ako..okay ba? jiijiji

PaJAY said...

kulang sa musika lang yan pre..hehehehehe


soundtrip mo lang yan....lolz..

gillboard said...

angel: i think lilipas din to. the good thing now is i'm occupied with work again. so may distraction.

dylan: akala ko kasi horror na hardcore siya. Maganda naman, inexpect ko lang na matakot ako... di lang nangyari.

gillboard said...

azel: sasama na nga lang ako next week sa team outing eh.. mapipilitan, pero okay lang...

mksurf8: di ko problema ang 14 at 16. at yung 15 hindi pinuproblema yan!!! hahahaha

at di ako baren!!! lolz

gillboard said...

xprosiac: palabas lang sa tv na pangteen-ager. Guilty pleasure ko lang yun... hehehe

mokong: hindi ako tigang!!! hay... tsaka kaya lang ako bumili ng dvd nun, kasi medyo nabored ako nung lunes... nabitin lang ako..

pajay: maaari... di rin ako nakakapagsoundtrip buong bakasyon ko...

wanderingcommuter said...

gustong gusto kong ideny na hindi ako nakakarelate, pero pwamis hindi ako makailag! tsktsk!

relate na relate ako! huhuhu

Kosa said...

anu ba sinabi ni Kaibigan at anu yung narealize mo? lols
pasensya na...epal lang...

teka, alam ko to parekoy, baka naman SIGN OF AGING na to? lols joke...
cool ka lang....

Chyng said...

ako din bored na bored. weird kasi gala naman ako ng gala.. haaay!

huy, naninibago ako ah, di ka dumadalaw sa blog ko.)

gillboard said...

ewwik: depressed ka din... sabi ng iba dito, tigang lang daw yan.. hehehe

kosa: #4. Wala lang, baka sa sobrang kabaitan ko, eh nagiging doormat na ako... pushover baga...

chyng: pasensya naman, di talaga ako nakakapagbloghop sa bahay... sa office ko gawain yun ngayon...uncomfortable yung upuan ko sa bahay kaya di ako makatagal sa internet...

Chyng said...

hala, lituhin ka na. magulo ba pagkakawento ko sa singsing? haha

Kosa said...

ahhhh yun ba? lols
sinungaling yung kaibigan mo(joke joke!)
tapos ano ang narealize?

ehehe.. oks lang yan parekoy..sabi nga ni Pajay, i-soundtrip mo!
sabayan mo ng SML at iyak sabay lupasay..lols

eMPi said...

Ganon din ako minsan pero ang ginagawa ko umaalis ako ng bahay at lilibangin ang sarili... tama ka nga, lilipas din yan Gillboard!

escape said...

tingin ko dahil lang yan sa hindi ka natakot sa T2. hehehe... cheer up gillboard.

biyahe muna.

Anonymous said...

Normal lang paminsan minsan ang makaramdam ng panadaliang depression, pero ang mag-stay sa ganyang sitwasyon - hindi na healthy. Baka matulad ka sa isang blogger dito na super emo at parang suicidal...Ahahaha! Palagay ko hindi ka naman ganun..

Iwasan mo lang ang mga taong pessimist.. Nakakahawa sila.

Mas maganda sigurong i overcome mo ang feeling na yan kasi may tendency na magtagal yan, mahirap yun.. Galing na kasi ako sa situation ganyan. Ang bigat. Parang walang kwenta buhay.. But, life is too short to feel miserable..

Enjoy! ;D

Dimaubusang Dylan

Eben said...

hindi ako makailag, tinamaan ako sa post mo kuya gillboard. hehehe.

yaan mo't lilipas din yan.

bampiraako said...

sayang naman 5-day vacation leave mo. Sana nag out of town trip ka.hehehe.

Update mo kami kapag masaya ka na uli. hehehe

Be happy!

ENS said...

baka overthinking lang yan...
kaya mukhang may kulang ang wala naman talaga...
pati tuloy ako napaisip kung may kulang din sa buhay ko...
sana lumipas na yan...
be contented...!
be satisfied...
less is more...
be happy...
hope that helps!

Theonoski said...

kung kulang nga ang DVD ng Gossip Girl kakalungkot nga yun! hehehe!
cheer up bro, life is fun, tama na emo.

. said...

Huling beses kong sinabi na bored ako sa buhay ko, bumuhos ang todo todong problema na muntikan ko na hindi malusutan. After nun, never ko na inadmit na bored ako sa buhay. :)

Gram Math said...

how about trying yoga or going out for an exercise? it helps you know

Ron Centeno said...

Pare ko I hope by now ok na pakiramdam mo.

Halos lahat tayo may times na nagiging depressed. Yes pare lilipas din yan.

Kayang kaya mo yan, you are one of the stronger blogger friends I've known.

poging (ilo)CANO said...

buti ka pa tumataba..

ako gustong tumaba pero d ko magawa..

gillboard said...

Thanks for trying to cheer me up guys... Appreicate it... I'm not feeling really low right now.. Just a tad bit disappointed lang siguro. But I'm okay now... Madami nang distractions.

Joms: Tama ka... That happened to me already before. Not going to want that to happen again.

sha lang ako said...

hay naku gillboard. ako ganyan din ang feeling, add mo pa na nagkasakit ako ngayon. lentsak talaga. ur still lucky than some of us. :)

Badong said...

may mga pagkakataon talagang ganyan. malamang bored ka lang siguro. okaya dahil baka sadya lang talagang nakaka-depress yung gossip girl.hehe

my-so-called-Quest said...

awww. hindi kaya madami ka nga naiisip kaya ka nalolongkot?

the best ang numbern 7! hehe. download ka na lang sa limewire! sana bumalik na si georgina! hihih

wag na masyado magisip. how about try to be optimistic? hmmm... o kaya magbakasyon. o kaya maggym, remember endorphins! hehe

Lizeth said...

padaan