Mga Sumasampalataya

Jan 26, 2011

PARANG MAYAMAN LANG

Lulubus-lubusin ko na ang pagpapakilala sa inyo, madlang bloggers. Marahil karamihan sa inyo ay alam na marami akong kaartehan sa buhay. Marami akong hilig. Bisyo. Noong unang panahon kasi, walang pinupuntahan ang pera ko. Wala akong pinagkakagastusan.

Only child kasi. Single.

Wag niyo akong gayahin, kasi hindi naman ako mayaman. Noong binili ko ang karamihan sa mga isheshare ko, utang yun. Tipong gives. At malaking discount. Madalas nagkakaroon ako ng buyer’s remorse. Sayang. Pero ayos lang. Nadadaan sa pagtitipid.

Pipicturan ko sana yung hitsura ng kwarto ko, kaya lang ang dumi. Saka na lang, pag sinipag akong ipalinis ito.

So heto ang nagpapalibang sa akin sa aking pag-iisa.

Si Halle at Sonia ang dalawa kong cellphone. Si Halle binili ko noong isang araw, habang higit apat na taon ko nang telepono si Sonia. Meron pa akong isang lumang telepono, pero sira na siya. Ayoko siyang kunan ng litrato, kasi maalikabok.

Ang aking mga consoles. Si Bebong, ang ikalawang Xbox ko. Si Percy, ang aking PS3. Si Pepe, ang PSP at si Ken, ang ikatlong Xbox na may Kinect. Syempre kasama na diyan ang mga games. Konti lang ang original ko, mahal kasi.

Ang isa sa pinakauna kong nakahiligan bago pa man ako natutong magbasa ay manuod ng pelikula. Ito ang aking DVD collection. Konti lang ang aking pirated dvd’s. Mas gusto ko original kasi mas madaming added bonus. Nagsisimula na ako ngayon mangolekta ng Bluray.


Syempre meron din akong prized possessions, ang aking mga comics. Iilan lang yan sa aking kinokolekta, pag pumasok ka sa kwarto ko, kung saan saan mo yan makikita. Iyan ang complete series ko ng The Walking Dead. Dyan napunta ang 13th month pay ko.

Marunong din akong magbasa. Ito ang iilan sa aking mga book collection. Mahirap silang kunan ng litrato kasi hiwa-hiwalay ang aking mga libro.

Dahil hindi naman ako kagwapuhan, kaya dinadala ko na lang sa pabango. Wala lang. At least kahit mukha akong basura, amoy mayaman naman ako.

Yan na muna. Babawasan ko na ang mga yan ngayon. May pinag-iipunan na kasi.

Tsaka madami pang utang.


42 comments:

Axl Powerhouse Production Inc, said...

pambihira.., walk of the dead... pahirap ako hehehe... daming cologne ha hehehe.. collection item mo din yan.. ako din.. hehehe :D
palaro ako minsan ng psp mo hehehe :D

Axl Powerhouse Production Inc, said...

walking of the dead pala.. wrong typo ammpness!

Supladong Office Boy said...

kuya GIBO, alam mo bang favorite ko din ang mga perfumes? pahingi ako ng isa. kahit bawas na. lol

ikaw na ang nakablackberry! ano bbm pin mo? (kung makapagtanong ako akala mo nakablackberry ako e. haha)

The Gasoline Dude said...

Pareho tayo ng selpown. At mahilig din ako sa pabango kasi hindi din ako kagwapuhan. LOL!

Skron said...

Nooooo!!! Bad. Box your comics, dude!

People tell me console gaming is not expensive. But you're on your 3rd Xbox 360 already.

salbehe said...

TEKA, papano mo babawasan ito? Pwedeng pakibato sa bandang dito? Hahaha! Pareho tayo ng selepono. BBM tayo! 22B08221

aajao said...

mahilig ka pala sa pabango. wag mong bawasan. bumili ka na lang ng alternatibo na de-kalidad pero mura. *ehem* may perfume business ako. LOL.

hahahaha!!! garapalang plugging na ito. :p

Kyle said...

grabe! walang hilig sa gadgets yan.hahaha

meron bang giveaway o paraffle dyan para mabawasan yan sir?ahehehe joke

rah said...

wow. ang gara ng mga kagamitan mo :)
Ang hilig mo pala mangolekta.

Isang unsolicited tip lang. DOn't feel guilty sa pagbili mo ng mga kagamitan mo. Feel happy dahil nabili mo yan. Wag mong isipin yung pera. You deserve it with no regrets. Sagad sagadin mo na ang kasayahan na madudulot niyan :) What is money? Paper only.

The joy, the glory, the triumph it brings - priceless.

rainbow box said...

ahm.. hello po. kung balak nyo pong mamigay ng pabango at mga ilang books dvds comics etc etc. PM ko address ko. joke. haha!

nakakatuwa lang na may mga pangalan ang mga gamit mo. =)


wv: angstrap

bulakbolero.sg said...

pang mayaman naman talaga. asteeg naman, nainggit ako sa mga game consoles at sa mga pabango.

KikomaxXx said...

weeeeeeee... ang yaman naman.. pwede hingi ng pabango.. wahehhe... ako din sa susunod mangongolekta na ako ng pabango.. wahehehe... chaka ayun o walking dead... wahehehe

hArTLeSsChiq said...

ala- Imelda M. sa pangongolekta...paarbor naman ng isa..hehehe

my-so-called-Quest said...

habang pababa ng pababa ako sa pagscroll ako ay napapa WOW! WOW! isa pa... WOW! hehehe

Jinjiruks said...

nde ka naman mahilig mangolekta nyan

Adang said...

ayus collection mo ha..ako mahilig akong ma ngolekta ng pera, kaya lang lagi ko nagagastos,hehehe

chut said...

huwaw..

Maldito said...

parang nahiya naman ako sa sarili ko..travel lang talaga yung bisyo ko eh...huhuhu..

pareho tayung mahilig sa pabango...hindi naman kasi gwapo.wahhahaha,,

Carlo said...

you already!

Spiral Prince said...

bat ang dami mong xbox? :O

(TEKKEN 6 TEKKEN 6 TEKKEN 6)


Zafinaaaaaa


(sorry. adik lang talaga ako kay Zafinaaaa)

Kamila said...

waaaah yun din napansin ko..may pangalan pa talaga sila... one time naiinggit ako pinangalanan ko din mga gamit ko..kinabukasan di ko na maalala..

pangarap kong phone si sonia mo..

James - M.I. said...

Nice stuffs you got there Gillboard. Ang bango bango mo cguro. I like guys na mabango. Paamoy at pa kiss nga. hahaha :)

Just kidding.

Klet Makulet said...

kelan kaya ako magiging kasing yaman mo? hehehehe kainis naman... nainggit ako bigla ni wala sa kalingkingan ng mga binibili mo yung nabibili ko huhuhu

♥superjaid♥ said...

kapapanuod alng ni bf ng 1st session ng series na yan lat sat hehehe anyway..ang dami mong gadget kuya!inggit much sana maging kasing yaman mo ako someday!hehehe

epiphanonymous said...

Gusto ko makilaro ng Kinect. Hinde ako hilig ng mga gaming consoles pero gusto ko matutunan. Sana hinde pa huli ang lahat.

"At least kahit mukha akong basura, amoy mayaman naman ako." -panalo ang statement mong ito!

Ako si Yow said...

Grabe ang dami at ang ganda. Huhu. Nakakainggit naman. Haha. Pero ok na nga, basta pag yaman ko, pagbibigyan ko ng ganyan sarili ko. Yung Sonia phone mo, matibay nga yun. Madami ako kakilala with the same phone at ang dami na nila anniversary. Haha

OFW in Africa said...

Dapat pala bili na rin ako ng pabango kasi di rin ako pogi. Pero teka naging 2 na ang problema ko di na ako pogi wala pa akong pambili ng pabango.

kikilabotz said...

wow ang yaman yaman. dami pang pabango oh. hehehe.

iprovoked said...

sosyalan kuya G1BO! Parang gusto ko yung POLO na pabango, magkanu orig nun? HEhehehe :D

Jayvie said...

wow! nahilo ako sa dami ng pabango mo ah! may laman pa ba lahat ng yan? mukha eh.. di mo pinakita sa amin yan ah hehe

CheeNee KOKAk said...

IKAW NA!

ikaw na may cp..

ikaw na may kung anoanong gadget

ikaw na mraming pbango

ikaw na maraming books and comics..

at dahil dyan..MAGSHARE KA..hehehehe

Photo Cache said...

sa lahat ng mga memorable lines mo dito sa blog na to ito ang aking pinaka paborito:

"Dahil hindi naman ako kagwapuhan, kaya dinadala ko na lang sa pabango. Wala lang. At least kahit mukha akong basura, amoy mayaman naman ako."

Magmamatyur ka din at pag dating ng araw na yan - magiging kuripot ka na :)

soltero said...

mahilig din ako sa colognes, kasi di rin ako kagwapuhan! ching! :P

epiphanonymous said...

@solter0 :: let the people be the judge of that. :P

ZaiZai said...

wow ingit ako sa dami ng pabango mo :)

tara05angelee said...

WOW!!! super nice things.. love it.. :) parang mayaman??? eh baka rich kid ka naman kasi talaga.. :P

Lio Loco said...

ikaw na, ikaw na ang gadget boy, gillboard! tae, mahihiya ang nokia supernova 7610 ko sa mga cellphone mo. at kung magpapa-garage sale ka, mangyari lang po na pakiabisuhan ako. baka madekwat ko pa sa mababang presyo 'yung isa sa mga xbox mo. lol! speaking of, nabalitaan mo ba 'yung bagong ngp ng sony? new-gen psp daw at may kung anu-anong multi-media shit na nilagay. mukang astig pero mukang mahal din sa bulsa. kelan kaya magkakaron ng ganun dito?

p.s. pabili nga po ng pabango. \m/

re: habang wala pa siya

napaka-praktikal ng mga payo mo sa mga nilalang na magpasahangg-ngayon eh nananatiling tinggel, este...single. tulad nga ng sinabi mo, alam naman ng mga single na 'to kung ano ang dapat gawin. ewan nga ba ba't marami sa kanila ang nagpapaka-emo na tipong pasan na ang buong mundo. pasakan ko kaya sila ng sandosenang tite at puke para matigil na sa kakangawa? lol! kung ako sa kanila, magpapayaman ako habang wala pa si THE one tulad ng sabi mo.

at talagang kanila, sila ang ginagamit kong panghalip eh no? ako na, ako na ang hindi single. wahahahaha!

prinsesamusang said...

hmmm! paamoy nga gb ang bango mo! naka naman talaga!

Dorm Boy said...

Wow ang dami mong collection lalo na sa pabango. Binalak ko rin dati yan kaso d swak sa budget. Dapat ang title ng article mo eh Papa Cologne hehhe!

KRIS JASPER said...

That's soooo cooool!

Ok lang yan, we only live once anyway, so we mite as well enjoy the ride =)

Raft3r said...

yan ang rich kid!!!
hehe

teka, nasan ang scream 3 ha?
=(

taga-pluto said...

Ayos sa collection Sir! Ayos din ang blog mo. Kung mamarapatin nyo e ilalagay ko kayo sa blogroll ko, isa na ang blog mo i-i-stalk ko. :)