Isang taon na lang pala ang nilalabi ko sa 20’s age range. Iniisip ko, dati ang tanda ko na pero wala pa ako masyadong nagagawa sa buhay. Pero ang nakapagtataka ay marami pa rin akong naisusulat dito sa blog ko.
Naisip ko marami na akong nagawa, pero feeling ko marami pa rin akong hindi nagagawa. Marami pa ding hindi natutupad. Madami pang gustong gawin.
Sa susunod na buwan, 29 na ako. Iniisip ko kung ano ba ang gagawin ko ngayong taon. Paano ko susulitin ang huling taon ko sa 20’s? Dapat ba pinuproblema ko ito? At kung meron man akong gagawin, may budget kaya ako na gawin ito?
Pero saka ko na yan pagninilaynilayan. 28 pa rin naman ako. At ito ang mga nagawa ko noong nakalipas na walong taon.
Nagsimula magsulat tungkol sa buhay.
Nasabitan ng gahiganteng medalya dahil mataas ang IQ.
Nagtapos ng kolehiyo.
Naging best man sa kasal.
Nagpaloko sa pag-ibig.
Nabasted.
Nagtrabaho sa call center.
Nagbayad sa panandaliang ligaya.
Naging boss.
Naging speaker sa isang klase.
Nagpaiyak ng madaming buntis.
Nagbuhat ng bangkay.
Naranasang dalhan ng pagkain sa opisina ng taong gusto niya.
Nagsarili.
Pumayag maging kabit.
Nag-out sa mga piling tao.
Nakakilala ng mga panghabangbuhay na mga kaibigan.
Nainlab ng sobra sa di dapat mahalin.
Muntik magpakamatay.
Binitawan ang pagiging boss para magsimula muli.
Bumalik sa mga magulang.
Nagtrabaho ng pang-umaga.
Naterminate.
Nakamove-on.
Naglako ng kung anu-ano sa mga building.
Naban sa building.
Bumalik sa trabahong panggabi.
Nambasted.
Bumili ng gamit para sa sarili.
Nakatungtong ng New Zealand.
Nakaranas ng Winter at Spring.
Nakaranas bumili ng mga pasalubong.
Pumasok sa beerhouse.
Humawak ng dede ng dancer.
Medyo nandiri.
Gumawa ng kalokohan sa banyo sa opisina.
Naharass ng bading sa bus.
Nakipagkilala sa mga kaibigan sa internet.
Nanloko at nangaliwa.
Nagmahal. Nagmamahal.
Madami na yan. Pero parang kulang pa rin. Tingnan natin pagtungtong ko ng trenta.
********************
PS ULIT: Sa mga nagbabasa, early birthday gift niyo na sa akin ‘to. I-like niyo naman yung page ni Gillboard sa Facebook. Pa-click lang ito...
Maraming Salamat!!!
27 comments:
done liking your FB page this morning - nakita ko lang kay jepoy na may fanpage pala ang blog mo. XD
mabuti naman at hindi natuloy ang muntikan mong pagpapakamatay.
Natawa ako sa Humawak ng dede ng dancer, hehe, unforgetable din kasi yung unang beses na nagtable ako sa beerhaus, doon ko kasi unang naramdaman na adult na talaga ako, hehe. XD
Na-like ko na. Naks.. Pumafan page. Haha.
Ang dami mo na nagawa at experiences. At napapawhoa na lang ako sa iba. Haha. Nakakabigla..
ala eh, napaka kulay pala ng buhay mo. Ituloy tuloy mo lang yang adventure ng buhay mo tol, im sure pag matanda ka na, you will look back, and you will be proud sa kulay ng buhay mo.
kakainspire naman yung mga nagawa mo ser.. hehe parang gusto ko tuloy pumasok ng beerhouse at humawak ng dede ng dancer.. haha
anyway.. sensya na po ser dahil wala ako facebook.. pero igreet na lng kita.. advance happy bday! :)
nawindang ako sa pagalsa ng patay...ahahaa....siguro sa listahan mo yung hindi ko pa nagawa ay yung magbayad para sa panandaliang saya...ayey!but i want to try it..just to check how does it feel to pay for something you can get free..wahhahaa
how about putting more travel on your list?
done liking it na..tingnan ko nga kung ang mga potangenang officemates ko ay nag like din.ahaha
Pumasok sa beerhouse.
Humawak ng dede ng dancer.
Medyo nandiri.
Wahahaha! You're so exposed. Goodluck! ^_^
wala po akong access sa fb sa ofis..
at baka materminate din ako gaya mo..
hahaha..
HAPPY BIRTHDAY!
madami dami na rin. do more. and just have fun. forget the age.it doesnt matter. number lang yan. ang sarili mo ang mahalaga.
medyo madami narin yan kung tutuusin.. ano pa ba di mo nagawa.. wahehehhe
Nagpaiyak ng madaming buntis.
:D
Advance happy birthday!
How was your trip at NZ? Can u even understand the kiwis there? Hahah
ni-like ko na! hehe.
hingi ka ng advice dun sa 30 na dyan. ayun oh. si ano. baka sabunutan ako nun hahaha
aba malapit na pala anniv ng miss you like crazy hahaha :D
ang aga naman nire
hehe
dont fret
30s is the new 20s
daw
hehe
Palakpakan... ang galing para sa kin lahat ng sinambit mo ay mga achievement na.... ang saya saya naman.... parang adventure ang buhay mo... gusto ko din makaranas ng mga ganung bagay.. hahahaha...
2 years pa naman dba? 30 years young na. numero lang yun. importante anu-ano ang mga nagawa mo. advance HBD!
Ang saya saya.
Keep on exploring Gillboard. :) Advance Happy Birthday!
anubeh sabi nga diba 30 is the new 20!!!
nalike ko na.
happy birthday, see yah hihi
Opkors dahil uto uto ako, nilike ko na rin ang fanpage mo :) hahahaha! Wow, mag ka age pala tayo. Buti ka nga nakahawak ka na ng dede ng dancer e. Ako ndi pa! Hahahaha!
awwww. age is just a number. :p
ps
advance hapiburdeeee!
naksss...
yun oh.. daming nagawa.. more pa.. hehehe :D
happie bday :D
wow ang dami mo naman ng nagawa sa buhay mo kuya buti ka pa napakacolorful ng buhay mo
bawala ng fb dito sa library ng school namain eh next time ko na alng ilike ^^
HAHA. COOL. DO MORE, DUDE.
potek!
Ikaw na! Ikaw na ang may "panfage" sa fezbuk! LOL. (Na hindi ko pa pala nila-like ano?)
bakit puro whoresome ang nakalista dyan? hahaha
malapit na.... happy BURPday!!!
btw, pano pala yun mga hindi makakadalo sa sabado?
hehe
Post a Comment