Dahil kakagaling ko lang ng isang bloggers meet-up ngayong gabi, naisip kong ilaglag lahat ng kalaglag-laglag sa lahat ng mga nakilala kong mga kapwa manunulat sa blogosperyo.
Sino kaya ang mga bloggers na may sikretong ayaw malaman ng publiko? Sino ang hindi nagpapakatotoo? Sino ang malibog? Sino ang may hindi ginawang kanais-nais sa kapwa blogero? Sino ang pinakaplastik? Sino ang pinaka-emo sa personal? Ang pinakamayaman? Ang pinaka user-friendly? Sino ang may lihim na pagnanasa kanino?
Simulan na...
Biro lang!!! Wala akong alam. Wala pa naman akong nararanasang ganyan? Wala talaga akong alam.
Wala lang, gusto ko lang kabahan ang mga magbabasa nito.
Syempre Good Vibes tayo ngayong 2011!! Ayaw ko ng kaaway. Peace lang.
**********
Masaya ang simula ng bloglife ko ngayong 2011, dahil umpisa pa lang eh, talagang maganda na ang aking naging karanasan.
Gaya ng sabi ko, galing lang ako sa isang Blogger’s Meet-up sa Metrowalk. Nakilala ko na rin sa wakas ang ilan sa mga bloggers na matagal-tagal ko na ring naging kaibigan dito.
Unahin na natin yung nag-aya ng pagtitipon na si An Indecent Mind. Si AIM na natutuwa ako, at maliban sa s3x, eh nasama kaming mga kaibigan niya sa blogosphere sa kanyang itinerary. Nakatanggap pa ako ng sosyalin na regalo mula sa kanya. At dahil dun, eh hindi ko siya ilalaglag.
Nakilala ko rin si Roanne. Sabi ni Kasintahan ang ganda daw niya. Agree naman ako. Pero bigla akong kinabahan, mukhang gustong bumalik sa pagiging tuwid nitong ni Kasintahan. Nangamba ako ng konti. Di ko alam kung ano yung number mo, Roanne, pero sobrang ikinagagalak kitang makilala. Salamat sa regalo. Ingat ka sa biyahe mo mamaya.
Nakilala ko rin si Salbehe. Ewan ko, pero pinagpawisan ako dito sa babaeng ito. Di ko kinaya ang mga tanong. Nung una, akala ko simple lang, kasi tungkol sa trabaho. Ganun-ganun. Tapos nung nakainom na… ewan ko ba. Natakot ako!!! Promise!!! Uy, pero natuwa ako sa kanya. Yun yung mga gusto kong kasama, walang hiya-hiya. Hindi ka mababato.
Nandun din si Maelfatalis, na masarap ding kausap dahil isa pa itong walang preno kapag magkwento. Ang saya lang. Medyo feeling ko nga, naturn-on si Kasintahan sa mga kwento niya, pero ayos lang.Hindi ako nagseselos. Hahahaha
Andun din sina Yanah at MarcoPaolo. Matagal ko na silang kablog, siguro 09 pa or 08, pero ngayon ko lang nakita. Sa wakas!!! Ang kulit nilang dalawa. Para silang may sariling mundo. Hehehe
And mga bagong kakilala gaya nina Madz at MJ (tama ba? Sorry kung hindi!) na sana’y malaman ko kung ano ang blog.
**********
Meron pa ako siguro dalawang grupo na imimeet sa susunod na linggo. Pagkatapos nun, siguro quota na ako. Nakilala ko na naman halos lahat ng sinusundan ko. Ilan-ilan na lang ang hindi pa.
Yung iba kasi, ayaw daw akong maging kaibigan, kaya hanggang ngayon ayaw pa rin akong siputin. Pero okay lang. Naka-move on na ako. Kahit ang sakit sakit (joke lang).
**********
Sana’y walang naputukan sa inyo noong bagong taon. Saka na yung matinong post. Vacation mode pa ang utak ko ngayon.
36 comments:
di naginvite haha joke.. :) I have class din naman hehe! :)
Eb kayo ng EB...hindi niyo ako sinasama...ahaha...as if naman kilala ko mga ka meet mo..lols..
ilaglag mo na nga yan....lols...todo scroll down ako..naghahanap baka may item ako...sa wakas..wala din pala..ahahhahaha...
happy new year kuya jao mapa..lols
mukang masaya yang mga ganyang blogger's meet up ah, never ko pa kasi nasubukan yan - siguro balang araw, hehe. XD
dumoble..hindi ko alam pano i delte...lols
shet. kinabahan din ako dito. haha. :) hope to meet you someday gillboard! :)
Serious kaya ako dun sa sinabi ko. Why would I kid about something like that? But alas, I was unaware of the itinerant meet-up. I still am, by the way. If the offer still stands.
Nyahahaha! Shyet! Bakit 'di niyo ko inimbayt?! Pupunta sana ako. LOL!
That's really cool Gilbert. Another expansion of your circle of blogger friends. Hope to touch base with you soon, too.. Happy New Year! :P
Bigla akong kinabahan dito hahahaha parang lalo ako napaurong sa planong pagsama sa susunod na meet-up (although medyo malabo talaga dahil may pasok ako ng sabado pero kung makakasaglit, sisilipin ko talaga kayo kahit sandali lang tapos titikim ng konting food na libre mo tapos yun na)
If ever makasama ako sana di ako ilaglag. naconscious bigla ako ng bonggang bongga
Akala ko naman may mga exposé kang ilalahad dito. Agad agad ko namang binasa. Hehe.
Hahaha bigla naman akong kinabahan dito,langya ang bilis kong nagskip read este scroll down para mabasa...LOL
Nice meeting you gillboard!
-Madz
i wish i was there in the metropolis para ma meet ko rin ang kapwa bloggero ko...Goal ko yan dis year
Natawa ako sa may sariling mundo... Lol!
Nice meeting you, Gillboard! :)
Parang ang cool cool ni Ate Salbe. Haha. Gusto ko siya makilala pati na rin ikaw Kuya Gibo. Mga idolo. Haha.
Asan ang picture ng pagtitipon na yan!? Gusto ko makita ang alindog ni AIM at ang mala-Dyosa mong postura! Hehe! :)
Good to know that you had a fun time sa meet-up nyo.
ang saya pag ganyang kita kits kayo.
all the best na lang.
whaha ang imba ng laglagan na to ha kala ko kung na na.. EB pala hehehe... nak paEB-Eb na lang hehehe.. ang ganda talaga ni roanne no. hehehe siya sa mga crush ko sa Blogsphere hehehe :D
ay. akala ko totoong laglagan post ito ng mga bloggers. hahaha!
happy new year, gibo! puro meet-ups ah. busy. hahaha
sana may pics gill para mas masaya nwei happy new year tol..sna may eb pa hehehe na mga sususnod
Kinakabahan ako habang binabasa ko ito. Promise!!! Naisip kong baka gumaganti ka kay Madz kasi sya ang may pinakamaraming check sa second paragraph.
Hihi. Speechless. Babawian kitahhh! Hehe.
Happy New Year bro! Sana naging maingay at masya ang New Year mo! Sana makasama din ako sa mga next na blogger meet-up dis 2011! hehehe!
medjo na-excite naman ako sana sa panlalaglag mo..ay nabitin hahah wala pala.. kase yung last post mo nakakatawa... ahahhahaha.. inggit much sa mga EB
@salbe wahahaha langya at binasa ko pa talaga ulit yung 2nd paragraph na sinasabi mo... takte ka alin ako dun ?? umiisyu ka ha!!!!
kinabahan naman ako dito! nyahahaha!
salamat sa oras! nice meeting u gill! next time ulet!
an_indecent_mind
wahaha nakaktuwa kinabahan silang lahat anyway..ang daming nage-EB, nakakainggit tsk
parang may kilala ako jan? Hehehe! you know what I mean right... lol.
ay sana makapunta din ang batman sa mga ganitong pigging... wahehehe
kala ko nga totoong laglagan...hahahaha, sama ko sa susunod mga bandang year 2012,,,hahahaha
ingat kuya!
kinabahan lahat ng naka-EB hahahaha. kahit ako nagskip read din muna anuver hahahahahha
necessity talagang may sarili kaming mundo? hahahahaha
ulitin natin ulit ahihihi manila based na ko eeeeeeeeeh..
sana,,makasama minsan..malapit lang din ako sa metrowalk!yipee..
I think I wanna meet Mael too..haha
ay nameet mo si Mael! at si Salbehe! nice nice :D
hitik na hitik ka sa meet ups, ha
pasama naman dyan
hehe
kinabahan din ako nung nabasa ko to, at nahiya ako sa comment mo sa akin, but it was nice meeting you and kasintahan. thank you dahil nagpa-move ka ng sked to stay. til next time =)
Post a Comment