Tutal malapit na ang Valentine's Day, sigurado akong marami nanamang mga tao ang madedepress dahil hanggang sa pagkakataong ito eh single pa rin sila.
Ang post na ito eh siguro masasabi kong para sa mga single ngayon para di masyadong nadedepress habang naghihintay o naghahanap sa taong para sa inyo. Ipapaalala ko lang po na hindi ang pagkakaroon ng lovelife ang dahilan kaya tayo nabubuhay sa mundo. Isa ito sa nagbibigay kulay sa buhay natin, pero di ito ang rason kaya tayo nandito. Hanggang sa marealize niyo yan, sigurado ako di mawawala ang depression sa buhay niyo.
Ayokong magpreach, dahil hindi ako pari. Kaya sisimulan ko na... Ito ang mga maaaring ninyong gawin habang kayo'y single pa.
MAG-IPON
Medyo self-indulgent itong post na ito, dahil eto eh mga bagay na dapat kong gawin din. Syempre gusto nating pagnakilala na natin yung taong para sa atin eh medyo stable na tayo, para naman di na kailangang maghintay ng matagal bago ninyo dalhin sa dambana ang inyong sinisinta. Kaya ngayon, habang wala ka pa namang ginagastusan masyado, eh magsimula ka nang magtabi para sa inyong kinabukasan. Alam naman nating lahat na major pogi points para sa mga babae ang lalaking may pera.
MAKIPAGKILALA KUNG KANI-KANINO
Habang wala pang magbabawal sa'yo na makipag-date kung kani-kanino eh lumabas ka at iexplore ang iyong mga options. Kaya masarap maging single eh dahil hindi ka natatali sa iisang tao (hindi ako nagrereklamo, I'm just saying). Kung hindi ka pa sigurado na ang kasama mo ang 'the one' eh maaari ka pang maghanap ng walang nasasaktan. Kung di mo kayang makipagdate, maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Magandang foundation sa isang relationship kung nagsimula kayo bilang magkaibigan.
GAWIN ANG GUSTO NIYONG GAWIN
Habang wala pang pipigil sa inyo, gawin ninyo ang mga gusto ninyong gawin sa buhay niyo. Kung gusto mo magtravel, ngayon ang best time habang wala ka pang iiwanan at papasalubungan. Habang wala pang mangongonsensya sa inyo, go na kayo magbunjee jumping, mountain trekking, sky-diving, scuba diving, manuod ng sine, buong araw na inuman with friends o kahit ano na gusto ninyo. Malaya kang gawin ang gusto mo. Wala ka pang pagpapaalaman at magbabawal sa'yo. Magandang maexperience mo ito ngayon, para kung may syota ka na, may mga activities na kayo para sa mga date ninyo.
WORK
Pag busy-busyhan ka sa trabaho o sa kahit ano, madali mong makakalimutan yung pagiging single mo. Kasi may ibang nag-ooccupy sa isip mo. Maganda to kasi at least hindi ka malulungkot. Siguro mapapagod ka, pero at least kapalit naman nun pera, diba? Sabi nga nila, kung di ka swerte sa pag-ibig, malaking pag-asa na sa ibang bagay ay susuwertehin ka. Malay mo, baka sa trabaho mo yun mapupunta. Habang wala pa siya, eh mabigyan ka ng headstart para maging stable sa buhay. Pero, wag masyadong lunurin ang sarili sa trabaho. Ika nga nila, kelangan din natin ng work-life balance.
Eto eh mga mungkahi ko lamang, pero obvious naman ito. Madalas lang nakakaligtaan ng ibang tao dahil nagmumukmok at hindi pa nila nakikita ang kanilang life partner. Iniisip ko lang, na imbes magdrama sa buhay eh gawin nating productive etong mga panahon na ganito. Para pagdating Niya, eh wala na tayong hahanapin pang iba.
22 comments:
pards may pinariringgan ka? hahaha. ilang taon na akong ganyan. sanay na din :)
Kung single ka kaya ngayon eh masulat mo kaya itong post na ito?
In my case, I love being single. I find it hard to have a girlfriend. Because I can't do anything I want on my own time. Also, when I have a girlfriend, I lie a lot.
nice post sir! pwede!
unlimited booking pag single! ^_^
hahaha pwede....
tuhmah!!! :) kaya kinect party na hehe
whaha pambihira... pude :D
Yun oh! Adbans hapi balentyms ;)
Mag-ipon - Check
Makipagkilla Kung Kani-Kanino - Malaking Check
Gawin Ang Gusto Ninyong Gawin - Check
Work - Pwede naman cguro yung business so Check na rin.
Ayan, malapit na akong magpalit ng status from Single to In a relationship.
:)
tuhmah! mess with the wrong ones muna, while waiting for the right one hihi :D
dahil dito magaaral na lang ako. hehehe
Hahaha. Ang ayoko lang naman e kung kani-kanino ako nakikipaglandian kapag single ako. hehe.
Nakakamiss lang talagang mainlove. Hindi naman nakakadepress yun, ang OA nila pre. hehe.
tamaaaah! super agree ako. nice post
GAWIN ANG GUSTO NIYONG GAWIN
-nice post pero tingin ko dapat kahit in a relationship ka na nagagawa mo pa din ang mga gusto mo, syempre maliban na lang ang makipag lambutsingan sa iba hehe. Sabi nga ng bandang Tonic, "Love is not a hand to hold you down"
☆〜(ゝ。∂)
korek! at natawa ako sa comment ni chyng..unlimited booking talaga..LOL
hahaha.. gusto ko yung magpakabusy sa work.. it really helps..
:)
msingle ka man or double este taken its really how you live your life..=) nasa pagdadala lang yan parang damit lang hehehe
what do you mean?
singlehood rocks
BIG TIME
=)
For three years nakayanan kong maging single kasi busy sa work. Did i worry? of course umabot dn ako sa point na nagtanong, nghanap, nanligaw muli at mabasted. Pero tama ka mas masya ang life habang d pa attached pero ginagamit ang "free time" to do things na alam mong d mo na maggawa lalo na pag me kasama ka na sa buhay. There are pros and cons of being a single. It's just the matter of handling your status.
Btw: sa mga ladies im free on Valentine's hehehe!
Pwede ring matulog. 24/7. hahahaha
this is noted. :)
Post a Comment