Mga Sumasampalataya

Feb 23, 2010

BENTE OTSO

By the time na matapos ko tong post na 'to bente otso na ako. Opo... birthday ko na po!!! Pebrero 24 taong 1982 ako ipinanganak... At dahil dyan, naisip kong ilaglag ang sarili ko dito sa blog ko. Marahil nabasa niyo na rin naman noon yung ibang nakasulat dito. Ayos lang, konti lang naman ang talagang nakakakilala sakin dito, tsaka dun sa mga taong kilala ako sa totoong buhay, alam na nila ang ilan sa mga ikukwento ko.

Medyo matalas ang alaala ko (pero hindi sa pag-aaral). Naaalala ko yung mga events sa buhay ko na tumatak sa akin. Kaya itong post na ito, eh ikukwento ko yung mga naaalala ko mula noong kabataan ko.

EDAD 1
May picture ng first birthday ko na nagbubukas ako ng rubix cube. Akala siguro ng nagregalo tatalino ako pag pinaglaruan ko yun. Pero hanggang sa ngayon hindi pa rin ako marunong isolve yung laruan na yun. Feeling ko naman mataas IQ ko... pero ito yung nagpoprove na hindi naman.

EDAD 5
Nagsimula mag-aral. Naaalala kong bitbit ako ng nanay ko papuntang Periwinkle Hillcrest School para magenroll. Naalala ko nagmamakaawa ang nanay ko na tanggapin ako dahil abot na naman daw ng kanang kamay ko yung kaliwang tenga ko kaya pwede na daw ako mag-aral. Mukhang naniwala naman yung principal kaya ayun nakapag-aral ako.

EDAD 6
Puppy love. Naging kalove-team ko sa klase si Katrina. Naaalala ko palagi kaming tinutukso ng mga kaschool bus ko sa isa't-isa. In fairness kay Katrina, maganda siya tsaka sosyalin. Ang balita ko pa nga eh crush niya talaga ako. Tapos alala ko, parang nagpapractice ata kami for something, graduation ata yun... tapos nagsisigawan yung mga bata kasi sabay kami sa traysikel. Basta ang alam ko talo pa namin noon ang love team ni Manilyn at Janno tsaka Sheryl and Romnick.

EDAD 7
Nagsimula akong mag-aral sa all-boys school. Matalino ako noon, palaging nasa top11 (ako yung 11th). Tahimik pero maraming kalaro. Unang pagkakataon na makakita ng artista. Kasi sa St. Paul's Pque nag-aaral noon si Jennifer Sevilla. Naalala ko, sinisilip ko siya sa bintana ng school bus namin noon.

EDAD 8
Eto ang taon na una kong narating ang Puerto Azul kung saan ako nahulog sa bangin. Medyo nabagok ang ulo ko, kaya nung bumalik ako sa school nawala ako sa top 11. Eto yung taon na umaabot ng 4 na dangkal yung teks ko na Marvel Super Heroes na sinunog lang ng nanay ko kasi 4/50 ang score ko sa long test sa math.

EDAD 9
Proud yung nanay ko, kasi ako yung isa sa dalawang grade 3 student na nakasali sa Children's Choir sa school. Nagulat siya, may angking talento rin naman pala ako aside from paglalaro ng teks. Soprano pa ako nun (ang sagwa!!!).

EDAD 11
Grade 5 ako noon. Dito ako sumapi sa kaklase kong sumasamba kay Satanas. Ako lang yung minion niya, kaya ako lagi ang binubugbog niya. Choir member pa rin ako noon, at officer pa. Custodian ata yung position ko... pero dahil di ko alam ang trabaho ko, at dahil nagsisimula na akong magbinata (pumipiyok na), nagquit ako.

EDAD 12
Grade 6, naging third highest officer ako sa buong boy's scout sa paaralan namin. Iyon ay dahil nalate akong dumating sa meeting noon at wala nang ibang team ang tatanggap sa akin kaya ginawa na lang akong officer. Akalain mo yun.

EDAD 13
First year high school. Natutong sumipsip sa guro. Pinatulan ang pagtutor sa kanyang mga alaga. Enjoy naman. Hate ko pa ang english noon, kaya ko pinagtyagaan ang pagtuturo sa mga bata. Biruin mo, sa gitna ng homeroom class namin, nasa isang sulok ako ng kwarto at tinuturuan ko yung estudyante niya. 76 naging grade ko sa klase niya. Alam ko dapat bagsak.

EDAD 16
Unang naranasang magkasyota. Mas matanda sa akin ng isang taon. Nakilala kasi mahilig manghula ng numero sa telepono para makipagphonepal. Suki kami noon ng Jollibee sa SM Southmall. Pagkatapos ng 8 buwan iniwan niya ako. Inimbitahan ko pa naman siyang manuod noon ng Concert ng Side A sa St. Paul's Pque, tapos di niya ako sinipot. Sayang ang P150 ata noon (na sobrang bigat sa bulsa ko noon dahil P40 lang ang baon ko).

EDAD 17
Unang taon sa kolehiyo. All-boys school pa rin. Kelangang masanay na papasok at uuwi kasalubong ang daan daang mga nagwewelga sa kalsada. Minsan makikita akong dumadaan sa camera ng nagrereport sa TV Patrol o kaya 24 Oras. Wala lang. Nagpapacute lang.

EDAD 19
Sumali sa The Weakest Link. Ang galing ko sa audition. Ako lang sa buong nag-audition ang hindi nagkamali. Nag-overnight pa ako noon sa hotel sa tapat ng US Embassy (nakalimutan ko yung pangalan). Tapos pagdating ng Round 4 nung laro, sa unang pagkakataon, nagkamali. Nataranta. Di alam kung sino iboboto, kaya binoto ang Strongest Link. Eh tie kami ng isa... kaya ayung gago yung Strongest Link, gumanti ako yung tinanggal. Tado!!! Nasabihan tuloy ako ni Edu, "ang tawag dyan Gilbert, KARMA. Goodbye."

EDAD 21
Nagtapos ng kolehiyo. Pagkatapos ng isang buwan nagtrabaho sa call center. Namangha sa dami ng kababaihan. May magagandang mababait. May magagandang tibo. May magagandang maldita (di ko sila friends). May magagandang bakla. Basta maraming magaganda. Meron pa nga, nagpapahawak ng boobs. Meron din namang mga panget. Pero di ko sila masyado pinapansin.

Joke lang.

EDAD 22
Lumipat ng trabaho, at natutong bumenta ng todo. Matapos ng ilang buwan ng paghataw sa trabaho, napromote bilang Coach / Team Lead. Nabuo ang pangalang Gillboard. Yun ang pangalan ng board kung saan nakatala ang benta ng mga miyembro ng Team ni Gilbert. Eto rin yung taon na lumabas yung sungay ko at naging tarantado ako.

EDAD 23
Natutong magblog at nabuo ang gillboard.blogspot.com. Wala kasing magawa sa opisina pagdating doon ng mga alas-onse ng gabi. Ang pasok kasi alas-dos kaya napagtripan ang blogger. Ayaw ko kasi noon sa friendster at nababasa ng boss ko yung mga sinusulat ko. Minsan kasi pinatatamaan ko ang pag-iingles niya.

EDAD 24
Sunud-sunod na promotion hanggang sa naging Operations Supervisor ng account na hinawakan ko. Naging beterano sa excuses ng mga nagtatrabaho sa akin kung bakit sila absent. Natulog sa opisina dahil takot umuwi dala ng bagyong Milenyo. Ang taon na unang naranasang manakawan ng cellphone sa Enchanted Kingdom. At eto yung taon na nagkaroon ng mga sobrang malalapit na mga kaibigan. Oo suplado ako.

EDAD 25
Nanirahan ng ilang buwan sa Marikina. Nagising sa awitin na "Hindi Kita Malilimutan" noong kaarawan ko, kasi naisipan ng mga katrabaho ko na bigyan ako ng isang surprise birthday party. Nakavideo yun.. mukha akong tanga. Eto rin yung taon na nagresign ako sa trabaho. Dahil trip ko lang.

EDAD 26
Unang pagkakataong makalabas ng bansa dahil sa trabaho. New Zealand. Ang sosyal. Naranasan ang winter at spring. Nakakita ng kangaroo. Nakita yung actual na barko sa pelikulang King Kong ni Peter Jackson, at nakilala yung ilang gumawa ng mga set pieces sa Lord of the Rings. Pagbalik sa Pilipinas... ayun tumaba.

EDAD 27
Steady lang. Wala masyadong kaganapan. Natutong gumimik at magfood trip. Nakakilala ng mga kapwa bloggers. Naging panggabi ang trabaho. Hindi sanay. Isang buwang hindi natulog ng maayos. Ano pa ba? Wala naman masyado. Ayun, kumpara noong isang taon, medyo boring yung taon na ito. Pero wala akong reklamo. Masaya naman ako.

Ayoko magplano ngayong taon, kasi baka merong hindi matupad... so go with the flow lang ako. Basta ang pangako ko sa sarili ko, lahat ng pagkakataon na ako'y maging masaya o mag-enjoy eh hindi ko palalampasin. Ika nga sa ingles eh magiging spontaneous. Magpapadala sa agos ng trip.

Ayun. Happy Birthday Gillboard!!!

34 comments:

Skron said...

Hapi bertday!!!

Jepoy said...

Natawa ako sa nahulog ka sa bangin LOL.

Happy Birthday Gill!!! Have a blast tama ka go with the flow and have fun.

God Bless!

Chyng said...

HABERDEY! ♥

ang gift ko sayop ay mapa ng sagada. magsolo travel ka na! now na!

hatid ko na sa office mo? Ü

rudeboy said...

Haberday!!!

Naaliw naman ako sa trip mo down memory lane hehehehe.

Katuwa.

Kosa said...

happy BERTday to you!
Ha BERT day to you!
Ha BERT day;
Ha BERTH day!
Ha BERT day to you!

hehehe.. ang galing ng memorya!

glentot said...

Wish ko for your birthday is sana marami kang maipost na X-rated under the heading EDAD 28. HPY BDY!

Mugen said...

Happy Birthday!!

The Scud said...

gagawin ko din ito sa kaarawan ko. hehe.

happy birthday!

eMPi said...

oooyyy...haappppyyyy birthday to you, gillboard! :D

chingoy, the great chef wannabe said...

masaya ako at may gilbert sa blogworld! maligayang kaarawan sa iyo kaibigan!

ENS said...

Happy Birthday Gills...

Anonymous said...

magsulat ka sa kabila. dun kita babatiin.

bleh!

EngrMoks said...

Happy Bento Otso Bday Gill!!!!

RHYCKZ said...

hapi berday, subukan mong gumawa ng porn ngaung 28 ka na para maiba...hehehhe, joke lang..

red the mod said...

Happy Birthday Gillboard! Now do something impulsive, and risque. Because on your day, the fates are on your side.

Oman said...

pinaka kwela yung edad 19 at 21 hehehe. bakit may nilaktawan kang edad? yung ba yung edad ng first time? hehehe. isang maligayang kaarawan gillboard and more birthdays to come.

an_indecent_mind said...

happy bday gillboard! kelangan may something exciting sa iyong special day! make it memorable and extraordinary! have a great day!

NoBenta said...

ang kuwela buhay mo. pero sana kinumpleto mo para mas detalyado.

Congrats at nalagpasan mo ang edad na 27. Ito kasi ang sinasabing pinakamalas at puno ng anxiety ang isang tao (janis joplin, kurt cobain, jim morrison, jimi hendrix)

Hapi beerday!

DRAKE said...

HAPPY BIRTHDAY KUYA GILL!!! Hehhe, kya dahil its confirm mas matanda ka sa akin!hehhe!joke lang!

Wish you all the best!

Ingat!

Random Student said...

makulay pala ang buhay mo. highlight ata ang 2 -- yung karma mo sa weakest link at yung trip mo sa new zealand.

Moyie G said...

HapPy birthday!

chut said...

hapi bertday

The Gasoline Dude™ said...

Haha sumali ka sa Weakest Link? Astig! Showbiz, pero astig! Pareho kayo ni Kuri na mahilig sumali sa gameshows. LOL

Haberdey! :)

Raft3r said...

maligayang kaarawan sayo!
blowout naman dyan!

RJ said...

happy birthday pareng gilbert.

Unknown said...

Happy birthday Gilbert!!!

lee said...

happy happy birthday! =D

chingoy, the great chef wannabe said...

haberdey naman sa pogi!

escape said...

aalala ko nagmamakaawa ang nanay ko na tanggapin ako dahil abot na naman daw ng kanang kamay ko yung kaliwang tenga ko kaya pwede na daw ako mag-aral.>>> hahaha... kulit nito ah.

Basta ang alam ko talo pa namin noon ang love team ni Manilyn at Janno tsaka Sheryl and Romnick.>>> ayos!

Nakilala kasi mahilig manghula ng numero sa telepono para makipagphonepal.>>> sikat na gawain.

at tiyaga mo dito.

happy birthday!!!

Anonymous said...

natuwa nmn aq d2 s post mo :)
ang aga u pla lumandi 6 yrs old plng hehhe..

infairness mjo mkulay ang buhay u :)
gus2 ko din itry 2 bago aq mag 28 yipeee 5months nlng un! :)

kso bkt prang wlng lablyf n nabanggit except nung gr 6? hhehe anyweiz yapi bdey sau! :)

gillboard said...

sa lahat ng bumati sa aking kaarawan, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!

Di nyo lang alam kung gaano ko naappreciate lahat ng inyong bati.

Thank you guys!!!

Gram Math said...

happy birthday !!!

Anonymous said...

belated HAPPY BIRTHDAY parekoy! :)

7a'faR said...

haberday!!

wish u all the best..



abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~