Medyo matagal tagal na rin ata mula nang huli akong magpost ng isang makesong post. Medyo matagal na rin kasing napanis yung keso sa katawan ko. Pero dahil panahon ngayon ng pagmamahalan, tama lang siguro na makibagay ako sa panahon.
Paano nga ba pag ang isang blogger ay in-love? Paano nga ba umibig ang isang blogger?
Obviously, tao rin lang naman tayo, so iba-iba yung magiging sagot dyan.
- Ang blogger pag nainlove, medyo nawawala or nagiging less active sa kanyang pagsusulat.
- Kung aktibo naman siya, puros kakesohan naman ang mababasa mo, yung tipong nakakasuka o nakakaumay na.
- Kung ang blogger inlove, wala kang mababasang post sa blog nila, except kung may naging matindi silang pinag-awayan ng syota niya.
- Ang blogger ang palaging kawawa, kasi side lang nila ang mababasa natin. So kahit sila yung nanloko sa syota nila kaya sila iniwan, pagdating sa blog nila, sila pa din ang bida.
- Unless blogger din ang syota niya, na aawayin ito at tatawaging sinungaling.
- Pwede rin naman na pareho silang mananahimik, na parang walang nangyari.
- Makakabasa ka ng maraming tula, love letter at kung anu-anong ka pacute-an sa blog nila.
- Meron OA magreact nang magkasyota, parang sa tanang buhay niya, ngayon lang may pumatol sa kanya.
- Meron cool lang. Chill lang. Parang pangkaraniwan.
- May mayabang. Tipong 'in your face, may syota ako, kayo wala!!!'
- Meron ding kwento ng kwento tungkol sa syota niya. Sa blog niya. Sa plurk, twitter, facebook, kahit sa mga comments niya sa ibang blog syota niya pa rin topic niya.
Di ko alam... kung accurate ba yan. Di naman madami kilala kong in a relationship. Puros single lang...
Ano sa tingin niyo, paano ba pag ang isang blogger ay in love?
31 comments:
tama ka.. ang isang blogger, pag inlove ay biglang naglalaho sa blogworld.. magpaparamdam lang yan muli kung magkaaway sila at may kailangang i-vent out sa blog nya... hehe!
minsan din pag-inlove ang blogger.. inlove na inlove at punong puno ng pag-ibig ang mga posts nya...inspired magblog...haha
pag inlab ang blogger.....
puro love songs or video ang nakapost.... at pastel ang kulay ng theme...
nyahahaha
Hindi pa nga ako inlove sinusulat ko na yung ummmm... Person of interest ko eh.
blow-by-blow accounts ng dates/conversations nila. hehe.
hmmm never pa ko ata nag post bout sa lovelife ko.. hehe
Eh pano yan, wala pa medyo ganun na ako? Deranged ba? Hehe.
But seriously, most of what you've listed are apparent in some of the blogs I've read whose authors are in deep romantic modes. Parang emo lang yan, except a lot more lucid than livid. How very observant of you.
since nasubaybayan ng lahat ang loveteam ko dati, kelangan ko din tuloy i-announce sa lahat na hiwalay na kami.
btw, gastos ko sa sagada P5,025 all in! mejo mahal kasi solo eh.
hmmn.. sa tingin ko ganyan ka pag inlove..=>
May kakilala akong ganyang blogger na sobrang di makaget over sa fact na may syota nya kaya I stopped going to his blog.
hehehe.. been there done that
--
in fairness ang galing mo mag-observed
nasabi mo na lahat parekoy.... :D
pag in-love... makulay.... makeso.... corny nyahahha
Kailangan mo ba talagang ISA isahin? Lols
pero ayus na ayus!!!
aray ko naman parang ung iba totoo
meron ding nagbabakasakaling mababasa ang anumang panaghoy na di kayang sabihin sa minamahal...
teka... parang may nabasa ako ng ganun dito sa blog nato mismo...
ow. pero parang mas madami atang nagboblog aboout kasawian kesa sa pagka-inlove pa sila. hmm, dahil dyan, tama ka sa sinabi mong bigla silang naglalaho yas babalik nalang pagkabreak na. hahaha. tas puro bitterness na ang posts, which i find normal naman. owel. spread the love. :)
Pag ang blogger ay inlove gagawa sya ng post na "Pag in Love ang Blogger" Lol.Joke lang
ingat
Haha natawa akoh sa komentz ni kuya drake eh kaw pala inlab kuya gilbert lolz. Yeah kinda agree sa mga sinabi moh. Madalas puro kakesohan nd yeah poem sometimes. Later. Godbless.
pag inlove ang blogger, gumagana ang mga creative juices nya.
inspiration kasi yun...kahit na-busted o nag-break pa. hehe
God bless!
gillboard,
Paano kung hindi in love ang blogger? Inoobserbahan na lang niya ang mga bloggers na in love? =)
Kane
Parang ako. haha. Pero try ko pa rin magsulat.
Happy Valentines!
masaya kayang magkasyota na blogger?
=P
sa paraan ng pagkakasulat...parang inlab si gillboard! nyahaha
mulong: hindi inlab si gillboard!!! sawi... sawing-sawi... hahaha
raft3r: di masyado... trust me... konti lang... hehehe
kane: pwede... ganun ginagawa ko... hahaha
redthemod: sobra naman... deranged talaga!!!
speaking from a newly-attached blogger's point of view:
Yes - mejo dumalang ang pag-update, ang dating 1-2 entries a day ay naging once a week or worse, 5 entries in a month.
Yes - sobrang keso. maski ako mismo tumatayo ang balahibo at nasusuka sa sarili ko.
No ako dun sa 3rd statement mo. May iba pa naman akong topics aside from my lovelife. Yun yata ang ikinaiba ko dito. Hehehehe. :)
Anyway, nice post and most of them appear true. :)
nagiging malala lang pag nagaaway. kung minsan damay pati yung buong blog.
''Ang blogger pag nainlove, medyo nawawala or nagiging less active sa kanyang pagsusulat.''
Woy, hindi totoo yan! Eh di sana hindi pa ko babalik para magsulat ng kakesohan sa blog ko lalo na ngayong araw ng mga puso! OA neto.. lolz
Haha, natawa lang ako, natamaan ako sa pagiging less active sa blog eh.. Busy lang ba.. (defensive)
pano naman pag di inlove? :P
kung hei fat choi, gilbert!!!
I love blogging!! ~
abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~
hmmn.. sa tingin ko ganyan ka pag inlove..=>
Post a Comment