Mga Sumasampalataya

Feb 14, 2010

LOVE LETTER FOR NO ONE

Sa Iyo,

Nagdaan nanaman ang Araw ng mga Puso. Maaaring ngayon ay iba ang kasama mo, maaaring gaya ko, pareho tayong naghihintay at naghahanap sa isa't-isa.

Hindi ba nakakapagod, maghintay sa iyong The One? Ako rin, medyo napapagod nang hanapin ka. Kaya ang hiling ko, sana'y magpakilala ka na para matapos na ang paghahanap nating dalawa.

May nakapagsabi sakin na hindi pa naman daw ako handa na makasama ka. Hindi pa daw ako marunong magmahal. Sa tingin ko naman maraming katulad ko. Madami pang dapat na matutunan. Siguro ganun ka din naman. Pero di ba masarap na sabay tayong matuto. Pag-aaralan natin ang isa't-isa. Para din hindi masyadong marami ang pusong masasaktan.

Kung nakilala na kita, magparamdam ka sana na gusto mo ako. Minsan kasi may pagkatanga ako. Bulag. Nasa harap ko na, hindi ko pa makita. Wag kang mag-alala kung baligtad ang sitwasyon, ganun din ang gagawin ko.

Siguro sasang-ayon ka na minsan talaga, nakakapagod mag-isa, kaya sana dumating ka na.
Handa na itong kalahati ng puso ko na punan ng sa iyo. Handa na din akong ibigay ang kalahati para sa'yo.

Gillboard

22 comments:

Mokong™ said...

Based?! Haha
Hayop sa kakesohan ahhh! Swerte naman ni No One!
Sana this year pare sa year of the Meatl Tiger, may pangalan na si No One...

gillboard said...

sana nga moks, mapangalanan na yang si no one ngayong taon... hehehe

ACRYLIQUE said...

Naks! Pizza nman jan! :)

Chuck Suarez said...

Sana this year dumating na si The One. Kiong Hee Huat Tsai!sp

Kosa said...

sana dumating na nga sya kung darating man...

sabi kase nila, Hindi lalapit ang PALAY sa TANDANG na gutom.lols

Galen said...

Teka, diba parang balita ko eh may special sumwan ka just a few months ago? O mali lang ako ng sagap na balita?

The Gasoline Dude said...

Dadating din 'yan. Malay mo hindi pa pinapanganak. LOL

Dhianz said...

naks! hangswit! other side of kuya Gilbert... don't wori kuyah... sabi nga don sa isang contestant sa wowowee... ang quote nyah eh... "hwag kang malungkot na nde pa sya dumadating sa buhay moh... dahil nde ren sya masayah dahil wala ka pa sa buhay nyah" naks! oh devah... ingatz lagi kuyah... darating den syah for sure... traffic kc kaya naglakad na lang syah... kaya medyo natagalan.. haha.. hagnkorni.. lolz... Godbless! -di

glentot said...

Naks may destiny ito...

an_indecent_mind said...

alin ba talaga ang mas tama, "ibibigay ko ang puso ko sayo ng buong buo" o "handa na akong ibigay ang kalahati para sayo"...

ENS said...

wow!

Anonymous said...

Hi there! I was wondering if you would consider posting an article of mine. It's about an up and coming band about to enter mainstream this year. They are currently working with D.Bascombe, the producer/ mixer who has collaborated with Kylie Minogue, Natalie Imbruglia, Verve, Suede, etc.

If you agree to post the article, I will provide you with the article and pics. Also, for your effort, I can send $0.10 to you via PayPal. :) And I'm including a free mp3 of the band's song which I hope you will enjoy as much as I did! :D The article may also help drive a different population demographic to your site, which will hopefully further increase your readership. :D

Tell me if you're interested in posting my article. Contact me at doc_alma_jones [at] yahoo [dot] com. Thanks for your time!

Cheers,
A.J.

Chyng said...

^ nakareeive din ako ng offer nyan.

anyway, taray ha, sulatan ang sarili. dami time magmoment sa office. gusto ko na mag-apply jan! Ü

Chingoy said...

sweetness ehhehe

pero sana wag ka mapagod sa paghihintay...:)

Raft3r said...

parating na yan
medyo natrapik lang sa edsa
hehe

Lawstude said...

aw. sana mahanap na si no one. :)

gillboard said...

lawstude: salamat...

raft3r: onga eh... inaayos nanaman kasi kalsada sa edsa eh.. lecheng mmda yan... hehehe

chingoy: di naman nakakapagod maghintay... ang nakakapagod... maghanap... hehehe

chyng: sa bahay ko naman ginawa to... pero totoo, madami akong petiks moments sa office ngayon...

ens: :P

homer: basta ang alam ko ang mahalaga ay ibigay mo ang puso mo para sa iisa lang... yun yon... hehehe

glentot: parang wala naman... hehehe

dhianz: gusto ko yang contestant na yan ng wowowee... may punto siya... hehehe

gasul: wag naman sana ganun!!!

joms: alin dun? hehehe

kosa: di pa naman gutom yung tandang... kaya pa maghintay.. hehehe

chuck: thanks. Happy Chinese New Year din sayo...

acrylique: ano meron? hehehe

the donG said...

nakakapagod mag-isa, kaya sana dumating ka na.>>> nandyan lang yan sa tabi tabi. pansinin mo na daw.

Jepoy said...

Whoa! Akala ko na ligaw ako nag iba ang template..Nice!

Darating din Yan! Pag dumating I'm sure bongga ang magiging happiness mo :-D

God Bless!

gillboard said...

jepoy: ang new look ay dahil sa wala akong magawa sa opisina... siyam na oras akong nakatunganga ngayon... hehehe... I LOVE MY JOB!!!

dong: pag may nagpapansin... pero parang wala naman.. hehehe

moonsparks said...

naks. ang cheeesy. haha. :p pero sana nga, mangyari to for you this year. tsaka sa akin din.

waaait a minute. bakit di na lang kaya.... ;) joke lang. hahaha.

7a'faR said...

I LOVE U...

Hahaha


abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~