Mga Sumasampalataya

Aug 30, 2010

TUNGKOL SA MGA KWENTO NG PAG-IBIG

Kung naging mabait ba ang madrasta't kapatid ni Cinderella, mamahalin ba natin siya? Kung di ba kinagat ni Snow White ang mansanas, magugustuhan ba natin siya? Kung si Beast ba ay naging isang karaniwang prinsipe lang, mapapansin ba natin ang kwento nila ni Belle?

Masarap basahin ang mga kwento ng pag-ibig. Masarap pakinggan. Lalo na yung mga kwentong hango sa tunay na buhay, at yung mga nagtatapos ng masaya. Natututo tayong maniwala.

Pero sa likod ng itinakdang halik. Bago natin marinig yung tatlong salitang gusto nating marinig. Yung mga tao sa likod ng mga kwentong ito, marami silang pinagdaanan. Merong mga magaganda, at merong malulungkot. Masaya yung magaganda, pero ibang klase rin pag malungkot na. Sino ba ang hindi dumaan sa problema? Tungkol sa ex, sa mga kumplikasyon, mga kaibigang di sumasang-ayon, sa drama, lahat ng susubok kung gaano katibay ang pundasyon ng inyong relasyon.

Pero gaano man tayo nasasaktan, nahihirapan sa lahat ng iyon, ito yung mga sangkap na nagpapaganda sa ating kwento ng pag-ibig.

Kung sabihin ko sa inyo na ang kwento namin ng kasintahan ko ay simple lang, nagkakilala, nainlove at nagkatuluyan, siguro mabuburyo kayo. Ako man, mababato. Siguro kung ganun nga ang nangyari, dalawang buwan na akong single ulit. Di ko man kinukwento dito, pero ilang beses akonog nalungkot, umiyak, nasaktan at nadepress bago naging kami. Pero ayus lang. wala akong pinagsisihan, sa huli lahat ng aking pinagdaanan ay nasulit.

Sa mga kwento ng pag-ibig, ang importante lang naman ay tayo ay naniwala, naghanap, nagmahal at lumaban para dito.

Tungkol doon naman talaga ang mga kwento ng pag-ibig, di ba?

*********************
Ito'y para sa mga naniniwala, naghahanap at lumalaban para sa pag-ibig.

Sa mga naghahanap ng dahilan para ngumiti.

26 comments:

gillboard said...

tagalog version ng isa kong sinulat sa isa kong tahanan.

wala lang. perks of having an english and filipino blog.

Maldito said...

eh kung hindi dahil sa mga photanginang mga fairy tales na yan eh di sana walang maraming mga tao na umaasa na ang pag-ibig ay isang simpleng istorya lang.

At kailangan bang magpakahirap para lang makamit ang kasiyahan..ang hirap. Basta sa pag ibig maraming pagkaiba. Ibang definition. Ibang pananaw. Pero sa huli naman talaga, kaligayahan lang ang nais nating makamtan.

Ewan, pero ngayun masaya parin ako sa pagiging single. I mean, parang in relationship, pero parng single na din. ewan.ahahahaha...

sana nga ang taong mamahalin natin ay maaaring mabuo lang sa isang simpleng kwento lang. Sa isang madali na sulat kamay lang.

:(

Maldito said...

todo react? affected ang potah.

Stone-Cold Angel said...

Congratulations!!! Ngayon ko lang nalaman na double ka na "DOUBLE" ka na pala. Sana tuloy tuloy na yan! =)

goyo said...

ang pag-ibig ay may iba't ibang kahulugan depende sa dalawang taong nagmamahalan. hoho. sama-sama na lahat sa pag-ibig. maging ako lumuha na, na-depress, natigang, nalito, higit sa lahat lumigaya. tulad mo wala akong pinagsisihan. mahal namin ang isa't isa. :)

Pordoy Palaboy said...

away-bati tapos cool-off tapos nagkabalikan...lahat ng ito ay pagdada-anan natin para subokin ang tibay ng relationship...

Null said...

Hindi ako naniniwala sa fairytale, they live happily ever after at "THE END"... Love is a continuous process and progress... it will never end, it may have gone stray but the lessons and experiences will stay no matter how deeply wounded you've been.

Unknown said...

Loving is recognizing 'otherness' in search of happiness. The common mistake lies in focusing too much on the end (happiness) and overlooking the means (recognizing otherness by loving the person for his/her own sake).

I would like to say that just as love is all about BEING happy, it's more importantly about ACTING to be happy.

Thus, we have to CHOOSE to ENDURE and OVERCOME the circumstances of love if we WILL to be HAPPY. Not only does this make us worthy of being happy, it also transforms us into becoming better persons. :)

The Philippine Guild said...

proves that life is never dull. at least yours ain't.

Shenanigans said...

love knows no gender, race or color

my-so-called-Quest said...

"Some love stories aren't epic novels, some are short stories. But, that doesn't make them any less filled with love."

fave line ko yan! hehe

ellehciren said...

i dont believe in fairy tales too! a love story, just like a ring doesnt have an ending! love love love =)

A-del-Valle said...

naks!! walang di nasaktan pag na inlove! lol dadaan at dadaan talaga sa butas ng karayom ganon at ganon lang tang ina!! HEHEHEHE

escape said...

Di ko man kinukwento dito, pero ilang beses akonog nalungkot, umiyak, nasaktan at nadepress bago naging kami. >>> diyan nagiging mas matibay ang relasyon.

Chyng said...

ok trivia nalang, may cinderella 3, yan yung what if. hindi kay cinderella kumasya yung slippers! pero at the end, the prince still found its way back to cinderella. ♥

glentot said...

Kailangan nila Snow White at Cinderella ng mga pagsubok at mga villains, dapat nilang pagdaanan yun. Minsan pati mga villains naiisip ko, mga tao rin sila na may minamahal... ahahhaha wtf

Photo Cache said...

pang fairytale lang yan - sa totoong buhay simple lang ang mga love istori. may drama man di gaanong matindi na mapapasigaw ka ng BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA.

gillboard said...

photocache: well, truth is stranger than fiction. malay natin, pero di siya pangkaraniwan.

glentot: may nagsabi sakin, minsan ang evil deeds ay dahil kailangan para sa good.

chyng: cartoons ba yun?

gillboard said...

dongho: tama. feeling ko matibay talaga yung samahan namin. hehehe

poy: yup yup.

ellehciren: di talaga. love stories end pag nawala na siguro yung 2 nagmamahalan. even after death, sabi nila the love story still continues.

gillboard said...

doc ced: awwww. that's nice. san galing yang line na yan?

shenanigans: no boundaries ika nga.

phil guild: that's a matter of perspective. life isn't dull. it's just how you look at it, i guess.

gillboard said...

christian: naks, that's deep. i remember you once told me that. :)

roanne: yup love stories don't end. as long as there is love.

ghienoxs: hahaha. true. saya talaga ng love life.

gillboard said...

goyo: naks. nawa'y hanggang ngayon o hanggang katapusan ang inyong pagmamahalan.

stonecold: tagal mo na kasing nawala. matagal na din akong double. mga three months. hehehe

maldito: hindi. hindi halata na affected ka. slight lang siguro, pero di masyado pag binasa ng kaswal lang.. hahahaha

pusangkalye said...

naniniwala parin ako na easy to get, easy to forget. totoo yun/ parang wala lang sense kasi lagi nating naririnig, pero pag nasubukan mo nang magmahal o magkaroon ng syota, madali nang maintindihan---dahil sa dami ng mga pagsubok sa relasyun, dun kanalang kakapit minsan e. sabihin mo sa sarili mo, dugot pawis pinuhunan ko dito, aba, diko igi-give up to ng ganun ganun lang!!!

Raft3r said...

Gaya ng mga kwento sa libro
Love is simply just a fairy tale
Hehe

Anonymous said...

Kung gaano mo kamahal ang isang tao mas doble at triple ang sakit na mararanasan mo...

Ohme- :(

iamthemorningstar said...

=)