Mga Sumasampalataya

Sep 10, 2010

PARA DUMAMI ANG BLOG HITS MO

Wala akong masyadong tinatrabaho ngayon sa opisina kaya't naisipan kong mag-ikut-ikot sa blogosperyo. Napansin ko kasi na nitong nakaraang mga araw, ay iisa ang tema ng mga nagsusulat ngayon... tungkol sa blogging. Nainspire tuloy ako magrepost ng isang lumang katha.

Di ito direktang tugon sa mga nabasa ko nitong nakaraang mga araw. Basahin ninyo ito ng buo para di mamisinterpret ang nais kong sabihin.

*******************

Matagal tagal na akong nagsusulat dito at naisulat ko na rin lahat ng mga napapansin ko tungkol sa mundong trip na trip kong balikan tuwing nagtatrabaho ako. Pero eto lang napapansin ko, lalo na sa mga baguhang mga blog... kadalasan sa kanila ay nais agad na sumikat sa blogosperyo. Yung tipong mahalaga ang bilang ng hits sa isang araw. O binibilang ang dami ng kumento sa kanilang post.

Hindi ko sila pupunahin, dahil minsan naging ganun din ako. Naging mahalaga ang mga numero para sa akin. Di pa rin nawawala yung ebidensya, dahil di ko pa tinatanggal yung hit counter ko hanggang ngayon. Actually, tutulungan ko pa nga sila sa pamamagitan ng post na 'to. Gaya ng titulo... eto ang kelangan niyong gawin para tumaas ang hits ng blog ninyo.

1. MAKISAKAY SA ISYU
Tuwing may bagong balita na sasabog sa bansa o sa mundo, tiyak sikat ang mga yan, at maraming mga taong maghahanap ng mga balita tungkol dun, sa google na lalo. Kaya pag may lumabas na bagong iskandalo, bagong virus, bagong hostage taking, beauty pageant o kaya'y mga isyu sa showbiz isulat ninyo. Kahit wala kayong alam tungkol sa problema sige go lang, lumabas lang sa link sa search engines yung blog ninyo. Tiyak ko madami bibisita senyo.

2. KUMENTO LANG NG KUMENTO
Magblog hop kayo tapos magkumento kayo sa mga post ng mga binisita ninyo. Kahit di niyo na basahin yung sinulat nila, magsabi lang kayo ng "nice blog... visit mine..." siguradong may bibisita sa inyo... eventually. Kung tinatamad ka namang magclick ng mga comments page kasi masyadong pahirap magpacomment ang ibang mga blogger, eh maghanap ka ng cbox at dun ka maglagay ng mga mensahe mo gaya ng "just checking your blog... visit mine too". Wag kakalimutan ilink yung blog mo... At habang andun ka na rin at naglalagay ng comment, itanong mo na rin kung pwede kayo mag link exchange, kahit di mo ilalagay yung sa kanya, makasiguro ka lang na nalink sa blog niya yung page mo. Dadami talaga magiging mambabasa mo, lalo na kung sikat yung pinagpaalaman mo.

3. PAGANDAHIN ANG BLOG
Lagyan mo ng kung anu-anong widget yang blog mo. Decoratan mo ng kung ano-anong litrato, makaattract ka lang ng mambabasa. Kahit tig-isang paragraph lang mga sinusulat mo, ayos lang basta maganda tingnan yung blog mo. Lagyan mo ng pichur ng mga hubad na artista. Tapos ikabit mo na rin yung twitter widget mo, para masabi ng mga tao na techie ka at hindi nahuhuli sa uso. Lagyan mo rin ng mga kanta yang blog mo. Para hindi boring at masaya basahin pag may naririnig na musika. Kung fan ka nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ilagay mo litrato nila... yung mga nakahubad para panalo talaga.

4. MAGKWENTO KA TUNGKOL SA $3X
Aminin man ng karamihan o hindi MARAMING MAKAKATI sa blogosperyo. Kahit wala ka pa karanasan... isulat mo na lang yung mga pantasya mong mangyayari sa'yo ng kras mo o ng pinagpapantasyahan mo. Kung may mga bidyo kang nahagilap ilink o kaya naman ipost mo dyan. Kung gusto mo naman, bidyohan mo ang sarili mong nagsasarili o may kasama at ilink mo dun sa blog mo. Maaaring kumita ka pa. Isa sa pinakamadalas hanapin sa Google eh mga kwentong ganun. Siguro 3/4 ng nakakarating sa blog ko na galing sa google, jack0l ang word na hinahanap. Kaya sigurado ako dadami bibisita sa'yo niyan.

5. MANGHAMON NG AWAY SA IBANG BLOG
Hindi lang darami ang mambabasa at bibisita sa blog mo, pag-uusapan ka pa. Nothing brings more hits to your blog than a good controversy. Punahin mo ang grammar ng ibang blogero o kaya'y salungatin mo ang paniniwala ng isa pa, siguradong di lang kontrobersya ang papasukin mo, sisikat ka talaga!!! Madami nga lang makakaaway mo. Pero for the sake of hits, sulit naman ito.

**********
Malamang merong mga tinamaan nito. Di ko nais na mang-away o mamuna. Naiintindihan ko kayo. Gaya ng sinabi ko, ako man dumaan sa ganyang stage. Pero over time, pag may mga naging kaibigan ka na. Kapag meron nang regular na bumibisita sa iyo, o kapag may mga nawawalang mga mambabasa, marerealize mo, di nila binibisita yung tahanan mo kasi maganda yung mga larawan na nakapost dito. O kaya'y naghahanap din sila ng magkukumento sa mga sinusulat nila. Bumabalik sila kasi nakakarelate sila sa sinusulat mo.

Sa mundo ng blogosperyo naman, hindi mahalaga ang sikat ka. Madami ka ngang tagahanga, pero di mo naman kayang isustain yung mga ideya mo, masasapawan ka lang ng ibang mas magaling na magsulat sa'yo.

Darating din ang point na dadami ang magbabasa sa blog mo, basta naging totoo ka lang sa mga sinusulat mo. Ang tunay na dahilan naman talaga kaya naimbento ang blog ay para ilabas ng isang tao ang saloobin nito. Hindi para pasikatin ang sarili, kundi upang gawing outlet ng mga frustration, kaligayahan, lungkot, galit at kung anupamang hindi kayang sabihin sa mundo.

Ang hits darating din yan. Hindi mahalaga na napakaganda ng blog mo, kung ang nakasulat naman walang saysay. Parang lobo lang na magandang tingnan pero hangin ang laman.

45 comments:

casado said...

i think kahit nman mag iwan ka ng mag iwan ng message or mag comment ka sa mga cbox, kpag pinuntahan nila ang blog mo at di interesting, di nman sila babalik pa...

for me importante sa akin ang mga nagkokomento...pag umonti na yun, bka tumigil na ko ehehhee :P

John Ahmer said...

may nanghahamon pala ng away sa blogosphere?

para saken me mag komento o wala okay lang basta mailabas ko lang kung ano gusto kong isulat = )

teka, sapol ata ako sa pagpapaganda ng blog -- haha at maglagay ng kung ano anong widgets.

Maldito said...

gusto ko ng away?sino me gusto? feeling ko kasi nilalangaw na blog ko..ahahhaha..

tamah!!!!!!!!!!! una lang naman yung numbers...sa huli ang importante eh yung sinusulat at hindi kung ano anong numbers....char lang. hindi ko naman tlaga alam kung ano ang pinagsasabi ko.ahahahhaa....

ingat bro~

glentot said...

Number 5 is so true, halos lahat naman true pero number 5 is proven!!! Speaking from experience pero hindi ko naman ginawa para lang magparami ng hits, asshole talaga yung nakaaway ko ahahahaha

Jepoy said...

I so agree sa lahat ng points. halatang ang nag sulat ay matagal na sa blogging world. Napag daanan ko rin ung mga yan. Ang blog para sa akin ay outlet, kung walang magbabasa FINE kung MERON Tenchu. Kung mag cocoment at bumabalikbalik talaga eh Tenchu then pero bonus nalang iyon.

I like this post! Blog on.. :-D

Chyng said...

o kaya magpost ng sariling scandal. tingnan lang natin kundi ka bumida nyan. haha

naglagay nako statcounter ( i know meron ka din). dumadami haters ko eh. kealngan makita where are they coming from. 0_o

Rah said...

nice blog, care to visit mine?

bwahahaha :)

sakin lang, ang pagbblog expression, hindi para magpaimpress. Kung may magbasa, salamat nalang.

Pero kung trip talaga nila eh, paramihan lang ng hits. Eh walang tatalo sa mga blogs na pornsite ang dating, yon marami talagang hits yon.

Tristan Tan said...

At the end of the day, it's not really about the hits (unless you're ultra poor and need additional income from blogging) nor is it about the number of followers. Blogging is all about self-expression and being able to convey your message clearly. Besides, bloggers who beg to be visited in their sites (by adding their website to every single comment they make online) are, as I see it, extremely lame.

So on that note, please visit www.tristantales.com. Haha.

Alter said...

sex sells. :)

USL is a few steps away. hehe.

The Gasoline Dude™ said...

LOL! Natawa ako. Sino ba pinapatamaan mo habang pinopost mo 'to? Aminin mo na. Hahaha. :)

Main essence of blogging is still sharing thru writing. But you don't have to be a good writer to become a good blogger.

Nakakatulong din sa pagpapadami ng hits 'yung pag-build ng character mo sa blog and making that lasting impression to the readers.

khantotantra said...

1-4 nagawa ko na noon pwera sa five, mahirap naman ang mang-away at makuyog sa blogworld.

naka 3 blog hop na ako na halos importance of blogging ang lesson. :D

Popoy Inosentes said...

depende talaga kung anong nais o anong reason ng isang "blogger" kung bakit sya nagblog. ok ang mga nilista mo dito gill. :)

Led said...

Pinaka-epektibo yung mag-kwento ka tungkol sa sex. XD Haha
Yun din yung nababasa ko sa iba e. Tumataas daw ang hits ng blog kapag related sa ganung topic yung mga post. XD

EngrMoks said...

Guilty! Dati mahilig ako mag bloghop, comment para magcomment din sila sa akin, ngayon parang ginagago ko na lang ang sarili ko. Kung Gusto nila ang post ko kahit na wala akong comment sa blog nila magcomment sila.
Yung widget, and daming blogger na ganyan, minsan sa sobrang dami, ang tagal magload ng wall nila...

escape said...

parang pinaka ok yung mang away sa ibang blog. pwede ba dito gawin yon? lol.

Traveliztera said...

ahahahaha parang ako ung natamaan sa nagpapaganda ng blog haha... sa sobrang dami ng widgets, tinatry kong magbura these past few days hahaha dahil ANG KALAT NG BLOG KO! hahahaha!

aajao said...

natakot ako sa number 5, pramis. hahaha!

MaginoongBulakenyo said...

Simulan ko na nga makipag away ngayon sa ibang blogger..hahahaha

Pero agree ako kay tristan.

Ewan said...

nice blog.... visit mine...

meh ganun?! jejejejeje

thanks for the info

DRAKE said...

reposted ba ito brod? parang nabasa ko na ito dati!hehehhe

babalik-balikan ka nng readers kung may nakukuha sila sa blog mo, probably entertainment or informative facts and opinion.

ingat

Mugen said...

Dahil sa entry na ito, parang gusto ko yata mag-expand ng followers. This time, sa mundo naman ng mga straight. Wahahahah!

Unknown said...

1. makisakay sa isyu - probably.
2. comment ng comment - mag cocomment ako kung meron, pero di ako nag cocomment para lang may dumalaw sa bahay ko at mag comment sila pbalik.
3. beautify - hubad este seminaked na picture (ko?) - proven na nakakarami ng hits yan dun sa iba kong bahay.
4. Ipon muna ako ng lakas at materials =)
5. I've done that - mang agitate in general - movie review ko sa Avatar - which is pinakapangit ko ring post - kasi nga eh nanghahanap lang ako ng gulo hehehe


ang isang tip ko pa.. depende nga sa title ng post mo - madalas ang title ko ay yung madalas ding i-search sa google - madalas english ang title ko kahit tagalog ang post =)

ellehciren said...

cutee! visit mine! hahaha!

Anonymous said...

Nice post! Ex-links? Wahehehe! Tumpak yang mga yan!


An_indecent_mind

John Ahmer said...

what an excellent post and points you have there.

if you have time try to visit my blog and drop some statement of opinions on the comment section. Nyahahahaha : D

Photo Cache said...

poynt numero 3 pag mas maraming borloloy (widgets, etc) ang blog lalo akong na te turn off :(

mabagal kc magload page eh.

Null said...

tama lahat!

naniniwala ako na pagmahalay ang blog mo or entry dadami ang hits mo... napatunayan ko na yan sa post ko na "Kantunan Tayo! Tara!" (kahit hindi naman talaga mahalay ung post ko) pati ung mga tahimik nabubuhayan ng dugo.

naiinis ako sa mga care to x-links request.. haha! parang ang dating kasi... i-link kita kung i-link mo ko.

kikilabotz said...

ay may gulay ang blog ko ay puro hangin ang laman at walang kakwenta kwenta.. hehe.

para sa akin ang kahalagahan ng blog ay naeenjoy ko ito

Boris said...

hahahaha may point ka dyan especially number 5 XD

Raft3r said...

magawa nga lahat ng ito
hehe

Shenanigans said...

paano malalaman yung blog hits mo?

Brokenhearted said...

HELLO IM A NEW MEMBER PANO KO MA E POST BLOG KO D2 ??

Oman said...

teka... asan yung mga pektyur ng mga hubad na artista?

Klet Makulet said...

dati mahalaga sakin yung traffic (sa blog) ngayon di na masyado... mahalaga na sakin yung may nagbabasa at may magcocomment kaso wala naman masyado nakakacomment sakin puro no comment weheheheh

Anonymous said...

siguro kanya-kanyang trip lang talaga kung bakit nagbablog. kung yung dahilan mo eh importante at higit na nakatataas eh baliwala ang mga hits. nako ano kayang dahilan yun? haha!

gillboard said...

prinsesamusang: meron talagang mga blog na personal journal lang ng may-ari. as in wala sa kanila kung may makakabasa o hindi. sulat lang sila ng sulat ng nasa isip nila.

klet: bakit parang may hint ng pagtatampo iyang kumento mo, ha? hmmmm...

lawstude: dami dyan. maglibut-libot ka lang. hehehe

joseph: welcome to my blog!!! sana'y makuha mo ang mga ninanais mo sa blog mo.

shenanigans: merong mga blog hit counter na widgets dyan na pwede mong iadd sa blog mo.

gillboard said...

rafter: di mo na kelangan denoi, sikat ka na eh. nagpapakontes ka na nga oh!!!

boris: sabi nga ni glentot, proven na yan.

kikilabotz: sa kahit anong ginagawa naman natin, yun talaga ang mahalaga.

roanne: naku, kung babae ang magsusulat ng ganun, tiyak blockbuster yung blog na yun. hmmm. napaisip tuloy ako, wala pakong nabibisitang mahalay na blog na gawa ng babae.

photocache: exactly!!! kakainip, kaya minsan di ko na binubuksan.

gillboard said...

ahmer: i certainly will. pag di masyadong nosebleed ang post mo. hehehe.

indecent: can relate ka ba? hahaha

ellehciren: salamat. visit mine din. all the time. lolz.

ollie: naku parang gusto kong makita yang isa mong bahay ollie, sabihin mo naman kung saan yan.

joms: wala namang masama dyan sa balak mong yan. daming gumagawa niyan. hehehe

gillboard said...

drake: ikaw, napaghahalatang nagskipread ka. sa umpisa pa lang ng post sinabi ko nang repost to eh. hehehe. peace!!!

ewan: thanks for visiting.

maginoong bulakenyo: hahaha. ayos yan, wag lang ako ang awayin mo ha. di ako nakikipag-away sa mga kapwa ko blogero.

aajao: bat naman? wala naman nakikipag-away sayo.

traveliztera: isang rule sa mga post kong ganito, bawal umamin!!! hahaha

gillboard said...

dong ho: ayoko!!! manghihingi pako ng pasalubong galing japan sa'yo!!! pero pag wala kang binigay, sige blog war tayo!!! hahaha

mokong: moks, dalawang beses ko nang pinost to. dalawang beses ka na ding umamin. hahahaha

led: di siya effective sakin. 2 beses nako nagpost ng ganun, wala masyadong nagbasa. hahaha. di sanay mga tao sa mga ganung post mula sakin. hehehe

popoy: totoo naman kasi. pero di yan mga paraan para bumalik-balik ang mga tao sa tahanan ng isang blogger.

khantotantra: yup. mahirap makipag-away. lalo na kung sikat kaaway mo. daming kakampi yun, mabubugbog ka lang.

gillboard said...

gasul: spoken like a true blogger. agree ako sa sinabi mo. pero wala talaga akong pinapatamaan sa post na ito.

alterjon: yup. aasahan kitang dadaan sa station ko sa miyerkules ha. sweldo na nun. lolz

tristan: naku, andaming tatamaan dyan sa sinabi mong yan. hehehe

rah: talaga? di pa ko nakakabisita sa mga ganung sites eh. hehehe

chyng: helpful din yan actually. alam ko kung sino papasalamatan ko sa mga napapadpad dito sa bahay ko. yung naglilink sakin ng di ko alam. :)

gillboard said...

jepoy: salamat. i like this post too. so much kelangan irepost. hehehehe.

glentot: ngapala, you can so relate. ano na nga pala nangyari dun sa kaaway mo?

maldito: sa umpisa lang yung numbers, pero pag di naman bumabalik yung napapadaan, mapapaisip ka rin kung tama ba yung mga sinusulat mo.

ahmer: no comment ako sa unang sinabi mo. hehehe. wala naman masyadong burloloy yang tahanan mo. tama lang.

soltero: tama ka. pero dun sa huling statement, me ganun talaga?

-=K=- said...

Tama ka jan. Super agree ako. Nung nag uumpisa rin ako conscious pa ko sa dame ng hits ko. Pero as time goes by, mawawala na rin sa sistema mo yun at lalabas na talaga ang pagiging totoong blogista mo. Ang magsulat for the purpose of gusto mong magsulat - whether may magbasa man or wala.

P.S. Care to x-links? Hahaha! Joke. Ayoko ng mga ganitong hirit.

WV: swamud (sounds like ta-m**) haha! Bastos!

Master Clutter said...

haha. point no. 2

im new here. nice blog. can you visit mine? ahaha.

pero di nga, try to visit mine. ur inouts will be highly appreciated. haha! salamat.

http://clutteredmind00.blogspot.com

Yffar'sWorld said...

Aha...ganito pala ang dapat gawin para dumami ang mambabasa! XD I've been on blogger.com since January of last year - pero hanggang ngayon wala parin akong reader (mind, I'm not bitter or anything, ok... *insert sniffle here*).

But seriously, it is always nice to see numbers, and to be read, and criticized and applauded, (I'm a hypocrite if I say I don't want attention on my writing) - but this is not my main purpose on blogging, bonus lang kumbaga kung may magbasa at tumangkilik. I blog and I write because it is the most liberating experience in an otherwise suicidal world. Itong mundo ng blogosperyo ang naging parausan ko ng lahat ng sama ng loob, galit, kasiyahan, at kung ano-ano pang drama sa buhay na hindi ko masabi sa tunay na mundo (medyo guilty ako dito kasi kung minsan feeling ko nakakahawa yung mga emoish posts ko lalo na last year). Kung minsan naman, errr, wala lang - I write just for the sheer joy of punching random words on the keyboard (lalo na pag walang magawa.) XD

Pasensya na sa mahabang comment. XD Ang gusto ko lang naman talagang sabihin eh - nagustuhan ko ang blog mo.

XD