Eto yung mga plano kong gawin noong nag 26 ako. Natupad nga ba?
- Go out of town at least once.
Noong isang taon, hindi man ako nakapagbeach, nakalabas naman ako ng Maynila... more on this mamaya.
- FInd a new job... a non-call center work
hmmm... medyo natupad naman ito. Ang trabaho ko ngayon maaari nating sabihin na call center work. Pero iba naman ito sa dati kong mga trabaho. Mas petiks ito ngayon... kaya mahal ko ito.
- But first resign from my latest work
Oo. Nilayasan ko yung trabahong iyon...
- Leave the country? (still in question)
Gaya ng sinabi ko sa una kong goal, umalis ako ng Maynila para magtraining sa New Zealand ng halos isang buwan. Hindi ko inaasahan na may ganung plano pala para sakin ang kung sino man ang nagpapatakbo ng buhay ko.
- Learn everything I need to learn about my pc (be more techie)
bobo pa rin ako sa pc.
- Join a game show on tv (high time people see me on screen again)
Hindi na ako umaasa dito.
- Save more money
Noong Pasko pa lang ako nakapagsimula dito. Pero at least naumpisahan ko na. At yun yung importante.
- As of writing, I really want to have a kid...
Nagbago na ang isip ko... Siguro pag trenta nako... syota muna hanapin ko.
- Write more interesting and entertaining entries
Kung ikukumpara ang dami ng mambabasa ko ngayon kesa sa 2 o 1 (na minsan pinipilit ko pa), siguro naman nakakapagsulat nako ng matitinong mga panulat.
- Date more... FInd a constant date
Once a month na date mula noong Disyembre... yay.
- Meet more new people...
Syempre natupad ito, kasi syempre nagsimula ako sa bago kong trabaho. At nagkaroon din ako ng maraming mga nakilalang mga banyaga.
- Spend less on comic books
Sa loob ng apat na buwan, noong mga panahong wala akong trabaho, hindi ako bumili ng kahit na anong comic books.
ANG MGA PLANO KO NGAYONG AKO'Y MAG-27
- Makakilala ng mga kapwa ko mga may-ari at manunulat ng blog.
- Makapag-ipon ng malaki.
- Ituluy-tuloy ang pagbabawas ng timbang, at paghulma ng katawan.
- Maging kapaki-pakinabang sa aking pinagtatrabahuan.
- Palakasin ang pagkakaibigan sa lahat ng aking mga kabarkada.
- Dalasan ang paglabas ng Maynila, at malibot ang bansa.
- Gusto ko madagdagan ang mga tunay kong mga kaibigan.
- Mag reconnect sa mga kaklase ko noon na sobrang tagal ko ng di nakikita.
43 comments:
Uy, advance hapi bertday sayo.
number on you list..malapit na... ahihihihi
number 2...harinawa hehehe
numebr 3...inshallah
number 4...kaya mo yan
number 5...kayang-kaya mo lalo yan.
numebr 6...jan papasok ung mga kakilala mong blogero na nasa iba't-ibang panig ng pilipinas hahaha
numebr 7...medyo may kahirapan yan...
number8....madali alng yan, marami tayong social networks jan apra mahanap mo sila eventually be reacquainted with them..
sa tingin ko naman eh magagawa mo sila...halos lahat...
haba berdi tu yu
haba berdi tu yu
haba berdi, haba berdi
haba berdi tu yu.....
happy natal's day!
see u soon
happy birthday!
at pwede naman magkaanak na walang gerlpren. hehe. joke!
wow advance happy birthday! why not celebrate your birthday with us this weekend. we're climbing pinatubo. itll make it more special. hehehe...
good luck on your plans.
masaya naman aco para sayo at natupad mo pa ang ilan sa mga plano mo. . sana matupad mo rin yang mga bagong plano para sa panibagong kaarawan mo. . lalo na ung makakilala mga blogger gaya mo . . hahaha. . .
aba. . wala jan sa plano mo ngayon ang mag asawa. . sige. . enjoy lang. . hanggang 40. . hahaha:-D
Maligayang Kaarawan Parekoy!
Naway patuloy kang kabayan at protektahan ng Diyos sa patuloy mong pakikibaka sa laban ng buhay. Sa diwa ng pagmamahalan at pagpapakatotoo, ikaw ay gabayan sa paghanap ng iyong tunay na kaligayahan...
Sabi ng aking bolang krystal:
Teka walang signal...
Ayan na...
Nakikita ko na...
hmmmm...
nwala ulit....
Manlibre ka daw muna! hehehe!
Hapi hapi parekoy! =)
Manlilibre ka? Haha.
Happy birthday sa'yo!
wow happy birthday tamang tama balik ko sa blog mo hehe
ako pwde be mag apply na friend mo?
padala ko n application form ko ha hehehe.
ganda yan may mga plans ka for the whole year!ako kasi kahit ano nalang dumating!tamad kasi!hehe
Happy Birthday pare! Inuman naaaaaaaahhhhh!!! Sana lahat ng plano mo matupad lahat ngayong taon..at isa sana ako sa mga nakilala mong blogger na tinuturing mong kaibigan sa mundong ito
BTW! Happy birthday ulit!
Advans happy beerday! Huwag masyadong mag-plano, just let things happen. On the other hand, don't listen to me; I don't know shit about life — look at the way I turned out, ehehe. Joke.
Advance happy birthday, man!
ahoy! happy birthday gilbords! i really am glad to have you as one of my super bloggah friends.. i may not read each entry you post pero i do remember to visit this blog..
and besides, who can forget a blogger who has a bird for an avatar? hahahaha!
HAPPY BIRTHDAY uli :)
ps. are you sure you want to spend to buy THE SAME xbox? naread ko to sa plurk mo eh!
Happy birthday bro! sana matupad lahat ng mga plano mo.
cheers!
Sa lahat ng bumati!!! Maraming salamat po!!!
Yanah: uyyy.. mamaya na uwi mo... pasalubong!!!
meryl: manlilibre ako... children's party sa weekend!! sama ka? hehehe
mac callister: sure... send mo sa email ko application mo. hahahaha
saka mo na ko painumin pag nakauwi na ko. hehehe. happy birthday pre.
mokong: lahat naman kayo itinuturing kong mga kaibigan. pantay-pantay lang... hehehe
bloom: oo bibilhin ko yung xbox 360 dahil kating kati na mga kamay ko na maglaro ng bidyo games
nyahahaha feb ka rin pala...hapi beerday!
mganda yung mga plano mo ngayong 27 ka...
basta dont wag kang mananawang kantahin ang whats up ng four none blondes. basta dadagdagan mo lang yung edad ha, 25 years kasi ang simula nun eh!
Happy Birthday! Wishing you good luck on the plans and keep it up with those funny posts. Hehehe...
ardyey: sige, sa susunod na buwan di ba?
mulong: ang 90's nung kanta ah... sige, hahanapin ko lyrics niyan... hahaha
mark ian: salamat!!!
Happy Bday Engilberto!!!!!! LIBRE! LIBRE!!!
HAPPY BIRTHDAY...
happy birthday!!!
good luck sa mga plans mo.. sana matupad mo.
pa-cheese burger ka naman. :)
magsama ka ng isa pang blogger pag nagkita tayo para lumawak din ang blogger network ko. yung low profile blogger lang ha. yung tulad natin. hehe.. wag yung mga sikat na nananalo ng mga blog awards. baka ma-OP tayo. LOL
Maligayang Kaarawan sa iyo, Gillboard!
happy bday kuya gillboard! hehehe
enjoy lang today!
Wee! Happy Birthday Gillboard! :)
Para lumaki ang ipon mo, tigilan mo na ang pagbili ng comics. Magdownload ka na lang, tapos yung bilin mo eh yung TPBs na. Ayan.
At palagi kong sinasabi sa mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan - spend the day with the people who matter most.
kuya jon: tingnan natin kung may mahatak ako, la rin ako kilala eh... hehehe
makmak: lam mo tagal ko na gusto gawin yan, di ko lang alam kung paano... turo mo nga, please?
Hi Gilbert! Magkikita din tayo soon. Tapos get going sa pagpapapayat. Ang hirap kasing di tayo tumaba lalo na sa shift naten. Dame places to visit, yan o, inaaya kna ni Dong. Go go go!
Haberdey dear!
the dong: bakit this weekend pa?! dun lang ako magcelebrate ng bday... pero seryoso one of these days sasama ako!!!
chyng: feeling ko nga.. parang nakikita ko na nga anino mo sa lobby eh... hahaha... salamat
happy beerday!
INUMAAAN NA! :]
Maligayang Kaarawan gillboard!
padala ka dito ng pancit!
HAPPY BIRTHDAY!
You're welcome, kasi alam ko mag papasalamat ka. ;)
Anyways, nice. Ang daming goals, sana lahat yun mangyari. Wish you all the best Gill.
Spend less on comic books. Nyak! Di ka talaga makakapag ipon ng tama pag hook ka ng todo sa mga ganito.
Meeting different kinds of people is one good thing to find what you're looking for. Tumatanda ka na nga.. waha! Pero ilang buwan lang ang tanda mo sa'kin.. Kaya kasama ako dito..
God bless gill!
huli man ang magaling.. late na late pa rin.. hehehe
happy beerday sayo parekoy!
ito lang ang masasabi ko... ganyan talaga ang mga bagay bagay na sine-set natin para sa ating mga sarili... May mga natutupad at may mga hanggang duon na lang.. pero atleast may natupad ka.hehehe
ako nga minsan sa sampung bagay na gusto kong gawin eh lima lang yung nagagawa ko nga tama at maayos---angkop.
pero sa mga bagong plano na nakalatag, anglaki ng porsyento na makakuha ka ng pekpektong score..
gudluck at kitakits pa rin...hehehe
happy birthday, engilberto!!! dito na souvenir mo from munich..kaso painom ka muna bago mo to makuha..haha joke! wish ko for you magka gf ka na..after mo ako nman magbf ok? pero kung mashado ka matagal..uunahan nlng kita! hehe ingats mwah!
happy birthday...
may u find peace and happiness na...
all the best!
maligayang kaarawan sayo! nawa'y maisakatuparan mo ang iyong mga hiling! =)
Hmmm... ENGILBERTO?!
Nice ;)
Gill na lang.
SA LAHAT NG BUMATI SA AKIN KANINA, DITO, SA TEXT, SA FACEBOOK AT FRIENDSTER... MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!
BINUO NIYO YUNG KAARAWAN KO!!! DI KO NA KAYO IISA-ISAHIN KASI MARAMI, BUT DO KNOW THAT I APPRECIATE ALL THE GREETINGS!!!
THANK YOU...
Happy Bitrhday pareng Gilbert, don't worry you're not alone, mas bobo ako sa pc. Salamat dahil meron akong ces, to solve my technical problems for me.
Sana makamit mo lahat ng gusto mo. For sure marami ka nang kaibigan sa bloggers world!
Cheers to you!
weh naka-greet naman ako on time sa plurk. yihee!!!
"...As of writing, I really want to have a kid...
Nagbago na ang isip ko... Siguro pag trenta nako... syota muna hanapin ko..."
mabuti naman at narealize mong hindi mo kayang magkaron ng anak kapag walang egg cell. ahaha
happy birthday in advance para next year kabayan! mabuhay ka!
Belated Happy Birthday...wow---Aquarius ka rin?
Hmnn
napadaan lang po :) BTW , sana po matupad lahat ng plano mo at plano ng diyos for you :) godbless po .
Post a Comment