Mga Sumasampalataya

Feb 5, 2009

MY TOP FILMS: PINOY FLICKS

Normally, pag ang sinusulat ko eh yung My Top Films na post kung saan ko nililista lahat ng paborito kong pelikula, eh nakalathala ito sa ingles. Iibahin ko ngayon kasi, ang gusto ko namang isulat ay ang aking mga paboritong pelikulang Pilipino.

Hindi ako normally cheesy, at nanunuod ng mga chick flicks pero aaminin ko, karamihan ng mga nandito sa listahan na ito eh mga ganung klase ng pelikula. Dun yata tayong mga Pilipino mahusay sa paggawa, pagdating sa mga palabas sa pinilakang tabing.

Sa mga nakaraang mga post ko, may mga lumabas nang mga pelikulang pinoy, kaya kung nagtataka kayo kung bakit wala yung pelikulang gusto niyo, malamang nandun yun sa mga luma kong post... iklik niyo na lang yung tag na link sa baba nitong post na ito, kung gusto niyong malaman yung iba kong mga napiling pelikula.

Kung naghahanap kayo ng aksyon na pelikula dito, madidisappoint kayo. Kakaunti lang ang napanuod kong aksyon, dahil bata pa lang ako, memorized ko na ang magiging takbo ng kwentong ganun... may isang pulis na babaero, mamamatay yung asawa, maghihiganti, kung hindi siya mamamatay, yung kontrabida yung matetepok. Tapos.

Pasensya na, at karamihan sa mga nasa listahang ito eh mga bagong pelikula. Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig manuod sa mga pelikulang pinoy, pero simula ng nagkaroon kami ng Cinema One na channel, eh medyo nakakapanuod na ako ng mga ito... Naaappreciate ko yung iba, pero iba talaga eh.. ang corny ng karamihan. Hala, simulan na natin ito...

MAGIC TEMPLE
Eto yata yung nag-iisang fantasy movie na talagang nagustuhan ko ng todo. Kwento ito nina Jubal, Sambag at Omar at ang kanilang pakikipagsapalaran upang maging mga mahuhusay na mga mandirigma. Sa totoo lang, nakalimutan ko na yung kwento nito, basta alam ko aliw na aliw ako sa pelikulang ito. Ang galing kasi ng pagkakagawa noon, tapos ang ganda pa ng kwento. Talagang kakaiba, at masasabi mong pwedeng maihalintulad sa isang pelikulang banyaga.




HOME SIC HOME
Mawawala ba naman si Dolphy pagdating sa listahan ko ng paborito kong mga pelikula? Syempre hindi. Paborito kong komedyante si Pidol, kasi di ka lang niya mapapatawa, kapag may eksena na siyang iiyak, medyo makukurot din nito yung damdamin mo. Sa lahat siguro ng pelikula ni Dolphy, eto yung pinakagusto ko. Kwento ito ng mga karakter nina Dolphy at Babalu at ang naging buhay nila sa Amerika. Sabi ng Tita ko, totoong nangyayari yung mga pinapalabas nila dun, kahit yung mga exaggerated na eksena. Bata pa ako nung una ko tong napanuod, pero hanggang ngayon, pag nakikita ko siya, di pa rin ako nagsasawang pagtawanan yung eksena nung naligaw si Babalu sa Los Angeles.


ANG SYOTA KONG BALIKBAYAN
It's either ito o Dito Sa Pitong Gatang ang paborito kong pelikula ni FPJ. Parehong uber-hot ang mga leading ladies niya dito. Pareho ng setting ang dalawang pelikula. At halos pareho ng kwento yung dalawa. Feeling ko nga, remake itong Ang Syota Kong Balikbayan ng Dito Sa Pitong Gatang. Pero, nagkaroon ito ng edge, kasi nung pinanuod ko ito, kalahati ng buong angkan namin ang kasama ko. Ang saya ng alaala ng pagpanuod ko ng pelikulang ito kaya siya memorable para sa akin. Minsan talaga, nagiging paborito mo ang pelikula hindi dahil sa kwento o artista, kundi dahil sa kung paano at sino ang kasama mo nang napanuod mo ang pelikulang ito.

KASAL, KASALI, KASALO
Ang kwento ni Jed at ni Anggie siguro ang kwentong natatakot akong mangyari sa buhay ko. Magkaroon ka ba naman ng mga manugang na tulad ni Gloria Diaz o kaya ni Gina Pareño, di ka ba matatakot?! Pero seryoso, nung una kong napanuod to, tawa ako ng tawa. Di naman pala sobrang jologs ni Judy Ann, minsan pala, kaya niyang gumanap ng medyo hindi jologs na karakter. May pagkabungangera man siya dun sa pelikula, eh parang matino pa rin at di parang palengkera yung dating. Paborito ko itong pelikula na to, kasi kahit papaano alam kong nangyayari yung mga napanuod ko sa totoong buhay. Ikaw ba naman, maging housemate mo dalawang magsyota. Pero panalo talaga tong pelikulang to.

TANGING YAMAN
Matagal ko nang napanuod tong pelikulang ito, pero noong isang buwan ko lang naintindihan yung kwento niya. Akala ko kasi dati parang wala lang... pero maganda pala siya. Ang galing ng pagganap ni Gloria Romero dito bilang isang nanay na nagkaroon ng alzheimer's disease. Actually, lahat ng artista dito, mahusay. Maiinis ka sa pagiging mapanghusga ni Edu Manzano, maaawa ka kay Johnny Delgado, tsaka parang nainggit ako, kasi kahit ganun ka screwed up yung pamilya nila, eh malaki pa rin ito. Ako kasi, sanay na 3 lang kami sa bahay. Naiisip ko, paano kaya kung may mga kapatid ako.

PARE KO
Unang pinalabas ito, trese anyos pa lang ako. Nagbibinata. Sa totoo lang, naging excited akong tumanda dahil sa pelikulang ito. Although pinapakita nitong pelikulang ito ang mga negative na ugali ng ilang mga kabataan, noong panahon na iyon, medyo naging excited ako na makaranas ng mga ganoong mga pangyayari. Pero karamihan ng mga kakilala kong nakapanuod nito, paborito ito kasi kinikilig pa sila kina Jomari, Mark Anthony, Claudine at Jao Mapa. Hindi nangyari sa akin ang mga nangyari dun sa pelikulang ito.

A VERY SPECIAL LOVE
Oo na, jologs na kung jologs. Bakit ba, mababaw lang ako?! Sa totoo lang, sadsad na at napakasimple ng kwento nito. Walang bago. Walang nangingibabaw. Pero, nasa listahan ko itong pelikulang ito kasi kinilig ako. Ang sarap niyang panuorin sa sinehan kasi lahat ng tao sa paligid mo nag 'yiiiii'. Nadadala sila ng kanilang mga emosyon. At ang mga kasama ko noon, hindi sila jologs, pero paglabas ng sinehan, parang mga hayskul na babaeng kilig na kilig. Kwento ito ni Layda at ni Miggy, 2 taong magkaiba ng mundo, pero nahulog sila sa isa't-isa sa gitna ng pagpapatakbo ng isang magasin.

SANA MAULIT MULI
Ito ang kwento ng magsingirog na sina Agnes at Jerry, at kung paano naapektuhan ang relasyon nila nang mangibangbansa ang isa. Aaminin ko, medyo (medyo lang!!!) naiyak ako sa kwentong ito. Pero ang nanay at biyenang hilaw ng pinsan ko, todo ngawa noong napanuod nila ito. Sobra kasing nakakarelate sila sa kwentong ito. Parang ganun kasi ang istorya ng lovelife ng pinsan ko tsaka ng syota nito. Eventually naghiwalay ang pinsan ko tsaka yung girl. Pero halos ganung ganun daw ang kwento nilang dalawa.



BATA, BATA, PAANO KA GINAWA?
Ang kwento ni Lea, ng kanyang dalawang anak at lahat ng naging lalake nito. Sobrang aliw na aliw ako kay Serena Dalrymple nun, kasi ang galing niyang barahin yung nanay niya. Napanuod ko yung ilang parte nito kahapon, kaya medyo sariwa pa yung kwento niya sa alaala ko. Siguro, sa lahat ng ginawa ni Vilma Santos, ito lang yung talagang tinutukan ko. Ang galing ng pag-arte nilang lahat, at saka ang talino ng pagkakasulat. Mula ito sa aklat na sinulat ni Lualhati Bautista. Isa sa mga Pinoy na awtor na hinahangaan ko. Natatawa ako, kasi nga, napanuod ko siya kahapon, tapos napansin ko, kung ano yung hitsura ni Carlo Aquino noon, ganun pa rin hanggang ngayon. Parang di siya lumaki.


GOT TO BELIEVE
Ang isa sa mga paborito kong pelikula of all time eh itong pelikulang ito nina Claudine Baretto at ang namayapa nang si Rico Yan. Kwento ni Toni, isang wedding planner na gustong planuhin ang kanyang kasal pero walang lalakeng nakakatagal, at ni Lorenz na isang wedding photographer na walang ibang magawang matino kundi asarin si Toni. Maganda kasi yung kwento nito, tsaka eto lang yung pelikulang di ako nagsasawang ulit-ulitin. Noong panahon na pinalabas ito, hindi pa uso ipalabas yung mga feel-good na romantic comedies kaya ibang-iba siya. Eto rin yung tipo ng pelikula na lahat ng tao sa sinehan kilig na kilig habang pinapanuod ng mga tao.

27 comments:

Skron said...

Man, Magic Temple was awesome. It came out during the time when I was really IN to fantasy stuff. Looking back, it feels that the movie was written by Neil Gaiman too.

Chyng said...

May part 2 na daw ang very special love ah..

Tagalog Film na na-appreciate ko ay Magnifico, KKK, One More Chance!

gillboard said...

Skron: oo nga no, ngayon ko lang napansin yun. Yung story, pwedeng mahambing sa gawa ni Neil Gaiman.

Chyng: Honga, napapanuod ko nga sa tv... You Changed My Life In A Moment...

yAnaH said...

gusto ko rin ung got to believe in magic. wala lang ahihihihi pati na ung tanging yaman

gillboard said...

Yung ibang pelikulang pinoy na lumabas na sa ibang listahan ko, para walang magtampo:

ONE MORE CHANCE
FENG SHUI
SUKOB
CRYING LADIES

walang indie film dyan kasi di ako nanunuod nun.

The Gasoline Dude™ said...

Dalawa sa mga Pinoy films ang tumatak talaga sa 'kin. Una 'yung JOLOGS. Sobrang napa-"HANEP!" ako dito sa pelikulang 'to. Pangalawa 'yung MAGNIFICO. Tulo naman luha at uhog ko dito. Hehehe. = P

Krisha said...

ako favorite ko din ang got to believe.

too bad wala na si rico yan, siya pa naman ang ultimate crush ko noong bata pa ako hehe

The Scud said...

halos lahat nyan star cinema ah. hehe. most of the films in your list gusto ko. may minamahal was a good one too.

i think pare ko was the definitive film for our age (or generation?)

you should watch mike de leon's kung mangarap ka't magising. ayos yun!

Anonymous said...

oks yung tanging yaman. naisip ko naman yun ang ayaw ko mangyari sa aming magkakapatid. tapos sa got to believe dami ding nakakatawa na scene. hehehe.

magnifico din maganda! panuorin mo un.

Yffar (^^,) said...

ay.. magic temple.. bet ko yan

got to believe nakakakilig..

KKK- bongga toh. award winning

hehhee


kamusta naman yun,

yung mga gusto knng film andito.

puro star cinema? kasi wala pa namang GMA films nun, and baka naman it;s a proof na SC creates quality films.. hahah

. said...

Hahaha. Gagawa rin ako nito. Expect mo na ito ang mga kasama:

Jologs
Ligaya ang Itawag mo sa akin.
Scorpio Nights 2
Dito sa Pitong Gatang
Enteng Manok: Tari ng Quiapo

Eben said...

ayos sa listahan ah! gusto ko din yang Magic Temple at Very Special Love.

maganda din ang Magnifico, Hihintayin kita sa langit at Himala.

enegue said...

ay i love 'a very special love'.. jologs, one more chance, you are the one and yung patayin sa sindak si barbara gusto ko din. i also liked the song got to believe in magic dahil sa movie. it's like the 'pretty woman' of our country. yun tipong when you think about a romantic film, maiisip mo yung got to believe in magic

Visual Velocity said...

I like Jologs. It's a bit on the cheesy side, but that's okay, entertaining naman, ehehehe. Assunta de Rossi is very memorable in this film. Hardcore jologs talaga yung character niya, ehehe.

Saan na nga siya pala ngayon? Nag-aartista pa rin ba yun?

Anonymous said...

pambihirang listahan... bakit parang may kulang? Asan ung "Kara: Kaakit-akit"? at ang mga pampatumbling na movies kung san ka natuto ng "helicopter"?

nice post ;)

Anonymous said...

syota kong balikbayan! haha. si anjanette abayari yung leading lady dito diba?

cute yung AVSL! haha. in fairness, kahit mababaw. =)

Anonymous said...

Hindi ako mahilig manood ng pinoy movie sa sinehan, puro sa TV ko lang napapanood.

Pero yung KKK, ito ang ilan lang talaga sa fave ko and Magnifico, naalala ko, nakita ko sa mga comments nila..
Ang galing nung bata dito, forgot his name..Jiro ata.

pusangkalye said...

buti namn medyo pareho us ng taste--nakahinga ako don---di namin usually pinapalampas lahat ng STAR CINEMA movies and makikipagpatayan talaga ako kung sabihin nilang jologs---coz those people who say so are----sorry to be blunt~~~simply ignorant.keke

Giselle said...

kung gagawa din ako ng list number1 yung bata, bata, paano ka ginawa! maganda talaga mga movies na galing sa libro. the best si gina pareno sa KKK no!? cheesy man, aaminin ko na nasa list ko din ang MILAN. ANAK at MAGNIFICO, nakakaiyak.

abe mulong caracas said...

bakit vwala ang leon guerrero? hahaha kakatuwa kasi may post naman ako tungkol sa mga famous movie lines and famous and incredible scenes.

sa pare ko, tanda mo ba yung gialogue na "hanggang kailan tayong ganito?" "kung kayang sagarin, sagarin!"

Kosa said...

at nakasama pa yung pelikulang pinanood namin nung nasa hayskul pa kami ahhh...

yung magic temple na yan isa sa pinaka memorable na pelikulang pinanood ko sa sine.. nasa 1st year pa lang yata ako nun..
basta sobrang memorable sa akin yan! hindi ko naman sya paborito pero ayus lang..hehe

Leoj said...

hehehe sorry pero isa lang gusto ko sa listahan mo, yung bata bata pano ka ginawa. actually mas gusto ko yung book nito na sinulat ni lualhati bautista. mahilig kasi ako sa mga nobelang sinapelikula.

RJ said...

gusto ko rin yung got to believe kasi ang laki ng boobs ni claudine dun. sexy. hehehe.

favorite ko si babalu. sayang maaga siyang namaalam.

paperdoll said...

nakakainis ka! bakit walang batangX at one more chance dito? hahaha. . .

talagang may FPJ ka pa ah. . .haha


daan lang. . :P

Anonymous said...

got to believe...di ko din yan pinagsasawaan,hehe! cute kasi story..saka si Rico Yan,hehe!

saka ung Pare Ko, haha! si Victor Neri crush ko dun.lols!

okay yung din yung tanging yaman,ilang beses ko na rin yung napanuod sa Cinema One.

Anonymous said...

di ko napanood ung magic temple, home sic home tska a very special love. pero in fairness gusto ko rin lahat ng nasa listahan mo. lalo na ung sana maulit muli at kasal kasali kasalo. yung role ni Bronson sobrang nakakatuwa :)

kalyo galera said...

nakakatats ung got to beleive :)
tapos, yung tanging yaman, ang galing :)