Mga Sumasampalataya

Oct 12, 2006

ENTRY 64: WEBSITES NA GUSTO KONG BASAHIN

Mga paborito kong website...

FRIENDSTER: wala lang... kasi madami akong friends doon. Nakakatuwa na makikita mo yung mga kaklase mo noong high school na mas mataba pa sa'yo ngayon. Tapos isa pang dahilan, eh natutuwa ako na marami akong kaibigan. Di ko inakala na iaadd nila ako.

NEWSARAMA: mahilig ako sa comics, at ito ang isa sa mga pinupuntahan ko para malaman ang mga pinakahuling balita tungkol sa mga paborito kong bayani. Nakakaaliw lang.

PINOYEXCHANGE: ang daming topic ang pinag-uusapan dito, mula call center hanggang blog at kahit pagtatalik, may forum na ginagawa. Natutuwa ako kasi minsan may mga tao na nagmamarunong. Ang sarap nilang patulan at ipahiya sa buong world wide web.

COFIBEAN: yung mga blog entry niya hindi ko gusto... pero yung mga reaksyon ng mga tao, tuwang-tuwa ako basahin. Ang galitin ang buong mundo (or at least yung mga nagtatrabaho sa call center tulad ko), yun ata ang dahilan kung bakit nabuo itong blog na ito.

MOVIES.GO: ang mga trailer ng mga paborito o magiging paborito kong mga pelikula ay pinapalabas sa website na ito. It's cool...

COCONUTER: etong tao na ito, bilib ako... kasi siya mayamang Fil-am na naninirahan sa mga rural na mga lugar dito sa Pilipinas. Akalain mong may mga tao pala talagang gusto ay ganun.

PROFESSIONAL HECKLER: 1 word: nakakatawa! 'nuff said.

MYSPACE: parehong dahilan ng friendster. pero di ko ito madalas puntahan. wala kasi akong friends dun masyado.

1 comment:

garytarugo said...

sana nagprovide ka ng link para naman mapuntahan din namin yung mga paborito mong website. :)