Mga Sumasampalataya

Sep 9, 2010

MULA SA YEARBOOK

Noong high school ako, ang hula sa akin sa yearbook, ay magiging sikat na author ako. Nakapagsulat daw ako ng best selling novel na pinamagatang “Alikabok sa Ilalim ng Karagatan” (di ko maalala yung English title, pero ganyan yung idea). Sino ba mag-aakalang pagkatapos ng labing-isang taon ay magkakatotoo yung isang bahagi ng hula sa akin noong high school. Na magiging sikat ako!!!










Pasensya na, tinamaan lang ng kidlat.

Hindi ko naman pinangarap na maging sikat na manunulat noon. Yun lang yung hula nila sa akin kasi noon, ginawan ko ng epiko yung buong klase namin. Sumikat yung kwento ng isang linggo kasi medyo nakakatawa naman ito kahit papaano.

Bakit ba ako napapaisip ng ganito? Medyo matanda nako para dumaan sa quarter life crisis at ang bata ko pa para magkaroon ng mid-life crisis. Sumagi lang ito sa isip ko dahil sa Disyembre ay magkakaroon ang batch naming ng high school reunion.

Wala sa plano kong sumali dito dahil nung huling pumunta ako, na out-of-place talaga ako. Hindi ko close kasi yung mga sumipot at yung mga kaibigan ko naman, umuwi nang maaga. Napachip-in pa ako ng 500, eh isang bote ng beer lang naman yung tinira sa akin. Kaya ayoko na. Hindi rin naman talaga ako nag-enjoy noong high school ako. Hindi masyado.
  • Wala akong masyadong mga kaibigan noon. Konti lang, nilalapastangan pa ako.
  • Hindi ako sikat noon. Hindi ako matalino. Hindi ako gwapo. Hindi ako star.
  • Puros Math and subject namin noong high school. At kung di Math ang homework, History naman kung saan kelangan i-rewrite yung buong History book with matching colors at drawings.
  • Noong mga panahon na natututo na sa mga makamundong Gawain ang mga kaklase ko, ayun nasa kwarto pa rin ako’t nagsasariling sikap (except nung 3rd year noong nagka gelpren ako).
  • Matatalino man ang mga katabi ko, ang damot ng marami sa kanila pagdating ng mga test. Ayaw magpakopya.
  • Halos lahat ng mga kaklase ko, may computer na noon, tapos ako nagsisimula pa lang mag-aral gumamit ng typewriter (at least dun ako natutong magtype ng mabilis).
  • Nabarkada ako noon sa mga emo.
  • Tapos sabayan mo pang magkaroon ng mga aktibistang guro bawat taon. Yung mga nang-aaway talaga. Yung ibabagsak ka dahil trip niya lang. Yung mga sikat ang caricature (sinungayan o nagbubuga ng apoy) sa yearbook.
  • Puros Math ang mga subject namin noong high school.
  • At di ka makasali sa mga sikat na clubs gaya ng Math Club, Teatro, Speech Club dahil may mga admission exam o audition. Mapipilitan ka tuloy sumali sa Eucharistic Chrusade (religion club).
Natatawa lang ako nang maalala ko yung isinulat na write-up sa akin sa yearbook na magiging manunulat daw ako. Siguro nga, noon pa lang ito na ang nakahiligan ko. Pero paano kaya kung talagang yun yung hinabol kong larangan noong nagkolehiyo ako? Magiging sikat na manunulat kaya talaga ako, o sadyang sikat lang?

21 comments:

soltero said...

napaisip ako, sa husay mong sumulat, di ka ba naging staffer sa High School Paper ninyo??

Jepoy said...

feeling ko both. Sikat na manunulat at Sikat, naks! Ikaw na!

Ako gusto ko rin maging isang sikat na manunulat pero wala akong talent dito kaya nag uumepal nalang me sa blogging kasi at least medyo may relasyon. Yown lang naman..

Charlie™ said...

Medyo baligtad ata ako, HS life ang pinaka gusto kong part ng buhay mag aaral ko, nice read Ü

The Gasoline Dude™ said...

Sikat ka naman na manunulat ngayon eh. Nagtatampo na nga 'yung ibang bloggers kasi hindi ka nagko-comment sa blog nila.

JOWK! LOL

my-so-called-Quest said...

oks naman ang Religion Club ah.
wala bang virgin's club nun? hehe

i hate highschool too pero oks naman yung mga friends ko nun so medyo bearable.

ano nga ba nakasulat sa yearbook ko na di na napublish dahil kinurakot ng admin, a month later umalis yung dawalang admin at nawala na rin yung yearbook namin! grrrrr!

at ang panget panget ko nung highschool. kasumpasumpa. wahaha

Jag said...

Hindi ako nhihilig magsulat pero naging staffer ako ng school paper at yearbook namin noon kac crush ko ang moderator ng org. Hahaha talande talaga...

pusangkalye said...

gillboard----ouch. kaya nga rin. I have myself to blame that's why I am trying to evaluate my motives. If I may point out though---di naman sa gusto ko may payback. yung may comment ka kaya dapat comment din sila.narealize ko lang na parang may kausap ka tapos naka-isang oras ka nang nagsasalita pero walang kibo. walang emotion. walang response. diba magmumukha kang tanga. taken into account that this happened for like 6 months na, more pa ata. naramdamn ko na di ako feel ng tao pero ako try parin na komonek. kasalanan ko yun. hirap explain. pangalanan ko na nga lang kung sino.lol

pusangkalye said...

gillboard---aww--seriously--this post is not about you. kung nangyari man yun dati---to admit---di ako makakonek sayo dati***kaya ko ginawa yun. my regret. but I assure you---this is not about you. may pinupuntirya akong isang tao.worse kasi nagkita na kami ilang beses and it seems na okay naman pag nagkikita kami. pero sa blog---di nya ko pinapansin. kaya ng weird.wag mo na tanungin ha. peace na.

chingoy, the great chef wannabe said...

malamang love mo ang math bwahahahah

kikilabotz said...

naks ..ako nung hs ako uhmm madami ako kaibgan kaya lng suplado ako at wala nmn akong kahilig hilig sa pagsusulat o sa pagkukwnto.

bulakbolero.sg said...

Gil,

malamang sa alamang, magiging magaling kang manunulot. este manunulat pala.

ikaw kaya yung isa sa idol ko magsulat sa blogospero. \m/

madami kayong idol ko. halos lahat ng finafollow ko ay idol ko sa pagsusulat.

ENS said...

mabuti pa kayo may sinusulat sa yearbook, samin kasi name at birthday lang... napaisip din tuloy ako kung ano naman kaya masusulat sakin...
anyway, bakit nga ba di ka nagtrabaho sa dyaryo??? baka sakaling maging national artist ka pa... super sikat na yun...

Rico De Buco said...

tama si enz, you have wat it takes to be a writer.konting sulong pa tol..kaya nga kita finollow eh kasi magaling ka magsulat... kaya mo nman un, siguro pag ngyri iyon magigng sikat na sikat ka na at magiging alalay mo na ko hehehe

Niq said...

sikat ka po nachika ka sa akin ng isang friend kaya nasusubaybayan na din.=) nagkatotoo pa din ang hula.hehe

gillboard said...

niq: nako sino yang friend na yan at nang mapasalamatan? hehehe salamat!! di pa naman masyado nagkakatotoo yung hula.. di pako sikat. lolz

rico: ayoko din maging sikat na sikat. ayus na tong low profile. at least yung mga nagiging friends ko eh talagang friends ko. so ok naman ako. salamat sa pagfollow. matagal na kitang sinusundan... naghiatus ka lang. :D

ens: noong high school nagsulat ako sa dyaryo, staffer din ako sa yearbook. kaya muntik nakong di nagkolehiyo dahil mas inatupag ko pa pag-ayos ng yearbook kesa mga kelangan para makapasok ng kolehiyo.

gillboard said...

bulakbolero: akala ko pa naman special ako. ang dami mo kayang finafollow!!! lolz. pero salamat. sa totoo di ko naman kinoconsider ang sarili ko na mahusay na manunulat. ang daming mas magaling dyan. promise.

marvin: nung hs hanggang ngayon suplado ako. hahaha. konti lang ang kaibigan ko kasi choosy ako. joke!!!

chingoy: in fairness, nung college, medyo. naexempt nga ako sa finals noon dahil mahusay ako dun. pero hanggang ngayon i hate math!! :D

gillboard said...

anton: sabihin mo sakin, baka kilala ko yan. at maieexplain ko kung bakit siya ganun. hahaha. feelingero lang.

jag: di ko crush yung eic namin noon. kaibigan ko yun. di pwede taluhin. pero matalino yun, tsaka mabait kaya nagpauto ako't sumali sa 2 orgs na yun. tsaka kelangan din maraming nakalagay ng orgs na sinalihan dahil yun yung nakalagay sa yearbook namin.

doc ced: di baleng panget ka noong high school, gwapings ka naman ngayon. hahaha

gillboard said...

gasul: uy, di daw ako yun sabi ni anton!!! hahahaha... kung dati niya pinost yan, malamang ako yun... hehehehe

charlie: di naman sa lahat ng tao panget ang hs. good for you na naenjoy mo siya. siguro mas naenjoy ko yun kung wala ako sa all-boys noon.

jepoy: naks. sikat ka nga eh. nakikita kita all over the blogosphere. hahaha. tas puros blog eyeball ka pa.

soltero: naging staffer ako sa newspaper, at ayaw kong balikan yung pinakauna kong sinulat dun noon. shet, kahiya-hiya!!! buti na lang ginawang panggatong ng tatay ko yung issue na yun.

Maldito said...

never in my wildest dreams na gusto ko maging writer..ever..i mean i started writing since elementary days pero para sakin ang pagsusulat is just mere "writing"....meaning hindi ko kinarir.ahahaha..

mabuti nalang noong hayskul ako hindi naman ako naging loser club.ahahha....i was one of the...well lets say everybody knows..or somehow kilala dahil active sa lahat.ahehhe..

sikat ka naman talaga eh.

Raft3r said...

high school can either make you or break you
kids are mean

Brokenhearted said...

agree ako jan !!