Mga Sumasampalataya

Aug 3, 2009

DAHIL GALING AKONG ALL-BOY'S SCHOOL...

... natuto akong makisama sa lahat na klase ng tao.
... matakaw ako.
... nalaman kong pwede kang lumaban kapag alam mong ikaw ang nasa tama, at sadyang tanga lang yung titser mo.
... naging magaling akong mambola sa mga love letters.
... maaga akong natuto sa mga makamundong bagay.
... hindi ako marunong masyado na makihalubilo sa mga babae, na hindi nagmumukhang manyak o bastos.
... naging medyo maluho ako sa mga gadgets.
... natuto ako kung paano hindi mahahalata na hindi ako nagbayad sa jeep.
... naging magaling magtago sa mga taong hindi ko gusto.
... natuto akong uminom.
... narealize kong suspension ang kapalit kapag pinahiram mo yung ID mo sa ibang tao.
... nalaman ko ang mga pinaka-effective way ng paninipsip (pero syempre di ko ginagawa yun).
... medyo in-the-know ako sa mga gay lingo noong panahon na nag-aaral ko.
... napatunayan kong wala talaga akong pag-asang maging sports superstar.
... marunong akong gumawa ng pinakacreative na excuse para lumiban sa paaralan / trabaho.
... nakapag road trip ako.
... natuto akong kapalan ang mukha pagdating sa mga bagay na gusto/kailangan ko.

Buong buhay ko, all boys school ang pinag-aralan ko. Sa totoo lang, dapat alam ko kung paano manligaw, o kahit magpakilala man lang sa aking mga natitipuhan.

Pero bakit pagdating kay Monday, tumutupi kaagad ako?

34 comments:

MarcoPaolo said...

Magpakilala ka na kay Monday.... baka maunahan ka pa...o kaya para malaman mo kung pwede pa siya... hehehe!

gillboard said...

may paraan na ako para magpakilala actually... di ko lang makasabay.. hehehe...

nagrarant lang ako...

Herbs D. said...

ang natutunan ko sa all boys school..magjakol hahaha. ambastos no? eh.. :-p

bampiraako said...

Monday na naman! Ang saya mo siguro? hahaha. Ayan tumutupi naman yang puso mo.

WV - sulays

gillboard said...

herbs: ako din... natutunan ko yan noong Grade 2.. hehehe...

bampira: di ko pa naman siya nakakasabay... naalala ko lang kasi kelangan ko ng inspirasyon dahil 8 araw na sunud-sunod nako pumapasok...

a.r.d.y.e.y. said...

buti hindi ka nabading 'tol?

Jerick (the former Curbside Puppet) said...

you met your match siguro kay monday.

EǝʞsuǝJ said...

ilang mondays pa ba ang palilipasin mo?

hehehe...
aba kilos na pare!
baka maunahan ka pa ng iba...:)

an_indecent_mind said...

ok yung ganun, lagi kang may inaabangang araw no?

galingan mo brod, baka may ibang makadagit ng monday mo...

goodluck!

gillboard said...

indecent: naku... pag-uwi lang... pero papasok.. nakakatamad kaya ang lunes...

jenskee: eto lang, if it's meant to be.. it's meant to be... naniniwala ako sa signs.. hehehe

gillboard said...

jerick: mukha nga... sigh...

ardyey: mukha nga nababading nako... umuurong na bayag ko... hehehe

Kosa said...

at natuto kang magint torpe? lols
lalo na pagdating kay monday.hehe

DRAKE said...

Sabi nila pag galing ka daw all boys school ay malamang kundi ka magiging manyak eh magiging bekla ka daw! Ganun daw yun!

Pero isa lang ang ibig sabihin sa akin pag galing ka sa all boys school, ibig sabihin nun............ mayaman ka!hehehe

Ingat

gillboard said...

kosa: sinadya ko talagang kalimutan yan... hehehe... pero sa totoo, torpe talaga ako... lumalapit na yung manok, ako pa yung lumalayo...

drake: kung yaman at yaman lang ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa'yo dyan!!! hehehe

Mokong™ said...

kasi tol hindi mo naranasan o nasanay ang sarili mong mangbola sa kaklase mong babae...hehe

Badong said...

nung high school ako muntik na kong mapunta ng all-boys school. pero ok na ring hindi kasi masaya naman yung naging high school life ko.

Ron Centeno said...

It's all in the mind parekoy! Ang huling sabi mo..... "natuto akong kapalan ang mukha pagdating sa mga bagay na gusto/kailangan ko." So kaya mong magpakilala sa kanya. Nandito kaming lahat sa likuran mo! Go pare!

The Scud said...

pag-ibig ang tawag dyan! hehe.

PUSANG-gala said...

ganun ba yun? kala ko baligtad---pag co-ed okay sa social skills pero pag sa all boys school medyo introvert---hehe--peace

poging (ilo)CANO said...

wag mo nang paabutin pa ng tuesday! lolz..

gillboard said...

pogi: pag nakasabay ko na... alam ko na ang gagawin ko...

pusang-gala: naku, wala akong kilala masyadong from all-boys school na introvert... kahit medyo ganun ako.. hehehe

scud: di naman siguro.. pwede rin, pero di ko alam... hehe

gillboard said...

ron: naks... salamat ha... hopefully, sa susunod na makasabay ko si Monday, makikilala ko na siya.

badong: napapaisip tuloy ako kung ano buhay ko kung napunta ako sa coed na hs...

moks: posible... pero kapitbahay namin all girls school... so kahit papano medyo nagawa ko na rin mambola.

Chyng said...

hhmm, parang si aldo lang! haha
gusto ko hulaan pero itatanong ko nalang kung san ka nag-aral.

gillboard said...

malamang kung san nag-aral si Edward, dun din ako.. la lang... kupal mode lang.. hehehe

hxero said...

sa batch namin unang naging co-ed ung school namin hehehe... dami girls...

jayvie said...

dahil galing ka sa all boys school... tumupi ka kay monday?hehe
wala lang.

go ka lang kay monday! walang mawawala hehe

Klet Makulet said...

good luck kay Monday. parang andaming negative mong natutunan sa school nyo ah waheheheheh

Raft3r said...

nyahaha
i feel you, man
all boys din si raft3r

yun sa kaso ni monday
kasi dahil true love?
kilig ako
hehe

hxero said...

from Mindanao pre...

ACRYLIQUE said...

Take the risk na dude. Baka type ka rin nya. Hinahanap-hanap ka kapag di ka nakikita. :)

SEAQUEST said...

Susme, until now si monday pa rin aba, ano pa inaantay mo sunday...naku brod, baka may makasilo pa nian kaw rin...

kuri said...

bilisbilisan mo pare, bka kasi mauwi k sa pagsisisi. ilang monday p b ang kelangan mong antayin?bilis, huwebes na naman ngaun!

Boris said...

tama yung sa natuto ka ng makamundng bagay. good yun :)

buti nga't nasa all boys school ka, teka taga cavite ka ba?


iba talaga pag sa babae. kaya mo yan

Meinrad said...

naku, nakarelate ako dyan, good luck kay Monday, kausapin mo lang, d naman cguro alam na gusto mo cya