Mga Sumasampalataya

Sep 6, 2010

KUNG ANU-ANO LANG

Oo, magpapakakeso muli ako. Walang maisulat. Pasensya na.

Sa buhay natin, pagdating sa puso, ilang beses tayong masasaktan. Masusugatan. Ilang beses tayong mag-aakalang nakilala na natin ang tunay na magmamahal sa atin. Pero sa huli, mababasted. Iiwan. Tatalikuran.

Pero gayunpaman, masaktan, madapa, o masugatan man tayo, sa lahat ng taong dadaan at mananahan sa puso natin, natututo tayo. Tumatapang. Nalalaman kung kelan gagamitin ang puso at ang utak.

Ito ang mga natutunan ko...
  • Mag-ingat sa pagbitiw ng mga salitang "mahal kita" o "i love you". Ito ang mga salitang madaling sabihin, pero mahirap pangatawanan.
  • Lahat nagsisimula sa kilig. Pero minsan hindi nagtatagal yan. Pag mahal mo ang isang tao, kahit matagal nang walang kilig, magiging masaya ka pa rin sa piling niya. Ang honeymoon stage, sa simula lang yan, at di dyan nasusubok kung gaano katatag ang pagmamahalan ninyo.
  • Ang isang pagmamahalan, di dapat kumplikado. Pag mahal mo mahal mo. Pag hindi pwede, pakawalan mo. Sasaktan mo lang ang sarili mo pag pinagpilitan mo sa isang taong di naman nagmamahal sa'yo.
  • Bago pa ang ibang tao. Ang unang dapat mahalin mo ay ang sarili mo.
  • Walang masamang ibigay ang lahat ng makakayanan mo para sa mahal mo. Wag ka lang umasa na palagi niyang maibabalik ang lahat ng pagmamahal na maibibigay mo.
  • Kapag may problema ka sabihin mo. Wag mong itago. Hindi manghuhula ang mahal mo. Di lahat ay nalalaman niya. Pag tinatago mo sa sarili mo mga kinaiinisan mo, pag nag-away kayo... naku asahan mong may masasabi ka lang na di mo na mababawi.
  • Iappreciate mo ang lahat ng ginagawa ng kasintahan mo sa'yo.
  • Wag mong iasa sa kasintahan mo ang lahat ng trabaho sa pagpapalago ng relasyon ninyo. Dapat may ginagawa ka rin. Wag kang susuko sa unang senyales na may problema kayo.
  • At kung single ka pa at wala pang nakikilala. Minsan kailangan ikaw ang gumawa ng first step para mapalapit sa gusto mo. Minsan hindi narerealize ng isang tao na gusto ka nila kung hindi ka nila napapansin. Hindi kalandian ang tawag dun. Diskarte.
Hay. Para ito sa aking kaibigang nabigo sa pag-ibig. Mahahanap mo rin yung taong magmamahal sayo. Yung walang sabit.

Ngiti lang, kaibigan.

24 comments:

Unni-gl4ze^_^ said...

At kung single ka pa at wala pang nakikilala. Minsan kailangan ikaw ang gumawa ng first step para mapalapit sa gusto mo. Minsan hindi narerealize ng isang tao na gusto ka nila kung hindi ka nila napapansin. Hindi kalandian ang tawag dun. Diskarte.-->agree to the nth level bwahaha.....

nice to be here again~~viva~have a lovely week^_^

escape said...

importante talaga ang walang sabit.

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
bulakbolero.sg said...

inlababo yung nagsulat oh. hehe.

Unknown said...

yung honeymoon stage sbi mo sa simula lang hehehe- di ba pwede i-extend yon hangang kahit nasa diamond anniversary na kayo? maaring mawala yung passion pero dapat sweet pa rin or --- pak! parang bumabalik lang ako sa "constant reassurance" thingy. Pero tingin ko, alam ko na sagot but di rin guaranteed. Ang tanging gurantiya lang eh maniwala ka at magtiwala sa mahal mo.

Rico De Buco said...

ikaw ata iyong kaibigan na sinasabi mo eh.. hehhee pero tama lahat ng sinabi mo.npakatotoo.. may saksak sa puso iyong iba kasi guilty ako..

dumalaw sinundan k na rin.


baka nextweek magpacontest ako sama ka po

the scud said...

favorite line from your post --> "Hindi kalandian ang tawag dun. Diskarte."

Raft3r said...

Nyahaha
Talaga naman, oo
Love guru na!
Hehe

kikilabotz said...

ikaw na inlove sir

an_indecent_mind said...

"Hindi kalandian ang tawag dun. Diskarte."

sabi ko na nga ba, di ako malandi kundi madiskarte! nyahaha!

chingoy, the great chef wannabe said...

love, love love! :)

Jag said...

Love expert si tsong o! : )

-=K=- said...

Psssttttt.... super love ko tong post mo na to! Palong palo! Gets na gets mo lahat! Aylavet! Ikaw na! Ikaw na si Dr. Love! Hehehe!

But seriously, lahat talaga sila swak na swak! Wala akong masabe. Nasapul ako sa ibang bullet points. Pero ganun talaga. Hehe.

Niq said...

sayo pala dapat lumalapit ang mga singleness..=) hehe sabihan kita pag may na"diskarte"han na ko...hehe =p
Swakto!

The Gasoline Dude™ said...

Naalala ko 'yung commercial ni Sandara Park sa Rejoice. "Walang Sabit" tapos sabay sayaw. LOL

EngrMoks said...

Naks... nilalanggam ang puso mo gil... inspired na inspired ka yata...?

Alter said...

sniff.. asintado.

haha. nakakagaan ng loob basahin. dahil diyan, ililibre kita minsan. :)

Maldito said...

oo..ikaw na ang inlove dong...ahahha..

Wag mong iasa sa kasintahan mo ang lahat ng trabaho sa pagpapalago ng relasyon ninyo. Dapat may ginagawa ka rin. Wag kang susuko sa unang senyales na may problema kayo.

-sori na..ganyan ako eh...hindi ko kayang mag iba ng ugali..ako palagi ang sumusuko..hahays..tamad na kung tamad.ahaaha

glentot said...

Tsk ang saklap naman ng nabigo sa pagibig mong friend pero ganyan talaga normal lang na pagdaanan ng mga tao yan... keysa naman wala diba...

Mac Callister said...

lahat yan na aaply mo na sa relationship mo?swerte nman ng partner mo!

DRAKE said...

very ideal, pero sang-ayon ako sa iyo 100 percent!

Ingat

pusangkalye said...

LOVE is such a big word and I am really amazed at how easy it is for us Filipinos to say the word. sometimes say it even if we don't understand completely what it means and the implication it has. nagiging parang cheap tuloy minsan yung word.

my-so-called-Quest said...

wow! si gb na ang love expert o. hihihi

sinong kaibigan ba yan?

Joel said...

master ka pala sa field na ganyan, kapag nagkaproblema din ako sayo ako tatakbo ha.