Mga Sumasampalataya

Sep 18, 2010

TYPE MO AKO

Pagdating sa standard ng kagwapuhan, walang sinabi sakin si Bentong. Di hamak naman na mas gwapo ako sa kanya. Kahit pa si Bayani Agbayani. O kahit si Dexter Doria (ay babae pala yun).

Pero seryoso, pagdating sa hitsura, ang kagwapuhan ko di masyadong stand-out (oo paninindigan kong pogi ako). Ako yung “pero guy”. Yung tipong sasabihin nila, ‘pogi siya pero…’ ‘may hitsura siya… pero’. Meaning kagaya ng pagiging low profile blogger ko, low profile pogi din ako.

Paninindigan kong hindi ako panget kasi alam kong kahit ganito ako, merong mga nilalang na nagkakagusto sakin. Meron namang mga taong natitipuhan ako. Siguro ikaw, gusto mo din ako, di mo lang maamin. Sige na wag ka nang mahiya, aminin mo na.

Kaya lang dahil nga low-profile pogi lang ako, pati ang mga nagkakagusto sakin, low profile din. Mga tipong, di mo lilingunin pag nabangga mo sa kalsada. Mga commoners. Kagaya nila:

INDAY
Ilang taon na ang nakakaraan, yung kapitbahay naming, may katulong. Malandi siya. Pokpokish. Medyo ambisyosa din ng kaunti, kasi ang mga natatypean niya eh mga sir sa kalye namin. Unfortunately, isa ako sa mga sir nay un. Sa una kong trabahong call center, madalas umaga ako umuuwi, saktong kakagising lang niya at nagdidilig. Tuwing dumarating ako, lagi siyang kumakaway sakin at bumabati ng ‘good morning!’ Pero isang umaga, pagdating ko ng bahay, ayun na siya sa labas. Nakangiti. Kumakaway. “Kuya, gusto mo ng monay ko? Spanish bread?” Syempre ngumiti lang ako, kahit gusto ko ng spanish bread, baka ginayuma pa niya yun. Di siya masyado nagtagal sa kapitbahay namin, dahil makalipas ang ilang buwan, nakipagtanan siya sa construction worker sa kabilang kalsada. Ang landi lang.

SI ATENG
Di ko alam, kung pinagtitripan nila ako, dahil naaamoy nilang kagaya nila ako, pero noon, ay sa tingin ko pinagnasahan ako ng isang parlorista sa amin. Di ko alam ang pangalan ni Ateng, pero noon, tuwing nag-aabang ako sa kanto para sumakay ng traysikel, eh palagi siyang lumalabas at nagbu beautiful eyes sa akin. Minsan pa nga, nahuli ko siyang nag flying kiss sakin. Nakakaloka!!! Never kong nakita ang sarili ko na pumapatol sa parlorista (no offense meant), pero medyo natakot ako nun. Baka bigla na lang isang madaling araw ay rapein nila ako. Buti na lang 2 buwan lang nagtagal yung parlor sa kanto samin.

SI DABYANA
Siguro dahil medyo malaman din ako, kaya nakakaattract din ako ng mga malalamang kababaihan. Walang masama dun. Pero kakaunti na nga lang ang mga babaeng nagkakagusto sakin, di pa yung mga kagandahan (feeling pogi talaga). Meron akong katrabaho noon, na slight lang na obsessed sakin. Tipong kinakandong ako sa opisina (ako yung umuupo sa kanya), tapos ibe-bear hug. Medyo payat pa ako nun, pero dinadalhan niya ako ng pagkain, dahil gusto niyang tumaba din ako gaya niya. Nagtagumpay naman siya, actually. Natutuwa ako sa atensyon, noon, pero sana naman yung pwedeng kumandong sakin nang hindi nadudurog yung buto ko. Again, no offense meant, tsaka gusto ko, yung magkakagusto sakin yung mas hahaba pa yung buhay sakin at di yung iiwan ako dahil naimpatso.

SI GEEK
Malamang dahil geek din ako kaya ako nagugustuhan ng kapwa ko geek. Pero that one time talaga, nahulog ako sa silya. Gago kasi ako. Mahilig mangulit ng mga ahente ko noon, so meron akong bagong ahente na tuwang-tuwa akong ibully. Mukha kasi siya talagang nerd (with matching glasses and BO). So palagi ko siyang inaaligaga. Kinukulit ko kung sino crush niya. May nagtsismis kasi sakin na may crush siya sa department naming. So ayun, ilang linggo ko siyang kinulit. Mantakin mo, bumigay!!! Sinabing ako!!! AT kinarir ito!!! Tuwing may benta siya, tumatayo at hinahanap ako para lang sabihin meron siya nito. Tas nung pasko, niregaluhan ako ng pabango. Sa lahat ng manliligaw ko, siya pinakasweet, kaya di ko siya malilimutan. Sarap talaga magmahal ng mga geek, kaya lang sayang at babae si ate.

Di ako nagrereklamo. Ang kapal naman ng mukha ko, pasalamat nga ako at may nagkakagusto pa sakin. Sinaniban lang ako ng espiritu ng mga maldito.

Masaya sana kung yung mga nagkakagusto satin eh gusto din natin diba? Wala lang.

Buti na lang nakatyamba ako’t gusto ako ng gusto ko.

Yiiiiiiiiiiiiiiiii.

Happy Weekend Everyone!!!

30 comments:

my-so-called-Quest said...

yes naman habulin pala e. hihihi

casado said...

ikaw na! ikaw na ang gwaping! :P

chingoy, the great chef wannabe said...

yehey, guapo!

at dahil jan, saturDATE na :))

Eloisa said...

"Masaya sana kung yung mga nagkakagusto satin eh gusto din natin diba? Wala lang."

*Kiliiiiiiiig! *

The Gasoline Dude™ said...

AMPOGI MO GIBO!

Skron said...

Mas pogi ako sayo...sa delusyon ko.

Kaso lang mga dabyanang Mexicana ang humahabol parati sa akin.

Boris said...

huh? mas trip mo ang geek na lalake? nabasa ko kasi ito "Sarap talaga magmahal ng mga geek, kaya lang sayang at babae si ate"

lols

Tiano said...

Ang pogi mo parekoy.. pakiss nga.. lol

rudeboy said...

"Low-profile pogi"

Ah.

Aha.

AHAHAHAHAAHAHAHAHAHHAHAHAHAAHAHAH!!!

I love it.

Stone-Cold Angel said...

Kayo na lang ang pogi at guwapo. Kayo na lahat... basta isa lang ang masasabi ko...

Ako ay MAALINDOG...hehehe!

Nice post! =)

an_indecent_mind said...

anak ng.... ikaw na ang low profile pogi na gusto din ng gusto mo! ikaw naaa!!

malapit na ang dec.. malapit na akong magbakasyon.. ano kaya at magEB ang mga low profile na mga blogero na mga kagaya natin? hek hek!

Niq said...

Hehe.=p ang kulet naman ng pagiging low profile pogi mo. Atleast may taste di ba... AT gusto ka ng gusto mo! =) yun yun.

MkSurf8 said...

nung medyo uhugin pa ako, matronix killer ako! hahaha

hi pareng gill! na miss ko na pumunta dito sa bahay mo. tagal kasing di na ako nakapag bloghop =)

Jepoy said...

ikaw na..Ikaw na!!!!!

actually, ikaw ang pinaka poging blogger dito sa mundo ng blogosperyo. Dahil dyan penge ng pict grit?! Oo brasohan na to... Ahahahha

Happy weekend sayo!!!

EngrMoks said...

walang pangit tol na ginawa ng Diyos sa mundo.

Raft3r said...

POGI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

glentot said...

Yesss kilabot ng mga Inday sana pinagtitikman mo muna sila hehehehe

YOW said...

Kilabot nga ng mga inday. Baka gusto siya magpadilig sayo. Tigang na lupa na si Inday. Haha. Nakikiepal ho.

Maldito said...

napakaskit naman ng huling sentence..bakit kaya ang lahat ng gusto ko eh ayaw sakin?
ay..wala naman pla akong ginagawa para malaman nila na gusto ko sila.ahahaha..
torpe much.
pero sana yung process is gusto mo siya gusto ka din niya..di ba ang dali?

magshare ka naman ng kagwapohan...zeshhh...

Jag said...

hahaha ikaw na ang pogi...

WV: doosopli- do softly daw lol...

Shenanigans said...

ang kyut nung kwento ng geek.. haha!

Anonymous said...

ayiiheee, yown naman oh kaw na mahabang hurr!!!

natawa ko dito, napasaya mo ang medyo malungkot kong araw hehe :D

-sunnystarfish

pusangkalye said...

Gillboard---what's the story behind the hotel thing? sure ka na hotel namimiss mo ha hindi motel?lol

pusangkalye said...

being low profe, being an ordinary guys, being just the person who rooms around the street not being noticed is a blessing. It gives you freedom of movement. It allows you to be simply who you are. It's a bliss.

Klet Makulet said...

Yun yun eh!

Chyng said...

ok, Im "confused" again.. kala ko kasi... 0_o

Anonymous said...

ang pogi mo naman gillboard and haba ng listahan na to ah! pakiss nga! haha

Pamela said...

"Masaya sana kung yung mga nagkakagusto satin eh gusto din natin diba?"

yeah right. :)

....pero mas masaya kung yung gusto natin, gusto din tayo at single. mahirap naman kung gusto nga ang isa't isa pero yung isa eh in a relationship naman diba? :p

escape said...

hahaha... natawa ako sa comment ni chyng. geek!

-=K=- said...

Alam mo super naaaliw talaga ako sa yo. Ang gaan lagi ng vibes ko pag binabasa ko mga blog mo. Hehe. Like this one, naaliw ako. It's nice to know na pareho kayong nagpapasensya at nagpapahaba ng pisi to make the relationship work. Kahit gaano ka-complicated yung sitwasyon mo, syempre, naghahanap ka pa ren ng makakasama talaga and it's good to know na nahanap mo na sya. Goodluck sayo! :)