Mga Sumasampalataya

May 22, 2010

EPIC FAIL: MGA KWENTONG KAMUNDUHAN

BABALA:Ang mga mababasa ninyo eh hindi yung karaniwang mababasa ninyo sa tahanan kong ito. Ngunit kahit tungkol sa s-e-x etong post na ito, wag din kayo mag-expect na kayo eh matuturn-on sa mga susunod na kwento. Ipapaliwanag ko mamaya...

PARA NAMAN SA MGA NAKAKABASA NITO NA KILALA AKO SA PERSONAL:
Sarilinin niyo na lang ang mga mababasa ninyo, wag niyo na ipagkalat sa iba ang mga nakasaad dito. Wag niyo rin ipapabasa sa mga bata ito, dahil hindi naman ito talaga pambata. At kung kayo naman eh mga pamangkin/pinsan ko, sa akin na lang kayo magtanong tungkol sa nabasa niyo at wag sa magulang niyo. Baka isumbong pa ako ng mga iyon sa magulang ko... hehehe

Ayun, sa mga hindi pa nakakaalam may sex life din naman ako. Hindi nga lang siya aktibo nitong mga nakalipas na mga buwan, pero panakanaka eh meron naman. Di ko naman ilalabas dito lahat ng kwentong ganun sa buhay ko... sa totoo lang naniniwala akong a true gentleman does not kiss and tell. Pero dahil kakwento kwento ang mga isusulat ko, bilang paggalang sa kasabihan na iyon, eh hindi ako magbabanggit ng mga pangalan. Kasi, maski ako, di ko na rin maalala yung pangalan ng ibang ikukwento ko dito.

Pero kung kwentong $3X naman pala ang isusulat ko, bakit naman Epic Fail ang titulo? Di naman kasi ito tungkol sa mga conquest ko. Yung mga ganun, sarilinin ko na lang yun. Or sa ibang pagkakataon na lang. Ang mga sumusunod eh mga karanasan kong ayaw ko nang balikan dahil sila'y epic fail talaga. Nakakahiya mang aminin, meron akong mga di kanais nais na mga karanasan!!!

BAKIT HINDI AKO NAG-UUWI NG MGA KALARO SA BAHAY
Sa buong buhay ko, dalawang beses pa lang ako nag-uwi ng kalaro sa aming tahanan. Ayoko talagang mag-uwi ng mga ganun dahil una, mga pakialamero ang ilang mga kapitbahay namin. Baka isumbong pa ako sa nanay at tatay ko na gumagawa ako ng milagro sa bahay nila pag wala sila. Pangalawa, ito ang kwento...

Nasa kolehiyo pa ako nung nag-uwi ako ng bisitang gusto ko sa bahay namin. Pagkatapos kong pakainin ang bisita, eh naisip naming magkulong sa kwarto. Noong mga panahon na iyon, sa lumang bahay pa ako nakatira. So kwarto ko eh nasa baba, di katulad ngayon na nasa 2nd floor.

Ngayon, gumagawa na kami ng kalokohan ng aking kaibigan nun. Medyo enjoy, kasi pareho naman naming gusto ang isa't isa. So sa kalagitnaan ng aming paglalaro, napatingin ako sa taas, sa bintana namin, kung saan nakita ko ang lola ko, na nanlalaki ang mga mata habang pinapanuod kaming naglalaro ng bahay-bahayan. Ang tagal naming nagkatitigan ng lola ko, at nang marealize niya na alam ko na ginagawa niya, sinabi niya "nagtatanggal lang ako ng mga sinampay!" sabay alis.

Nanghina ako, at medyo nawala sa mood. Patay ako nito. So tinapos namin agad ang larong sinimulan namin. Pag-alis ng kaibigan ko, ang sama ng tingin ng lola ko sa amin. Hindi naman siya nagsumbong, pero sapat nang naging dahilan para sa akin yun na di na mag-uwi ng mga kalaro sa bahay.

BAKIT HINDI AKO NAADIK SA PHONE $3X
Hindi ko talaga makita ang point ng SOP. Siguro di pa lang ako nakakakausap ng taong magaling dito, pero hindi rin naman ako interesado. Dalawang beses ko pa lang tinangkang gawin yun. Yung una, hindi naman talaga ako kasali. Uso pa noon ang 3 way calling, so pinakinggan ko lang ang kaklase ko na pagtripan yung nililigawan niya sa phone. Di ako naturn-on.

Tapos yung pangalawa, noong panahon na iyon, eh medyo in heat na ako talaga. Pero wala akong makita na gustong lumabas at makipagkita. Meron isa na sabi niya, gusto niya sa phone lang. Dahil kelangan ko nang maglabas ng init, sige pinatulan ko. Tinawagan ko siya. Ayos naman, maganda ang boses, parang kolehiyala. Magaling mang-akit sa telepono.

So medyo nag-init talaga ako. Ayan na, nagtatanggal na daw siya ng suot niya, gayahin ko daw. Tapos dinedescribe niya kung ano daw ang mga gagawin niya sa akin. Sabay halinghing. Shet, ang galing, talagang may tumayo sa akin. Kaya lang bigla siyang humirit..."Shet, nangingisay ako!"Ano daw?! Sabi ko sa sarili ko, tangina ang nangingisay diba mga epileptic lang yun. So yun yung naimagine ko. Sobra talaga akong natawa. As in ang lakas ng tawa ko. Parang biglang nawala ang libog sa katawan ko sa katatawa. Tinanong niya kung bakit daw ako tawa ng tawa. Di ko masagot kasi, hindi ako makahinga sa kakahalakhak.Ayun binagsakan ako ng telepono.

BAKIT DI AKO NAKIKIPAG-EYEBALL KUNG KANI-KANINO
May panahon sa buhay ko na medyo natuwa ako sa mga chatroom sa cable. Marami akong naging karanasan dun na gusto kong balik-balikan, pero meron din namang mangilan-ngilan na sobra talagang sablay.Wala akong trabaho nun at gising pa ng madaling araw. Meron ako nakitang isang magandang mensahe sa tv na nakakaaliw, at medyo nakakaturn on din. So tinext ko yung number niya. Nakakaaliw siya katext, kasi medyo pabibo pero in a way may pagkasophisticated.

So hiningi ko yung number niya sa bahay. At nang tawagan ko, namangha ako sa nakausap ko. Shet, ang ganda ng boses. Parang ang talino niya magsalita. Tsaka maiimagine mo talaga na maganda hitsura niya dun sa maririnig mo. Two days later, inaya niya ako sa apartment niya, kasi wala daw yung roommate niya.

Ako tong si boy libog, punta naman. Malapit lang naman sa amin. Bumaba ako sa harap ng bahay nila, at nang pagbuksan ako ng gate, nagulat ako dun sa humarap sa akin. Pota, ang ganda talaga ng boses niya. Nang magpaulan ang Diyos ng magagandang boses, nasa front and center siya. Pero nang magpaulan naman ang Panginoon ng iba pang magaganda sa mundo, umalis na siya.

Sabi ko shet, mapapasubo ako dito. Pero wala naman ako magagawa, andun na ako, binuksan na ang gate, tatalikod pa ba ako? So dun sa kwarto, wala na akong saplot, pero walang tumatayo. Tangina iniwan ako ng libog ko sa gate pa lang. Wala talaga, pinaglaruan na niya, tinikman, di talaga nagalit.After talaga ng limang minuto, hinugot ko't nagbihis ako."It's not going to work. Sorry." Sabay layas. Tyempo paglabas na paglabas ko ng gate, biglang umulan ng malakas. Tigang na nga ako, basang basa pa ng ulan.

BAKIT LAGI NA AKONG MAY BAON SA BAG KO
Peak ng pagkaadik ko sa chat sa tv, may nakilala akong matinong kachat. At dahil smart na ako nung mga panahon na yon, tiningnan ko muna sa friendster ang hitsura nito. Ayos. Panalo, at kahit papaano, eh nagustuhan din niya ako.Pareho kaming walang lugar na mapaglalaruan nung nagkita kami, so napagdesisyunan naming magpunta na lang sa Eurotel. Pumayag naman siya na maghati kami sa babayaran para sa 12 oras na pagstay namin dun.

So holding hands na kami, paakyat pa lang. Mararamdaman mo sa higpit ng pagpisil niya sa kamay ko na medyo nag-iinit na din siya. So pagpasok pa lang namin sa kwarto, walang anu ano eh torrid na halikan agad ang drama naming dalawa. Parang eksena sa pelikula. Aliw talaga, sabi ko sa sarili ko ngayon ko lang to magagawa. Shet, tapos nang makita namin yung channel list sa tabi ng kama, merong channel na puros bold lang ang palabas. Tangina game on!!!Ang haba ng foreplay naming dalawa. Halikan dito. Dilaan dun. Mapaghahalatang init na init kami sa isa't isa. Pero nung nasa kama na kami...

"You have protection?"

"Ano?" tanong ko.

"Condom?"

"Wala. Di na natin kelangan nun. Ilalabas ko na lang pag malapit na." sabi ko.

"No. I don't do it without protection."

Tangina!!! Hindi ako bumili. Wala akong dala. Tiningnan ko yung paligid namin wala. Tawagan ko daw reception, baka meron sila, sabi sakin. Sabi ko ayoko at nakakahiya. Eh tinatamad naman akong bumaba, at ayaw din naman niya.Para naman masulit ang binayad namin sa hotel, dun na lang kami pareho natulog. May unan sa pagitan naming dalawa.

**********
At sa repost na ito, opisyal kong tinatapos ang kakesohan at kaemohan ni Gillboard. Nakaquota na ako ngayong taon...

27 comments:

Alterjon said...

nakakangisay ang post na ito. haha, apir!
...
(kumpleto na naman ang araw ko!)

SOLTERO said...

uy me sexlife nmn pla sya hahhaa...RIOT 2ng post na to!

Photo Cache said...

may kamalasan ka din ano :D

sana swertehen ka sa mga susunod.

Stone-Cold Angel said...

Marami din ako nitong experiences kagaya nito... kwento ko na lang sa mga susunod na post ko.

galing ng post na ito! =)

Maldito said...

salamat sa post na to...lalagay ko to s checklist ko para perfect lage ang boom boom pow! ha ha ha....

shit....nakakahiya yung kay lola. as in.....hahahah

Chingoy said...

5 STARS ang Rating ko sa post na ito:

natawa ako sa "pangingisay" portion. naiimagine kong humahalakhak ka sa gitna sa SOP nyahhaah

Yj said...

some things we learn the hard way....

and some, the most ridiculously hilarious way....

ano daw.... (babatukan ako ni Dabo sabihin nun redundant nyahahahahahaha)

MarcoPaolo said...

nabasa ko na 'to dati... na-post mo na ito di ba? pero nangisay pa rin ako.. hahahaha!

Eternal Wanderer... said...

T
M
I

lolz

jayvie said...

hahahahaha!

lesson: ABC (Always Bring a Condom) lol

an_indecent_mind said...

ikaw ba yan boy libog?? ikaw na! nyahahaha!!

tingnan natin ang mga susunod na kabanata kung iiwan ka na ng mga followers mo o babahain ka ng mga tagabasa! tagaread ha hindi taga-wet?! bwahaha!

KATM said...

napadaan lang..

nakakatawa talga pagnakakarelate ka. haha.

I'll keep comin' back sa blog na 2 for sure.

DRAKE said...

Akala ko ba, wag maglalagay ng usaping sex sa blog kasi masyado kamong ineexpose natin ang sarili sa blog!hhehee! Joke lang

Hahhaa, daming adventure ah, pwera pa yung mga anak mo sa pader!hahaha!

At least kahit medyo olats sa lovelife eh panalo naman sa sex life!heheh

Ingat parekoy!

silentassasin said...

Sa lahat ng katatamaran mo eh yung pagbile pa ng condom,damn. Parang hinde ko ata kakayanin na walang mangyayari sa 12 hrs..kahit handjob lang.LOL

the donG said...

Para naman masulit ang binayad namin sa hotel, dun na lang kami pareho natulog. May unan sa pagitan naming dalawa.>> toink! hahaha....

roanne said...

ay ngayon ko lang ito nabasa... hehe

buti naman at iba na ang luto dito.. kasi palagi na lang ampalaya con carne =)

mejo hot and spicy na ngayon nyahahaha

No Benta said...

ang sarap balik-balikan ng mga kamunduhang ginawa sa past. enjoy mo yan parekoy habang single ka pa.

rudeboy said...

""nagtatanggal lang ako ng mga sinampay!"

Ah.

Aha.

AHAHAHAHAHAHAHHAHAAAAAAHAHAHAHHA!!!

Ollie said...

at si lola pa talaga ang may ganang mag explain sa kanyang apo - LOL -

mukhang dito sa site mo eh marami na akong makukuhang "tips"... di na ako pupunta sa site ni Margie Holmes.

glentot said...

Haha sexcapades gone wrong. Binasa ko talaga lahat hahaha.

The Reviewer said...

TMSI! Too much sexual info pero entertaining. dakila ka. eto na medalya mo nagniningning korteng *tooot*!

Jerick said...

na-miss ko blog mo. classic yung huli. hehehe.

aajao said...

hahahaha!!! natawa ako dun sa "nangingisay ako" wahahaha!!!

PS. dapat lagi kang may Frenzy para di na maulit yung last kwento mo sa post na ito. :D

Raft3r said...

may mga nate-turn on ba talaga sa SOP?
really?

iprovoked said...

Tambling ako sa pangingisay nung ka SOP mo! hahaha. This is really nice. You were able to write this in a very careful and sensible manner, plus the humor is really cool! I like it! :]

Anonymous said...

ang panget para ng pamagat,,,,dapat tol ehh KATAMARAN,,,

Daisyonly said...

Kakatuwa ka
Txt txt
09192339243