“Pabum naman isang stick?” tanong ni Kim sakin.
Nasa labas kami pareho. Kaming dalawa lang. Sa may garden kung saan kami’y napapaligiran ng mga makukulay na ilaw. Sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin.
“Sure,“ sagot ko. “Ayaw mo rin tumambay sa loob no?”
Tumawa si Kim. Nakakatuwa siyang tingnan pag tumatawa. Parang bata. Ang ganda ng kanyang ngiti, at ng kanyang mga mata. Nakakatunaw.
“Yeah. Na-OP ako sa loob, puros happy people. Parang di ako bagay. Hehehe” sagot niya.
Kasal ng aming katrabaho. Hindi naming siya kalapit, pero dahil galling sila sa angkan ng mga mayayaman, kaya nilang imbitahan lahat ng gusto nila. Hindi na ako tumanggi, kasi alam kong may mga kaibigang modelo ang aking katrabaho. Gusto ko rin siyempre makita yung kasal nila, at syempre, matikman na rin ang libreng pagkain. Buffet.
“You don’t look like a person na umiiwas sa mga masasayang bagay,” pambobola ko.
“Of course. When you’re miserable, di mo papahalata, diba?”
“Bakit ka naman miserable?”
“Well, hindi naman. I’m happy naman. I’m getting used to being single. In fact, I’m starting to enjoy it. It’s just siguro, I don’t want to see too many happy people muna.”
Naalala ko, kakahiwalay lang pala ni Kim, sa kanyang kasintahan mga ilang buwan ang nakakaraan. Walang dahilan, kung bakit sila naghiwalay. Napalayo lang siguro ang loob ng dating kasintahan. Pero ayaw ni Kim pag-usapan ang nakaraan.
“Gusto mo pa isang stick?” habang inaabot ang isang kaha ng yosi.
Kumuha siya ng isa, “thank you.”
Malinaw ang langit ngayong gabi. Kitang kita ang mga bituin.
Tumabi si Kim sa akin at tumingin din sa langit. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Siguro dahil matagal ko nang gusto si Kim. Siya ang bumubuo ng araw ko, ang una kong hinahanap pag dumarating ako sa opisina. Matagal ko na nga siyang kilala, pero ngayon lang kami nagkausap at nagkatabi. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.
Tinitigan ko ang mukha ni Kim habang siya’y nakatingin sa langit. Nakangiti siya, pero halata sa kanyang mata na siya’y hindi talaga masaya.
Gusto kong pawiin ang lungkot na nakikita ko kay Kim. Pwede kaya ? Pag niyakap ko ba siya, hahayaan niya lang ako ? Pag hinawakan ang kanyang kamay ? Kapag hinalikan ? Papalag kaya siya, o hahayaan niya ako ?
Ito lang ang aking pagkakataon.
Tatalon ako. Hayaan mo nang mahulog.
Ang mahalaga, sumubok ako.
Hinawakan ko ang kamay ni Kim.
“What the fuck, dude?!” sigaw ni Kim. Galit na galit. Namumula ang mukha. Mukhang handa makipagsapakan. “Bakla ka ba Gerard?! Tang ina! Sorry- but please stay away from me!”
“Oh my god, I’m so sorry bro. I don’t know what came over me. Shit, I’m sorry Kim.”
Tinulak ako ni Kim at iniwang mag-isa. Umuwi siyang hindi nagpapaalam sa bagong kasal.
Ano ang ginawa ko?
Fuck.
21 comments:
ang buhay ay weather weather lang... :P
oh akala ko si Kim Chu : D
naghugas ba kasi ng kamay bago humawak? germpaphobe siguro
Kalalaking tao pinangalanang Kim ng magulang hehehe parang yung kapitbahay ko lang...
"When you’re miserable, di mo papahalata, diba?”"
oo nga naman.
hulog! un ang nangyari. sinasabing huwag susubukan eh. :)
muntik ko ng di basahin kasi kala ko si kimerald tlga. kakadiri..
worth the read anyway. dapat mas naging agressive pa si gerald.. ;)
hindi naman yan si kuya kim no? 0_o
true story ba ito? :)
isa na naman to sa collection mo ng fiction ano?
Welkam back sa fiction stories mo..
Isa na namang kahindik hindik at kagila gilalas na kwento mula sa pagiisip ni gillboard..
Very common to di ba ? Kaibigan kaklase kaopisina.. Nangyayari talaga.. Lakasan lang siguro ng loob, esp sa third sex.. Pag di pumalag e di ok kaso pag pumalag gudlak! Lol
an_indecent_mind
ang kulit-kulit.. kala ko. kimerald.. lupit ng storyline... :D
grabe naman siya makapag react! homophobic ba? kaasar
Ampf. Akala ko naman si Kim Chiu. Si Pareng Kim pala. LOL
Natawa ako sa comment ni Chingoy. Sapul na sapul! Haha.
First time kong magko-comment pero lagi ako napapadaan dito..
Nagustuhan ko talaga sya,
esp ung line na:
"Tatalon ako. Hayaan mo nang mahulog.
Ang mahalaga, sumubok ako."
It was great
Sus! Akala ko si Kim Chiu! Talaga! PEro di ko nagets! ano bang punchline dun? IS this a serious post? damn this rusty brain.. lol
i saw it coming! yey :)
ayan ginulat mo si chyng. hahaha... mr kim.
ang galing ng twist.hehehe =)
kapamilya kaba?
nyahaha
btw, dalaw ka uli
inaayos ko na po ang english translation ko
hehe
ikaw talaga, oo
Actually, nageexpect ako ng bloopers sa dulo. Haha. Akala ko may gagawin kang nakakatawa. Lalaki pala si Kim? Akala ko babae. Nakakbilib ang twist. Naks. Sige! Ikaw na writer!
iikaw na writer..hehehe galing nman..natatamad ako gmawa na ng mga short stories... tips hehehe blis.
Post a Comment