Mga Sumasampalataya

Aug 12, 2010

BUSINESS AS USUAL

Bago magbalik sa Business As Usual si Gillboard, nais ko munang sabihin ito: "Sa lahat ng nagkumento, nagtext, nag e-mail, nag-ym sakin nitong mga nakalipas na araw, MARAMING SALAMAT sa inyong lahat.

Narealize ko lang yung bigat nung ginawa ko nang mabasa/marinig ko ang mga sinabi ninyo.

Di niyo alam kung gaano ninyo pinagaan ang loob ko sa words of encouragement at suporta na pinakita ninyo sa akin mapa-Gillboard man o Engel.

Thank you.

***************

Ang nanay ko masyado nang nahumaling sa Facebook, pati YM, tinatanong na niya sa akin.

Paano daw magbukas ng YM? Kasi gusto daw niyang makachat ang ilan niyang mga kaklase/ kamag-anak / ex sa internet.

Hindi ako sumasagot. Hindi ko siya pinapansin. Sigurado akong lalong hindi nun tatantanan ang PC kung mangyari yun.

Eh 10 years pa naman yun kung magtype. Nobela kasi yung kung magkwento. Multiple
wall post kung minsan lalo na kung magcomment sa picture. Nanalalaglag pa. Kakahiya!!!

Buti na lang talaga di kami friends.

(Tutal alam niyo na rin naman ang lahat, yung site na nabisita niya na pinapahanap niya nung nakaraan... ako yung unang nagbukas nun. hahaha)

Lagot ngalang ako kung binubuksan niya pati itong blog ko, dahil katabi lang nito yung facebook niya sa mga picture/link sa google chrome.

***************

Hay.

Ang saya magsulat.

23 comments:

Maldito said...

wala ba talagang titol??ahahaah..

this remind me to buy my mom a cp again...ahahy.

my-so-called-Quest said...

nababasa nya tong blog. hehe
sabi nila alam ng mga nanay natin ang takbo ng utak natin kahit wala tayong sabihin. :D

Photo Cache said...

kul na kul naman si mom mo. my tayp of mom :D

Null said...

I admire you courage... :)

chingoy, the great chef wannabe said...

para sa isang hinahangaan kong manunulat....

mabuhay ka GIBO! :)

The Gasoline Dude™ said...

Nung pumunta ang Nanay ko dito sa Singapore, nagpapaturo din kung paano mag-computer. Gusto daw niyang mag-Facebook. Ampf.

'Di ko tinuruan. LOL

caloy said...

ako nga din eh, every time na gumagamit ng pc si mama, gusto kong wasakin ang buhay niya. napakatagal kasi mag-type. yun pala, simpleng hi hello lang ang inilagay. hahaha!

Rah said...

Hehe, yung nanay ko din, nagpaturo sakin magfacebook, ngayon, addik na. pinapaalis ako sa computer kasi iuupdate daw niya profile niya. buti nalang hindi pa niya naddiscover ang farmville.

Anonymous said...

Ganyan din ang nanay ko noon. Ang hirap pa naman turuan ang mga may edad na.. makulit pa.. haha!

Welcome to the club of 28! Di ko alam kung sinung nauna sa atin.. pero ramdam ko na ngayon, as in, na di na ko talaga bata..

Good luck at sana maging follower mo si mum mo!nyahahaha!

cheers!

Shenanigans said...

tawa ako ng tawa habang binabasa ko tong blog mo.. nakakatuwa ang kyut!

ang kyut nio sigurong mag ina pag magkasama kayo.. haha!

pusangkalye said...

e kasi. bilhan mo na ng netbook si mama para wala nang competition---samahan mo na rin ng smart bro.lol

Oman said...

i agree, ibili na ng netbook si mama para techi mommy na :)

Anonymous said...

Ang swerte ko pala.. hindi pa natututong gumamit ng computer si nanay. Hahaha!

escape said...

nanay ko kaka open lang din. buti na lang may chat na rin sa facebook.

Unknown said...

ano fb ng mama mo at iadd ko sa fb ng nanay ko hahaha, buti pa sila may fb, ako wala.

awww business as usual na, namiss ko yung kakatapos lang na masalimuot na moment sa bahay mo although nag halukay naman ako sa archive mo...

Tama ba ang choice of word ko, "masalimuot" ^^

nabisita ko na yung bahay ni Engel , comment ako dun pag may latest post ka este si engel.

Anonymous said...

yung nanay ko marunong ng magfacebook haha. agree with everything. masarap talagang magsulat!

Raft3r said...

sabihin mo ke tita
i-like nya naman ang the deadbeat club sa fb
hehe

gillboard said...

denoy: sige, ako na maglike sa page mo pag binuksan ko ang fb ni mama... hehehe

prinsesamusang: yup. the best ang magsulat. hay.

ollie: wala namang masalimuot na kaganapan sa buhay ko. i'm good. salamat.

gillboard said...

dongho: ayun ang lagi niyang ginagawa. chat. so updated na siya sa lahat ng chismis sa buong angkan namin.

leah: buti ka pa... hehehe

lawstude: kahit di na. mahirap magturo gumamit ng computer. sakit sa ulo. hehehe

gillboard said...

anton: globe broadband kami. hehehe. wala ako pera pambili ng laptop. hehehe ulit.

shenanigans: cute talaga ako. hahaha. welcome to my blog!!!

dylan: uy welcome back!!! kelan balik mo ng pilipinas?

gillboard said...

rah: nanay ko nagtatanong ano daw yung mafia wars. ayoko sagutin!!!

caloy: ay sinabi mo!!! nakaligo nako't lahat, di pa rin niya nasesend yug message niya sa chat. ten years!!

gasul: good for you!! hahaha

gillboard said...

chingoy: salamat po. appreciate it! :)

roanne: hehe. thanks.

photocache: naku, kung magkukwento ako sa nanay ko, kulang ang isang blog.

gillboard said...

doc ced: malabong basahin niya to. para sa kanya, mahaba na mga post ko. hehehe

maldito: 2 beses ko na nakakalimutan maglagay ng title. ulyanin nako.. huhuhu