Ito na ang huling pagkakataon upang ako'y magsusulat tungkol sa aking isang personalidad. Bagamat nasabi ko ang totoo, wala pa ring magbabago sa mga post na malalathala dito.
Merong mga tanong bakit ko sinabi? Bakit ngayon? Sa totoo lang wala naman talagang dahilan kung bakit ko nilathala yung nabasa ninyo noong weekend. Kung nabasa ninyo ang post ko sa kabila, spontaneous lang. Sinusurpresa ang sarili. At para maging fair na rin sa lahat. Ang dami na rin namang nakakaalam.
Ngunit... bago pa man kayo makabuo ng opinyon ninyo tungkol sa akin, marami akong dapat klaruhin tungkol sa personalidad ko. Marami nang nakakita sa akin. Merong dahilan kaya laki nang gulat nilang malaman yung totoo.
Opo, gay ako pero...
HINDI AKO NAGSUSUOT NG DAMIT PAMBABAE
Ni minsan di ko pinangarap na maging babae ako. Di lahat ng bading eh pinapangarap maging babae. Ayos na akong ganito. At ni minsan di ko nakikita ang sarili ko sa loob ng pambabaeng damit. Kadiri kaya!!!
DI KO GUSTONG TINATAWAG NA 'GIRL' 'SIS' 'BADETTE' 'BAKLA'
Wala namang tumatawag sa akin ng ganyan. Di rin naman kasi ako kilos bading. At siguro isa na rin yung kokonti lang yung kaibigan kong ganun. Kaya walang tumatawag sakin na ganun. Di naman siguro magiging issue sa akin yun, di lang ako lilingon pag tinawag mo akong ganyan.
DI AKO MAINGAY
Inuulit ko, di ako yung tipo ng bading na makikita ninyo sa parlor. Di sa masama yung ganun, pero hindi lang ako ganun. Sa mga nakakilala na sa akin ng personal, tahimik talaga ako. Pinaninindigan ko yun. May pagkasilahis ako.
DI AKO NAKAKAINTINDI NG GAY LINGO
Bilang ang mga kaibigan ko na bading. At lumaki akong puros barako ang mga kaibigan ko kaya di ako masyadong exposed sa ganung lengwahe. Yung mga simple, naiintindihan ko naman. Pero pag tuluy-tuloy na, wala na. Suko ako. Kung di ako nakakaintindi, mas lalo naman hindi ako nakakapagsalita. Di natural na manggaling sakin ang mga salitang 'chos' o 'churva'. Di bagay.
Salamat pala at sa dami ng nagkumento at nagreact sa huling post ko eh marami pa rin ang rumerespeto.
23 comments:
Here's a piece of advice I could share now that you're out.
Sometimes you have to adjust to the people around you. I maybe a bodybuilder and all, but since I straddle different worlds, understanding lingo becomes a prerogative.
Nosebleed much? :P
OK lang 'yan. Brohug na lang. LOL
grabe naman kung dahil lang dun, dami na magrereact ng negative...
as for me, i like gay men... my big brother is one too...
and for that i'm happy for you...
kung san ka masaya suportahan taka.
I'm with you on the first two.
Item 3: Maingay ako, eh. Pero di ako tumitili. Humahalakhak lang nang malakas.
Item 4 : Nakakaintindi ako. Kelangan eh. Para alam mo kung ano pinaguusapan nila, malay mo ikaw na pala hehe.
i adore your honesty and with that, i salute you sir. :)
di ko man inamin to drectly pero sa pagbisita at pagkomento ko sa iba't ibang blog ay may mga hints sa pagiging gay 'ko...Just like you, im also not that screaming faggot type kaya mabibilang mo din ang mga gay friends ko.
Bagamat hati pa rin ang NOTION ng mga tao sa pagiging BAKLA, nakakatuwa pa ring isipin na may mangilan ngilan ding handa kang intindihin at tanggapin na walang bahid pag-aalinlangan.
..kaya't to you Gillboard, im so happy and very proud of you! :D
hanga ako sayo, kasi ako wala akong "balls" na harapin kung sino ako. i hope one day magkaroon ako ng guts na katulad mo to say who i am.
This has been the post I have been waiting to read from you Gillboard. I am happy to know that you are out too. I admire the way you define yourself.
Like what Mu[g]en said, "Sometimes you have to adjust to the people around you. I maybe a bodybuilder and all, but since I straddle different worlds, understanding lingo becomes a prerogative." Mas mainam na yong naiintindihan mo ang ganoong lenguahe. Malay mo, binibenta ka na pala.
Embracing you with big hugs,
Mico
Natutunan ko (now lang) na hindi pala lahat ng gay ay gustong maging babae.
Akala ko kasi palaging lahat ng gay gustong maging babae.
Anyway, mabuhay ka dahil nagpapakatotoo ka. Yon ang pinakaimportante. To each, his own. Different folks, different strokes. Just do what works for you will be happy.
happy para sayo si caloy. :)
Don't worry and whatever you're doing just keep it up.
Gillboard, natutuwa ako at nagpapakatotoo ka lang. I admire you for your honesty. Stay true to yourself and to the values that you believe in.
Idol kita girl! LOL, joke lang :) Mwah!
gillboard grows up INDEED
=)
nothing has changed. idol pa rin kita parekoy sa pagsusulat. blogenroll! \m/
so what if youre gay? Its the same Gillboard we used to read before..
but it takes a real man on what you did. mas may bayag kapa sa iba diyan.hahahahaa
maldito: hahaha. sino kaya tinamaan dyan sa sinabi mo? hehehe
nobenta: rakenrol!!! salamat parekoy.
raft3r: Denoy, salamat, kaw yung isa sa mga kaibigan kong blogger na vinavalue ko ang opinyon.
-=K=-: ang sarap itype ng name mo. hehehe. salamat 'girl'!!!
glentot: oo. sulat lang ng sulat.
caloy: ako'y pinadala sa mundong ito para pasayahin ka caloy. hehehe
rah: naku, mag-ikut ikot ka dyan sa blogworld, daming katulad ko. just have an open mind about people like us. salamat.
micoh: uy, welcome back sa blog ko, matagal-tagal din ikaw di nagparamdam. hehehe
maginoongbulakenyo: kaya mo yan. baby steps lang. bagamat maraming nakakaalam na kung ano talaga ako, marami pa rin ang di alam ang sikreto ko.
vonfire: kaya ako natutuwa, dahil nung sinulat ko ang post nung weekend, akala ko may magrereact ng di maganda. wala naman.
rianess: thank you. and welcome to my blog.
rudie: tungkol sa huling punto, mahirap matuto, kasi wala naman ako masyadong kilalang ganun magsalita.
bulakbulero: pldt? hehehe salamat!!!
ens: thanks ens.
gasul: salamat gasul.
mugen: well, for me to be able to do that, i think kelangan ko muna makakilala ng magaling magsalita ng ganun para matuto. puros barako mga kaibigan ko eh. hehehe
ang generic ng comment ni glen! sarap sapakin! hahaha!
all i can say is, i'll still read your blog! :)
remember: "at the end of the day, it doesn't matter if you're straight or not. what truly matters is, you are you and you're happy with it. :)"
Very true not all "gays" are the same. They should not stereotype it.
Post a Comment