Mga Sumasampalataya

Aug 26, 2010

BAKIT DI KO NAMIMISS ANG PAGIGING SINGLE

Kung mapapansin ninyo, medyo matagal tagal na rin akong hindi nagpapakakeso dito sa tahanan kong ito.

Meron man akong kasintahan ngayon, ay di ninyo mababasa dito ang aming mga misadventures.
Di yon dahil sa wala kaming ganun, meron naman, paminsan. Ngalang, syempre dahil medyo kakaiba ang set-up namin mas ninais ko itong isulat kung saan ang nakakabasa ay alam kong mas maiintindihan o makakarelate sa kalagayan namin.

Pero hindi tungkol samin ang post na ito. Gaya ng sabi ko, matagal na din akong hindi kumekeso dito.

Hindi ko namimiss ang pagiging single. At ito ang mga dahilan:

- Masarap gumising sa mga text na "i love you' at 'i miss you'
- Magaan sa loob na kapag di maganda ang araw mo may mahihingahan ka
- At pag maganda naman ang nangyari sayo'y may makukwentuhan ka
- Masarap ang may kayakap at kahawakan ng kamay
- Nag-aaway man kayo, mas masarap yung feeling pagkatapos ninyong magbati
- Nakakatuwang magplano
- Mas nakakatuwa pag natutupad ang mga ito
- Kahit minsan di kaaya-aya ang boses ng kasintahan mo, masarap pa ring pakinggan ang awit nito, dahil alam mong para sa'yo
- Meron kang kausap bago matulog, pagkagising
- Walang tatalo sa pakiramdam dahil alam mong mayroong nagmamahal sa'yo

Marami pang dahilan kung bakit di ko namimiss ang pagiging single. Andyan yung naiinggit sa inyo yung hanggang ngayon wala pang nakikilala (biro lang).

Hindi naman sa lahat ng araw ang isang relasyon ay puros 'rainbows and butterflies.' Minsan dadaan kayo sa mga pagsubok. Magkakapikunan. Magkakasawaan.Pero ang maganda dyan, pag mahalaga sa'yo ang isang tao, alam mong lahat yun ay lilipas din, at bukas paggising mo mahal mo pa rin ito.

Aaminin ko, minsan namimiss ko ang pagiging single.

Pero wala talagang tatalo pag may nagmamahal sa'yo.

38 comments:

casado said...

HALA nang inggit! ahahha... happy kami na happy ka! :)

Jepoy said...

happy din ako na happy ka :-D

baket nawala yung short story na napost mo kanina? Nabasa ko na kaya, hindi lang ako nakapag comment dahil may ineemail pa ko kanina tapos pag balik ko para mag comment naging Cheese balls entry na?! Heheheheh

Alter said...

Arrows fly! (stab!)

Hmph. Pakilabas nga diyan yung blender saka ampalaya.. :)

Kung sa'n ka masaya, suportahan 'ta ka! Kapit lang GB!

Super Jude said...

sige ikaw na ang inlove. hahaha
tamang mga panginggit!

Unknown said...

dapat bigyan mo ng nick or petname si "kasintahan" pag nababangit mo sya dito sa bahay mo... like sweet bugger, sugapuff, hunni, pumpkinbum, para mas makeso pa awwwww

eMPi said...

wow... goodluck sa inyong dalawa... kainggit naman!

Unni-gl4ze^_^ said...

napadaan dito~wow nice naman..korek masarap ang feeling kung may nagmamahal sau at mahal mo yung taong iyon..waahh parang gusto ko na ring lumablyf ng bonggang bongga ahaha...
goodluck sa nu ni gf mo~^_^

salbehe said...

Oo, naiinggit ako. Punyeta.

Lester David said...

Weeeeeee! 100% agree ako dito..wahahaha

"Minsan dadaan kayo sa mga pagsubok. Magkakapikunan. Magkakasawaan.Pero ang maganda dyan, pag mahalaga sa'yo ang isang tao, alam mong lahat yun ay lilipas din, at bukas paggising mo mahal mo pa rin ito.

:)

Madz said...

hindi ako yung isa sa mga naiinggit...LOL

wow mabuti naman nadadagdagan na ang mga lumalablayf sa earth...nababawasan na ang mga emo..wahahaha

Pamela said...

hindi ko din namimiss ang pagiging single....




dahil sawa nako sa status na ito....



hahaha.




maghihintay nalang, hanggang sa dumating ang itinakda ng tadhana. chos! :)

MaginoongBulakenyo said...

wow! mas higit pa sa keso 'to..hehehe
Love is in the air! potek bakit ako single na naman..bwahahaha

DRAKE said...

Kung ishoshort cut natin yung post mo ito lang yun

Bakit di ko namimiss ang pagiging single?

Dahil masarap ang may minamahal at nagmamahal sa iyo!

YUn yon!hehhe

Ingat

Niq said...

di ka nag-iisa. Di ko din namimiss ang pagiging single. kasawa na nga eh =p The best pa din pag inlove.ehehe

escape said...

yihaa! inspired pala. ramdam na ramdam.

Eben said...

ang keso keso naman!

an_indecent_mind said...

ayun o! may lumalablayp at nang iinggit sa mga myembro ng ampalaya group! hehehe!

goodluck and stay happy!

Null said...

masarap naman maging single e... madaming choices :) LOL!

am i sounding like ampalaya too?

gillboard said...

roanne: may punto ka naman. ayos lang yan, minsan kelangan din maging ampalaya, cycle lang yan. dadating araw, magiging maalat ka din.. kasi keso. hehehe

indecent mind: di ka naman siguro kasali dun sa group na yun? :P

eben: uy, it's been awhile eben. welcome back! kelan balik mo pinas?

gillboard said...

dongho: di naman masyado. ngayon lang naman kasi ulit ako nagpakakeso dito, yaan mo na. hehehe

niq: syempre. iba kasi ang may kilig.

drake: amen!!!

gillboard said...

maginoongbulakenyo: mukhang may ikukwento ka ah. hehehe

pamela: naku, sa ganda mong yan, di magtatagal, magiging keso ka na din. :)

hartlesschiq: balance lang. minsan kelangan kumeso, minsan umemo.

gillboard said...

nicos:s salamat. welcome to my blog.

selbehe: think positive lang. darating din yan.

unnigl4ze: ang hirap itype ng name mo. hehehe. welcome to my blog. wala akong gf. ;)

gillboard said...

marcopaolo: maraming salamat!!!

ollie: meron naman akong tawag sa kanya sa blog. "my kid." hehehe

superjude: welcome to my blog. :)

gillboard said...

alterjon: salamat. uy, minsan dumaan ka ng 17th floor, nang makilala ka. hehehe

jepoy: yung fiction na yun... ipost ko ulit sometime. tinago ko muna, kelangan ko muna magback to normal posting dito. hehehe

soltero: asus, kaw naman, dami mo nga admirer... mamimili ka na lang. masyado to. hehehe

The Gasoline Dude™ said...

Sana ma-maintain niyo ang ganyang stage sa relationship niyo. Kung mag-iba man eh sana for the better. Walang sawaan.

Anonymous said...

agree ako sa lahat, pero alam mo sa tagal kong *ehem* may kadouble eh hindi ko na natatandaan ang feeling ng single.

Chyng said...

major major cheesy! ♥

Anonymous said...

Keso pa rin.. but in a different aspect. Di na single eh..

DI ko rin namimiss ang pagiging single..;)

Anonymous said...

depressing naman basahin 'to.




mula sa isang bitter,
coldie


Hahaha!

kikilabotz said...

at dahil sa post mo na toh.ihanap mo ko ng gf!! yung mgnda!! hahaha.

Roni said...

tweeting this. :)
ako din NEVER kong mamimiss ang pagiging single. ayoko nga! hahaha!

Raft3r said...

nyahaha
sige na nga
=P

Biyaheng Pinoy said...

Todong "open yourself up" movement ito ha. :)

paperdoll said...

haha.. buti na lang sanay ako kahit wala ang mga yan... di nmn kailangan mamiss ang pagiging single kahit taken ka na eh.. syempre kailangan din na may space kayo para sa sarili nmn ninyo.. sa mga ganung oras pwede ka maging single.. may point ba ko gil? haha.. good luck.. mabigat man sa loob ko eh magiging masaya ako para sa mga taong kagaya mong nasa cloud9...;)

Photo Cache said...

amen sa lahat ng punto mo.

Shenanigans said...

congrats! best wishes.. haha!

Kunwaring Writer said...

May mga tao talagang ipinanganak para lang magpasaya sa tin...

Klet Makulet said...

Di nakakamiss ang pagiging single kasi masarap yung kahit mali ka (lalo na sa away nyo) pero nagiging tama kasi mahal ka nya.