Mga Sumasampalataya

Jun 9, 2010

SAKALAN

reNaranasan mo na bang masakal? Hindi ka makahinga. Nasasaktan. Nanghihina. Pakiramdam mo, mamamatay ka na (actually mamamatay ka talaga). Ang hirap diba?

Sa isang relasyon, nararamdaman din natin yan, paminsan. Nasasakal. Hindi makahinga. Nasasaktan. Nanghihina. Pakiramdam mo mamamatay ka na. Pero bakit, masasaktan kung ang ginagawa lang naman ng kapares mo ay ang mahalin ka?

Kung minamahal tayo, bakit natin nararamdaman na tayo'y nakakulong, na tayo'y hindi makagalaw, hindi makahinga? Kung hindi naman nakakasama sa atin ang ginagawa nila, bakit tayo nasasakal?

Mali ba yun? Nagiging unfair ba tayo kapag nararamdaman natin yun? Nagiging madamot? Iniisip ang sarili? Naghahanap ng growth? O marahil hindi lang talaga para sa atin yung ating kapiling kaya natin nararanasan iyon? Kasi diba dapat pag nakilala mo na siya eh kumpleto ka na?

Ang dami kong tanong. Hindi ko naman nararamdaman iyon.

**********
Hindi ako nasasakal o nananakal ngayon. Naisip ko lang yung mga nakaraan kong relasyon. Kasi ilang beses nasabi ko na yun ang dahilan kaya natapos ang aming pagsasama.

21 comments:

Alter said...

hmm. simpleng volleyball routine lang yan eh.

give and take; mine or yours. ;)

Jepoy said...

ako gusto ko sinasakal ako per sa bandang babae, joke!

Uhhhm matutu nalang tayo sa pelikulang one more chance, feeling ni basha na sasakal na sya tapos nung nawala sa kanya na kita nya yung importance ni Popoy. Pero ang buhay ay hindi naman Pelikula kaya dapat lang siguro eh malawak na pang unawa ang open communication para walang sakalan. Yun lang naman ang aking two cents.

Parang blog ko na 'to. LOL

citybuoy said...

interesting.. i think ang sagwa lang talaga ng feeling ng sinasakal but if u try to analyze it, mostly galing siya sa insecurity. insecure siya na mawawala ka, kaya ka niya hihigpitan. sabi nga nila, baka matauhan pa 'yan. hehe wala lang.

casado said...

nakaksakal tlaga pag lahat ng galaw dapat nakareport ka sa kanya, kapag di ka nakatawag o nakatext, magtatampo, kapag laging gus2 nya sya ksama mo sa lakad..haysst...di ka nga makakahinga..kelangan ng espasyo :P

kikilabotz said...

cguro kapag pumasok k sa isang relasyon kasama n s obligasyon mo yung magpasakal..tama b? haha

Unknown said...

nasakal literally?...yeah (epal kasi e) pero sa relasyon hindi pa naman! :D

Photo Cache said...

sa gaganda ng mga posts mo about your past, nagtataka tuloy ako kung gaano karami yang past na yan :)

red the mod said...

Because we need to grow too as individuals, to progress and evolve. So we're better equipped and grounded to handle the relationship. It would be unfair to both of the partners if either had their lives precesing around the other. Growth as people, and thus growth as a couple.

This, I think, is something we all must learn. Either the hard or the easy way.

pmm012 said...

mukhang malalim ang pinaghugutan ng mga sinasabi dude..

ellehciren said...

pa comment na nga rin po... hayz, yan ang dahilan bakit ako nawalan ng bf, hehehe... nasakal daw sya... masama bang magtanong kung nasan sya? kung kumain na sya? nagtatanong lang naman e... siguro mas maganda kung sabihin na lang nya kesa magtanong ako... mejo demanding nga siguro ako... pero ano magagawa ko loves ko sya e... hayz uli

tampers said...

hindi talaga advisable ang sakalan na yan. nakakasira minsan ng relationship. tama sabi ni jepoy, matuto tayo sa pelikulang one more chance.

jayvie said...

insecure at immature ang mga sakalero. sorry sa matatamaan. hehe.

mukhang series ito ah. joe d' mango, is that you? :p

an_indecent_mind said...

minsan sa isang relasyon, eto ang itinuturo nating dahilan ng hiwalayan, "nakakasakal na"..

masarap sa una na may nagbabawal sa atin na gawin ang mga bagay na nakasayan na.. pero dumadating ang punto na masyado nang maraming bawal, at tingin natin nawawala na ang ating identity..

realisasyon, kung alam mo naman na ganun ang mangyayari sa huli bakit pa rin natin pinipili ang desisyon na magpasakal?

rudeboy said...

Kasal.
Sakal.
Lakas.
Kalas.


Fascinating how changing the arrangement can make the same letters mean vastly different yet oddly-related things.

Pordoy Palaboy said...

by nature, girls are smothering.. hate it too.

NoBenta said...

naranasan ko na yung ganyang situation. first and last ko yun sa ex ko bago ako magpakasal. ang hirap ng ganun dahil parang nakakulong ka nga. dictated ang lahat ng gagawin mo.

isang araw, nagising ako sa katotohanan. noong sinabi niya na iiwanan niya ako kapag 'di ako pumunta sa kanila, nakipag-break ako kaagad. through SMS lang. para maramdaman niya yung ginagawa niya. siyempre hinabol niya ako (kapal) pero it's too late dahil napagdesisyunan kong bumalik sa gf ko dati na asawa ko na ngayon!

Stone-Cold Angel said...

communication and give and take and kailangan sa ganitong sitwasyon.

Nice post! =)

Oman said...

sakal, lakas, kasal, sakla, aklas :)

Sendo said...

sakal, lakas, kasal, sakla, aklas, kalas. bad trip hehe/ ayun. maghanap ng hindi nananakal hehe

Null said...

compromise...

yan ang kinalimutan ng dalawang nagmamahalan kaya humahantong sa sakalan...

trust...

ito ang nabasag, kaya bumigay ang pader ng pag-ibig...

Raft3r said...

Hehe
madalas akong masaka
Kaya ayoko ng commitment
hehe